Ang sarap ng feeling nang alam mong nasa iisang lugar, iisang building, iisang parte ng building kayo -- ikaw at yung mahal mo. Feeling mo secured ka, feeling mo safe ka, feeling mo at peace ka.
Ganun nararamdaman ko ngayon. Masaya. Safe. Peaceful. Pero malungkot. Masakit. Puno ng questions yung mind ko. Madaming tao ang tingin sa akin is matapang, kaya ang lahat, strong-willed, pero sa totoo lang, deep within me, ang dami ko pa ring “insecurities.” Kinukwestyon ko pa rin kung bakit ako hindi naging enough para sa taong mahal na mahal ko, kung bakit hindi niya magawang piiliin ako, kung bakit hindi man lang sumasagi sa isip niya na piliin ako. Ang sakit sakit pa rin, SOBRA! As in PTANGINA na klase ng sakit pero x1,000,000.
Tuwing kasama ko siya, masaya ako, sobra!!!! Yung saya na gusto mong huminto ang oras tapos magkaroon ng lockdown tas magkasama kami, tipong di kami pwede paghiwalayin. Yung ganun ba. Pero at the same time, nadudurog rin puso ko dahil kahit magkasama kami, alam kong hindi ako yung laman ng puso niya. :’( Sakit bes! Sobrang tnginang sakit! :(( Lamo ba hanggang ngayon wini-wish ko na sana hindi na lang ako nabuhay nung Feb 18, 2020, nung araw na ni-rush nila ako sa ER dahil nagkaroon ako ng “heart attack.” Sana kinuha na lang ako ni Lord (or ni satanas) -- basta kung sino man sa kanila. Dahil when I’m with him, it’s like heaven and hell at the same time -- beautifully painful.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya. Pero natatakot akong ma-reject. Natatakot akong ma-busted. Natatakot ako na pag nagsabi ako, baka ikasira pa ng friendship namin. Eh yun na nga lang natitira. :(( So. Ito ako. Quiet na lang. Nasa pwesto ko dito sa isang sulok. Magta-trabaho. Magpipigil ng damdamin. Ngingiti kapag tinawag. Magmamahal kahit nasasaktan. Isipin ko na lang na darating rin yung araw na pipiliin niya ako. Kapit lang. Kahit masakit, KAPIT LANG.








