“KABALINTUNAAN NG REALIDAD?”
Ano ba ang Realidad? ano nga ba ang katotohanan? Ganito kasi yun hindi lahat ng pinapangarap mo makukuha mo. hindi lahat ng inaasahan mo ay dumadating. hindi lahat ng inakala mo ay totoo kagaya ng pag-ibig akala mo meron pero wala pala, akala mo maganda na ang storya hindi pala, akala mo totoo pero panakip butas ka lang pala, Yan ang realidad ng buhay ang saklap noh?. Mapa Artista ka pa kagaya ng ALDUB AT PASTILLAS kahit may nagmamahal sa kanila meron paring mga taong sumisira sa relasyon na mayroon sila, yan ang realidad walang taong sisirain ka. Isang kabalintunaan ng katotohanan ay ang kung ano ang tunay ay sa parehong oras na hindi rin tunay; ang bawat isa sa atin ay lumilikha ng sariling pananaw ukol sa katotohanan at realidad, pananaw na naiiba sa realidad na mayroon tayo ngayon. Sa mundo natin may ibat-ibang tao, kahit ikaw na ang nagpakabait at nagparaya ikaw parin ang nagmumukhang masama. Kung ikaw ay nagtagumpay hihilahin ka parin nila pababa. kung ikaw na naging matapat sa kanila ikaw pa ang masasaktan, Kahit ilang taon mong pinagipunan at minahal ang isang bagay sa isang iglap mawawala rin ito, sa isang iglap nawala na sayo ang taong pinakamamahal mo. Ganito kalupit at magulo ang mundong tinitirhan natin at lahat ng iyan ay hindi kathang-isip lamang kundi ang katotohanan. Paano mo ba madaig at mapaglabanan ang mundong ito? Paano mo makukuha ang kasiyahang karapat-dapat sa iyo?
1,) Magpakatotoo ka- Kahit anong gawin mo huhusgahan ka parin nila mabuti ng magpakabait at magpakatotoo ka.
2.) Gawing realidad ang pinapangarap mo- gumawa ka ng hakbang upang makamit ito dahil sayang ang buhay na ibinigay ng Diyos sa iyo. wag kang tumunganga jan.
3.)”Take the oppurtunity”- ibinigay sayo ang buhay na ito dahil may rason at dahil kaya mo to. huwag mong palampasin ang mga tsansa dumadating sa buhay mo dahil nasa huli ang pagsisi kaya palaging isipin na ang buhay ay “weather weather lang”
Ilan lang yan sa mga payong masasabi ko dahil ikaw lang ang makapag desisyon sa klase ng realidad na mukukuha mo. Ikaw ang mismong huhubog nito.Entehada!! (Bullshit) Para kayong naniniwala sa pag-ibig na parang puta sabi pa nga ni Heneral Luna kaya gumising kayo sa realidad ng buhay at wag natin sayangin ang oras at wag palampasin ang oppurtunidad dahil ang mundo ay masasabing “Kabalintunaan ng REALIDAD”
akua sad lan! hahahahaa








