#WhatsOnMyMind: Exhausted - Part 1
Madaming categories kung bakit ko nasabing “exhausted” na ako.
Its official: Our Project Manager and Senior Developer resigned.
Multi-tasking on projects
Lacking of technical knowledge
Sobrang daming nangyari sa buong linggo. Bukod sa pinoproblema mo yung project na nakaassign sayo, pinoproblema mo din yung mga bagay na hindi na dapat problemahin, tulad ng office rules, people, self at environment.
Pero syempre, gusto kong sabihin lahat lahat ng nasa utak ko para di ko na sya isipin ng paulit ulit. Unahin ko ang item #1:
Its official: Our Project Manager and Senior Developer resigned.
She doesn’t see her value at the office at di din nya nakukuha yung gusto nyang gawin as PM.
He receives an offer from his previous employer at hindi din nya gusto kung anong nangyayare sa current work
We are lacking leaders and mentors. Dependent ako kay PM (which is why I cried so hard nung narealize ko na aalis na talaga sya. Late nagsink in) at eye-opener si SD.
May tapang si PM to tell what she needs to say. She helps out teams that are in need. At sya din ang nagiging voice ko kapag umuurong ang dila ko. Lahat ginagawa nya. She knows how to back us up. She knows how to limit and i-push ang team to do better. Nung nagsink in na sakin na aalis na sya, the question na nagpop-up sakin
tunog mamamatay na yung tao * knock on wood * salbahe. pero seryoso, di ko alam kung paano na ko. Until magsnap out yung thought nung maparealize sakin ng isang friend na nanjan pa din sila for me, and for the team. Parang bff ko na kasi si PM kaya parang sya yung leader/besty/sister ko sa office. All the kalokohan at mga may sense na stuff, game sya.
Before her last day, dami ko din nalaman kung paano umiikot ang project. Basta madami, to the point na parang natatakot na din ako para sa sarili ko. She encourages me, pero iba pa din yung feeling. And since next week, she’s officially exited the office, di ko na alam kung paanong kilos ang gagawin ko. At kung may tapang ba kong harapin lahat
Isang beses nagla-lunch ako mag-isa sa tapat ng office, nakita ako ni SD at naka-smile syang nilapitan ako,
“Kamusta madam? Bat mag-isa ka lang dito”
“Nagmamadali lang maglunch, dami ko kasing ginagawa”
“Ganun? Ano ba mga ginagawa mo?”
* me telling him a bunch of tasks to do *
“lahat ba yan priority? kasi wala ka nang life.. di dapat ganyan. Itanong mo sa kanila kung anong dapat unahin. Dapat chill lang..”
His words are simple. Na-take ko naman mga suggestions nya pero syempre tuloy pa din ang trabaho.
Di lang dun natapos ang usap namin ni SD. Nakasama ko sya sa isang project, at hiyang hiya ako sa kanya everytime na need nya ng update sakin pero hindi ko magawa dahil sa dami ng task ko
Nagkachance ulit na magkausap kami. Same scenario ulit. Nasabi ko na lang bigla sa kanya na “sorry, hindi ko magawa yung pinapagawa mo, walang time” then he said, “hindi madam, hindi sa wala kang time, MADAMI kang time pero walang nagmaMANAGE ng oras para sayo.”
Sa dami ng usap namin, ang tumatak lang sakin ay yung sinabi nya na “Hindi mo ba napapansin na parang paulit ulit na yung nangyayare sayo, na nasa isang infinite loop ka na tanggap ka ng tanggap ng task tapos hindi mo natatapos on time? Minsan ba naisip mong may mali at ginawan mo ng action?”
Madaming nagsasabi na nun sakin pero hindi ko alam bakit sa kanya lang ako nakinig talaga. Something must be done kumbaga. Bakit ko nga ba hinahayaan ang sarili ko na ganito ang gawin sakin, at gawin ko sa sarili ko?
Ang daming eye-opener quotes na galing sa kanya, sa experiences nya. May mga ka-team sya na nalungkot sa pagresign nya then nabrought up nya na
lahat ng tao dito hindi kailangan ng boss. Ang kailangan nila, mentor. Yung maggguide kagaya ng ginagawa ko sa kanila. Mas naging solid yung development skills nila kasi tinutulungan natin sila maggrow
Nanlumo ako. totoo ang sinabi nya. Hindi ko pa kayang magmentor. Ang kailangan ko ay katulad nya para alam ko din kung paano maging mentor sa iba.
Pero dahil sa sunod sunod na pangyayari, gusto kong magsimula ulit