"I'm not a writer yet. I'm still just trying to write fiction." -Tengo Kawana, 1Q85
Xie is a fan of a variety of music genre, nude art, monochrome images, Japanese culture, Philippine history and vintage stuff.
When one speaks of love and relationship, it's not always in chronological order. Sometimes, it starts with A and ends with Z.
Kahibangan, n.
: Yung ginawan kita ng lexicon ng mga alaala na may halong pangungumpisal tapos ipapadala ko sa LBC kapag hindi kita kinayang harapin dahil (minsan) shy-type ako
: ATBP.
Language: Taglish
Status: Completed
{click below for preview}
Ang Lexicon ni Alexi para kay Alex
noun
: Ang talahulugan ng kahibangan ni Alexi kay Alex
Hindi laging nag-uumpisa ang mga alaala mo sa "Hi" at mauuwi sa "Ano na ba talaga tayo?"; Nandyan ang mga salita na bigla na lang sumusulpot sa isipan ko na maghahatak pa ng mga kasama hanggang sa dumami na sila- and the next thing I knew, nakabuo na pala ako ng talahulugan ng kahibangan ko sa'yo.
Will Pat and Miho's encounter lead to the fulfillment of a promise that was broken in the 19th century?-or shall their past lives still dictate their destiny to remain as star-crossed lovers until the present time?
May separation anxiety ako sa fic na ito na tila ayaw ko ng tapusin. *hikbi* Aminado ako na akala ko hindi ko na matatapos ito dahil kinakain na naman ako ng kadiliman sa kalagitnaan ng pagsusulat nuong mga nakaraang buwan- pero natapos ko rin, sa awa ng Diyos.
Isa akong hypocrite kung tatawagin ko ang sarili ko na maka-bayan, pero ang isa sa pinangarap ko ay maihalo ang mga nationalistic views (na hindi specifically, sa akin) sa isang romance fic kaya ko rin nabuo ang ‘Ikaw na ang Huli’. (Maliban pa sa gusto ko ang concept ng time travel and fate/destiny) Sa mga walang sawang nagbasa, nag-comment (na source of enjoyment kong basahin), nag-vote at naglagay sa kwentong ito sa kanilang reading list: MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! Naka-dedicate ang storyang ito para sa inyo. Sa Anon na nag-message sakin kung pwede ko itong i-post sa tumblr, maraming salamat rin! Sa mga na-turn off (lalo na sa ‘relevant’ na rated SPG chapter) at sa mga hindi tinapos basahin ang kwento dahil nabagot na o napangitan, maraming salamat parin sa inyong panahon na sulyapan ang ilang parte ng aking gawa.
Ito ang kauna-unahang kwento na sineryoso kong tapusin at pinaglaanan ng maraming oras para sa pagsasaliksik. Napa-research ako mula sa kanyang paboritong pagkain at awitin, hanggang sa iba pang mga mas importanteng detalye na kinailangan ko para mas mabuhay ang tunay na karakter ni Del Pilar. (At ang kinalabasan ay maaaring exaggerated version niya) Hinalo ko ang mga facts sa hindi, kaya kung naguluhan kayo at may katanungan ukol sa mga pinagsasabi ko, feel free na i-contact ako. Hindi ako historian kaya mas malaki ang possibility na maaaring may nabanggit ako na mali na baka ikagalit ng mga History Nazi.
Gusto ko pang maghayag ng feelings ko tungkol sa pagsusulat ng fic na ito, ngunit hanggang dito na lamang at baka kailanganin pa ng ikalawang part ang afterword na ito kapag di pa ako tumigil.
Oras na para sa editing stage! (Kung may oras lamang at hindi ako topakin na maging masyadong ambisyosa para umpisahan ang GDP ABC project (inspired by Rizal A-Z ni Gregorio Zaide) na aking binabalak. Kung willing kayong maumay kay Heneral Goyo, welcome na welcome kayong samahan ako uli sa susunod.)
Mga ilang paglilinaw:
1. Ang 'Sa Dakong Sikatan’ ay hindi raw sinulat ni Gat Jose Rizal ayon sa librong Rizal: Makata ni Virgilio Almario, ngunit dahil ang pagsaliksik ni Miho (para ma-tugtog ito para kay Goyong) ay ginawa niya sa internet, sinabi niya sa audience na tula raw ito ni Rizal.
2. Ang pagkamatay ni Goyong sa kwentong ito ay halong version based sa sinabi ni Col. Enriquez at ni Telesforo Carrasco. (At hinaluan ng aking imahinasyon)
3. Ang malaking parte ng kwento ukol kay Poleng ay imbento lamang sapagkat habambuhay na ata mananatiling misteryo ang kanyang tunay na pagkatao.
CREDITS:
•T.M. Kalaw’s “An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General”
•"The Romantic General" by Nancy T. Lu (The Sunday Times Magazine, June 22, 1969) -Mula sa research ni @9ri ukol kay Poleng
• Nick Joaquin’s “A Question of Heroes”
•Filipiknow website
•History with Lourd
•FV - na siyang nagbigay ng importanteng komento nuong naka-draft pa lamang ang fic na ito
•JC - na siyang nag-check ng aking Tagalog translation ng 'Cai Hong’
•Wikipedia
• Mr. Balagtas ng Plaridel Shrine
• Mr. Jacinto Enriquez
MUSIC PLAYLIST (Mga nabanggit/naka-embed sa mga kabanata):
•Joselinang Baliaug
•Ikaw lang ang mahal ko - Asin
•Luna - Up Dharma Down
•Cai Hong - Jay Chou
•Himig ng Pag-ibig - Asin
•Ang Bayan Ko
•Sa Dakong Sikatan - Grace Nono
•Bawat Daan - Ebe Dancel
•Paglisan (mula sa pelikulang “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”)
ANON! Kung sino ka man at kung saan ka man naroroon, maraming salamat po sa inyong sinabi at sa inyong oras sa pagbasa ng Ikaw na ang Huli! Magsisilbing inspirasyon ang iyong kumento sa akin sa pagsulat ko ng Part 2 nito. <3
Random musings on the upcoming GDP movie (not in chronological order; ongoing)
• More intense PUNYETA than the previous ‘Punyeta asan na ang mga dagdag na kawal?’ line
• Some Luna and Goyong talk
• Tita and Deodato Arellano
• Poor little Goyong eating meat pies (I want to see this)
• Goyong namimigay ng pamphlets sa simbahan
• Selling kakanin as a young boy
• Houseboy
• Young Goyong vs Tito Marcelo duel – arnis
• Goyong in Ateneo -mathinik
• Poleng
• Tips ni Poleng kung paano iwasang mahulog sa bitag ng karisma ng Heneral
• Maiinggit kami sa lakas ni Poleng
• Yung nanay ni Poleng na susulatan niya ng “Why you gotta be so rude / Don´t you know I’m human too”
• Goyong’s loyalty be like Kuroshitsuji’s Sebastian pagdating kay Miong
• Idol Matanglawin at siya naman naging si Aguila
• Cross-dressing sa Paombong raid
• BAE-utiful Goyong na naka-damit pangbabae
• Quinga
• Battle of Calumpit – The Bagbag railway bridge – suspense scene
• Kakarong de Sili
• Ang pag-design niya ng flag
• Nakasakay sa WHITE horse
• “Where General Del Pilar commands, you do not command!” to Gen. Torres
• Yung gold sa ipin at braces(?)
• Bumili siya ng Ponds sa HK para maachieve ang pinkish skin
• Biak-na-bato
• Goyong’s love for his family and nostalgic moments associated duon
• Sending Paz yung picture from HK with dedication
• Pablo and Goyong’s talk in Dagupan – to tell his family to consider him dead and he do not expect to survive much longer, etc. – all these premonition shits
• His relationship with Miong’s sister and that playing with the sing-sing moment
• Pista dito, pista duon. #fiestapamore
• Parade scenes, Goyong in his super neat khaki uniform and nice boots, showing-off– confidence be like 200%
• Girls in baro’t saya fan-girling
• Nalaglag un saya nila at panty
• Audience fan-girling
• Me fan-girling
• Two-timing(?)
• Those love letters! LOVE LETTERS OMFG P.DIOS!
• Si Goyong at ang napakarami niyang babae - Sa halos lahat ng lugar punyeta
• Dolores and his plan of marrying her
• Bernal torture
• Del Pilar swimming sa river at muntik mabaril ng mga gwardya
• Ninerbyos siya pero cute pa din siya
• Bakit kasi kinalimutan niya na inutos niyang barilin nila kahit sinong lumangoy sa river na yun
• Bakit semi-comedy naiisip ko
• Sexy kaya siya lumangoy
• Ano kayang suot niya nun
• Ang iba’t ibang carelessness and recklessness ni Heneral
• Heneral and the tall cogon grass
• Curiousity killed the cat
• The Americans removing his clothes, leaving him (almost) naked
• Natira na lang ang underwear
• Bench fashion shoot x nakakaiyak na scene
• Sasabog ang obaryo ng mga babaeng audience
• Miong’s sister crying and praying kung saang spot siya namatay
• Audience cries because of his death
• Me, crying the second time since Romnick’s death in the 1997 ver. Putris
• The famous Dolores hanky
• Del Pilar’s death: I think they will follow the version of Enriquez.
• Assuming ako. Masama mag-assume. Masakit umasa.
• Di ako mapakali kaninong version gagamitin nila
• BAE pa din siya ng namatay
• Nagtakip siya ng mukha, para kaya di tamaan ang asset niya?
• Di na ko makaka-getover. Gawa uli kayo ng remake pag lola na ako, please.
• Audience be like 'P.ina, badass niya bwakanangshit!’ after watching the movie
• 'Minsan gago, minsan mabait, parating gwapo’
• Romantiko to the highest level; di na po namin kakayanin
• He made love openly
• Punyeta, pano yun
• Pero pano kasi yung iiwan siyang almost naked
• Yun talaga pinproblema ko
• Yung abs ni Paulo Avelino, pakitakpan
May separation anxiety ako sa fic na ito na tila ayaw ko ng tapusin. *hikbi* Aminado ako na akala ko hindi ko na matatapos ito dahil kinakain na naman ako ng kadiliman sa kalagitnaan ng pagsusulat nuong mga nakaraang buwan- pero natapos ko rin, sa awa ng Diyos.
Isa akong hypocrite kung tatawagin ko ang sarili ko na maka-bayan, pero ang isa sa pinangarap ko ay maihalo ang mga nationalistic views (na hindi specifically, sa akin) sa isang romance fic kaya ko rin nabuo ang 'Ikaw na ang Huli'. (Maliban pa sa gusto ko ang concept ng time travel and fate/destiny) Sa mga walang sawang nagbasa, nag-comment (na source of enjoyment kong basahin), nag-vote at naglagay sa kwentong ito sa kanilang reading list: MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! Naka-dedicate ang storyang ito para sa inyo. Sa Anon na nag-message sakin kung pwede ko itong i-post sa tumblr, maraming salamat rin! Sa mga na-turn off (lalo na sa 'relevant' na rated SPG chapter) at sa mga hindi tinapos basahin ang kwento dahil nabagot na o napangitan, maraming salamat parin sa inyong panahon na sulyapan ang ilang parte ng aking gawa.
Ito ang kauna-unahang kwento na sineryoso kong tapusin at pinaglaanan ng maraming oras para sa pagsasaliksik. Napa-research ako mula sa kanyang paboritong pagkain at awitin, hanggang sa iba pang mga mas importanteng detalye na kinailangan ko para mas mabuhay ang tunay na karakter ni Del Pilar. (At ang kinalabasan ay maaaring exaggerated version niya) Hinalo ko ang mga facts sa hindi, kaya kung naguluhan kayo at may katanungan ukol sa mga pinagsasabi ko, feel free na i-contact ako. Hindi ako historian kaya mas malaki ang possibility na maaaring may nabanggit ako na mali na baka ikagalit ng mga History Nazi.
Gusto ko pang maghayag ng feelings ko tungkol sa pagsusulat ng fic na ito, ngunit hanggang dito na lamang at baka kailanganin pa ng ikalawang part ang afterword na ito kapag di pa ako tumigil.
Oras na para sa editing stage! (Kung may oras lamang at hindi ako topakin na maging masyadong ambisyosa para umpisahan ang GDP ABC project (inspired by Rizal A-Z ni Gregorio Zaide) na aking binabalak. Kung willing kayong maumay kay Heneral Goyo, welcome na welcome kayong samahan ako uli sa susunod.)
Mga ilang paglilinaw:
1. Ang 'Sa Dakong Sikatan' ay hindi raw sinulat ni Gat Jose Rizal ayon sa librong Rizal: Makata ni Virgilio Almario, ngunit dahil ang pagsaliksik ni Miho (para ma-tugtog ito para kay Goyong) ay ginawa niya sa internet, sinabi niya sa audience na tula raw ito ni Rizal.
2. Ang pagkamatay ni Goyong sa kwentong ito ay halong version based sa sinabi ni Col. Enriquez at ni Telesforo Carrasco. (At hinaluan ng aking imahinasyon)
3. Ang malaking parte ng kwento ukol kay Poleng ay imbento lamang sapagkat habambuhay na ata mananatiling misteryo ang kanyang tunay na pagkatao.
CREDITS:
•T.M. Kalaw's "An Acceptable Holocaust: Life and Death of a Boy-General"
•"The Romantic General" by Nancy T. Lu (The Sunday Times Magazine, June 22, 1969) -Mula sa research ni @9ri ukol kay Poleng
• Nick Joaquin's "A Question of Heroes"
•Filipiknow website
•History with Lourd
•FV - na siyang nagbigay ng importanteng komento nuong naka-draft pa lamang ang fic na ito
•JC - na siyang nag-check ng aking Tagalog translation ng 'Cai Hong'
•Wikipedia
• Mr. Balagtas ng Plaridel Shrine
• Mr. Jacinto Enriquez
MUSIC PLAYLIST (Mga nabanggit/naka-embed sa mga kabanata):
•Joselinang Baliaug
•Ikaw lang ang mahal ko - Asin
•Luna - Up Dharma Down
•Cai Hong - Jay Chou
•Himig ng Pag-ibig - Asin
•Ang Bayan Ko
•Sa Dakong Sikatan - Grace Nono
•Bawat Daan - Ebe Dancel
•Paglisan (mula sa pelikulang "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa")
Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang savory smell ng bacon pati ang feeling na mabibiyak na ang ulo ko sa sakit. Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang pakiramdam at bigla kong na-realize na wala ako sa sariling apartment. White walls, white curtains, wooden tables and chairs, black cabinet & wood flooring-- Kaninong kwarto to?
Napadpad ang tingin ko sa cream-colored blanket at napansin ang suot ko- Black Daily Grind shirt at jogging pants? Hindi to akin!
Anong nangyari?
Unti-unti, kinalkal ko sa memorya ko ang mga kaganapan kagabi at naalala ang lalakeng nagngangalang "Pat". Bilang isang concerned co-teacher, sabi niya iuuwi raw niya ako. Wasted ako kagabi, tapos sumuka ako sa loob ng kotse niya. Napakamot ako ng ulo habang iniisip kung bakit puro nalang kahihiyan ang ginagawa ko sa harap niya. Malamang sinumpa na niya ako.
'Well..I don't mind at all.'--naalala ko na sinabi niya.
SHIT.
Napatalon ako sa kama at hinanap ang mga damit ko. Napadpad ang tingin ko sa malaking salamin- Anduon ang babaeng mukang bangag sa aking harapan at isang Post-it note na nakadikit. Agad kong kinuha ang papel at binasa.
I left breakfast on the table- eat to your heart's content.
Babalik ako around 12 noon- you can wait for me and let's have lunch. If you need to go home now, I suggest you get a taxi. Walking distance lang ang MRT from this building- that's another option.
Nakasampay pa yung mga damit mo. In the meantime, you can use my clothes kung hindi pa rin tuyo.
If you need something, drop me a message. I have an appointment till 11AM.
09134545790
See you. Thank you for last night.
"Thank you for last night?"
Teka, ano yon?
Sinabunutan ko ang sarili ko. Anong ginawa ko kagabi? Imbis na ma-imagine ang isang possible SPG moment kagabi, pumasok sa isip ko si Goyong- ang boses niya at ang mahigpit na mga hawak. Bago ako magdrama sa kwarto ng iba, binatukan ko ang sarili ko para magising at itigil na ang masyadong pag-asam sa nakaraan.
Kinuha ko ang black dress sa veranda at thank God, tuyo na siya. Nilabhan niya to at dinryer? Oo, malamang siya, dahil mukhang wala naman siyang kasambahay na kasama rito. Sumilip ako sa kusina at sa banyo para i-confirm ang naisip ko- at wala ngang ibang tao ang nandito. Walang hint na may ka-live in din siya o ano.
Hihintayin ko ba siya? Hindi ata kakayanin ng puso at isip ko na mag-lunch pa na kasama siya, kailangan ko munang umayos.
I-te-text ko ba siya? Anong sasabihin ko? "Sorry, thank you, ano nangyare?" Eh, paano yung tamang sequence?
Dali-dali akong nagbihis, nilagay sa bag ang damit na ipinasuot sa akin at umalis ng hindi man lang kinain ang bacon, egg at ilang slice ng wheat bread na iniwan niya sa mesa.
---
Sinave ko ang number ni Pat sa phone ko pero hindi ko siya nagawang tawagan agad dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin ng tama. Marami akong naiisip na sabihin dahil nag-u-umapaw ang feelings ko pero paano ko to i-f-filter kapag nagkita kami?
Salamat. Oo, salamat pero bakit? Bakit ka ba nagpaka-Good Samaritan? Sa simula pa lang, BV ka na sakin, bakit ka nagpaka-gentleman pa? Edi nagkalat pa ko sa kotse mo, tapos napahiya ko pa sarili ko, naglaba ka pa, nagdryer, pinagpuyatan mo pa yan. Hinubad mo damit ko- Nakita mo diba? Nakita mo shet alangan nakapikit ka e di mas malala. Kahit magkahawig kayo, hindi ikaw siya! Ikaw na mismo nagsabi, hindi ka si Goyong. Hindi mo ko kilala. Nakakahiya. Wala, nakakahiya talaga, tatalon na ko sa kumunoy at magpapalunod. Anong ginawa natin? Anong ginawa ko? Hindi na kita hinabol at wala akong balak habulin ka. Inaamin ko, umasa akong makikilala mo ako bilang ako. Pero hindi, dahil iba ka at hindi ka siya. Ang sabi mo nakita mo na ako dati? Kelan? Umasa akong sasabihin mo na sa Candon tayo unang nagkita, pero hindi, hindi mo pa maalala. Oo siyempre, hindi naman talaga tayo nagkita duon dahil hindi ka si Heneral! Bakit pa to nangyayari? Hindi ikaw ang kailangan ko, kung hindi siya lang. Wag ka maging mabait sakin masyado. Natatakot ako. Naffrustrate ako. Nababaliw na ako. Pero masisisi mo ba ako? Ilang taon ako naghintay kahit sabi niya wag ko siyang hintayin. Masakit. Tapos ngayon nandyan ka, sa paligid, makikita kita, madadaan- masakit. Hindi kita mayakap, mahalikan, makausap ng komportable- dahil hindi ikaw siya. Ikaw si Pat, siya si Gregorio. Mahal niya ako, hindi mo ko mahal. Mahal ko siya, at ikaw, hindi kita kilala. Wala kang kinalaman sa nakaraan ko. Sungitan mo ko, sapakin mo ko, mainis ka sakin, bwisitin mo ko- para hindi ko na maisip na "baka" iisa kayo.
Pinunas ko ang mga luha na dumaloy sa mga pisngi ko at inisip ang lalakeng naligaw dati sa kasalukuyan, bumalik sa nakaraan at habambuhay ng tumira sa loob ng puso ko.
Monday-- pagpuntang faculty room, hinanap ko siya agad pero ang sabi sakin ni Ms. Michelle, wala raw siyang klase ngayon pero mamaya baka dumaan raw siya ng school.
"Kilala mo na pala ang inaanak ko?"
"Inaanak po?"
"Oo, nabanggit ko na siya sayo dati diba?" Anlaki ng ngiti sa kanyang mukha.
At naalala ko na, na nabanggit nga ni Ms. Michelle dati na playboy ang inaanak niya. Yuon ang huling beses na nakapunta ako sa school bago ako nagpuntang Japan, kung hindi ako nagkakamali.
"Ah, oo nga po pala. Sorry ho, memory gap. Tumatanda na. Mas astig pa ho memory ninyo sakin ah!"
"Hindi ko na pala kayo kailangan ipakilala sa isa't isa! Mabait yang si Pat, magulo lang ang love life pero responsable at masipag yan!" Ang excited na sabi ni Ms. Michelle na halatang binbenta ang inaanak niya sakin.
Naalala ko ang "Thank you for last night." at napa-kagat na lang ako ng labi.
"Umm, sige ho, mamaya ko nalang po siya hahanapin uli."
"Bigay ko sayo number niya gusto mo?"
"Ah..sige po." Nagpanggap nalang ako na di ko alam ang number niya.
Ngayon rin ang school fair pero hindi ako sumabay sa mga katrabaho ko na pupunta. May appointment si Francis sa client nila ngayon kaya hindi rin siya makakapunta at busy rin si Pau. Wala rin naman akong balak manuod mag-isa ng concert pati ng fireworks. Pagkatapos ng trabaho, discreetly chineck ko yung Pat na yun sa faculty room pero ni anino ay wala pa rin. Naisip ko nalang itigil ang kaartehan na to at tawagan na siya para makipagkita, in case libre siya. Naglakad-lakad ako, tinignan lang ang mga tao sa paligid- maraming magbabarkada ang mga magkakasama. Sa kaliwa't kanan ko ay may mga couples at mukhang ako lang ata rito ang mag-isang naglalakad. Rinig ko na may tumutugtog ng love song at tinry kong alalahanin kung anong kanta yun pero hindi ko maalala. Tumigil ako sa tabi ng puno at tinignan ang madilim na langit. Kukunin ko palang dapat ang cellphone sa bulsa ng biglang may kumalabit sa likuran ko.
"Mi hijo."
Paglingon, anduon si Pat na nakasuot ng white long sleeves collared top, slacks, black dress shoes at hindi niya suot ngayon ang kanyang black-framed glasses.
"Hinihintay mo ba ako?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako umimik at natulala na lang.
"Hindi ka nag-message. Hindi mo rin kinain yung niluto ko. Masyado ka naman ata nahiya ngayon unlike nung first meeting natin? Or naisip mong may gayuma ang niluto ko?"
Naramdaman kong uminit ang pakiramdam ko sa hiyang naramdaman at na-stress ako sa itsura niya. Pano ko na i-s-summarize yung speech ko para sa kanya? Hindi ko na alam.
"G-gayuma? H-hindi ah!"
"Anong meron at nags-stutter ka?"
"Umm, wala. Umm, malamig lang! Medyo, yung hangin malamig. Gininaw lang ako! Hinanap kita sa faculty room kanina pero wala ka. Tatawagan na sana kita, babalik ko kasi tong damit na nilabhan ko na. Ito.." Kinalma ko ang sarili ko at inabot sa kanya ang damit sa loob ng isang paper bag, kahit ang naiisip ko lang sa oras na yon ay itanong sa kanya kung anong nangyari.
"Hindi mo na dapat nilabhan. May detergent allergy ako, so I'm quite picky with the laundry products that I use."
Feeling ko wala na ata akong magagawang tama para sa kanya. Para kaming Diet Coke at Mentos, tubig at langis. Siguro, magnet rin kami na may "like" poles.
"Ay, sorry, ayoko naman kasi iwanan lang yun duon e. Yung kinalat ko pala sa kotse mo--"
"Ok na yun. Walang problema, ayos na." Seryoso ang tono ng boses niya na nagpadagdag ng guilt feeling sa loob ko.
"Babayaran ko nalang!"
"No need. Bayad ka na." Ngumisi siya.
"Ha?" Napalunok ako.
Bayad na ako? Paano?
"Umm, dahil ba.. Dahil--" Napatingin ako sa sahig. Itatanong ko ba o hindi? Paano ko tatanong?
"Ano yon?"
"Ano kasi--"
"What's bothering you?"
Bumwelo muna ako sa pamamagitan ng isang inhale-exhale.
"Anong.. nangyari nga pala?"
Tumawa siya- yung classy kind of laugh, bago lumapit sakin at bumulong.
"Frankly speaking, I didn't expect na may curves ka pala kasi hindi halata eh. I'm sorry pero hindi ko napigilan na--"
"Anong ginawa mo?!" Tinulak ko siyang palayo dahil na-alarma ako sa pinagsasabi niya.
"Hindi ko napigilan na tanggalin yung damit mo kasi ambaho mo na! Chill! You're overreacting again. Walang nangyari satin, okay? Nilabhan ko lang yung mga damit mo. Yun lang. Yung 'Thank you for last night', that's a semi-joke."
Semi-joke?
Bakit hindi pa ako lamunin ng lupa ngayon? Asan na yun kumunoy, please, kailangan kita ngayon! Nakakahiya ang pagiging assumera ko, pero kasalanan niya at di magandang biro yun!
"E bakit mo naman kasi ako jinjoke! Ayan tuloy ang OA ko maka-react!" Iniwas ko ang tingin ko sa pamamagitan ng pagtitig sa sapatos ko. Ang lakas maka-pahiya ng joke niya ha!
"Nothing wrong with your reaction. Actually, in-e-expect ko na yun. I'm just waiting for you to react."
"E bakit? Pinagttripan mo ba ko?"
"Patas na tayo. Pinakaba mo ko that time, so medyo pinakaba rin kita. Honestly, your overreacting tendencies are somewhat.. entertaining."
Entertaining?
Masungit na nagmamabait na malakas mang-trip? Ang gandang na ng combination, so far. In fairness, tama si Tanya, unpredictable. Bakit feeling ko may multiple personality siya?
Inangat niya ang ulo kong nakababa at tinitigan ako.
Kahawig niya talaga si Goyong- ang mata, ilong at labi. Alam kong isang kasalanan, pero hindi ko mapigilang sumagi sa isip ko na gusto ko siyang yakapin ngayon. Nawala ako sa konsentrasyon sa pagkakasala nang narinig ang lumakas na ingay ng audience. Napatingin ako sa harap at inusisa kung sino ang pinapalakpakan ng mga tao para lang din hindi ko na matitigan ang mukha ng taong kasama ko at makapag-isip-isip pa ng kung anu-ano.
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
"Wag kang magpakalasing next time lalo kung walang susundo sayo. I guess, enough na yung 2 bottles of beer. Well, unless gusto mong ma-rape."
"Sorry ulit, naglaba ka pa ng di oras at nadumihan ko pa kotse mo."
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
"I'll accept your apology basta wag ka ng uulit. May pinagdadaanan ka ba?"
"Umm, wala naman.. wala naman masyado."
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
"I see." Natigil siya at parang nag-isip.
"Hala, bakit, may sinabi ba ako sayo nung lasing ako?" Bigla akong naalarma.
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
"Wala naman.. Wala naman masyado." Ginaya niya ang tono ng pagkakasabi ko ng mga salitang yan, obviously, para asarin ako.
"Nagising ka lang saglit and then you called my name. Sabi mo 'Miss na kita'. I bet, di mo na maalala."
"Seryoso ka?" Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig ng parehas kong mga kamay.
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
"Yup, but anyway, Miho, gaya ng sinabi ko kanina, wag ka na mag-alala kasi wala ng iba pang nangyari. Hindi ako pumapatol sa lasing. I actually prefer doing it kapag nasa-ayos yung kasama ko."
"Ah, okay.." Napa-lunok ako. Tangina, ako lang ba o may hint ng naughtiness sa mga pinagsasabi niya?
So ngayon: Masungit na nagmamabait na malakas mang-trip at medyo naughty? Ano pang sunod? Kelan ba mabubuo ang odd combination ng description para sa lalakeng ito?
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
At bigla nalang may umeksena at tinapik si Pat.
"Greg! Iniwan ko na sa desk ha!" Ang sabi ng lalaking nakita ko na rin sa loob ng faculty room once.
Greg?
"*Gracias, check ko mamaya!"
Tinignan ako ng kausap niya at nginitian ako.
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo
"*Hasta mañana!"
"Sige, *cuidate!"
Kumaway ang lalake at tumakbong paalis.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan na
Tama ba rinig ko o bingi lang ako?
"Greg?" Ang bulong ko sa sarili ko.
"What?"
"Ah, wala. Mali lang ata ako ng narinig."
Baka Spanish term lang na sounds like 'Greg' yung kanina.
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
"Wait, so you're actually telling me, na hindi mo alam yung pangalan ko after mo nabanggit while you were drunk that night?" Mukha siyang confused. Pero hindi lang siya ang nalito dahil ako rin ay biglang tumambling ang utak. Anong pinagsasabi nito?
"Teka, slow ako. Ano?"
Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
Natawa siya.
"In-assume ko naman na ini-stalk mo na ako. So bakit mo ko natawag sa pangalan ko that night?"
Feelingero.
"Jinjoke mo na naman ba ako? Sinabi ko bang: Patrick, miss na kita, ganon?" Nauubos na ang pasensya ko dahil napapagod ng tumambling ang utak ko at ang puso ko rin ay di na tumigil kaka-tibok ng mabilis.
'Wag mo ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
"Hindi Patrick ang pangalan ko- Gregorio."
Parang nakalunok ako ng butter ball candy.
"My nickname is quite deceiving. 'Pat' as in 'Ikaapat'.Gregorio Del Pilar the Fourth."
Naririto ako't nakikinig sa'yo
Di ako nakaimik pagkarinig ng buong pangalan niya. Pakiramdam ko biglang nabalutan ng yelo ang buo kong katawan at hindi rin ako nakagalaw.
"Hulaan ko bakit ganyan itsura mo. One, familiar ka sa pangalan ko dahil naging prof mo dad ko. Two, kapangalan ko yung bayani. So, alin duon, one or two?"
Na-stroke na ata ako. May ambulansya ba dyan?
Ba't di salubungin
Ang puso ko at kunin
"Are you okay? Namumutla ka."
Pinilit kong magsalita. Kailangan kong umimik. Kailangan mukhang unaffected. Kailangan parang wala lang. Sasabihin ko ba? Hindi. Hindi ko alam paano.
"Ah, oo, ok lang! Ok lang, ok lang ako, promise!" Napilit kong magpakita ng ngiti sa harap niya.
"Yung three times na 'ok lang' ay hindi convincing na ok ka lang talaga."
Ang diwang malaya
Wag na wag mag-pabaya pa
"By the way, almost 3 years ago.. probably 2 years and a half or so-- ganito ba kaiksi ang buhok mo?" Tinuro niya ang leeg niya. "You were sporting a hairstyle na apple cut, right?"
Napatango ako.
Ikaw ang pag-ibig
Pakinggan ang himig ko
"Then, you were really that girl na nakita ko sa faculty room na kausap si Ninang! After that, hindi ka na uli bumalik. That's the first and last time that I saw you that year."
At ang tinutukoy niya, siguro ay ang araw na kinuha ko ang certificate ko sa school.
Wala na sanang lalayo
Mundong ito ay hihinto
"Di kita nakilala agad- iba na hairstyle mo at may make-up ka ngayon, pero yung dati baka--" Nahinto siya sa pagsasalita.
"Baka?" Hinihintay kong asarin niya ako tungkol sa changes na napansin niya.
"*Amor a primera vista."
"Ha?"
Amor Powers at doble vista lang ang alam ko. Kuya, hindi ako ang ex mong si Tanya, hindi ako marunong mag-Espanyol!
"Wala. Sabi ko, mukha kang naliligaw na member ng The Beatles dati."
Nakangiti siya sa akin-- ang pilyong ngiti na iyon ang siyang nagpabalik sa aking muli sa kahapong nagdaan.
Kasabay ng hiyawan ng mga tao, biglang nagkalat ang maingay na fireworks sa kalangitan at napatingin kaming parehas rito. Sa gitna nito, naramdaman kong ang mga sinabi ko nuong nakaraan ay dinala ata ng hangin sa itaas at ngayon, ako ay baka sinagot na ng kalangitan.
Nagulat ako sa naramdamang malakas na tapik sa balikat ko.
"Huy, girl! Awat na! Magkaka-diabetes ka nyan!"
"H-ha?"
Pagtingin sa mesa, nakita kong halos naubos ko yung sinerve na sugar cubes na nasa tasa at yung natira naman ay nakakalat.
"Hala! Sorry, Pau!"
"Sobrang tamis na niyang kape mo, girl! Palitan na lang natin. Tulala ka kanina pa--may problema ka ba?"
"Ok lang, tubig na lang iinumin ko. Umm.."
Sa tingin ko na-feel ko na mismo yung naramdaman ni Goyong nung first time niyang nakita si Dolly dati-- ito mismo ang gusto kong sabihin kay Pau, pero naisip kong wag na lang muna magsalita tungkol sa nangyare.
"Umm.. Pau, paano kung ako ikaw, tapos isang araw may ma-meet kang hawig ni Goyong, pero hindi siya yon at iba yung ugali niya?"
"Ah.. so, yan ang kanina mo pang iniisip?"
Tumango ako.
"Una, magugulantang muna ang mundo ko pero syempre matutuwa ako at gugustuhin kong kilalanin siyang mabuti if ever may chance. Ganon siguro. Bakit? Iniisip mong may possibility na bumalik siya pero hindi na siya yung dating Goyong na kilala mo?"
"Nag-o-overthink lang ako. Wala, hayaan mo na pala yung tanong ko. Nag-iimagine lang ako. Oo nga pala, ayaw mo talaga pumuntang school fair? Baka lang naman gusto mo, free admission naman. Banda, kain, fireworks, ganon."
"Nako, gustuhin ko man, may kailangan akong asikasuhin. Si Tisoy ba?"
"Busy rin eh. Sige, ok lang. Di rin naman ako atat pumunta duon."
"Kung ganuon, next weekend na lang uli tayo magkita. Sama ka samin nila Lawrence ha! Wag mo kong iwan, ayoko maging third wheel!"
"Okay, sige."
Nag-usap kami ni Pau hanggang 9 PM at pag-uwi ng gabing iyon galing sa coffee shop, sinimulan kong asikasuhin ang powerpoint deck para sa susunod na lessons ko. Inabot na ng isang oras at hindi padin ako matapos-tapos sa lesson 2 dahil hindi rin ako makapag-concentrate ng 100%. Sumuko na ako at nag-decide na dumapa na lang sa kama. Tinitigan ko ang singsing na nakalagay sa aking left ring finger- sabi ni Francis, mukhang wala akong balak magpaligaw sa iba dahil dito. Iisipin raw ng iba na engaged na ako or kasal na. Wala namang problema sakin kung ano ang iisipin ng mga lalake (dahil wala akong interes kung mas malalim pa sa friendship ang hanap nila). Hinubad ko ito, pinatong sa mesa at pagbalik sa kama, kinuha ko ang unan at niyakap hanggang sa makatulog na ang laman ng isip ay siya parin.
---
Friday-- after ng klase namin, niyaya akong mag-dinner ni Tanya para makapag-catch up raw kami. Hindi pa siya na-kuntento, pumunta kami sa isang bar para uminom at tinuloy lang niya ang kwento ng kanyang buhay habang inaantay ang boyfriend niya. 80% ng stories niya ay about sa love life at ako naman nagkwento ng konting bagay para may masabi lang pero hindi ko isinama ang love life ko.
"Alam mo ba, Miho, yung mga ex ko parang mga ewan! Yung isa, binreak ako after niyang umaming bading siya, tapos yung sumunod, iniwan ako dahil ayaw niya ng LDR- pumunta kasi siyang Canada. Yung pinaka-malala, yung huli-binreak ako dahil na-realize niya na di na niya ako mahal!"
"Yun ang pinakamalala para sayo?"
"Oo, kasi, I asked him kung may third party ba, sabi niya 'Sort of, but not really.'. Pina-explain ko siya, tinanong ko kung sino, ang sabi ba naman 'I don't know her.'. Diba nakakatawa? Binreak ako para sa babaeng di niya kilala! The weirdest reason na narinig ko!"
"Hindi niya kilala at di rin siya kilala?"
"Oo. May saltik din e no? Feeling ko alibi niya lang yun. Ang totoo kasi, bago ako, andami niya rin naging girlfriends at lahat sila di tumagal ng 5 months. Or.. baka naman tinago lang niya yung identity ng babaeng yon, kasi ayaw niyang hanapin ko yun kasi baka sugurin ko at kalbuhin!"
"Bitter ka pa ba?" Nasa ika-apat na bote na ako ng beer samantalang ang kasama ko ay nangangalahati palang sa unang bote niya kaka-salita.
"That was.. I think, almost 3 years ago na ata- pero baka! Medyo bitter. Tuwing nakikita ko siya, natatawa ako na naaasar na ewan eh. Di ko kasi talaga na-gets yung pinagsasabi niya dati. Para bang gusto kong pumasok sa utak niya at tignan kung ano ang tumatakbo sa loob."
"Nagkikita pa rin pala kayo? Parang hassle yun ah.."
"Hindi naman masyadong hassle. Medyo na-eenjoy ko parin naman na makausap siya minsan. Taga-department natin siya kaya paano ko ba naman maiiwasan! Alam mo ba yun feeling na ang challenging ng isang tao kaya gusto mo siya lalong makuha? Ang serious type niya kasi pero pag once kilala mo na, hindi siya actually ganuon, basta, iba-- kaya feeling ko, yun ang reason kung bakit andaming nagkakagusto sa kanya. May pagka-unpredictable ang attitude niya- as in! Duon ako naging attracted sa kanya at minsan naiisip ko nga baka attracted pa rin ako. Minsan lang naman!"
"Ah talaga? Malay mo magkabalikan kayo. Baka ma-realize niya, ikaw pala talaga ang true love niya, ganon."
"Sira! Di mo pa kasi yun kilala, feel ko walang alam sa true love yun. Parang wala kasi sa vocabulary niya ang "Long-term relationship" eh! Uy Miho, may pinagdadaanan ka ba o alcoholic ka lang talaga? Ok ka pa ba? Mukhang lasing ka na ah!"
"Ok pa ko, Tanya! Inom ka pa!"
"Darating yun date ko mamaya kaya ayokong malasing! Atsaka dagdag calories din yan eh, okay na ko sa kalahati lang. Oo nga pala, kung Japanese teacher ka, edi kilala mo si ano.. sino nga ba yun, basta yun tisoy! Siya lang naman un mukhang fil-am sa faculty room, kilala mo?"
"Ahh, si Francis?"
"Ayun! Francis! OMG Miho, ang hot niya diba? Kahit di ko pa nakikita, feeling ko may abs siya!" Ang sabi ni Tanya habang kinikilig siya.
"Meron nga."
"Sabi na eh!-- Teka.. pano mo alam?"
"Umm.. I mean.. feeling ko lang din! Type mo siya?"
"Oo! Gusto ko siyang i-date!"
Malala tong si Tanya. Oo, medyo malala. Confused pa ata sa kanyang love life. Baka.
"Pano kung.. may girlfriend na pala siya?"
"Ok lang yun! Miho, kung asawa nga nasusulot, yun pa kayang may girlfriend! Edi aagawin ko!"
Si Tanya yung tipong almost perfect- long hair, matangkad, maganda, sexy, matalino plus makwento pa kaya hindi siya boring kasama- imposibleng hindi magkagusto sa kanya ang kahit sinong lalake. Kung may boyfriend kang hot, siguraduhin lang na ilayo siya mula sa babaeng ito. Delikado.
"Di ba.. may date ka mamaya?"
"Wow, girl, parang yung pahiwatig mo 'May boyfriend ka na bakit ka pa nagpapahayag ng interes kay Francis?' ha!"
"Sumbong kaya ..kita sa boyfriend mo?"
"Wag ganun! Grabe siya oh! Secret lang natin lahat ha! Oh wait.. Miho! Oh my God! Speaking of the devil, anduon si ex sa likod! Titigan mo ko, wag kang lilingon! Usap tayo kunwari di natin alam na nandyan siya! Go! Dali!"
"Teka, ang perfect ..naman ata ng timing?"
"Actually, tambayan talaga nila dito ng barkada niya!"
"So ibig sabihin, sinadya mong dito.. magpunta at nagbakasakali kang ma-meet siya rito ngayong gabi?"
Nararamdaman kong tipsy na ako, pero di ako tumigil kakainom dahil di ko ata kayang tumitig lang ng diretso kay Tanya at mag-concentrate sa mga pinagsasabi niya kundi maloloka ako.
"Hmm, medyo sadya. Ayon."
"Landi nito." Ang dumulas sa bibig ko.
"What?"
"I mean, ano ka ba! E di hindi ka pa pala nakaka-get over.. sa kanya! Kung hindi, ba't kailangan mong--" Tinakpan ni Tanya ang bibig ko.
"Ssshh!! Ayan na siya! Wag kang maingay, Miho! Lasing ka na! Wag mo kong papahamak!" Ang sabi niya habang bumubulong.
Nang may narinig kaming boses, parang signal kay Tanya para tanggalin na niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.
"Tanya?"
"Uy, Pat! Andito ka pala! What a coincidence!" Ang sabi niya with pa-bebe voice.
"Oo nga eh. Anyway, I'm planning to go home soon." At paglingon ko sa likod, napatingin rin siya sakin at bigla kong nabuga ang iniinom na beer. Buti na lang walang tinamaan.
Ang lalakeng kahawig ng Heneral! Napadami lang ba ako ng inom? Siya yung sinasabi ni Tanya na serious type pero pag kilala mo na, hindi actually ganuon at iba siya? PWEH.
"Oh.. it's you again." Ang sabi niya sakin na may tonong I'm-not-happy-to-see-you sa kanyang boses at kadiri-ka-punasan-mo-nga-yang-bibig-mo! na look sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Tanya at humarap sakin.
"W-wait, magkakilala kayo, Pat?" Na-alarma bigla si Tanya.
"She went inside the wrong classroom. Naligaw na bata. Well, I haven't introduced myself yet and I still don't her name."
Bata? Ako, bata?
"Ahh.. She's Miho, highschool classmate ko. Same department, Japanese teacher. Miho, siya naman si Pat. Ex-boyfriend ko." Sinabi niya yun as if wala siyang shinare kanina tungkol sa past nila.
"Miho? Sounds like the Spanish term 'Mi Hijo', 'My Son'."
Kinilabutan ako dahil naalala kong nabanggit ito ng Heneral sa akin dati.
Biglang nag-sway ang lalake sa harap- kaya sinundan ko ang galaw niya. Tumigil ako ng ma-realize ko na ang paningin ko lang pala ang nag-s-sway.
"Teacher pala siya. Hindi obvious. She looks quite.. immature."
"Ano?"
Konti na lang, kukurutin ko na ang singit nitong mapang-bwisit na to eh.
Kalma Miho, bawal pikon. Kalma.
Biglang sumingit si Tanya.
"Umm-- Bago lang siya kaya siguro hindi mo pa siya gaano napapansin sa faculty room! Actually, may pagka-mature tong si Miho. Nuong highschool kami, napansin kong she acts older than her age!" Biglang nag-ring ang phone ni Tanya at sinabing "Ay, nandyan na ang boyfriend ko! "
"Boyfriend?" Parang hindi naniwala si Mr. PMS sa narinig niya.
"Yup, taken na uli ako ngayon, Pat." Parang in other words: Taken-na-ako-ikaw-ba-taken-na-rin-ngayon?-kasi-kung-hindi-pa-pwes-mainggit-ka-please?
"Well, good to hear." Sinabi niya to habang in-a-adjust ang glasses niya. Sorry Tanya, mukhang di affected ang ex mo.
"Una na ko ha? Miho, Sama ka?"
Never kong pinangarap maging epal.
"Ah, hindi na, uuwi na rin naman ako. Sige, enjoy na..lang!"
At nakita ko siyang nag-s-sway habang kumakaway. Anytime, iikot na ata ang paningin ko. Anyway, may taxi naman, makakauwi ako. Relax, Miho. Ginusto mo yan.
"Miss, ikaw lang mag-isa?"
Hindi pa rin umaalis si Pat sa harap ko.
Hindi ako umimik at tinitigan ko lang siya. Ang thought na hawig sila ni Goyong ang nagpakaba sakin at napainom nalang ako ng ika-limang bote ng beer. Bigla niya tong inagaw sakin at tinanggal rin ang sigarilyo sa kabila kong kamay.
"I think you're drunk."
Napasulyap siya sa ashtray sa gitna ng mesa.
"Mukhang kalahating kaha na rin ang naubos mo."
"Wow! May concern ka ba sa stranger o feel mo lang talaga akong sungitan at bigyan uli ng 'warning'? Hindi porket kahawig --" Napatigil ako sa gusto kong sabihin.
"Hindi porket kahawig?"
"Umm.. wala. Uuwi na ako."
"Mag-isa ka lang na uuwi? I won't be surprised kung sasabihin mo sakin na mag-d-drive ka ngayon."
"So anong gusto mong.. palabasin? Delinquent ang dating ko? Kanina immature tapos ngayon naman delinquent?"
"Kung hindi ka ganon, then tell me-- paano ka nga uuwi?"
"Edi mag-ta-taxi.. ako."
"Give me your phone and I'll call your boyfriend so he can take you home."
Humalakhak ako pagkarinig ng salitang boyfriend. Paano niya na-assume na may boyfriend ako? Binase lang ba niya sa singsing na suot ko?
"What's funny?"
"Nasa Malolos.. siya e!"
"Bulacan? Duon ka rin ba uuwi?"
"Nasa.. Kapitolyo siya! Nakasakay sa ..kabayo!"
"What the hell are you talking about?"
"Wala, wala.. sige.. bye!"
Naglakad akong palayo sa kanya at natumba. Agad naman niya akong tinulungan makatayo. Delikadong combination ang pagiging clumsy at lasing- Okay lang, masarap naman uminom. Pero feeling ko mas delikado yung combination ng masungit at helpful.
"Ganito na lang, I'll take you home. Let's go."
Nagpapatawa ba siya?
"Ano ka ba! Stranger ako, tapos sasamahan mo ko.. pauwi? Okay ka..lang? O baka naman.. may balak ka? Kung wala, hayaan mo nalang ako.. kaya ko ng mag-isa!" Tumakbo akong palayo at hinatak niya ang braso ko.
"Can you stop overreacting?"
"Hindi na ako virgin kaya.. iba nalang.. hanapin mo!" Lumabas lang ang mga salita sa bibig ko ng hindi ko na na-filter.
Nilapit niya ang mukha niya sakin at ngumisi.
"Well.. I don't mind at all."
"Ha? Pero--"
"Think of this as a co-teacher concern, if that will make you feel comfortable."
Parang sako lang ako ng bigas na sinampa sa balikat niya at sa una, nagpumiglas ako pero dahil sa kawalan ng energy hindi na rin ako nakagalaw hanggang sa narating namin ang parking lot.
May nakausap siyang lalaking matangkad pero hindi ko makita masyado ang mukha dahil napapapikit na ako sa antok.
"Hey, Pat! Aalis ka na?" Malalim ang boses ng kausap niya.
"Yup, enjoy the rest of the night."
"Who's she?"
"Someone who needs my help. Co-teacher. Una na ko. See you."
"Alright!"
So ngayon naman, Good Samaritan ang peg nitong si Pat. Wow. Wow lang. Mukhang tama nga si Tanya, ang lakas ng saltik ng lalakeng to.
Inupo niya ako sa tabi ng driver's seat at bigla ko nalang naramdaman na umikot ang sikmura ko. Isinuot niya ang seat-belt sakin at naramdamang mas lumala ang masama kong pakiramdam. Nag-iisip na akong i-gather lahat ng natitira kong lakas para maka-labas ng kotse niya.
"Are you okay?" Ang tanong niya na di ko na nasagot dahil parang waterfalls na lumabas mula sa bibig ko ang mixture ng beer at ang kinain ko nuong dinner.
"Mierda!" Yun ang narinig kong sinabi niya habang tuluy-tuloy lang akong sumusuka- sa loob ng kotse niya.
Hilong-hilo ako at antok na antok.
"So..rry.." Minudmod ko ang peace sign sa mukha niya.
"Miss, san ka nakatira? Miho! Hey! Wag kang matulog!" Narinig ko ang boses niyang naalarma pero hindi ko na siya nasagot dahil umikot na ang paningin ko at tuluyan ng nawalan ng malay.
Dati, may nabasa akong article na nagsasabing 8 months raw ang maximum time para maka-get over ang isang babae sa past relationship. Umasa ako na totoo yon kaso hindi naman pala yun applicable sakin dahil 2 years and a half na ang lumipas, ni hindi pa nga rin nakaka-get over ang emotions ko sa pagkawala ni Goyong. Araw-araw, naiisip ko pa rin siya at ang utak ko ay nababalot pa rin ng what-ifs. Kung hindi siya nakabalik sa nakaraan para harapin ang naka-takda para sa kanya, kasal na kaya kami ngayon?
Sa unang taon sa Japan, tinuloy ko ang pag-aaral ng Nihongo kasama si Francis. Binigyan ko uli ang sarili ko ng goal na maipasa ang Level 1, sa panghihikayat na rin niya. Para kumita, nag-part time ako sa Circle-K, samantalang si Francis naman, sa Family Mart. May ilang buwan din na nagtrabaho akong waitress sa bar para madagdagan ang ipapambayad sa kanya kahit ayaw naman niya magpabayad.
"Wag ka na magbayad. E kung di dahil sayo, malamang cup noodles o microwaveable food araw-araw kong kinakain. Ok na yun!" Kahit ganuon ang sinasabi niya parati, dinadaan ko sa pagbili ng home supplies minsan para makabawas ako sa mga bayarin niya.
Sa sumunod naman na taon, nag-exam kami at laking tuwa namin na pumasa kaming parehas ng inaasam namin na level. Deserve ni Francis yon dahil sobra siyang tutok mag-aral, pero ako, feeling ko na-daan lang sa 'swerte'.
"Di mo ba napansin ang effort mo? Full effort kaya yon! Kasi partida, Miho, araw-araw mo pa iniisip si Greg niyan kasabay ng pag-re-review! Kahit di mo sinasabi sakin- I know, kaya wag mo ng i-deny, okay? Doble effort mo kesa sakin, so I'm really proud of your accomplishment. I'm sure masaya si Greg para sayo." Yan ang sabi niya pangontra sa paniniwala ko na sinwerte lang ako.
Pagkalabas ng exam results, tinanong niya rin ako agad kung ano ng plano ko at wala akong nasabi kung hindi maghanap ng mas magandang trabaho next time, yun lang. Siya naman raw ay balak bumalik sa Pilipinas para sa bagong family business nila sa Manila at plano rin niya mag-part time teacher ng Nihongo para ma-practice pa rin daw siya kahit papaano. Nauna siyang umuwi ng Pilipinas at ako naman, lumipat muna ng Nagoya at duon nagtrabaho sa isang maliit na hotel bilang isang receptionist. Nagawa kong bumalik ng Manila, mga 6 months after ng pag-alis ni Francis sa Tokyo. Hinikayat niya ako na mag-teacher sa school kung saan na siya nagp-part time (na siya ring school kung saan kami nag-aaral dati) dahil meron na naman raw job openings para sa full-time and part-time na language teachers. Sabi ko pag-iisipan ko pero nagpasya na rin akong umuwi dahil lang sa na-mi-miss ko na ang Pilipinas.
Pagbalik, halos wala pa rin namang nagbago- traffic pa rin sa EDSA. Nabalitaan ko kay Ma nuong tumawag siya, na nasa mabuting lagay naman si Dolores at ang baby niya kasama si Xander sa Amerika. Hindi kami nakapag-usap ni Dolly sa loob ng ilang taon, at masasabi kong hindi pa rin okay ang relasyon namin pero hindi ko masyado itong pinproblema. Isang araw, magiging maayos rin siguro ang lahat at ang importante ngayon ay maayos sila, lalo ang pamangkin ko. Si Pau naman ay busy pa rin sa coffee shop. Dinalaw ko siya ng isang beses duon at napansing may ilang pagbabago na rin- Maliban sa itsura, nadagdagan na rin ng madami ang desserts sa menu kasama na ang dati kong na-propose na Kakigoori.
"O diba, nag-improve? Thanks rin sa pinropose mo ha, ito yung pinakamabentang dessert dito lalo pag summer!" Ang sabi niya habang pinapakita sakin ang naka-paskil na menu sa harap.
"Seryoso? Oo, mas bet ko tong Korean cafe-style ng coffee shop mo ngayon. Mas cute at cozy!"
"Oo, seryoso ako. Speaking of 'mas cute'- Girl, lalo ka naging cute! Literal na ang haba ng hair mo! Bagay sayo! Ang ganda!"
"Thanks Pau! Gugupitin ko na nga sana. Ang init kasi!"
"Nako! Wag! Pag nakita ka ni Goy--" Natigil siya at di itinuloy ang pagbanggit sa pangalan ng Heneral. "Oops.. sorry, Miho.."
"Ok lang.. Wala yun!" At pinilit kong ngumiti habang inaakbayan siya at iniisip kung ano nga kaya ang comment ni Goyong sa buhok ko, kung nandito siya na kasama ko.
After ng shift ni Pau, kinuha ko ang mga gamit na iniwan ko sa kanya at tinulungan niya akong dalhin ang mga ito sa bago kong tinitirahan (Na studio-type rin kagaya ng dati). Duon niya nabanggit na sinukuan niya raw ang French lessons dahil hindi na raw kaya ng utak niya, si Micha raw ay nasa Dubai parin kasama si Mimi at si Lawrence naman ay may girlfriend na (Iniyakan ni Pau ang balitang ito ng mga 2 months at naka-get over na raw siya) at hindi ko lang raw naabutan kanina dahil naka-half day leave siya.
---
Isang araw, naisipan kong maglakbay sa isang lugar na priority kong puntahan matapos iwan ang Pilipinas ng ilang taon.
Pagbaba ng UV express, nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon at agad ko naman ito sinagot.
"Asan ka, girl?"
"Uy Pau, nasa Bulacan ako ngayon."
"Anong ginagawa mo dyan? Teka, di ka pa rin nakaka-get over no?"
"Umm.." Hindi ako sumagot.
"Silence means yes? O sige, tawagan nalang kita mamaya pag di ka na busy dyan. Wag ka lang gagawa ng kung ano na ikaka-ban mo sa Bulacan ha?"
"Baliw to. Oo no!"
"Sige, bye!"
"Bye!"
Dumayo ako sa Malolos dahil nandito daw ang mga buto niya. May balita na nasa National Museum ito dati at nawala nuong panahon ng 'Liberation of Manila'- pero may nagsasabi rin na naiuwi na raw sa Bulacan ang mga labi bago pa mangyari yun at sa ilalim raw ng isang monumento ito inilipat- Maaring ito nga iyon o hindi rin. Naglakad-lakad ako sa kapitolyo at inalala ang araw na nagpunta kami ni Goyong sa Bulacan ng magkasama. Sayang at hindi kami nakadaan dito sa Malolos kahit pinlano naming gawin.
Tinignan ko ang statwa niya na nakasakay sa kabayo. Lumabas ang immaturity ko at pinalo ang sa ilalim ng kanyang rebulto ng ilang beses habang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.
"Ni hindi ka man lang nagparamdam sakin hanggang ngayon! Magparamdam ka naman, kahit isang beses lang! Grabe ka! Parang wala tayong pinagsamahan! Ilang taon na kitang hinihintay, Heneral.. Kaya kitang hintayin hanggang kahit kelan! Kahit di ka na dadating- kahit maghintay ako sa wala, okay lang! Pero sana.. sana kahit isang beses lang! Miss na kita.. sobra..". Pinagdasal kong makarating sa langit ang mga pinagsasabi ko at naramdamang bigla na hinaplos ng hangin ang aking pisngi kasabay ng malakas na huni ng mga ibon na nakaupo sa punong malapit.
Nandyan ka ba, Goyong?
Lumingon ako, pero wala akong nakita kung hindi ang ilang mga estudyante ng Bulacan State University na naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan.
Sa loob ng ilang taon, walang nagbago sa mga history books at kahit sa internet, nakalagay pa rin na ang huling pag-ibig ng Heneral ay si Dolores Nable Jose, ang heiress ng Dagupan. Mabuti na lang yun dahil di ko maimagine kung madawit pa ako sa mga nakasulat tungkol sa kanya- para ko na ring ginulo ang history kung sakali. Pero aaminin ko, may konting kirot at pagkagulo sa isip ko pag nababasa ko ang tungkol sa love life niya. Hindi importante sakin ang maisulat ako bilang parte ng buhay niya, pero minsan naiisip ko, parang panaginip lang ang lahat. Oo nga't andito sakin ang mga ebidensya na totoo ang lahat pero pakiramdam ko para akong nanaginip lang. Yung tipo na affected ako sa mga naranasan ko sa panaginip at paggising ko, bigla nalang ako bumalik sa realidad – kaso affected parin ako. Parang walang nagbago sa kasaysayan pero sakin, nagbago ang lahat. Paulita, ito nga ba rin ang ginusto mo? Ganun ba katindi ang feelings mo at nangyari ito?
"Hija, meron ka bang pagkain dyan?" Nagulat ako sa biglang sumulpot na boses at lumingon ako. Natagpuan ko ang isang matandang babae sa likod ko- Medyo marumi ang kanyang suot at magulo ang buhok.
"Ah, teka lang po." Kinuha ko sa backpack ang skyflakes at inabot sa kanya.
"Pasensya na, ito lang ho e."
"Salamat! Kanina pa kasi ako nagugutom!" Binuksan niya agad ang binigay ko at kumain.
"Ah sige ho, kain lang kayo. Mauna na po ako ha, Manang."
"Bakit nga pala pinapalo mo yang sa rebulto dyan, ha?"
Ay wow, na-witness niya yung pinaggagawa ko? Gaano na kaya siya katagal na nakatingin sakin?
"Umm.. ahh, kasi ho iniwan ako ng boyfriend ko."
"Kaya nilabas mo ang inis mo dyan sa rebulto ng bayani?"
"Parang ganun na nga ho.." Napa-kamot ako ng ulo dahil hindi ko alam ang dapat sabihin.
"Hija, wag mo na idamay yung rebulto sa inis mo. Tandaan mo, pag may umalis, may dadating." Ang sabi niya ng naka-ngiti.
"Ah.. siguro nga po. Mag-a-apologize na lang ho ako kay Heneral Goyong." Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko naman ma-e-explain sa kanya ang sitwasyon ko.
"Sige hija, kailangan ko ng umalis! Salamat uli dito."
"Ingat po." At naglakad siyang palayo sa akin bago ko nilapitan uli ang statwa at kinausap.
"Sorry, Goyong. Tama si Manang, hindi na kita dapat idamay. Nananahimik ka na nga dyan e, ginugulo pa kita."
---
Since may Level 1 Certificate na ako at magaling na ang speaking skills ko, madali akong nakapasa sa interview sa in-applyan kong full-time job na binanggit sakin ni Francis. Hindi teaching ang passion ko, pero dahil kailangan ko makakuha ng trabaho, sinubukan ko nalang. Nalaman ko na ang isang 'Ms. Popular' classmate ko nuong highschool na si Tanya ay isa sa mga co-teachers ko, pero Spanish ang tinuturo niya. Nagkasalubong kasi kami nuong isang umaga sa faculty room after ng interview ko at pinilit niya akong mangako na magkkwentuhan kami pag may time. Wala ako nagawa kung hindi pumayag kahit hindi ko lubos maisip kung bakit mukha siyang excited makipag-usap sakin kahit hindi naman kami close dati.
Sa unang araw, medyo awkward magturo pero alam kong masasanay rin ako. Na-assign ako sa Elementary II at hindi gaano marami ang mga students ko. May otaku-vibe yung 90% sa kanila at hindi nga ako nagkamali ng tanungin ko sila kung bakit sila nag-aaral ng Japanese- gusto raw kasi nila manuod ng anime ng di na kailangan magbasa ng subtitles. Okay naman, mabait naman sila, so far, sa unang araw. Sa ikalawang araw naman ng pagiging officially employed sa school, napakagaling ko at hindi ako nagising sa tunog ng alarm ng cellphone. Pagdating sa building, kumaripas ako ng takbo papuntang 4th floor dahil 30 minutes na akong late. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.
"Sorry.. late.. ako!" Para akong hihimatayin pagkatapos takbuhin ang hagdanan mula ground floor.
Pagtingin ko sa mga estudyante ko, na-realize ko parang iba yung mga mukha nila at dumami sila- mula sa original 20 naging almost 50! Anyare?
"Señorita, tome asiento por favor." Napa-lingon ako pagkarinig sa boses ng lalakeng nakatayo malapit sa may bintana sa dulo ng classroom.
Ano raw? 'Señorita' at 'por favor' lang na-gets ko.
Pinagmasdan kong maigi ang itsura ng lalake- katamtaman ang tangkad, naka-black-framed glasses, maroon hoodie, jogger jeans at New Balance white-gray shoes. Teka, teacher ba to? Parang lalarga lang sa mall ha!
"Miss, ang sabi ko, maupo ka na. Lesson natin yan kahapon- Obviously, pumasok ka ngayon na hindi ka prepared. Most probably, nalimot mo rin yung sinabi ko na 'I don't tolerate late students.'. Well, first warning ka palang naman, pero alam mo na yung consequence kapag umulit ka or-- do I need to remind you of my class rules?"
ANG TARAY NG LOLO MO.
"Lesson kahapon? Hindi po kasi--"
"Hindi ka nakapasok kahapon? So hindi mo pa nabubuksan ang libro mo?"
"Umm, hindi po kasi ako estudyante ninyo, sorry."
Siguro nalito na siya sa dami ba naman ng mga estudyanteng nandito sa loob! Well, sorry, sinayang lang niya laway niya sa pagsusungit sakin.
"Bakit di mo agad sinabi?"
Wow, e siya tong tuluy-tuloy nagsalita kaya hindi na ako nakasingit!
"Ayoko lang na maabala kayong magsalita kanina."
"Kung ganon, Miss, alam mo na- na you are definitely in the wrong classroom. Sino ba ang teacher mo?"
Nilapitan niya ako at pagtayo niya sa harap ko, napatitig ako sa mukha niya.
"Sa Japanese class ka ba?"
Parang nalaglag ang panga ko ng ma-realize ko kung sino ang kahawig niya. Kinusot ko ang mga mata ko at tumitig uli. Walang nagbago at hindi ako nananaginip!
"Goyong! Ikaw si Goyong!"
Tinanggal ko ang salamin niya at tinitigan siya uli.
"Hindi ako pwedeng magkamali!" Naramdaman kong bubuhos ang luha ko sa hindi maipaliwanag na feeling sa loob ko.
"Who gave you the permission to remove my glasses? Pakibalik, dahil wala akong makita."
Isinuot ko sa kanya ang salamin, nag-apologize dahil ang rude ko at pina-kalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-inhale at exhale. Bumalik ako sa realidad at na-realize na pinapanuod kami ng mga estudyante niya.
"Saang room ka ba dapat?"
"400."
"401 ito and unfortunately, hindi ako si Goyong." Ramdam ko sa boses niya ang pagka-irita habang naka-cross ang arms niya across his chest.
"Duon pala ako sa kabila.."
Tinignan niya ako na parang may Ano-pang-hinihintay-mo-dyan?-Edi-lumarga-ka-na!-You're-wasting-our-time! face.
Miho, gising! Hindi porket magkahawig, yun na agad! Hindi siya si Goyong!
"Sige, aalis na ako. Sorry.."
Tumakbo ako palabas ng classroom na hiyang-hiya sa ginawa ko. Nakakahiya dahil nakatitig sakin ang mga estudyante sa loob na parang nagpipigil sila ng tawa at nakakahiya rin para sa lalakeng to- For sure, markado na ako bilang ang babaeng rude at escandalosa!
Biglang hinatak niya ang braso ko at natigil ako sa pagtakbo.
"Wait!"
Naalarma ako dahil mukhang may pahabol pa siyang pagsusungit.
"A-ano yun? Makakarating ba to sa Department of Linguistics head? Sorry sa pagtanggal ko sa glasses mo at--"
"There's no need to overreact."
OVERREACT? Sinong nag-o-overreact? Yung pagsusungit niya, hindi ba yun overreaction?
"Excuse me sir, hindi ako nag-o-overreact! Sa vibe mo palang, alam kong you are capable of doing that."
At bigla siyang natawa. Wow, marunong pala siyang tumawa at leche bakit pati sa pagtawa, hawig sila ni Goyong?
"What I want to know is.. nagkita na ba tayo dati?"
Pagkatapos niya mag-taray, ito naman ang sunod?
"Umm.. ngayon lang kita nakita e. Kalimutan mo na yun kanina, may kahawig ka lang at nagkamali pala ako. Hmm.. parang mas guwapo yung kakilala ko and definitely, wala siyang PMS- so, hindi ikaw yun. Sorry uli."
Tinitigan ko ang kulay kapeng mga mata niya sa likod ng kanyang salamin.
"Parang mas guwapo?"
"Umm.. oo, mas ano siya eh- mas ano--" Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Parang mas guwapo yung kakilala mo-- Hmm, interesting. So you mean.. guwapo ako?"
DIYOS KO, LORD, PATIGILIN NIYO HO SIYA.
Inalis ko ang pagtitig sa kanya at napatingin na lang sa sahig. Uminit ang pakiramdam ko dahil sa hiya, to the point na parang gusto kong mag-dive sa isang pool at hindi na umahon.
"You really look familiar. I'm sure, nakita na kita."
Di ako pwede magpaloko kahit magkahawig sila ni Goyong!
"Sige, mauna na ako, dahil late na ako at baka madagdagan pa yung binigay niyong first warning sakin." At tumakbo akong palayo sa kanya at pumasok sa katabing classroom.
Hindi siya si Goyong. Magkahawig lang sila ng itsura. Maraming magkaka-mukha sa mundo - Paulit-ulit ko itong sinabi sa sarili ko na parang bang isa itong mantra para maiwasan kong mag-overthink sa pagkakahawig nila ng lalakeng matagal ko ng hinihintay na bumalik sakin.
Dalawang araw bago ang flight namin ni Francis, nagsimula na akong ligpitin lahat ng gamit na isasama ko paalis. Ang iba na hindi kailangan dalhin ay iiwan ko muna kay Pau dahil payag naman siyang itago ang mga ito hanggang sa makabalik ako. Mga damit at ilang libro ang mga pinasok ko sa loob ng maleta samantalang sa backpack ko inilagay ang sulat na naiwan sakin na galing kay Goyong at ang mga importanteng gamit kagaya ng passport. Saglit kong binasa ang ilang entries ng kanyang diary bago ko ito isama sa mga gamit na dadalin ko sa Japan. Sa mga naunang araw ng kanyang mga sinulat, karamihan ay tungkol sa kanyang paninibago- mula sa pananamit (Katulad na lang ng hindi niya raw lubos maisip kung bakit umiksi ng ganuon ang underwear) hanggang sa transportation system. (Na convenient pero hindi rin daw masyado) Napangiti ako bago isara ito at nag-patuloy na sa pag-segregate kung alin ang mga iiwanan at dadalin.
Nakakaloko lang din isipin na matapos kong iwanan si Francis dati nung dapat pupunta kaming Nagoya, ngayon, eto nanaman kami, pupunta naman sa ibang destinasyon. Hindi ko alam kung tama o mali ang desisyon ko pero pakiramdam ko, kung hindi ako aalis, masisiraan ako ng bait sa loob ng apartment at wala akong gagawin duon kung hindi ang magmukmok. Dahil parati ko rin maaalala si Goyong sa loob ng coffee shop, baka maapektuhan ang pagttrabaho ko at ayoko naman bigyan ng problema si Pau sa pagiging unprofessional ko. Kapag lumipat ako sa Japan ng ilang taon, baka mahanap ko duon ang dapat kong gawin sa buhay at babalik ako sa Pilipinas pag-feeling ko kaya ko ng balikan ang lahat. Hindi ko naman matatakasan ang nakaraan pero feeling ko may matutulong naman ang change of environment para maka-get over sa mga nangyari.
Kani-kanina lang ay tinawagan ako ni Francis para saglit raw na kamustahin. Inamin niya sakin na ang "True love is consistent" na pinagsasabi niya sa ospital ay siya palang sinabi sa kanya ni Irish bago siya binreak nito. (Kaya naman pala ang very un-Francis ng dating eh-- or sinabi lang niya to baka dahil nahiya lang siyang aminin na luma-love quote din siya minsan.)
"E kung naniniwala ka nga sa sinasabi ni Irish na true love is consistent, paki-explain ito -Sabi ni boy true love daw na-f-feel niya kay girl, tapos nag-break sila. After a year, sabi ni boy: "She will always have a place in my heart, but I need to move on.". So, nakahanap rin siya ng iba, nag-pakasal siya at nagka-anak. Ngayon, asan na ang true love duon? Nag-move on siya tapos hindi naman niya mabigay sa asawa niya yung buong puso niya kasi may special place duon si ex eh. Asan na ang true love? E di sana, hindi na siya nag-asawa para consistent ang sinasabi niyang true love!"
"Miho, relax. Hugot ba yan? Kaninong story ba yan at na-nega ka bigla?"
"Wala, gawa-gawa ko lang." At affected talaga ako sa gawa-gawa ko lang na kwento na for sure ay real-life story ng kung sinong tao.
"Para tumigil na ako sa pag-kwestyon ng true love, nag-change topic siya at jinoke niya ko na mamaya magkunwari nanaman akong may naiwan at baka di nanaman raw ako matuloy na sumama sa kanya. Kanina ko lang rin inamin na sinadya ko ngang umalis nuong time na yon para balikan si Goyong at malaki ang factor ng mga sinabi niya sakin tungkol sa pagkikita nila. Wala na siyang na-react kung hindi "Sabi na nga ba!" dahil mukhang naunawaan naman nga niya kung gaano ako ka-"baliw" dahil sa spur-of-the-moment decision na yun. Bago niya ibaba ang phone, nag-drama muna siya.
"I'm sorry." Ang sabi niya in a very serious tone.
"Bakit naman?"
"Dapat kayo ni Greg ang titira sa iisang bubong at hindi tayo- but this is the only thing na pwede kong magawa para sayo. I'm really sorry."
"Wag mo ng isipin yon. Thank you at wag ka ng mag-drama, baka matalo mo ko niyan e."
"Kung gusto mo mag-back-out, just tell me and I'll understand."
Pinangako ko sa kanya na hindi na ako aatras dahil kailangan ko tong gawin para sa sarili ko at para kay Goyong. Kung hahayaan kong malunod ako sa emotions, hindi rin matutuwa ang Heneral para sa akin at kung magbabalik siya, ayokong datnan niya ako na miserable.
Kinuha ko ang antique na gold pendant watch at tinago sa loob din ng backpack kasama ng Agnus Dei at singsing na binigay niya sakin. Sabi nila kung gusto mo raw makaget-over, get rid of the things na nagpapaalala raw sayo ng taong yon. In my case, hindi sa ganung paraan ako magiging "okay". Hindi ko gusto maka-get over in a sense na makalimutan ang lahat ng mga nangyari nuong kasama ko pa siya, kaya hindi ko magagawang itapon ang mga binigay niya. Ang gusto ko lang ay lumipas ang sobrang lungkot na feeling sa pagkawala niya -pero hindi ang burahin siya sa alaala ko ng tuluyan.
Sa loob ng cabinet, kinuha ko ang box na hindi ko pa tapos usisain ang laman. Binuksan ko ito at itinuon ang pansin sa ilang lumang pictures na malamang ipinamana sa tatay ko ng kanyang mga magulang. Ang karamihan sa kanila ay ina-assume kong naka-clear polyester envelopes kasi kung hindi, baka masyadong na-deteriorate na ang mga ito. Naalala ko dati sa bahay ng lola ko, may nakita akong mga box sa isang kwarto at ng tinanong ko sa nanay ko kung ano ang mga yon, ang sabi niya "acid-free" daw na mga lagayan para daw ma-preserve ng maayos ang mga bagay na tinatago nila. Bilang isang bata, hindi ko lubos naunawaan ng husto ang term na "acid-free" pero na-gets ko na ang purpose nito para sa mga lumang gamit nila dahil sa explanation ni Ma. Naisip ko na ang mga gamit na narito sa box ay siyang mga dating naka-tago sa mga lalagyan na nakita ko dati. May mga picture na may punit ng mga babaeng naka-Qipao, pero hindi ko sila kilala at wala namang nakalagay sa likod ng litrato- I assume, kamag-anak ko sila o baka naman yung isa sa mga lolo ko ay mahilig lang mamicture ng chikababes. Tinignan ko pa ang iba at napansin ang isang malabong litrato ng babaeng napakahaba ng buhok at nakasuot ng Baro't Saya. May pagka-singkit ang mga mata niya at matangos ang kanyang ilong. Sino siya? Siguro isa sa mga kamag-anak namin o random model na nag-pose para sa isang ancestor na photography-enthusiast. Naalala ko ung term na sinabi sakin ni Goyong- yung Tornatras. Siguro ganuon siya o di kaya Mestiza de Sangley. Tinignan ko ang likod ng litrato- wala namang nakasulat kung kelan ito kinuha at wala ring pangalan na nakalagay.
Iniwan ko muna ang ibang pictures at binasa ko naman ang ilan sa mga sulat- Mga love letters ng tatay at nanay ko ang karamihan sa mga ito. Natuwa ako ng binasa ko ang ilan habang iniisip na walang tatalo sa tamis ng lumang paraan ng paghayag ng feelings. Karaniwan in English ang sulatan nila pero ang iba naman ay Tagalog. Sentimental pala ang tatay ko at nagawa pa niyang itago ang mga ito. Lahat kaya ng mga sulat nila ay natago niya?
Isang silyadong white envelope na may nakasulat na "To my daughter, Miho" ang nakita ko at agad na binuksan.
Miho,
If ever something unfortunate happens to me, I told your Tita in advance to give this to you. Your great-grandmother gave me these as a keepsake after telling me tons of stories from her childhood. It was the first and last time that I heard her mention names of our ancestors and their lives, both in China and the Philippines. If only I have plenty of time, I would have shared them all to you. To earn a living is fruitful but at the same time, difficult - as I had spent majority of my time away from you. I miss you and your mother a lot! I hope we can see each other as soon as possible.
As I have the time to write you a letter, let me take this opportunity to be able to remind you of a few things.
First, love and respect your mother no matter what happens. Support her and be the strongest that you can be amidst the problems that you will face.
Second, love this country, my child. You have Chinese and Spanish blood running through your veins but being a Filipino - that's what is important. Do not hide the Filipino pride with those chinky eyes and white skin. I grew up in a traditional Chinese environment mixed with Filipino-Spanish culture and Japan had also influenced me because I stayed there for a long period of time- but it is always the Filipino spirit that I always carry in my heart and mind. I hope you do the same.
Third, don't be afraid to fall in love and fight for it. Guama told me a tale about a sad love story of her mother's aunt during the Spanish era. This story has inspired me to continue my relationship with your mother despite the fact that almost everyone disapproved of her.
This lady has loved one of her suitors greatly, but because of her strict mother, she ended up getting married to someone else. Her parents already arranged her marriage to someone who was from a very influential family that promised her a life full of wealth. She refused at first, as she was very much in love with a Tagalog who came from a not-so rich family until her mother forced her to stop seeing him and she cannot disobey her anymore. To make the long story short, she regretted not being strong for the man that she loved the most. Later on, during the time when she planned to leave his husband to look for him, she heard from one of her friends that there was a news that her then-suitor became a general and was already engaged. This broke her heart and eventually became the reason why she took her own life- coincidentally, also on that day when this general died in a battle against the American forces.
General? Battle against the American forces? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nag-o-overthink na naman siguro ako.
Pinagpatuloy ko lang ang pagbasa at saglit na binura ang gumulo sa isip ko.
Well, we can't blame her obedience but let her regret remind you that race and status in life is not much of an importance. Yes, money can almost buy everything, but it cannot fulfill a great love that was lost. I have always prayed for you to have the best partner in life and not to repeat the mistake of a lady who miserably and endlessly loved a man who might have already forgotten her after she had hurt his feelings because of her wrong decisions.
In this life, my daughter, you need to make very wise decisions but it is not always that we end up with the right one. Everytime you feel that you have chosen the wrong option, cry if you must, feel the pain inside and afterwards, forget the regret. For me, it isn't true that everyone shouldn't feel regret regarding all their decisions. We can allow ourselves to have room for regrets, this is normal, but we should not dwell on it for a long period of time because we need to move on.
I'm giving you everything that Guama has left me and I'm including some of my 'treasured things' as well. You may not need these things but who knows, one day, your child would need a picture of her grandparents or love letters of her 'lolo and lola', right?
Till we meet again. I love you, Miho. I wish you goodluck.
I'll be with you even without physical presence.
Napa-luha ako matapos basahin ang sulat. Late na to napadala ng tita ko pero masaya parin ako dahil meron pa palang naiwan para sakin ang tatay ko. Isinantabi ko ang pag-iisip tungkol sa kwentong nakaka-bother at pinagkukuha ko nalang ang ibang laman ng box. Di sinasadyang nalaglag ko to at kumalat ang ibang mga litrato at mga papel. Nakakita ako ng isang sulat na lumang-luma na rin ang itsura, na nakalagay rin sa clear envelope at pinulot ito- halos burado na ang mga nakasulat at kulay brown na yung papel. Buti na-save pa ito mula sa further deterioration dahil feeling ko, paghinawakan ko to, mapupunit nalang bigla dahil muka na siyang malutong.
Poleng,
Hindi natin dapat ikahiya sapagkat siya nating katungkulan lahat dito sa ibabaw ng lupa. Isa ito sa tatlong bagay na sinasabi ng mga Kastila na hindi maitatago dito sa ibabaw ng mundo: ang salapi, pag-ibig at sakit.
Napalunok ako. Teka, nag-ooverthink lang ba talaga ako?
Poleng?-- marami namang may magkakaparehas na 'nickname', bakit ba kung anu-ano bigla ang naiisip ko?
Nagmadali akong kunin ang iba pang mga nalaglag na papel at litrato kahit nanginginig ang kamay ko (dahil sa pasma at sa kaba) at iniayos ito sa mesa. Tumambad sa harap ko ang isang kupas na black-and-white photo ng isang lalakeng naka-formal attire, naka-ayos ang buhok at seryoso ang mukha. Tinignan ko ang likod at binasa ang nakasulat.
Ikaw na ang huli, pangako.
Mahal kita, Paulita.
Goyo
Napaupo ako sa kama at hinarap uli ang litrato. Tinitigan ko tong maigi ng ilang minuto hanggang sa maibalik ako sa realidad ng pamilyar niyang mga mata, ilong at mga labi. Napapikit ako at lahat ay bumalik sakin na parang isang mabilis na flashback ng isang pelikula.
Paano nga ba nangyayari ang hiwaga sa buhay ng isang tao? Sino ba ang gumagawa nito at sino naman ang nag-uugnay ng mga bagay-bagay para magkaruon ng kabuluhan? Ang Diyos nga ba ang siyang nagtatakda ng lahat ng bagay sa mundong ito? Siya rin ba ang nagdugtong ng mundo mo sa mundo ko?
Gusto kong matawa o di kaya maiyak at hindi ko alam kung alin ang uunahin.
Ang pangako ng nakaraan ba na nasira ang siyang nagdala sayo sa akin?
Ito ba talaga ang mapaglarong tadhana nating dalawa, Heneral?
"BFF, kelan ka na ba gigising?" Ang tono ng pagkakasabi niya ay may halong takot at pag-aalala. Ang narinig na pamilyar na boses ay nagmistulang hudyat para idilat ko ang aking mga mata at bumungad agad ang liwanag sa itaas pati na rin ang mukha ni Pau na nakatitig sa akin.
"OMG! Totoo ba to?" Mukha siyang di makapaniwala sa nakikita niya at ako rin ay napaisip kung parte ba ito ng isang panaginip o totoong siya ang nakikita at naririnig ko.
"Finally, dumilat ka rin! Diyos ko!"
"Anong.. nangyari?"
Lumingon ako at nakita ang isang malaking bintana sa kaliwa kung saan sumisilip ang araw pati na rin ang mga dahon at violet flowers ng isang pagkalaki-laking puno. Sa kanan naman ay nakita ko ang sofa at ang mga grocery bags na maayos na nakapatong sa isang mesa. Sa harap ay may TV at sa tabi nito, may maliit na mesa na may isang basket ng prutas.
"Medyo malalim yung sugat mo sa binti ang sabi ni Doc pero wala naman siyang nakitang nakabaon na kung ano. Nawalan ka ng malay dahil sa fatigue at dehydration. Ang nangyari kasi, pinuntahan kita sa inyo agad nung di ka na sumasagot sa mga tawag ko, naiwan mong di nakalock yun pintuan ng kwarto at nadatnan kita duon na nakahiga sa sahig. Girl, umakyat yung espirito ko sa langit nung oras na yun. Akala ko patay ka na! Nagpanic much ako!"
Hinawakan niya ang kamay ko habang napansin kong naluluha siya.
"Sorry, Pau, sa nangyari.."
"Ano ka ba, wag ka ngang mag-sorry! Kakagising mo lang kaya wala kang dapat alalahanin kundi dapat kumain ka muna. I'm sure gutom ka na. Bumili nga pala si Francis ng lunch."
"Francis?"
Nang makarinig ng katok sa pintuan, binuksan ito ni Pau at naglakad papasok si Francis.
"Ayan, speaking, andito na siya!"
Pagtingin sakin ni Francis, nanlaki ang mga mata niya at napangiti.
"Miho! Gising ka na!" Pagkaiwan ng gamit sa mesa, tumakbo siyang papalapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.
"Diba nasa Japan ka?"
"Sabi ko sayo diba pupunta ako ng December? Nalimutan mo na? I'm glad na nagising ka na! May gusto ka bang kainin? Yung hospital food hindi masarap eh. Bumili nga pala ako ng lunch- bucket of fried chicken. Gusto mo nito o iba nalang?"
"Hindi, ayos lang ako, Francis. Di pa naman ako gutom. Salamat."
"Hoy girl! Anong ayos lang? Sa ayaw mo at sa hindi, kakain ka!" Ang sabi ni Pau habang nakapamewang.
"Ilang araw na ba ang lumipas?"
Pinagmasdan ko uli ang mga bulaklak sa labas at ang mga dahon ng puno. Gumagalaw sila ng dahan-dahan at inimagine ko na kinakawayan nila ako habang nakasilip sila sakin.
"Dalawang araw na rin."
Hindi ako umimik.
Tinignan ni Pau ang relo niya- ang mismong G-shock na naalala kong suot niya nuong asa Candon kami na isa sa mga bagay na willing niyang ibigay sa mga holdaper para lang mabuhay nuong gabi na yon.
"Francis, ikaw muna bahala kay Miho. Babalik lang ako ng shop. Girl, pag may kelangan ka ha? Wag kang mag-alangan kay Tisoy. Mamayang gabi babalik ako rito."
"Ok lang ako, Pau. Kailangan mong umuwi mamaya at magpahinga. Kaya ko na, may nurse naman."
"Ayoko nga no! Atsaka may gwapong nurse akong nakita rito." Nakita ko siyang kinilig saglit.
"Sige, Pau. Ako muna bahala kay Miho. Wala pa naman akong gagawin ngayon. Teka, yung lunch mo o!"
"Pag may tira pa, dinner nalang! Basta kumain na kayo dyan ha. Bye muna!"
Kumaway si Pau samin bago siya lumabas ng kwarto.
"Ayaw mo bang kumain muna?" Ang tanong ni Francis habang inaayos ang binili niya.
"Mamaya nalang ako. Mauna ka na."
"Gusto mo bang i-upo kita?"
Tumango ako at nagpasalamat. In-adjust niya ang higaan at tinulungan akong ilagay ang unan sa likuran ko para maka-sandal ako ng maayos.
"Sorry pala sa nangyari, Miho."
"Sa alin?"
"Don't be upset with Pau ha, pero sinabi niya sakin yung about kay Greg, yung sinabi mo sa last na usap ninyo sa cellphone-yung nagppanic ka. Hindi naman niya gustong sabihin pero andami ko kasing tanong. Kaya ayon. Don't worry, I believe you, kahit gaano pa ka-strange ang Gregorio Del Pilar in the modern world na story, naniniwala ako sayo."
"Okay lang, Francis. Tapos na yon."
"What do you mean by tapos na yon?"
"Wala na siya. Tapos na."
Umupo siya sa tabi ng higaan at hinawi ang bangs ko.
"I know. Wala na nga siya -pero hindi pa tapos yun eh. Di naman ibig sabihin na hindi mo na siya gusto diba or mali ako? Alam kong mahirap tanggapin. If it's an ordinary death- well, it should be somehow acceptable kasi alam naman natin na lahat naman tayo mamamatay. In his case, his second life remains a mystery and suddenly, nawala nalang siya bigla. It must be too painful for you- finding answers to questions na mahirap hanapan ng sagot. But don't worry, minahal ka naman niya and I guess yun naman ang importante. True love is consistent- it won't cease to exist kahit pa wala na siya sa tabi mo, kahit gano pa katagal na hindi kayo magkasama, lagi mo lang dadalhin yun feelings na yon kahit saan ka magpunta. Kung hindi ganon, then hindi siya true love. Odiba nakakasuka, ang cheesy ko? Pero ayon- kung siguro ako yun dating Francis, magiging masaya ako kasi wala na yung karibal ko pero sumuko na ako e, kasi obviously, he was your only source of happiness kahit lagi ka in denial nuon. Because of this, I'm really worried kasi--"
"Wag kang mag-alala sakin, Francis." Pinilit kong ngumiti sa harap niya habang iniisip na yung cheesy na sinabi niya ay totoo.
"Miho" Kita sa mga mapungay niyang mga mata ang lungkot. "If only I could make you feel better.. I'm thinking of ways how to make you feel better kaso wala e. Kilala kita, if something's bothering you lalo kung ganito kalaking problema, baka mag-gamot ka na naman niyan."
Hinawakan ko ang kamay niya at hindi inalis ang ngiti.
"Ayos lang ako kaya wag ka na mag-isip masyado tungkol dyan."
At sa loob ko, wala rin naman akong maisip na paraan para tulungan ang sarili ko tungkol sa bagay na yan kaya ipapaubaya ko nalang muna sa oras at sa panahon ang lahat- o di kaya sa gamot.
"Miho, may suggestion ako. Wag mo sana ako pag-isipan ng masama ha? Why don't you live with me in Tokyo? Roommates, parang ganuon lang. Mag-aral tayo duon. Subukan mong humanap ng bagong buhay sa Japan at tutulungan kita. I won't force you to give me another chance, I promise. Ang gusto ko lang mabantayan ka until you feel better or..."
Bigla siyang nahinto sa pagsasalita at parang napaisip sa gusto niyang sabihin.
"Or?"
"Or until that day na baka bumalik uli si Greg sayo."
"Pag-iisipan ko, Francis."
"You don't need to rush. Pagisipan mo mabuti. Maghihintay ako."
---
Matapos ang ilang araw, napayagan na akong umuwi. Mabait ang doctor ko na family friend nila Pau- May genuine concern talaga ang dating at parating nakangiti. Sabi niya tinahi raw niya ang sugat ko tapos yung dalawang "Tocino" sa tuhod ko ay patuloy lang raw lagyan ng gamot hanggang matuyo. (Pagkarinig nito, ayaw na daw kumain ni Pau ng Tocino.) Kalahating masaya ako ng marinig ko na makakauwi na ako- dahil ayong-ayoko sa ospital pero ayoko rin bumalik sa kwarto ko.
Isang maulan na hapon iyon ng makarating kami ni Pau sa apartment.
"Sigurado ka ba, di mo kailangan ng kasama? Nung nalaman ni Tita sabi niya samahan raw kita kung pwede. Gusto mo dun ka nalang sa bahay namin?"
"Hindi na Pau, thank you ha, pati sa paghatid. Babayaran rin kita agad o di kaya iawas mong lahat sa sweldo ko."
"Ano ka ba, wag mo muna yun problemahin. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako ha? Oo nga pala, bago ako umalis, basahin mo pala to. Nakita ko sa loob ng locker niya. Feel ko lang kailangan mong mabasa." Kinuha niya sa kanyang backpack ang isang papel na nakatupi na siyang inabot niya sakin.
Paulo, Lawrence at Micha,
Maraming salamat sa lahat. Hindi sapat ang pasasalamat ko sa inyo sa lahat ng inyong itinulong sa akin. Hindi ko malilimutan ang ating pagkakaibigan na lagi kong ipagpapasalamat sa P.Dios. Upang maging handa lamang at baka isang araw ay kailanganin kong lumisan para sa aking nararapat na gawin, ako sana ay hihingi ng pabor sa inyo upang ingatan si Miho para sa akin. Siya'y hindi ko maaaring isama kung saan ako magpupunta, kaya't sana ay huwag ninyo siya pababayaan.
Hanggang sa muli nating pagkikita. Ingatan ninyo ang inyong mga sarili at wala akong hangad kung hindi ang kaligayahan ninyo sa inyong mga buhay.
Greg Sempio
At sa dulo ng papel, sa baba ng kanyang pangalan ay may note na nakasulat.
Nawa'y lumaki sila Mimi at Jon-Jon na may pag-ibig sa bayan at hindi parang mga banyaga sa sariling kultura at pagkakakilanlan.
Tinupi ko ito uli matapos basahin at binalik sa kanya.
"Salamat uli ha. Mauna ka na, kailangan mo rin magpahinga."
Nginitian ko siya at kinawayan habang lumakad siyang palayo. Bago pumasok sa kwarto, nakita ako ni Manang.
"Oh, Miho, salamat sa Diyos at ayos ka na! Nako, nataranta kami sa sigaw ng kaibigan mo nung nakita ka niya sa kwarto! Buti nalang talaga at mukang ayos ka na ngayon. Magaling ka na ba? Malinis na ang kwarto mo, andaming bubog kaya nilinis ko na ha. Yun mga nakakalat sa sahig, iniwan ko sa mesa."
"Pasensya na ho, Manang Flor sa abala. Ayos naman na po ako, salamat rin po sa concern ninyo at pag-ayos rin ng kwarto. Ay oo nga po pala, yung renta nga pala sa kabilang kwarto, ako na ho magbabayad duon sa kulang."
"Nabayaran na ni Greg yon in advance. Di ba niya yon nabanggit sayo? Sabi niya sakin baka raw kasi kailangan niyang umalis, di rin daw siya sigurado. E baka mamaya di raw niya ako mabayaran kaya naman nag-advance siya. Sobra pa nga yung binigay niya. Ibabalik ko nalang sayo yun sobra ha, Miho? Para pag nagkita kayo, pakibigay nalang."
Natahimik ako at napatango nalang. Kung ganuon, pinaghandaan niya ito ng di man lang niya sinasabi? Bakit? Dahil ba may premonition na naman siya sa mangyayari pero pinili nalang niya isikreto ang mga yun? O baka ang slow ko lang talaga para hindi maramdaman na ang mga sinabi niya sakin nung nakaraan ay mga pahiwatig na pala?
Pagpasok ko sa kwarto, saglit akong humiga sa kama at ginalaw ang braso ko para damahin ang lamig ng bed sheet na tumatama sa balat ko. Pinakinggan ko ang patak ng ulan sa labas, pumikit ako at hinayaang mabalot ang katawan ko ng kalungkutan ng pag-iisa. Ang physical at emotional loneliness na kinain ang buo kong pagkatao at naruon ako sa loob ng kanyang tiyan, naka-fetal position. Hindi ako nagpumiglas at di rin sinubukang makalabas- hinayaan ko lang na manatili ako duon hanggang lamunin ako ng lamig ng paligid.
Ako lang mag-isa rito pero nararamdaman ko siya sa lahat ng bagay sa loob ng kwartong ito. Sapat na ba yon para isiping nariyan lang siya?
"Paulita!" Ang naalala kong huling pangalan na kanyang sinabi. Wala na rin namang saysay na magtampo pa at pag-isipan kung bakit hindi ang pangalan ko ang huling tinawag niya- kasi wala na rin naman siya. Sapat na ang mga sulat bilang proof na iniwan na nga niya ako.
Bumangon ako at pumunta sa mesa para tignan ang iniayos na gamit ni Manang Flor. Nakaayos na nakatupi ang sulat ni Goyong katabi ng black notebook. Kinuha ko ang notebook at binuksan sa mga random na pahina. Ginawa pala niyang extension ng talaarawan niya ito. Binasa ko ang ilang mga nakasulat sa loob.
"Ang ulan ang siyang pinakamasakit. Sa panahong ito, ang boses niya'y dapat na rinig na tila siya'y obligadong umawit tuwing umuulan. Ang kundiman na nagmula sa kanyang tinig at pintig ng aking puso ay iisa lamang. Ngunit mapaglaro ang panahon at utak ay siyang magulo. Ang kahibangan nga ba ay isang bagay na hindi maiiwasan ng nabubuhay at umiibig? Ako'y nagsisisi at sa patak ng ulan at madilim na kalangitan ko na lamang maisisigaw ang panaghoy ng damdaming sawi."
"Kasalanan ba na ang puso niya ay ninais kong angkinin at ipagdamot na sa iba? Kung kasalanan ang umibig sa dalawang nilalang at ang alam na mali ay mas pinili kaysa sa wasto - ako ay tunay na makasalanan. Tanggapin nawa ang kumpisal ng aking pusong hindi na nagsisinungaling ngayon. Nangangako ako sa inyo, P.Dios, ako'y babawi at aayusin ang lahat ng pagkakamali."
"Magpaparaya na lamang at ipagdarasal ang kanyang tunay na kaligayahan kahit pa iba na marahil ang mas nais niyang makasama. Bagama't ganuon, ako'y umaasa parin na siya'y magbabalik sa akin."
At ang sinadya kong hanapin ay ang pinakahuling diary entry niya.
"Nawa'y hindi mangyari ang siyang pinangangamba ngunit kung ito ang tunay na nakatakda at isang taon lamang ang binigay ng P.Dios upang itama ang mga pagkakamali, wala akong magagawa kung hindi tanggapin ito. Marahil siya ngayon ay natutulog na ng mahimbing. Naiisip ko ang kanyang mamula-mulang balat at maamong mukha, mga labi na kulay rosas-- paano kung di na masilayan muli? Ang mga pangako na aking sinabi, paano kung ang matupad ay hindi na magawa? Ngunit wala sa aking kamay ang sariling kapalaran at hindi ko na nais siyang madamay pa sa aking nakaraan. Isinusulat ko ito ngayon habang ako ay hindi pa dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip. Nais ko sana siyang puntahan ngayon at yakapin siyang muli ng mahigpit, subalit ikinakatakot na baka hindi ko na kaya pang bitawan ang kanyang mga kamay ngayong gabi."
Sinara ko ang notebook, tumayo sa may bintana at pinagmasdan ang langit.
"Bakit kailangang pumarito pa siya para lang umalis rin ng ganun na lang? Paano siya napunta rito at paano siya nakabalik? Bakit ako pa ang kailangan niyang makilala?" Ang tanong ko sa Diyos kahit hindi na ako umaasa na isang araw ay masasagot lahat ng katanungan ko. Inisip ko ang huli niyang sinulat at di na napigilang maiyak. Tinago niya ang pag-aalala tungkol sa mga mangyayari, umasta siyang ok lang siya, cool at madalas kalmado pero yun pala- pinaghahandaan na niya ang isang bagay na walang kasiguraduhan. Kung alam ko lang, niyakap ko na sana siya buong gabi, pero huli na para sa mga regrets.
---
Ilang linggo na ang lumipas, nagpasama sakin si Pau sa Department of Linguistics sa school. Balak raw niyang mag-aral ng French dahil:
1. Ang sosyal daw pakinggan.
2. "C'est la Vie" ang pangalan ng coffee shop niya. Ma-i-konek lang din daw. (Ang dad niya ang nagpangalan nito)
Matapos siyang magbayad ng fees para magka-slot next year, nag-decide kaming kumain muna ng dirty ice cream at maglakad-lakad. Napansin namin sa malapit sa field na may nagppractice ng interpretative dance na nakatawag pansin ng mga dumadaan. Lumapit kami at nakiusyoso dahil marami kaming oras para pagmasdan ang paligid.
Akala namin ay tapos na sila pagdating namin dahil tumigil na ang tugtog. Yung isa sa mga members na inassume ko na mukhang leader nila ay nag-play ng bagong music at nagsimula na sila uling sumayaw.
Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang
Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?
Namangha ako sa paggalaw nila. Malungkot ang tugtog at ramdam sa expression ng kanilang mga mukha at galaw ng katawan ang loneliness at despair. Ninamnam ko ang lyrics at tono ng awit habang pinagmamasdan ang gumagalaw na obra sa harapan ko. Pakiramdam ko lahat sila ay pinanganak para magballet o maging professional dancers.
Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.
Matapos silang magsayaw, napa-palakpak ang ibang tao sa performance nila. Practice palang yuon, pano pa kaya kung kumpleto na sa costume at nasa stage na?
"Miho! Ayos ka lang?"
"Oo, bakit?" Mabilis kong pinunas ang naramdaman kong nangingilid na mga luha sa mga mata ko.
"Umm.. wala. Kelan na nga pala alis niyo ni Francis? Tuloy na ba talaga yan? Sure ka na?"
"Next week."
"Naiintindihan ko, girl. Kailangan mo yan gawin para sa sarili mo."
"Partly ganun na nga.. Pero ginagawa ko to para kay Heneral."
"Sabagay, ayaw ka naman niya makitang na-craycray na dyan dahil sa kanya diba?"
Pagbalik sa kotse, pumikit lang ako at inalala ang mga nagsasayaw kanina habang busy si Pau magdrive. Para silang mga gumagalaw na tela sa lambot ng mga katawan nila at bawat galaw ng braso at legs ay napaka-smooth.
"Maganda yun song kanina no? Gustong malaman ng kumakanta kung buo pa rin daw siya nuong umalis yun mahal niya."
Tumango ako at inalala rin ang lyrics sa kantang first time ko lang rin narinig.
"Siguro hindi na talaga siya buong-buo sa paglisan nung tao." Dumilat ako at tinignan si Pau.
"Sa tingin ko nga rin eh." Ang sabi niya bago napailing. "Ang hirap mainlove ano? Parang walang forever. Sa tingin mo ba may forever love? Parang ang mga tao madali naman magsawa o nakakahanap din naman ng kapalit madalas kapag na-sawi, ganon."
"Hindi ko rin alam, Pau. Siguro naman meron."
"Girl.. alam kong nahihirapan ka pero pag feel mo ng ikwento lahat ng nangyari sayo nuong araw na nawala si Greggyboy, tawagan mo lang ako ha?"
Tumango lang ako at inisip si Goyong- ang kulay kapeng mga mata niya na malalim kung makatingin, ang ngiti niya, ang pagiging matapang magsalita kung minsan, ang mga pangako niya at mga pangarap para sa amin dalawa.
Gusto ko pa siyang kantahan, ipagluto pa ng mga paborito niya -gusto ko pa siyang makasama. Papayag na akong magkaron kami ng sampung anak, basta bumalik lang siya ulit sakin.
"Miho, alam kong wala ng hihilingin pa ang taong naiwan kung babalik lang talaga ang pinakaimportante sa kanya pero kung bumalik man siya o hindi, ang pinakaimportante, totoong mahal mo siya at mahal ka rin niya. Pag ganun, para din kayong di nagkahiwalay, yung mundo niyo lang ang magkaiba." Ang sabi ni Pau na para bang nabasa niya ang isipan ko sa mga oras na yuon.
Naiyak ako habang iniisip na nandyan siya sa harapan ko at niyayakap ako ng mahigpit katulad ng gusto niyang gawin sa mga huling oras na nandito pa siya sa mundo kung nasaan ako.
Pagdilat, nang makita ko ang bumbilya sa kisame ay bigla akong napa-bangon sa pagkakahiga.
Anong nangyari? Panaginip lang yon?
Kinuha ko ang cellphone at in-off ang walang tigil na ingay ng alarm. Lumingon ako sa aking tabi at naruon ang pendant watch na pinagtripan ko kagabi. Inisip ko ang mga sunud-sunod na pangyayari- pagkatapos ko makatulog kagabi, nagising ako sa Tirad at dapat patay na ako, pero ngayon nagising ako na nasa kama uli. So, kung nagising ako na nasa kama, si Goyong naman ay-?
Teka, si Goyong!
Napatalon ako sa kama sa pagmamadali at nakaramdam bigla ng sakit na galing sa kaliwang binti ko. Pagtingin, nakita ko ang telang itinali ko na naruon at ang mga tuhod ko ay namumula at nagtutubig na, na galing sa mga sugat.
"Tangina.."
Sinubukan kong tumakbo ng mabilis palabas ng kwarto at bigla akong nadapa sa sahig. Tanggap ko ng clumsy ako pero ang malaking sagabal talaga ay ang sugat sa binti kaya pagkatayo uli, dahan-dahan akong naglakad papuntang kabilang kwarto at kumatok.
"Goyong!"
Walang sagot.
Nilakasan ko pa ang katok ko habang sinisigaw ang pangalan niya.
Wala pa rin.
Ginalaw ko ang doorknob at laking gulat ko na hindi ito naka-lock pero imbis na pag-isipan pa kung bakit, minadali ko ng hanapin ang Heneral sa loob. Binuksan ko ang pintuan ng banyo, pero wala rin siya duon. Nasaan siya? Ininspeksyon ko na ang bawat sulok ng kwarto at sa laking gulat ko walang ni isang gamit ang naruon- wala ang uniporme niya, ang kanyang baril, lahat-lahat ay naglaho na parang bula. Anong nangyari? Nagpasya akong lumabas ng apartment para silipin kung lumabas lang siya saglit pero wala pa din ni anino ng Heneral.
Bumalik ako sa kwarto ko na hingal na hingal at kumakapit sa lahat ng pwedeng ma-kapitan. Hindi nakakapagod ang paghahanap sa kanya pero pakiramdam ko, hinahabol ko ang paghinga dahil sa kabang nararamdaman ko sa loob. Anong kalokohan to?
Kinuha ko ang cellphone na naiwan ko sa kama at tinawagan si Pau.
"Miho? Good morning! Di ka ba papasok today?"
"Pau! Pau, nandyan ba si Goyong?"
"Sino si Goyong?"
"Pau! Wag kang magbiro! Sabihin mo sakin, nandyan ba siya?"
"Sorry, sorry! Teka nga ba't parang natatarantang beast mode ka? Kalma!"
"Wala rito si Heneral! Wala din sa kwarto niya! Nawawala siya! Hindi ko siya mahanap!"
"Kalma, kalma! Teka, hindi kaya lumabas lang siya?"
"Wala yung gamit niya sa kwarto niya!"
"Teka, wala pa siyang sinabi sayo o ano?"
"Wala! Wala!"
"Miho, sandali huminahon ka muna, girl! Tinawagan mo na ba siya?"
"Hindi pa.. pero--"
"Ayun naman pala eh! Dali, subukan mo muna! Bago ka mag-isip ng kung ano, try mo siyang tawagan! Baka mamaya may surprise lang pala yan sayo."
At dinadasal ko nga na sana nagtatago lang siya at bigla niya akong gugulatin. Kahit ayoko ng mga surprise, mas gusto ko na yon kesa magkatotoo ang kinakatakot ko. Pero paano pa ko aasa kung nasa harapan ko na mismo ang ebidensya na hindi ako nanaginip kagabi?
"Pau! Nakita ko! Namatay siya!"
"Ha? Ano?"
"Pau! Baka wala na siya! May mga sugat ako, totoo yung nangyari! Tapos wala na siya!"
"May sugat ka? Anong nangyari? Teka, ayos ka lang ba? Anong sugat yan?"
"Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam paano nangyari!"
"Teka, baka naman kelangan ka na dalin sa ospital!"
"Pau, sige tawagan ko lang si Goyong."
"Teka Mi--"
Binabaan ko si Pau para gawin na agad ang suggestion niya.
"The subscriber cannot be reached---"
Napaupo ako sa kama at natulala saglit. Wala, pati ang cellphone number niya, hindi na rin ma-contact.
Nasaan ka Goyong?
Kahit sobrang realistic ng pakiramdam ko nuong oras na yon, mas nanaisin kong paniwalain ang sarili ko na panaginip ang lahat at hindi ako napadpad sa taong 1899 para lang makita kung paano namatay ang lalakeng pinakaimportante sakin. Pero wala talaga si Goyong at di ko alam anong gagawin ko para mahanap siya. Kung hindi yun totoo, ano ang mga sugat na ito? Nag-sleepwalk ba ako kagabi at naaksidente lang ako? Ang galing ko naman na nagawa ko pang talian ng tela ang sariling sugat habang tulog! O may ibang taong nagtali nito sakin? Tatawag nalang ba ako ng pulis? Hindi pwede, pagtatawanan nila ako pag sinabi kong nawawala si General Gregorio Del Pilar dahil alam nilang higit sa isang daang taon na nuong namatay siya. Baka dalin lang nila ako sa mental kapag ginawa ko yun! Pero parang mas ok din yun option na yon- dalhin na nga nila ko sa mental dahil malapit na akong masiraan ng bait.
Naglakad ako ng dahan-dahan papasok ng banyo. Pag-tapat ko sa salamin, nakita ko ang babaeng nakaharap sakin na mukhang haggard, may dumi ang mukha at ang damit ay may putik at dugo. Hindi ko na ata siya kilala- hindi ko na alam kung sino ako at kung bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi ko ma-explain kung bakit alam kong ako parin si Miho Huang, pero parang hindi na. May feeling na ang kalahati ng kung sino ako ay naglaho at ngayon, pagmamay-ari na siya ng iba --o baka lang nasisiraan na talaga ako. Maliban pa sa sugat sa binti ko at tuhod, ngayon ko lang na-realize na pati ang palad ko rin pala ay may bahid ng dugong natuyo na hindi ko napansin agad-agad kanina dahil sa sobrang taranta. Naalala ko na ito rin mismo ang kamay na ipinanghawak ko sa leeg ng Heneral. Nanlamig ako at nakaramdam ng matinding sama sa sikmura na parang gusto kong ilabas lahat ng nasa loob ng katawan ko. Napaupo ako sa loob ng banyo at sinubukang kumalma- inhale, exhale.
Naiyak ako- humagulgol ng malakas dahil parang mabibiyak ang puso ko sa loob sa sobrang sakit, na dinagdagan pa ng gulo sa isipan na parang paghihiwalayin ang left and right hemispheres ng utak ko. Sinubukan kong tumayo uli at dali-daling hinanap ang lalagyan ng gamot. Wala akong balak uminom ng pampakalma pero ngayon, desperado na ako. Kinuha ko ang baso sa mesa, pero sa sobrang panginginig ng katawan ay di sinasadyang nabagsak ko ito sa sahig. Lumuhod ako at hinawakan ang isang malaking piraso ng bubog at nasugatan ko ang sarili ko. Tinitigan ko ang palad ko na dumugo, ang pulang lumabas mula sa hiwa ay naghalo sa natuyong dugo ng Heneral.
Tinignan ko ang mga bubog sa sahig at kung hanggang saan ito kumalat- umabot hanggang sa ilalim ng kama. Pagdating ng mga mata kong naglakbay sa tabi ng higaan, may napansin akong gamit na ngayon ko lang uli nakita. Tumayo ako, nilapitan ito at kinuha.
Ang itim na notebook ni Goyong! Anong ginagawa nito sa sahig?
Napansin ko agad ang isang folded paper na nakaipit sa may gitna at ito ang una kong binuksan.
Miho,
Sa mundong ito, ni isa ay walang katiyakan. Ang oras at panahon ay wala sa ating mga kamay, ngunit tayo'y may kapangyarihan upang gawing makabuluhan ang buhay na sa atin ay ipinahiram. Mapalad ako na nabigyan ng pagkakataon upang patunayan na ang pagpapamalas ng pag-ibig sa bansa ay hindi nasusukat sa edad ng isang tao, kung hindi sa tapang at sa pagpupursiging ipaglaban ang sariling bayan na di alintana ang kamatayan. Hindi man mawari ang kadahilanan ng lahat ng pangyayari, ako pa rin ay nagpapasalamat sa P.Dios dahil sa ikalawang buhay na kanya namang ipinagkaloob sa akin. Ang makababalik pa sa nakaraan o mananatili rito sa kasalukuyan ay palaisipan na bawat araw ay sa isipang bumabagabag. Bagama't ganito, ay aking sinubukan na sa bawat oras ay mabuhay ng matiwasay at simple sa gitna ng mga pagbabagong naranasan. Sa akin ay naging madali ang halos lahat pagkat ikaw at si Paulo ay nariyan at tinulungan ako upang harapin ang mga balakid sa pamumuhay sa kasalukuyang panahon.
Sa ngayon na nakarating ang liham na ito sa iyo at patuloy mong binabasa, marahil ako ay nakabalik na't hinarap ang nakatakda sa akin sa nakaraan. Bagama't nasa napakalayong agwat tayo ng kapanahunan at ngayo'y wala na ako sa iyong tabi, nawa'y iyong pakatandaan na tanging ang ating nararamdaman ay siyang magpapatuloy na magdudugtong sa dati at ngayon. Kung sa ikatlong pagkakataon ay palarin na mapagbigyang muli at ako'y makabalik sa kasalukuyan, ika'y hahanapin saang mang sulok ng mundo. Kapag natunton muli ay papangakuan ng bagong simula at sisiguraduhing hindi na papakawalang muli. Ang mamuhay tayo ng mapayapa sa hinaharap ay kay sarap isipin sapagkat kung ang araw na iyon ay darating, ako'y aasa na hindi na marahil babalik ang gulong sinapit sa nakaraan. Ang pag-ibig ko para sa Inang Bayan ay mananatili kasabay ng aking damdamin para sa iyo na hindi kailanma'y mapapatay kahit pa sa aking kasawian.
Ang pangakong ito ay walang bahid ng pagsisinungaling at pagdududa ngunit dahil ang hangad ko lamang ay mamuhay ka ng puno ng ligaya, aking hinihiling na ang paghihintay sa akin ay huwag ng gawin. Hindi ang mga pangakong ito ang siyang makakapigil ng iyong normal na pamumuhay. Maging malaya ka na parang agila sa kagubatang mapanglaw. Hindi ang mga kalungkutan mo ang pipigil sa karapatan mo na magmahal muli at lasapin ang tamis ng tagumpay na maaari mong makamtan sa panahong ito.
Ang tangi ko lamang mahihiling sa ngayon ay kung mangyari man na ako'y nahuli ng dating, huwag nawa ipagkait na kahit pa sa malayo, ikaw parin ay mapagmamasdan at mababantayan. Iyo bang masisisi ang tapat na pag-ibig na aking inaalay sa kalagitnaan ng walang kasiguraduhan?
Ngayong ako'y wala na sa iyong tabi, punasan ang iyong mga luha at pagdating ng bukas ay bumangong muli. Ako'y alalahanin sa twing makakarinig ng matatamis na huni ng mga ibon at mga pagaspas ng mga dahon habang nararamdaman ang hangin na hinahaplos ang iyong mukha. Huwag kaligtaan na ako'y nariyan lamang, pakinggan mo lang ang bulong ng iyong puso at malalaman mo na ika'y hindi nag-iisa.
Ikaw ang pinagkaluob ng P.Dios upang buhaying muli ang tunay na damdamin. Hindi ko maikakaila na ng makita si Dolores ay aking napagtanto na ako'y bihag pa rin ng nakaraan. Nagtagumpay itong igapos ang aking mga kamay at ikulong sa rehas ng mga dasal at hangad na magbalik ang dating pag-ibig. Dahil sa pagpupumilit, duon ko rin napansin na ang damdamin pala ay lumihis sa inaakala kong nararapat. Nagtungo ito sa isang dilag na ang ningning ay nagdala ng kakaibang ligaya sa akin ngunit pinilit kong ipikit ang aking mga mata dahil sa paniniwalang ang kasalukuyan ay hindi ko maaaring maihalo sa nakaraan. Ang dating pag-ibig ay isang multo na patuloy akong ginagambala at ang konsensiya'y inuusig kaya kahit pa na abot ng aking mga kamay ang kasalukuyang pag-ibig, isinangtabi ko na muna ito ng pansamantala. Hindi ko na rin napigilan ang aking damdamin kaya iyo ring nalaman ang aking lihim- na ang kayanin na ika'y manatili bilang aking kapatid lamang ay hindi pala kakayanin. Ako sana ay tunay na napatawad na sa aking mga naging pagkukulang at sa mga pagkakamali na aking mga nagawa.
Ikaw na ang huli, Miho. Iyan ang aking sumpa sa iyo at sa P.Dios.
Ikaw ang aking huling inibig at iibigin hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ang iyong diwa ay maninirahan sa aking puso kasabay ng lahat ng alaala na aking dadalhin hanggang libing. Magpasakabilang buhay, ang damdaming ito ay mananatili lamang sa panghabambuhay at maisamang mabaon kasama ng kamatayan ay di kailanman mangyayari.
Con Cariño,
Gregorio Del Pilar y Sempio
Tinupi ko ang sulat at inilapit sa dibdib ko, pumikit at hinayaan lang bumuhos ang mga luha hanggang sa paulit-ulit kong iniisip na ang nabasa ko ay isang paalala na katangahan ang umasa.
Wala na siya.
Wala na.
--At ang huling narinig ko ng oras na yuon ay ang tunog ng cellphone bago ako niyakap ng mahigpit ng malamig na hangin. Ibinagsak ako nito sa sahig gamit ang kanyang malakas na invisible force at ang kalahati ng kaluluwa kong natira ay nabasag ng pira-piraso na kailanman ay hindi na mabubuo muli.
Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at liwanag ang bumungad sa aking harapan.
Umaga na pala.
Napapikit uli ako dahil sa antok.
5 minutes pa, please. Ayoko pang bumangon. Hindi pa naman tumutunog yung alarm e. Ay, onga pala, Yung usapan namin-- kailangan ko pang manalo. Miho, wake up, kailangan mo na bumangon!
Nang dahil sa competitiveness, pinilit kong idilat ang mga mata ko at liwanag pa rin ang nakita ko- at ulap. May araw at ulap?
Teka, ano to? Nasaan yung kisame?
Nakakabulag ang sinag ng araw kaya hinarang ko agad ang mata ko ng kaliwang kamay bago ako biglang nabahing. Sinilip ko uli ang nasa harapan ko at napansin ang alikabok na nanggagaling sa kung saan na humaharang sa view ng asul na kalangitan.
Tangina, dine-demolish na ba yun apartment? Anong panaginip to?
"Fuego!"
Nagulat ako sa malakas na boses at bigla nalang sumunod ang tunog ng putukan. Sa sobrang taranta, napa-upo ako at nakita ang iilang kawal na naka-uniporme na busy sa pakikipagpalitan ng putok. Lumuhod ako at nakaramdam ng matinding kirot- na-realize kong may sugat ang kaliwa kong binti. Leche, saan naman to galing? Tinakpan ko ang tenga ko habang sinisilip kung ano nga bang nangyayari at nagkakagulo sa paligid. Napansin kong nasa mataas na lugar ako at nakita kong sumesenyas ang ilang lalake sa baba sa kausap nila sa taas.
Sino kausap nila?
Napalingon ako at nakita ang pamilyar na lalakeng naka-suot ng khaki uniform.
--Ang Heneral!
Nasa Tirad ako! Anong ginagawa ko rito?
Tinawag ko siya sa pamamagitan ng pagsigaw ng pangalan niya. Napalingon siya, isang mabilis na lingon. Nakita ba niya ako? Tinignan ko ang mga kasama niya na nakatingin din sa ibang kawal na sumesenyas. Ang senyales ba na yuon ay ang nagsasabing nasa harapan na nila ang mga kalaban?
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaluhod para lapitan siya pero nabigo ako. Nabaling ang tingin ko sa umaagos na dugo mula sa sugat ko bago ko narinig ang pasigaw na boses ni Goyong.
"Itigil ang putukan!" Ang utos niya, na siya namang sinunod agad ng mga kawal. Natahimik bigla ang paligid at nag-concentrate siya sa pagmanman.
Lumingon siya ulit sa kung nasaan ako, gulat ang mukha at nakita kong ibinigkas niya ang pangalang "Paulita".
Paulita? Bakit si Poleng? Napatingin ako sa kaliwa't kanan- wala naman akong katabi na babae. Gusto kong isigaw na nagkamali siya ng pangalang binigkas pero hindi ito importante sa mga oras na to kung hindi ang buhay niya.
"Bumaba ka, Heneral!" Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya at umasa akong narinig niya.
Isang mabilis pero isang makahulugang tingin na nagsasabing "Umalis ka!" o di kaya "Anong ginagawa mo dito?" ang siyang nakita ko sa kanya at pagkatapos, humarap siya uli kung saan niya inoobserbahan ang cogon.
Mamamatay siya! Putangina!
Sa sobrang panic, sinubukan kong makatakbo, pero sa kasamaang palad, hindi ko pa rin nagawa- nakatayo ako at nakalakad pero napaluhod uli sa lupa. Kailangan kong umabot kahit anong mangyari! Gumapang akong palapit kung nasaan sila ng hindi na iniinda ang sakit ng tuhod na nagagasgas sa mabatong lupa habang sumisigaw ng paulit-ulit na parang sirang plaka ng "Bumaba ka!".
Hindi niya ako naririnig! Putangina, bakit?
Habang tutok na tutok si Goyong, napansin ko ang isang kasama niyang mukhang Espanyol na inaabot sa kanya ang hawak na karbin at kinakausap siya.
Malapit na ako Heneral, konting-konti na lang!
Bigla na lang ako nakarinig ng putok na ikinagulat ng lahat ng naroon, kasama ako.
At ang kinatakot kong mangyari ay nangyari na.
Nakita kong bumagsak si Goyong na takip ang kanyang mukha ng dalawa niyang kamay at napahiga. Sa oras na yun ay di ako nakahinga na parang tumigil ang mundo at lahat ay naging in slow-motion. Narinig kong may sumigaw ng: "Pasasabugin ko ang utak ng kung sino man ang unang tatakbo!" at bumalik ang tunog ng barilan.
Pagkarating sa tabi ng nakahandusay niyang katawan, tinignan ko ang kanyang mukha- nakatitig sa kawalan ang kanyang kulay-kapeng mga mata at ang labi niya ay slightly parted na parang may gusto pa siyang sabihin. Ang dugo ay patuloy lang umaagos mula sa kanyang leeg kung saan siya tinamaan ng bala.
"Goyong!"
Tinawag ko uli siya, pero nanatili siyang tahimik.
"Wag mo kong lokohin! Ano to joke? May usapan pa tayo!"
Niyugyog ko ang balikat niya pero wala siyang imik.
Hinanap ko ang kanyang pulso. Umasang parang tanga kahit alam ko na ang dilat niyang mga mata ay nagsasabi sakin na wala na siyang buhay.
"Papanalunin na kita, wag mo lang ako biruin ng ganito, please!"
Dinikit ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, wala ng tibok na nanggaling sa kanyang puso.
Hindi ko na napigilang maiyak ng ipinikit ko ang kanyang mga mata. Ganun-ganun lang at nabawian na ng buhay ang isang taong kagabi lang ay punung-puno ng buhay na nagkkwento tungkol sa mga plano para sa hinaharap. Hinawakan ko ang leeg niyang madugo at pinagmasdan ang pula na dumikit sa kamay ko na para bang ito ang paraan para paniwalaan ko ang realidad na nasa aking harapan. Biglang lumapit ang dalawang lalake at hinatak nila ang katawan ng Heneral para dalin kung saan.
"Saan niyo po siya dadalin? Sasama ako!" Narinig ko ang malakas kong boses na nanginginig pero hindi nila ko pinansin.
Nakita kong nadulas ang kamay ng bangkay na hinahawakan ng isa at nakita kong may tinanggal ito sa kamay ng Heneral- isang diamond ring na madalas kong nakikitang suot niya.
"Colonel!" Nilakasan ko pa ang boses ko na halos pasigaw na. Hindi ako pwedeng magkamali na siya si Colonel Vicente, pero unfortunately, parang wala siyang narinig.
Nilamon na ako ng matinding frustration dala ng pang-de-deadma nila, pero pinunas ko ang mga luha na namumuo sa mga mata ko at nagpasyang sumunod na lang kung saan sila pupunta.
Hindi nawawalan ng pag-asa, sinubukan ko uling tumayo- at ng magawa ko, pinagpag ko ang mga tuhod ko at dumikit sa aking mga palad ang dugo at mga buhangin. Finally, nagawa kong makalakad ng mas matagal- dahan-dahan akong humakbang pero maya't maya natitigil dahil sa sakit. Hatak ko sa paglakad ang kaliwang binti ko na siyang hadlang para makausad ako ng mabilis sa nilalakaran at dagdag pa ang mga bagong gasgas sa tuhod. Sinubukan kong sumunod kung nasaan sila at naniguradong hindi sila mawawala sa paningin ko. Hindi rin ganuon kabilis ang paglipat nila ng lugar dahil dala nila si Goyong at hinahatak nila ito sa pataas na lugar.
"Tutulungan ko kayong magbuhat! Sandali lang!" Pero wala pa ring sagot. Hapong-hapo na ang itsura nila, tumatagtak ang pawis na nakita ko sa kanilang mukha. Hindi ko alam kung saan sila papunta pero bigla nalang silang tumigil, nilapag ang bangkay ng Heneral sa lupa at nagmadaling lumakad palayo.
"Huy! Teka! Saan kayo pupunta? Wag niyo siyang iwan! Colonel!" Naghuhuramentado ako na wala man lang nakakarinig o nakakakita sakin.
Diyos ko, anong gagawin ko? Umalis na sila!
Napabuntong-hininga ako.
Oo nga naman, delikado rito at pwede silang abutan ng mga Amerikanong kalaban. Mabigat ang katawan ng isang patay na tao, pano nila to magagawang madala kahit saan? Putangina, ano gagawin ko? Kaya kong tiisin ang sakit ng mga sugat at ang init pero ang problema ay nanghihina ang binti ko na siya namang nakaapekto na sa buo kong katawan. Napaupo ako at mukhang wala na akong lakas para tumayo pa uli. Pinunit ko ang paldang suot ko at inikot ang tela sa malalim na sugat atsaka itinali. Pumikit ako saglit - dinama ang naghalong init, uhaw, sakit at kawalan ng pag-asa bago naramdaman na tuluyan na akong nanghina at bumagsak sa lupa.
---
Sa muling pagdilat, dali-daling hinanap ng mga mata ko kung nasaan na ang Heneral. Naalala ko na naiwan siyang mag-isa at mabilis ko siyang natunton sa mismong lugar kung saan siya iniwan ng kanyang mga kasamahan. Siya nga ba yon? Oo, wala ng iba- at ang kinatakot kong makita ang siya ding naalala ko na nabasa ko sa libro ilang taon na ang nakalipas.
Gumapang ako kung nasaan siya at tumambad sa mga mata ko ang isang hubad na katawan na pambaba lang ang suot- wala ang long-sleeved uniform, wala ring pantalon pati botas. Sa history class, na-imagine ko na mismo ang itsura ng patay na Heneral- pero na-realize ko na hindi talaga mapapantayan ng imahinasyon ang katotohanan pag nasa harapan mo na to mismo. Ang dating iniisip na kalunuslunos na kinahinatnan ay nasa kalahati lang ng nakita ko sa ngayon. May kinalaman man ito sa isang quote na sinabi ni Genghis Khan o sadyang isang common practice ng nagwaging kampo sa panahon ng gyera ang pagkuha ng mga gamit sa mga namatay na kalaban-- kahit saang anggulo mo pang tignan ay hindi parin katanggap-tanggap para sa mga taong nawalan ng minamahal ang makitang naka-bilad ang bangkay ng mahal nila na wala ng halos saplot sa katawan.
Hinawakan ko ang dibdib niya at naramdaman ang napakalamig niyang balat. Niyakap ko siya ng mahigpit at nilabas ang lahat ng sakit na nasa loob. Hinimas ko ang braso niya pati ang pisngi at hinanap ang dating init na nanggagaling rito- pero wala na. Nangulila ako sa kanyang yakap at sa mga halik na puno ng simbuyo na alam kong kailanman ay hindi ko na uli mararamdaman kapag hindi ako nagising sa masamang panaginip na ito. Hinalikan ko ang kanyang labi na napansin kong malamig na rin at tuyo at nakita ang mga luha kong bumagsak sa pisngi niyang may halong dugo at alikabok. Pinagpag ko ang napansing mga maliliit na bato na dumikit sa kanyang buhok at sa kanyang mga braso.
Iniwan mo na ba talaga ako?
Naalala ko ang nakasulat sa kanyang talaarawan-- na alam niya na malulupig siya at ang kanyang mga tao sa laban na ito, pero mamamatay raw siyang masaya para sa mahal niyang bayan. Alam niya na mahirap ang obligasyon niya at ang kailangan niyang gawin pero para sa kanya, ito ang pinaka-maluwalhating sandali sa kanyang buhay.
Tanggap niya ang kanyang tadhana dito sa Tirad, pero ako- paano? Paano ko ngayon magagawang matanggap ang nangyari? Parang masamang biro lang ang lahat at ayokong paniwalaan ang mga nakikita ko.
Dahan-dahan akong tumayo, hinawakan ang kamay niya at hinatak. Nagawa ko siyang maigalaw ng kaunti pero ng inulit ko uli ay napaupo ako sa lupa. Imposibleng mahatak ko ang katawan niya papunta sa mas maayos na lugar. Tinabihan ko nalang uli ang bangkay niya- humiga sa kanyang dibdib at nagsabi ng mabilis na dasal na hangad ang ikatatahimik ng kanyang kaluluwa. Pagod na pagod ako na parang lahat ng natira kong lakas ay nagamit ko na sa pagsubok na hatakin ang bangkay niya para sana mabigyan siya ng tamang libing sa mas maayos na lugar.
Pagtingin ko sa harapan, naruon ang isang Amerikanong nakatayo. Nakikita niya ba ako? Kung ganon, bakit yung iba hindi? Ngumisi siya at tinutok sa noo ko ang hawak niyang karbin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Goyong at nilapit sa dibdib ko.
"Hindi kita iiwan dito mag-isa." Ang bulong ko sa kanya.
Hindi nanaig sa loob ko ang takot at kagustuhang makatakas, ng makita kong itutuloy na niyang paputukin ang nakatutok sakin na karbin. Natabunan na siguro ito ng pangungulila na gusto ko na agad matapos.
Magkita na tayo agad ngayon mismo, at kung nananaginip lang talaga ako- sana magising na. Hahanapin kita agad sa susunod kong pagdilat.
Pinikit ko ang mga mata ko at ang huling narinig ay ang napakalakas na malapitang putok.
Binasa ng heneral ang mga pangalan na nasa ilalim ng "Angkan ni Plaridel" sa museleo at tumayo lang kami sa loob ng halos isang minuto. Bago kami lumabas ay kinausap ko muna siya saglit para maniguradong hindi siya magpapaka-Heneral at tataasan ng boses ang lalake ng dahil sa natamaan ang kanyang dignidad.
"Ayos ka lang ba?"
"Nais kong turuan ng leksyon ang lalaking iyon sapagkat hindi niya nalalaman kung sino ang nasa kanyang harapan! Akala niya ay hindi ko nabasa ang tumatakbo sa kanyang isipan at ang tunay na nais niyang sabihin. Ngunit hindi ko nanaisin magsimula ng gulo sa kung nasaan nakahimlay ang aking Tiyo."
Oo, affected siya, what more kung nalaman pa niya ang ibig sabihin ng 'cad'?
Pagkalabas namin ay naruon parin ang lalake na naghihintay sa labas.
"Sir, babalik nalang ho kami sa susunod. Thank you po."
"Nako, sana sa pagbalik ninyo sa susunod ay naibalik na ang mga nawawalang gamit! Eto pala, pa-log-in na lang bago kayo umalis."
Kinuha ni Goyong ang visitor log book na inabot sakin at siya ang nagsulat ng pangalan namin.
"Salamat, Ginoo, sa iyong oras sa pagbabahagi ng iyong mga nalalaman at opinyon." Nagpasalamat si Goyong pero ramdam ko ang sarcasm sa kanyang boses.
"Ah, sige. Salamat rin sa inyo--" Binasa ni kuya ang log book na hawak niya.
"Ms. Huang at Mr. Del.. Del Pilar?" Napatingin ang lalake kay Heneral na parang may pag-aalala at pagtataka. Na-confirm siguro sa isip niya na ang kasama ko ay isa sa mga descendants sa angkan ng Del Pilar.
"Ginoo, ang taong nilagay sa pedestal ay hindi nagpapahiwatig na isa siyang Diyos na perpekto."
Sabay hawak ni Goyong ng kamay ko at lumakad kaming palayo sa lalakeng naiwan na nakatayo sa labas ng museleo. Pagkaalis duon, niyaya ko siya mag-Malolos, pero umayaw ang Heneral dahil baka abutin na raw kami ng gabi duon.
---
Nag-tricycle kaming pabalik ng terminal at medyo puno na ang bus na naabutan namin. Swerte lang at may 2 vacant seats kaming nakita sa may gitnang banda at duon kami umupo.
"Sinulat mo talaga yung pangalan mo kanina?"
"Bahala na siya sa nais pa niyang isipin. Wala namang agad-agad maniniwala na buhay ang berdugong tuta ni Aguinaldo, hindi ba?"
Hinawakan ko ang pisngi niya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha na halatang badtrip parin.
"Wag mo ng isipin ang sinabi niya, Heneral. Gutom ka na ba? May dala ako." Nilabas ko ang sandwich na naka-ziplock at inabot sa kanya.
"Salamat. Kakain na lamang rin ako bago kumalam ang aking sikmura."
Pinagmasdan ko ang pagkagat niya ng tinapay at pag-nguya.
"Ano ang palaman nito?" Ang sabi niya matapos lumunok.
"Mani at presa."
Mukha siyang nagulat na nagtataka at sinilip ang nasa gitna ng dalawang tinapay.
"Pasensya ka na nga pala ha."
"Bakit? Ito'y masarap naman. Walang halong biro."
"Hindi yan, Goyong. Yung kanina.."
"Tunay na maligaya ako ngayong araw at ako'y iyong nasamahan. Hindi ka na dapat humingi ng paumanhin. At isa pa, masaya rin akong kinasal ngayong araw."
"Kinasal talaga?"
"Oo, tayo'y kinasal kanina sapagkat wala akong sapat na pera para sa isang magarbong kasal."
"Hindi naman kasi kailangang magarbo at--"
Natawa siya at inakbayan ako.
"Huwag mong seryosohin ang aking sinabi, Binibini! May kasalang simbahan parin na magaganap ngunit kailangan ko muna ring hingin ang pagtanggap ng iyong nanay at aayusin ko muna ang ilang bagay. Sa ngayon, sapat na muna sa akin ang ikasal tayo sa harap ng Diyos."
"Ano yon, nanigurado ka lang, ganon?" Pabiro kong pagtanong.
"Sa kadahilanang ayaw na kitang mawala pa."
Matapos kumain, sinandal niya ang kanyang ulo sa may bintana at ipinikit ang kanyang mga mata. Pinagmasdan ko lang ang paglubog ng araw sa labas bago napansin na tuluyan ng nakatulog ang Heneral. Inilagay ko ng dahan-dahan ang kanyang ulo sa balikat ko at saglit siyang nagising pero nakatulog rin uli agad.
Tinignan ko ang view sa labas habang random na pumapasok ang mga bagay-bagay sa isip ko.
Kamusta na kaya si Dolly? Sana okay naman. Totoong ayoko sa kanya pero sincere ang hangad ko na ayos lang siya at si baby.
Si Ma kaya? Tatanggapin niya kaya na ikakasal kami ng Heneral? Pano kung hindi? Anong gagawin namin?
Bakit nga kaya ayaw ng nanay ni Paulita si Goyong para sa kanyang anak?
Sabi na nga ba at isang araw, malalaman din ng Heneral ang ibang perspective sa kanya ng mga tao- hindi ko lang masyadong inexpect na mapapatanong siya ngayong araw. Ano kaya ang tumakbo sa isip niya habang galit siya kanina? Nainis ba siya sa pangit na tono ng pananalita ni kuya kanina na may ipinapahiwatig o nagagalit lang talaga siya sa katotohanan?
Aaminin kong magandang ma-validate ko ang issues patungkol sa kanya na para bang gagawa ako ng bagong biography niya- straight from the Prince of Revolution himself ang mga quotes at mas detailed pa ang mga kwento. Pero para saan pa? Alam ko na, na loyal siya kay Aguinaldo at maaaring tignan ng iba na namatay siya hindi para sa bayan kundi para sa taong sinusunod niya parati. Alam ko na rin na naging careless siya sa ibang bagay na hindi maganda ang kinahinatnan. At syempre, alam na alam ko na rin ang patungkol sa maraming mga babaeng minahal o pinaasa niya- kaya para saan pa ang paghingi ko ng detalye?
Hihingin ko ba ang details kung paano nila kinawawa si Manuel Bernal? Aalamin ko pa ba kung bakit hindi siya nakinig sa suggestions ni Carrasco kaya nasakop ang San Fabian? Hihingin ko ba ang totoong opinyon niya tungkol sa 'katangahan raw' na tinatawag na 'Battle of Tirad Pass'? At pagnalaman ko lahat at nalaman rin ang mga mali sa paniniwala ng iba, ano naman ang gagawin ko? Sisindihan ko sa harap nila ang libro ni Nick Joaquin? Makikipag-debate ako na may kasamang "Ang Heneral mismo ang nagsabi sakin." ? Isusulat ko na lang ba ang biography niya na a la Fast Talk with Boy Abunda na may kasamang explanation per answer?-- Lights on o lights off? Bagong boots o bagong underwear? Frac o khaki uniform? Bayan o Aguinaldo?
Siyempre hindi.
Hindi niya rin mukhang gustong pag-usapan pa yung ibang bagay sa nakaraan. At dahil dyan, mas pipiliin ko ng hindi ungkatin ang mga ito. Kung ano ang dati ay nangyari na, iba na ngayon.
Nang papalapit na kami sa Cubao terminal ay nagising na ang Heneral. Mukhang hindi maganda ang gising niya dahil mukha siyang balisa at napalingon siya sa kanan at kaliwa. Pag harap niya sa akin ay hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at napansin ko na pinagpawisan siya.
"Heneral? Ano nangyari sayo?" Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking skirt at pinunas sa kanyang noo. Dahil ba hindi masyadong malamig sa loob ng bus?
"Si Paulita ay naruon sa harap ng isang pintuan at tinatawag ang ngalan ko. Dinig ko ang matamis at malumanay niyang tinig. Sabi niya'y samahan ko siya sa kwartong iyon ngunit ang aking sinabi ay hindi maaari dahil ikaw ay siyang aking kasama. Ngumiti siya at taliwas iyon sa iniisip ko na siya'y maiinis. Ang sabi niya'y isama ka at pumasok tayo at magkwentuhan. Paglingon ko upang ika'y tawagin ay wala ka na. Tumakbo ako upang hanapin ka kung saan-saan hanggang umabot ako sa madilim na lugar at napagtantong ikaw ay tuluyan ng lumisan."
"Panaginip lang yon, nandito parin ako." Pinisil ko ng bahagya ang kamay niya.
Narinig ko dati na ang mga dreams daw ay pwede rin exact opposite ng mangyayari in reality o di kaya pwede ring premonition. Maaari din na kakaisip mo sa isang bagay ay lalabas din siya sa panaginip mo o wala lang talagang kahulugan ang mga nakita mo sa iyong panaginip.
"Tama, panaginip nga lamang." Ang sabi niya pero bakas parin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
---
Pagdating sa bahay, magluluto sana ako pero medyo ubos ang energy ko kaya nagpa-deliver na lang ako ng Cheese pizza. Dumiretso si Goyong sa kabila at pagkapasok niya sa kwarto ko ay may dala-dala siyang cake. Mga after 15 minutes, dumating ang delivery at nagsimula na kaming kumain. Nilagyan niya ng kandila ang mocha cake, sinindihan at pinahipan sakin.
"Ano ang iyong kahilingan?"
"Nasabi ko na yun kanina, Heneral."
"Ngunit bakit nga ba ang sabi mo ayaw mong magbukas?"
Ayoko na sana i-open topic dahil baka mag-drama ako, pero naisip ko na rin sagutin ang tanong niya.
"Kasi araw ng kamatayan ng tatay ko bukas."
"Yuon pala.. Natitiyak ko na masaya ang iyong ama ngayon na nasa langit at nakikita niya kung paanong lumaking mabait at responsable ang kanyang anak."
"Atsaka--"
Natigil akong sabihin ang bigla kong naalala.
"Kamatayan ko?" Ngumiti siya at tumango ako.
"Paumanhin. Kaarawan mo ngayon, mas mainam na masayang bagay ang ating pag-usapan. Pasensya na at akin pang natanong."
"Wala yun! Normal lang naman ang tanong mo."
Inangat niya ang tinidor para isubo ko ang cake pero sinabihan ko siya na ako na.
"Oo na't alam kong ika'y malaki na, ngunit huwag ng umiwas at paghintayin itong pagkain."
In short, wag ka na maarte Miho- at isubo na ang cake.
Sumunod na lang ako dahil okay lang siguro minsan magpabebe at baka nangangalay na ang naghihintay na Heneral.
"Ika'y walang nababanggit ukol sa pinakapaborito mong cake, kaya naman itinanong ko kay Paulo kung may nalalaman siya."
"Ayoko ng Mocha cake, gusto ko Tsokolate."
"Kung ganuon mali ito?"
"Kung mali?"
"Bibilhan na lamang kita sa susunod o kaya mamaya o ngayon na?"
At natawa ako. Ano ako spoiled brat?
"Heneral, ano ka ba! Nagbibiro lang ako! At kahit pa halimbawa ay di ko paborito itong cake, bakit naman bibili ka pa ng iba?"
"Minsan lang ang kaarawan ng isang tao at nais ko lang ibigay ang iyong gusto."
Kumuha ako ng cream sa ibabaw ng cake slice at inilagay sa ilong niya.
"Salamat ho, Heneral, pero kahit anong galing sayo ay masaya na ako. Hindi ka na nga dapat nag-abala pa."
Bilang ganti, ginaya rin niya ako at nilagay sa labi ko ang cream.
"Heneral ka pa man din tapos gaya-gaya ka!"
Pero bago ko pa linisin ay naunahan na ako ng bigyan niya ako ng isang halik.
"Amin na nga lilinisin ko na." Pinunasan ko ang ilong niya ng tissue.
"Miho, marami akong nabuong plano para sa atin. Una muna, kagaya ng aking nabanggit, hihingin ko ang pagsang-ayon ng iyong inay sa ating kasal."
"Medyo kinakabahan ako dyan e. Pero hindi nga natin pwede itago yun sa kanya. Kahit naman itago ko ngayon, makakarating din sa kanya. Paano kung di siya payag?"
"Sa pagkakataong ibinigay sa akin, ako'y hindi susuko. Anong klase ng kasal nga pala ang iyong nais? Dahil kung susundin ko ang tradisyonal ay duon lamang sa simbahan ang aking naiisip. Baka naman may modernong paraan kang pangarap?"
Hiniwa niya ang isang slice of cake sa 6 na semi-equal parts at nagsimulang kumain.
"Yung simple lang, konting tao, ganun. Sapat na yun sakin. Sa totoo lang, wala nga akong pangarap na klase ng kasal. Nga pala, mag-ba-baro't-saya ako. Ano sa tingin mo?"
Natawa siya siguro sa inaakalang nagbibiro ako.
"Teka, iniisip mo bang di bagay sakin?"
"Hindi ganuon, kahit ano naman ang iyong suot ay bagay! Naisip ko lamang, hindi ba't mas nanaisin ng isang babaeng ikakasal na naka-damit moderno? Dati ay may pinakita si Dolores sa akin na mga litrato ng mga naka-damit pangkasal at ako'y nabigla sa disenyong bukas ang sa likuran o yuong halos kita na ang dibdib sa harapan."
"Ah, so ibig sabihin, gusto mo naka-ganun din ako, no?"
"Hindi naman. Ang mga disenyong ganyan ay mas mainam sa damit na gagamitin matapos ang kasal." At yun na naman ang pilyo niyang ngiti.
Nagpigil akong tumawa. Pag nagsasalita siya ng ganyan- para bang galing siya sa ibang planeta na hindi ko pa napupuntahan pero yung mga banat niya ay gamit pa rin sa mundo kung nasaan ako.
"Pag-iipunan ko ang lahat ng ito, yan ay ang aking pangako. Kasama na rin ang bahay na nanaisin mong matirahan. Saan ang nais mo namang mamalagi?"
"Kung dito ba ay ayos lang sayo? Kunwari, dito lang, ganon."
"Kung yuon ang iyong nais. Ngunit aking aaminin na nangangarap ako ng malaking tahanan na malapit sa mga taniman at maraming puno. Sa aking palagay, kapag tayo na ay nagkaanak, magagalak sila sa ganuong klase ng lugar. Ano ang sa iyong palagay?"
"Malaking tahanan?" Teka, gano kalaking pamilya ba ang plano niya?
"Oo- ikaw, ako at ang lima nating mga anak."
ANO, LIMA? Naubo ako matapos lumunok. Ayoko nga ng ospital tapos nangangarap siya ng mala-basketball team?
"Ayos ka lamang ba?" Inabutan niya ako ng baso ng tubig at ininom ko agad.
"Salamat, Heneral. Uh, oo. Oo, tama! Umm, gusto ko rin ang buhay sa probinsya. Tahimik, mas sariwa ang hangin. Kung pwede nga lang na duon makahanap ng trabaho kaso mas marami talaga sa Maynila eh. Gusto mo ba sa Bulacan?"
"Isa na yuon sa aking naisip, ngunit kahit saan rin na iyong nais, ay ayos lamang. Oo nga pala, ang iyong pag-aaral. Mag-iipon rin ako upang matapos mo yuon."
"Hala, hindi na no! Ako ng bahala duon. Nakakahiya naman."
"Kung ano ang magiging sakin, ay siyang magiging sayo. Ako ay maghahanap ng dagdag na trabaho upang maisakatuparan ang mga planong ito."
"Nasasabik ka na?" Natanong ko kahit ang obvious sa tono ng kanyang boses na para talagang excited siyang paghandaan ang lahat ng mga pinag-uusapan naming mga plano sa buhay.
"Hindi lamang ang katulad kong sanay sa labanan ay sabik sa pagkapanalo at paglaya mula sa mga mapang-aping mga banyaga. Ako rin ay sabik makaramdam ng pagkapanalo sa pagtamo ng tunay na pag-ibig na wagas kagaya ng kahit sinong tao."
Inakbayan niya ako at tinitigan na parang naghihintay ng maganda kong sasabihin.
"Kung ganon, Heneral, papangakuan kita ng gusto mong matamo."
"Ang alin?"
"Kakasabi mo lang."
"Ano iyon?" Ah okay, gets. Gusto niyang marinig na sabihin ko.
"Yung sabi mo-- pag-ibig na wagas." Mahina ang pagkakasabi ko dala ng konting hiya pero narinig naman niya.
Napangiti siya- yung klase na hindi pilit at natural na lumabas, bago niya ako niyakap ng mahigpit.
"Salamat sa iyong sinabi! Ako'y tunay na nagagalak!"
"Ako dapat magpasalamat sayo- sa mga plano mo para sa atin."
"At dahil nabanggit na rin ang plano. Bukas, sabay tayo uling pumasok kung iyong nais."
"Sige, unahan tayong gumising, ano?"
"Tapos, paano kung ako ang unang nagising?"
"Edi panalo ka."
"Ang premyo ko ay?"
"O, ano gusto mong premyo?"
"Makatabi kang matulog muli, Binibini."
"E pag ako nanalo?"
"Tayo parin ay tabing matutulog."
"E pinagloloko mo ko eh! Naglaro pa tayo!"
"Sige, kung ika'y manalo.."
"Susuotin mo sa labas yung uniporme mo, kumpleto dapat! Paparada ka sa labas. Mahilig kang pumarada sa fiesta diba?"
Natawa siya.
"Ngunit wala namang fiesta! Malditang Binibini!"
"Di mo ba nararamdaman na gusto mong bumalik sa pagiging Heneral?"
"Minsan. Ibang-iba nga talaga ang aking pinaggagagawa ngayon kaysa dati. Wala na akong mga kawal na pinasusunod at ako rin ay hindi na sumusunod sa utos ng nakatataas. Ngunit simula pa naman nuon, kagaya rin ako ng iba na umiibig sa bayan, sa pamilya at sa minamahal. Natatakot rin, naghahangad ng lakas at siya rin namang nabibigo."
"Bakit nga kaya kita nakilala no? Bakit di nalang si Rizal?"
"Parang ako naman ay nakaramdam ng iyong panghihinayang mula sa tono ng iyong boses at sinabi."
"Nagbibiro lang ako no!"
"Kung ano man ang siyang dahilan, nagagalak pa rin ako at nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ka."
"Wag ka nga magsalita ng ganyan, parang lalayasan mo na ako at iiwan!" Ang sabi ko habang inaalog ko ang kanyang balikat.
"Ikaw ba'y hindi natatakot sakin, Binibini? Wala ka bang pag-aalinlangan?"
"Bakit naman?"
Natigil siya saglit magsalita at napaisip na parang may inaalala.
"Sa mga nagawa ko sa nakaraan na maaari mong kaayawan ang aking pagkatao?"
"Heneral, kung ano man yun, dati na yun. Tanggap kita ng buo, hindi na yon ang importante."
Lahat naman may pagkakamali o pagkukulang at wala rin ako sa pwesto niya para magsalita ng masama. Wala ring paraan para linisin ng todo ang kanyang pangalan- pero sino nga ba ako para manghusga? Bakit ko pa siya pagdudahan? Ngayon pa kung kailan na unti-unting naaayos ang lahat? Baka yun din naman talaga ang purpose ng 2nd life?-- para mabuhay ng normal na malayo sa nakaraan, makabawi ng kaunti sa ibang mga kasalanan at maging masaya. Baka lang.
"Salamat sa iyong sinabi."
Matapos kumain ay tinulungan niya akong magligpit bago siya umalis.
"Bukas uli."
"Oo, yung pinag-usapan natin ha?"
"Sisiguraduhin ko na ako ang siyang panalo. Oo nga pala, iyo bang dadalawin ang puntod ng iyong ama?"
Tumango ako.
"Sasamahan na lamang kita kung iyong nais."
"Sige. Umm, Heneral, lima ba talaga gusto mong anak?" Napakamot ako ng ulo.
"Hindi, sampu."
SAMPU? Inimagine ko ang bahay na punung-puno ng bata.
"Anong mukha yan, Binibini? Mukhang puno ka na ng pag-aalala."
"Ah-- hindi ah.. Umm.."
"Biro lamang ang lahat! Kung ano ang mapapagpasyahan natin dalawa, siyempre. Hindi lamang ang aking kagustuhan."
"Ah, oo. Sige. Oo, tama."
"Kung gayon, atin ng simulan ngayong gabi."
"Ha?"
"Wala, Miho. Magpahinga ka na at ako'y maninigurado na ang siyang magwawagi bukas ay ako."
"Asa ka." At binigyan ko siya ng isang- Bleh!
"Teka, Heneral.." Bigla akong may naalalang itanong bago siya humakbang palayo.
"Paano pala kung di tayo pwede magka-anak?"
Ngumiti siya bago hinalikan ang noo ko at inilapit ang kanyang mga labi malapit sa aking tenga.
"Hindi yan magiging alalahanin kung sakali mang ganuon. Sapat naman din kahit tayo lamang na dalawa. Kahit ano pa man ang mangyari, mahal na mahal kita, Miho."
Bumilis ang tibok ng puso ko at ang bawat salita sa linyang iyon ay dinama ko. Gusto kong i-describe sa kanya kung anong klase ang feelings ko para sa kanya- pero hindi ko magawa. Kung nahihiya ako o ano, ay hindi ko alam- pero sa ngayon, sinagot ko na lang muna siya ng simpleng mga salita hanggat hindi ko pa masabi ang kabuuan ng mga nararamdaman ko.
"Mahal na mahal rin kita, Heneral."
"Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga."
Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Pagtapos ng ilang minuto, may kumatok sa kwarto at ineexpect kong si Manong Ed na yuon.
"Eto na, Hija. Binolt-cutter ko." Inabot niya sakin ang lock na sira na at ang box.
"Marami pong salamat! Pupunta pa nga lang po sana ako sa inyo ngayon, nakalimutan ko po kasi, sorry! Ay, teka lang po." Kinuha ko ang plato na may pizza at cake na hiniwalay ko na kanina para i-share sa kanila. "Para ho sa inyo ni Manang Flor."
"Ayy, salamat, hija. Sino may birthday?"
"Ako po."
"Happy Birthday!"
"Salamat po, salamat din po uli sa pagdala nito!"
"Walang anuman. Sige, mauna na ako ha."
"Sige po."
Pagbukas ng box, anduon ang mga pictures at mga papel sa loob.
Tinignan ko ang mga litrato na maayos na nakahanay mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Maliban pa sa picture ng tatay ko, naruon din ang sa lola ko at sa mga first-time ko lang makitang kamag-anak sa picture. Andami ring mga papel at may mga envelope pa. Feeling ko isang buong araw ang kailangan ko para isa-isahin ang laman nito.
Biglang nag-ring ang cellphone ko at dali-dali ko rin itong sinagot.
"Hello?"
"Happy birthday, BFF!"
"Uy, Pau, salamat!"
"Anong balita? Kamusta ang birthday celebration sa Bulacan?"
"Kinasal na kami." Gusto ko lang marinig ang reaksyon ni Pau.
"What? Kasal? Diba birthday ang okasyon at hindi kasal? Di niyo kami in-invite? Anong klase kayong mga kaibigan?!" Sabi na nga ba, ito sasabihin niya.
"Kalma, Pau. Sa harap lang ng altar. Walang pari, walang kahit sino. Ay meron pala, si Manong na naglilinis lang sa simbahan kanina ang nakakita."
"So ano yan? Jose Rizal at Josephine Bracken lang ang peg?"
"Marami pang pag-iipunan at si Mama pa."
Sinara ko ang box na hawak ko at itinabi sa cabinet.
"Apurado ang Heneral! Gusto na ata ng sukuan ng Bataan part-- anong part na ba yan? 2 o 3 or more?"
"Grabe siya! Jinudge mo ako agad."
"Girl, pano yan pagnagka-anak kayo, ano papangalan mo?"
"Hindi ko pa yan naiisip. Kung anong gusto ng Heneral. Mag-su-suggest lang ako pag naka-isip na ako. Teka, teka, anak agad?"
"Siyempre no! Excited kaya ako mag-suot ng gown para sa kasal ninyo atsaka sa binyag ng magiging inaanak ko!"
"Eto ang tanong- Sigurado ka na ba talaga sa kanya?"
"Oo, Pau, sigurado."
"Girl, leche ka, kinikilig ako!"
"May balita ka ba kay Dolly? Di pa kasi tumatawag si Ma. Pero balak ko naman siya tawagan uli para ipaalam yun tungkol sa plano namin ni Goyong."
"Wala nga rin eh. Pero teka, pano pag di pumayag si Tita?"
"Dadaanin niya sa pagiging pursigido siguro, ganun."
"Shet! Girl, yan ang gusto ko, old-fashion ang datingan! O siya, naalala ko, magpahinga ka na pala. Bukas, papasok naman kayo diba? O baka honeymoon niyo ngayon at nakaka-istorbo ako?"
"Sira! Honeymoon ka dyan! Walang honeymoon no! Sige na, Pau, see you tomorrow. Good night!"
"Night!"
Nang gabing iyon, medyo nahirapan ako matulog. Nakapagbilang na ako ng 1000 sheeps na tumatalon sa bakod, 1000 na puting kabayo ni Heneral na tumatalon sa bakod at 1000 na babae ng Heneral na tumatalon rin sa bakod at hinahabol siya- pero hindi ako inantok. Nag-give up ako sa mga pampaantok na taktikang ito at pumikit na lang. Ang imahe sa isip ko ay si Goyong- "Mga kapatid, mas nanaisin niyo bang mamatay na nakikipaglaban sa kaaway o tumakas at mamatay na mistulang mga duwag?" ang tanong niya sa mga kawal. "Mamatay na nakikipaglaban." Ang sagot nila ng sabay-sabay. Na-picture ko din sa isip ko ang pag-torture kay Manuel Bernal- malamig ang mga tingin ng Heneral, kasing lamig ng kanyang puso ng oras na iyon para lamang sa utos ng mahal na Pangulo. Kapag nanliligaw naman ng babae ay tiyak- maamo ang kanyang mga titig na nagpapahiwatig ng pag-ibig. Yuon rin ang kulay kapeng mga mata na nakikita ko ay nagpapahayag ng pakialam, determinasyon, pag-ibig at pagnanais ibigin. Bigla ko na lang naramdamang tumama ang tela ng kanyang uniporme sa balat ko. Suot niya ang khaki uniform niya uli, bakit? Dahil ba binibiro ko siya na suotin niya uli? Natalo na ba siya sa usapan namin? Teka, nasaan siya? Nasa tabi ko? Dinilat ko ang mga mata ko at napa-upo sa kama.
Nag-iimagine lang ako, hindi ba? Nananaginip na ba ako? Hinawakan ko ang noo ko at naramdaman ang pawis na dumikit sa kamay ko. Anong nangyayari? Ang init.
Bumalik ako sa pagkakahiga at tinanggal ang kumot ko.
Kinuha ko ang bigay ng Heneral na antique na gold pendant watch na nakaiwan sa tabi ng unan ko at ini-swing ito ng left to right- paulit-ulit ng lagpas ng sampung beses bago ko ito ibinaba sa tabi ko. Unti-unti, dinalaw na ako ng antok, napapikit at ang huling imahe sa isip ko ay ang Heneral sa loob ng isang make-shift hut, nakaupo at nagsusulat sa kanyang talaarawan.
Pagbaba ng bus, niyaya ko na mag-CR muna si Goyong. Mga higit na isang oras din ang byahe at nakaraos naman ang pantog ko sa byahe.
"Okay, game! Duon muna tayo sa dambana mo muna."
"Dambana?"
Pinakita ko kay Goyong ang cellphone ko at tinignan namin kung nasaan ang star sign sa Google Map.
"Ang dambana ni Heneral Goyo Del Pilar?" Mukha siyang gulat ng mabasa ang sarili niyang pangalan.
"Ayon rito, sa kanang gawi raw. Tara!"
Since nag-iba na sigurado ang itsura ng lugar dito, hindi ko na ineexpect na maalala pa niya ang mga daan kaya naman sinigurado ko na, na at least may konti akong idea. Paglabas namin ng terminal, tumingin ako ng pa-kanan at natunton na ang hinahanap namin.
"Sus! Ang lapit lang pala!" Hinatak ko ang kamay ni Goyong para tumawid.
"Ito na pala ang siyang naririto." Ang sabi niya habang tinitignan ang Philippine flag na nakatirik malapit sa harap ng kanyang monumento.
Tumango ako at naglakad papunta sa monumento niya.
"Ganito pala itsura nito!" Hinawakan ko ang legs ni Goyong the monument at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naka-hidden-hand pose siya- na tinatanong ng iba kung nagkakamot ba siya, ginagaya si Napoleon Bonaparte, sumusunod lang sa uso na pose nuong panahon na yon o dahil daw ba isa siyang mason.
"Sino ang mas kanais-nais ang itsura?"
"E di syempre, ito!"
Natawa siya ng sinubukan kong yakapin ang legs ni Goyong the monument.
"Sa aking palagay ay mas kanais-nais ang mukha ng iyong kausap." GGSS?
"Bakit ka naka-ganito?" At ginaya ko ang pose ng kanyang monumento.
"Nagpapakita lamang ng katapangan na may kabanayaran."
Kung totoo ito o tinatago niya lang ang pagiging mason niya ay hindi big deal.
Binasa ko ang nakalagay sa ilalim ng kanyang monumento.
Birthplace of General Gregorio H. Del Pilar
Site in the town of Bulacan where General Gregorio H. Del Pilar was born November 14, 1875. Fifth child of Fernando H. Del Pilar and Felipa Sempio. Intrepid, valiant and youngest Filipino General. Figured most prominently in the defense of Kakaron, attack of Paombong, liberation of Bulacan and in the battle of Tirad Pass where he died "A soldier & a gentleman." December 2, 1899.
"December 2?" Oo nga pala, parehas sila ng death anniversary ng tatay ko.
"Ako nga talaga ay namatay mismo sa oras na yuon.."
Ilang beses niyang nabanggit na masaya siyang namatay para sa bayan at wala siyang regrets sa mga nangyari, pero sa reaksyon niyang ito- parang ngayon lang nag-sink in ng 100% sa kanya ang kinahinatnan niya sa Tirad Pass.
Nagsimula magkwento ang Heneral tungkol sa kanyang kabataan. Naalala niya na dito ay busy na gumagawa ang kanyang nanay ng kakanin at kanya ring ibinebenta. Naimagine ko siya, ang mabait na anak na si Gregorio- na naglalakad rito at hawak ang bilao. Habang naglalakad-lakad at patingin-tingin sa lugar may napansin ako sa gilid.
"Tignan mo to!" Tinuro ko sa kanya ang naka-sulat na description tungkol sa historical site na ito.
Ang dambanang ito ay magsisilbing ala-ala sa katapangan at kagitingang ipinamalas ng batang Heneral ng bayan ng Bulacan.
Napangiti lang siya at mukhang ang isip niya ay lumilipad at alam ko na kung patungo saan- sa nakaraan.
"Ang katabi ay siyang bahay pa rin kaya nila Etoy?" Si Gen. Anacleto ang tinutukoy niya, ang kababata at "idol" niyang si "Matanglawin" na kasapi ng katipunan. Namatay siya sa simbahan sa San Rafael habang nakikipaglaban sa mga Espanyol. Kinwento samin ng history prof namin na pagkatapos ng labanan, halos ankle-deep raw ang dugo sa loob ng simbahan at may mga undigested rice daw din na kasamang nagkalat. Nang matagpuan ang kanyang bangkay, hawak-hawak raw niya ang piece of hair ng babaeng pinangakuan niyang pakasalan.
"Nako.. teka.." Napakamot ako ng ulo- kulang ang research ko.
Dinala ko siya sa kaliwang banda malapit sa Gregorio Del Pilar historical marker & monument at nanduon may nakatambay na lalakeng naka-sando at shorts sa harap.
"Kuya, saan po pala ang Enriquez ancestral house?"
Sabi niya ang bahay na nasa harap namin ay siya ring dating tinitirahan ni Gen. Anacleto. Pagkatapos ay binigyan niya kami ng directions papunta sa ancestral house. Sinundan namin ang sinabi niya at tinuro sa akin ni Goyong ang bahay na sa tingin niya ay yuon na raw. Mukha nga- e so far, siya yung mukhang ancestral house ang dating. Ang harap ng mga bahay sa kalye na yon ay kasalukuyang inaayos (Maputik ang daan dahil dito) at mayroon kaming mga nakitang mga lalakeng naka-dilaw na pang-itaas at busy na nagttrabaho.
"Manong, ito po ba yun Enriquez ancestral house?"
"Oo, pero di ko alam kung may tao. Subukan niyo nalang kumatok. Kung hindi, tignan ninyo sa likod baka may tao." Wow, open lang talaga yung gate?
"Marami pong salamat." Ang sabi ni Goyong na siya namang nginitian ng manong.
Pumunta kami sa malaking pintuang kahoy. Sinubukan kong kumatok pero naisip ko wa-epek dahil ang hina ng katok ko eh. Di ko napansin na may old-school palang door knocker (First time ko lang nakakita nito!) na siya naman ginamit ni Goyong na pang-katok.
Walang sagot.
Sumilip kami sa bintana at may nakita kaming mga kotse sa loob. Aba, paano to pinasok sa loob?
"Tignan mo, Goyong!" Tinuro ko ang nakita ko sa loob.
"Tata Selo!" Napabulalas siya. Naruon ang isang malaking litrato ng uncle niyang si Marcelo.
"Subukin nating dumaan sa likuran."
Hinawakan ng Heneral ang kamay ko at naglakad kami papunta sa bandang likod. Medyo kinilabutan ako sa nakita ko- hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement na makakita ng isang legit na ancestral house. Ang mga lumang bintana talaga ay na-preserve at may isang hagdanang paakyat patungo sa isang nakasarang pintuan. Kung matatakutin ka, maiisip mo na isa ito sa pwedeng pag-shootingan ng horror movies. Habang naglalakad kami sa madamong likuran, ang ingay lang sa motor na parang nagbabarena ang naririnig namin mula sa mga manong na nag-aayos sa labas.
"Anong gagawin natin, Heneral?"
"Mukhang wala talagang tao sa loob sa ngayon. Ayos lamang at sa susunod na lang. Nakapag-asawa ba si Enteng?"
"Oo, nagkaroon din ng mga anak si Col. Vicente.." Malaki ang panghihinayang ko dahil alam ko yung descendants lang ang makakapag-kwento ng marami at tiyak ikatutuwa yun ng Heneral- kaso wala.
"Miho, ang iyong mukha naman ay kay lungkot!"
"E kasi, ayun, sayang.."
Hinawi niya ang bangs ko, tinitigan sa mata at ngumiti.
"Nagpapasalamat pa rin at ako ay nadala mo rito, kaya huwag ng malumbay."
"Alam mo, naisip ko lang sabihin, si Gen.Anacleto ay sikat din na bayani ng Bulacan kagaya mo, pero hindi siya ganuon ka-kilala sa ibang parte ng Pilipinas. Sana nga ay ang mga hindi masyadong kilalang katipunero kagaya niya ay makilala rin ng marami dahil sila rin ay nagbuwis ng buhay para sa bayan. Sayang lang at maraming di nakakaalam ng mga kwento tungkol sa kanila. Mabuti na nga lang makwento ang guro namin sa kasaysayan kaya nalaman namin itong mga hindi masyado natatalakay duon sa eskwelahan nuong bata pa ako."
"Tunay na mataas ang aking paghanga kay Etoy at nagagalak ako at mayroon pang mga katulad mo na naghahangad ng ganyan sa makabagong panahon. Aking naisip na marahil ay marami ng nakalimot at hindi nagbibigay importansya sa mga pangyayari sa nakaraan. Hindi ko sila sinisisi ngunit nais ko lamang sabihin na kahanga-hanga na ganyan ang iyong pagiisip."
"Hindi naman, Heneral. Sa tingin ko kung lalawak ang mga kaalaman ng mga estudyante ay maiisip rin nila ang kaparehas ng sakin at baka maisulong pa namin ang pagpapakilala ng mga nakalimutang mga bayani. Oo nga pala, saan tayo sunod? Bisitahin na natin si Tata Selo mo?"
"Iyo ring nalalaman kung nasaan siya nahihimlay?"
"Oo, Heneral."
"Ang Iglesia Parroquial de Nuestra Señora de la Asuncion ay naririto pa ba?"
"Ay, oo nga pala!" Binalak kong kunin ang cellphone ko para i-check sa map pero hinawakan ni Goyong ang kamay ko at siya ang naunang naglakad na para bang alam niya kung nasaan ito.
"Sa aking palagay ay ito ang daan."
"Hindi ba nagbago ang mga daan? Paano mo alam?"
"Pakiramdam ko lamang, Binibini."
Naglakad kami habang pinagtitinginan ng mga taong dumadaan at napaisip ako kung bakit:
1. Dahil obvious na hindi ako taga duon.
2. Dahil naiisip nilang kahawig ni Goyong ang isa sa mga bayani ng bayan nila.
3. Dahil mukhang pwedeng isali sa Hari ng Bulacan 2016 contest si Heneral.
4. Wala lang, bored lang sila. BAWAL BANG LUMINGON AT TUMINGIN NG WALANG DAHILAN? BAWAL?
Nakita namin ang isang Manong na naglalako ng manggang hilaw (Napatingin ako sa mangga at naramdamang uminit ang laway ko) at nagpasya ang Heneral na kumpirmahin ang daan.
"Ginoo, dito ang daan patungong simbahan, hindi po ba?"
"Ah oo! Dyaan!" Tumuro siya ng padiretso.
At duon nakita namin ang napakagandang exterior nito at ang Mudejar-style bell tower. Hindi ako magaling magdescribe ng may kinalaman sa architectural features ng isang lugar at nakalimutan ko na ang topic na yun sa Humanities class namin dati- pero ayon sa description sa marker, nuong nasira ito ng lindol ay ipinaayos ito sa disenyong Neo-Byzantine.
"Katulad ng aking inaasahan, marami ang pagbabago."
Pumasok kami sa loob at itinuro sa akin ng Heneral ang retablo na iba na rin daw pero namangha rin siya sa nakita niya sa ngayon. Ikinwento niya sa akin na dito raw niya ipinamahagi ang gawa ng kanyang Tata Selo. Inimagine ko ang maliit na Goyong na nagpapakalat ng mga pamphlets sa mga tao at ang saya na naramdaman niya dahil kahit musmos ay alam niyang may nagagawa na siya para sa sariling bayan.
Naglakad kami sa may altar at pinagmasdan namin ang mga rebulto ng mga santo, ng Birhen at ang krus sa harap.
"Miho."
"Hm?"
Kinuha niya mula sa kanyang leeg ang isang neck accessory na madalas niyang suot at nilagay sa akin. Pabilog na kulay silver ito at may golden haloed lamb sa gitna na may dala-dalang flag na may disenyong cross- ang Agnus Dei.
"Uy, teka, sandali lang-- bakit?"
"Nais ko lamang yan ibigay sa iyo, Binibini. Iyan ang magliligtas sayo sa kapahamakan. Ang Agnus Dei ay siyang pinaniwalaang magpprotekta sa taong may suot nito mula sa kung anu-anong klase ng sakuna."
"Seryoso ka ba? Kung ganun, dapat itago mo to at-"
"Tanggapin mo ito bilang regalo ko sa iyong kaarawan."
"Pero sa gyera ay-"
"Wala ng digmaan, Miho."
Wala na akong dahilan para tumanggi sa Heneral.
"Iingatan ko ito, Heneral. Salamat ah." Pinagmasdan ko ang tupa bago magsalitang muli si Goyong.
"Miho, walang saksi--"
Napalingon ako sa paligid, walang tao except yung nagwawalis sa may likuran. Ano meron?
"Walang saksi?"
"--Kung hindi ang Panginoong Diyos lamang at para sa akin, sa ngayon ito ay sapat na."
"Ha?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mata.
"Ako ba ay tinatanggap mo bilang iyong kabiyak?"
Natahimik ako at bigla kong naunawaan kung ano ang gusto niyang mangyari. Napangiti ako, tumango at ibinalik ang tanong sa kanya.
"Tinatanggap mo rin ba ako, kahit pilya ako?"
Napangiti siya pagkarinig ng salitang 'pilya'.
"Nais kitang makasama hanggang sa huling pagkakataon na ibigay sakin ng Diyos."
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.
Naalala ko bigla na hindi lang kami ang tao sa simbahan. Kinalabit ko siya at sabay kaming lumingon- si Manong na nagwawalis ay nanunuod sa amin na parang nasa loob siya ng sinehan, nakanganga at kulang na lang ay may hawak na popcorn.
--
Tumawag kami ng tricycle para makapunta ng Marcelo Del Pilar shrine at may kaagad na pumara sa harapan namin.
"Kuya, sa Plaridel shrine po."
"Plaridel?" Napakamot siya ng ulo.
"Marcelo shrine ho."
"Aaa! Sus! kala ko sa Plaridel, Bulacan!"
"Kuya naman, anlayo po nun diba?"
At natawa kaming dalawa.
"Sakay na kayo!"
Mga ilang minuto, nasa San Nicolas na kami.
"Ito na yun, Marcelo shrine!"
"Magkano po, Ginoo?" Ang tanong ng Heneral pagbaba namin ng tricycle.
"Bente." At matapos mag-abot ng bayad, tumayo kami sa harap ng shrine at tinitigan ang nakatayong statwa ni Tata Selo at ang langit na maaliwalas. Sa likod ay may 2-storey structure na siyang nagsisilbing museum.
Naglakad kami sa tabi ng museleo at duon may nakapansin samin- isang lalake na ang itsura ay parang pinabatang version ni Rey Valera.
"Under renovation ang shrine e, sorry ha. Pero pwede niyong puntahan ito." Tinuro niya ang museleo ng pamilyang Del Pilar at ang statwa ni Tata Selo.
"Ah, maraming salamat ho. Kelan po maaayos ang shrine?"
"Baka next year pa eh. Atsaka ano--"
"Ano po yun?"
"May mga nawawalang mga gamit eh, hinahanap pa namin."
"Ano ang siyang nawawala? Mga gamit ni Tata Selo?" Ang tanong ni Goyong na mukang naalarma.
"Ang gamit ni Heneral Goyo. Hindi nga namin alam kung paano eh, hula namin inside-job o ano."
Nagtinginan kami ng Heneral at naisip kong baka parehas kami ng naisip.
"Ginoo, ano nga pala ang pagkakakilala ng mga mamamayan kay Heneral Goyo? Kami ay nagsasaliksik rin ukol sa kanya."
Nagulat ako sa biglang tanong ng Heneral. Dati, hindi naman siya interested sa kung ano ang nasusulat tungkol sa kanya na parang wala siyang pake kung ano ang pagkakakilala ng mga tao sa kanya. Dahil kaya sa Bulakan, Bulacan trip na ito kaya siya biglang na-curious or trip lang niya magtanong?
"Para saan naman yan? Research? Thesis?"
Sumabat ako ng: "Umm, Research lang ho sa history class, Sir. Nandyan po ba yung curator?"
"Nasa meeting siya para duon sa event bukas e, anyway, sasagutin ko na lang ang tanong tungkol kay Heneral Goyo."
Natahimik ang lalake na parang nag-compose muna siya sa isip niya.
"Alam niyo, kahit may mga nasusulat tungkol sa kanya na isa siyang dandy, careless at isang berdugong tuta ni Aguinaldo- isa pa rin siyang bayani na tinuturing lalong lalo na dito sa Bulacan. Sa katunayan ay mayroon pa ngang Catorce de Noviembre festival dito."
"Dandy? Careless? Ano ang siyang ibig sabihin?"
Gusto ko ng sumenyas kay kuya na mag-ingat siya sa mga ikkwento niya dahil kumunot ang noo at nagiba ang timpla ng itsura ng Heneral pagkarinig niya ng salitang berdugong tuta ni Aguinaldo-pero huli na ako dahil tinuloy lang niya ang pagsasalita.
"Gwapo nga naman siya, so di niya inaaksaya ang charms niya- marami siyang mga naging babae. Romantic pa nga ba yun na matatawag o cad? Ewan ko." Natawa siya at tinuloy ang pagsasalita.
"Marami siguro kayong di alam dahil hindi naman normally nasusulat sa mga history books na ginagamit sa school ang tungkol sa other side ni Heneral Goyo. Kung mababasa niyo ang ibang tungkol sa kanya, mapapaisip kayo kung karapat-dapat ba siya para tawaging bayani."
DIOS MIO, POR FAVOR KUYA. UTANG NA LOOB. Obviously, marami siyang alam at mukhang marami rin siyang opinyon. Gusto kong takpan ang bibig niya pero napa-takip nalang ako ng sarili kong bibig dahil hindi ko na alam kung paano ako sisingit.
"Sa totoo nga lang, kung ako ang tatanungin-- hindi ko alam kung naimpluwensyahan lang din ako ng mga natutunan ko, pero para sakin--"
"Para sayo ano, Ginoo? Siya'y hindi nararapat tawagin na bayani?" Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Goyong at napalunok ang lalake.
"Ahh sir, ahh-- Syempre isa parin siyang bayani.. para sakin. Ahhh.. teka, magkamuka ata kayo ah! Haha, oo nga! Namamalikmata na ba ako? Ha-ha-ha... Teka, kamag-anak ka ba niya?"
Bago pa magsalita uli ang Heneral naglakas loob na akong umepal.
"Punta muna tayo kay Tata Selo! Tara!" At hinatak ko si Goyong sa harap ng 10 feet monument ng kanyang uncle.
"Heneral.."
Huminga siya ng malalim na para bang nagpapa-kalma.
"Narito nahihimlay ang tiyuhin ko?"
"Umm.. Oo, andyan ang mga labi ng tiyo mo, sa ilalim."
Pinagmasdan niya ito at nagsalita.
"Tata Selo, narito po ang iyong pamangkin."
Nanahimik siya ng isang minuto, siguro ay kinakausap si Tata Selo, nagdadasal o nag-iisip lang. Bago kami bumaba para puntahan ang museleo ay bigla siya uling nagsalita.
"Heto nga po pala si Miho, ang babaeng aking pakakasalan."
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero nginitian ko ang statwa at nag-bow ng bahagya- inimagine ko na ang tunay na Marcelo Del Pilar ay nasa harapan ko at naisip na sana ay boto rin siya sa akin para sa kanyang pamangkin.
Mas maaga akong nakabalik sa apartment kaysa sa inaasahan ko at kaagad na rin kaming umalis para hindi kami masyadong late makauwi. Nagdala kami ng tig-isang 500ml bottled water at naghanda rin ako ng peanut butter and jelly sandwich- Girl scout lang ang peg pero ok na yun kesa hindi prepared. Di na lang din ako lumaklak ng maraming tubig bago umalis para siguradong di ako mamrumrublema pag naabutan kami ng traffic.
Nagpasya kaming mag-MRT ni Goyong papuntang North Ave. para duon na lang sumakay ng bus. Naisip ko kasi kung sa Cubao, mas matagal ang byahe. Hindi ako sumakay sa women's section na parte ng tren kahit sabi ng Heneral na duon na lang raw ako para mas di ako mahirapan. Parehas lang din naman e, kahit saang parte ng MRT- magulo at masikip. Medyo lame ang balance skills ko at swerte na naka-sleeveless pa yung Manong na mukang manginginom sa tabi ko na naka-kapit sa hawakan. Muntik ng mamudmod ang mukha ko sa kili-kili niya- mabuti na lang na mabilis ang reflex ni Goyong at nahatak niya ako agad bago ito tuluyang nangyari. Matapos nuon ay nakaramdam ako na may humipo sa likuran ko. Napalingon ako at tinignan kung sino ang may gawa-- isang elementary student ang naruon sa likuran ko. Siya kaya ang manyak na humawak ng pwet ko? Sige, free touch- sinwerte ka, mahuli lang kita, humanda ka. Minsan na nga lang ako mag-short pleated skirt para lang magpa-cute ng konti, mukhang naisipan pa akong puntiryahin ng batang may raging hormones. Lumingon uli ako at busy siyang kalikutin ang cellphone niya. Baka naman kasi tumama lang yung kamay niya at nag-aassume lang ako na ang sexy kong tignan ngayon?
"Binibini, mayroon bang problema?" Napansin pala ng Heneral na napapalingon ako.
"Ahh, wala.." Tapos ayan na naman at napalingon uli ako. Baka naman sadya na to?
"Aray!" Napasigaw ang bata at napansin ko na may nakahawak na sa kamay niya.
"Bata, ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" Mahinang pagalit na tanong ng Heneral.
"Kuya! Wala po! Wala po!" Dahil nag-ingay ang bata, napatingin sa amin ang mga tao sa loob.
"Wala pong problema, pilyo lamang itong aking inaanak!" Ang sabi ng Heneral sa mga tao habang tinataas ang kamay ng bata, para matapos na ang kanilang pagtitig sa amin.
"Iyo pang subukang ulitin.." Tinitigan siya ni Goyong na nanlilisik ang mga mata at binulungan ng mga salitang yan. Mukha naman natakot ang bata at humarap nalang sa kabilang dako. Itinabi ako ng Heneral sa isang sulok at duon humarang sa harap ko para hindi ako tamaan ng mga naggagalawang mga tao. Sinabihan niya akong kumapit na lang sa kanya para hindi ako mawala sa balanse at sumunod naman ako at hinawakan ang braso niya.
"Isang bata pa ang nais makihati sa paghawak sa iyo. Ganito na ba ang mga bata sa panahong ito?"
"Hmm, mas marami na ata silang alam gawin na kapilyuhan at mas maagang nadidiskubre ang mga bagay-bagay kaysa nuong unang panahon. Parang hindi ko yun ikatutuwa pero in fairness, gumagana pa ang alindog ni Manang!"
"Sa itsura mong iyan sa iyong suot, marahil ay na-enganyo ang batang gumawa ng kasalanan. Siya nga naman ba ay aking masisisi?"
"Ayan ka na naman eh."
Binigyan niya ako ng pilyong ngiti.
Pagbaba ng MRT, dumiretso kami sa baba kung saan raw tumatambay ang mga provincial bus at sakto ay may naka-abang na duon. Pumasok kami, nilapitan ang driver na nagkakape at nagtanong.
"Manong, dulo po nito Bulakan, Bulacan?"
"Oo, duon ang terminal. E saan ba kayo pupunta?"
"Sa San Jose po. Tama naman po ano?"
"Ahh, oo, tama. Tricycle lang kayo."
"Sige, salamat po! Tara, Goyong!"
Naghanap kami ng mauupuan pero sa likod na lang ang may bakante at sakto na magkatabi ito. Naupo kaming dalawa at inayos ko ang kurtina para mamaya ay makita namin ang view sa labas. Pumasok ang konduktor at ng lumapit na sa amin, sinabi kong 'Sa dulo po.'. Kinuha niya ang makapal na bundle ng papel at nagsimulang magbutas gamit ang isang bagay na mukhang puncher. Tinignan namin ni Goyong na kumakalat ang mga maliliit na bilog na papel sa sahig na parang snow. So ito ba yung old school way ng pag-ti-ticket? Nasanay ata ako sa electronic or yung inaabot na lang na papel na may nakalagay na mga presyo.
"Magkano po?"
"46."
Pagkaabot ng ticket, sinilip namin ang papel na butas-butas. Ahhh! Ang binubutasan ay yun date at kung magkano ang babayaran. Inabot ko ang pera kay Manong konduktor pero hindi niya ako pinansin. Yun pala, mamaya pa magbabayad. Ok, bago ito para sakin, sana man lang sinabihan ako ni Manong para hindi mukhang literal na-"seen" zone yung pera na inaabot ko kanina. Pero ok lang, hindi big deal. Mas big deal yung lalakeng anlakas ng hilik sa harapan namin. Sa sobrang lakas, pati yung babaeng nasa may harap na naka-earphones ay napapalingon at hinahanap kung sino yung may sala. Binalak kong tulungan si ate para matunton ang may sala pero agad naman hinatak ng Heneral ang kamay ko na dapat kong ituturo sa humihilik.
"Pilyang Binibini!" Pinindot niya ang ilong ko at inalis ko agad ang kamay niya.
"Gusto ko lang tulungan si ate no!" Totoo naman, e kasi disturbed yun look niya at lingon siya ng lingon.
Sa awa ng Diyos, mukhang hindi naman traffic. Naka-silip kami ni Goyong sa bintana na parang mga batang mag-f-field trip. Karamihan ng mga tao sa bus ay tulog at ang iba naman ay busy sa kanilang mga cellphone. Kami lang ata ang nakadungaw at naghahanap ng interesting na makikita sa labas. Nuong una, panay mga modernong building ang view sa labas, pero habang palayo kami ng palayo ay nag-iba na ang aming mga nakita. Kung hindi ko pa biglang nakita ang Starbucks at ilang food establishments, iisipin ko talagang nasa probinsya na kami dahil mas dumarami ang view ng mga talahib, puno at mga galang baka na busy kumain ng damo. Nadaanan rin ang Philippine Arena at kinwento ko kay Goyong na dito ginaganap ang ibang mga events.
"Oo nga pala, ano na ang siyang nangyari kanina?"
"Ayon, nakuha ko na yung dapat kong kunin." Hindi ko kinwento sa kanya yung nangyari kanina kahit na-tempt akong sabihin na gusto akong ipakilala ni Ms. Michelle sa inaanak niyang Playboy. (Hindi dahil gusto kong isikreto, kung hindi dahil naisip ko lang na hindi relevant sabihin)
"May nais ka bang ikwento pa ukol duon?"
It's either transparent lang talaga ako o malakas makakutob si Goyong.
"Ahh- wala naman."
Bumalik uli sa bintana ang pagtitig niya.
"Napakarami na talagang nagbago sa mga daan at parang hindi ko man lamang makita ang bakas ng nakaraan." Pakiramdam ko hindi naman siya ganuon ka-disappointed at sadyang parte lang ito ng paninibago sa nakikita niya sa labas lalo na ngayon lang kami uli naglakbay pagkatapos ng Tagaytay.
"Mag-iisang taon ka na sa modernong mundo ha, ni hindi man lang ba kayo naglakbay ni Dolly kung saan-saan? Andaming beses niyo ring lumabas magkasama, talagang hindi ba kayo naglibot kung saan na parang sa Tagaytay, ganon?"
"Wala ako nakita kung hindi mga modernong lugar na may mga nagtataasang gusali. Minsan ay sinasamahan ko siyang uminom ng mamahaling kape, bumili ng mamahaling mga damit, magpa-ayos ng kanyang buhok, kumain kung saan-saang mga mamahaling lugar, uminom sa tinatawag na "bar"- ganuon lamang, Binibini."
"Sayang naman pala! Biro mo, sa tagal mo na rito, konti palang napupuntahan mo. Dapat pala nag-plano pa tayo ng mas maraming paglalakbay dati. Di bale, yung pagyaya ni Pau, ayon! Ituloy na lang natin yon!"
"Ayos lamang yuon, may susunod pa naman at gusto ko na ika'y siguradong kasama."
"Hmm, e kamusta naman ang modernong buhay?"
"Para sa akin, may pagka-mahirap parin talaga na intindihin ang mga normal na ginagawa sa makabagong panahon. Isang beses habang kami ay magkasama ni Dolores, sinabihan ko siya na itigil niya ang paggamit ng kanyang cellphone kung kami ay nag-uusap sapagkat hindi ko ito nagugustuhan- at pag-tingin sa paligid ganuon rin ang mga tao kahit mga bata! Kaya naman siya ay hinayaan ko na lamang, matapos niya rin akong taasan ng kilay. Hanggang ngayon hindi ko parin mawari ang kaligayahan sa pagkalikot ng cellphone na iyan habang may ginagawa pang ibang bagay. Ilang beses rin na niyaya niya akong mag-litrato at napagtanto ko din na isa pala itong normal na bagay dahil nakita ko na ang ibang tao rin ay iyon ang ginagawa sa labas, kahit pa sa gitna ng daan. Kapag aking tinatanong si Dolores, ipinapaliwanag naman niya ang mga modernong bagay na aking ikinagugulat, ngunit lagi ko siyang sinasagot na 'Ngunit si Miho ay hindi naman ganuon!'."
"Kasi hindi ako 'normal', Heneral. Yun lang yun."
"Hindi naman, iba ka lamang sa karamihan at--"
"Ops, ops! Wag ka ng humirit!"
At natawa siya.
"Pero oo nga, siguro hindi ko rin nakakasanayan ang mga bagay na normal na ginagawa ng ibang tao. Hindi sa nilalayo ko ang sarili ko sa mga ganuong bagay, pero sadya lang siguro na ganito ako. Tamad? Ganon."
In short, boring ako. Naisip ko tuloy, kailangan ko na bang gumawa ng Facebook? Mag-selfie din kaya ako minsan? Si Pau, hinihikayat rin ako dati para i-try ang mga bagay na yun. Siya nga yung pinaka-mahilig mag-selfie at magpicture (ng kung anu-ano) na kakilala ko- pati sa kubeta kinukuhanan ang sarili (alam ko dahil evidence yung bathroom tiles) at may after-sex pictures pa siya kasama ang ka-hook up niya (sabi niya 'after' at hindi 'before', hindi na ako nag-interrogate).
"Gusto ko na ganyan ka na lamang. Mas pamilyar at kumportable ang pakiramdam kapag ikaw ay kasama. Para bang hindi kailangang sumabay sa mabilis na agos ng panahon - kahit pa ang modernong mundo at mga tao sa paligid ay tila parati na lamang nagmamadali."
Hinawakan ng Heneral ang kaliwang parte ng ulo ko at dahan-dahang inihiga sa balikat niya. Nanatili lang kami na ganito habang nakasilip sa labas.
"Ano nga pala ang iyong kahilingan ngayong kaarawan mo?" Ang mahina niyang tanong.
"Hmm, sana di na sumapit ang bukas."
"Bakit? Sapagkat ayaw mong matapos ang iyong kaarawan?"
"Hindi naman sa ganun, wala lang."
Ayoko ng date na December 2, pero hindi ko na lang binanggit sa kanya.
"Miho, sana ay sabay na tayong namuhay simula dati. Kahit na hindi ko kailanman nais na ika'y madamay sa magulong mundo na mayroon noon, ang aking kasakiman ang naghahangad na sana'y nakuha ko na nuon ang iyong pag-ibig upang sa binigay na pagkakataon sa kasalukuyan ay hindi na nagulumihanan pa."
"Ayos lang yan no! Lahat naman raw ng nangyayari may dahilan. Malay mo, galing din pala ako sa nakaraan kagaya mo!"
"Pero kung nagkita na tayo nuon, marahil ay hindi rin tayo magkakatuluyan."
"Ay, ang negatibo agad?"
"Nabibilang ka siguro sa tinatawag na Tornatras at ako naman ay iba sa iyo. Marahil rin ay ipakasal ka sa iba ng iyong mga magulang kahit tayo ay nagmamahalan. Isa lamang itong hula ngunit akin lamang nakukutuban."
"Tornatras?"
"Ang isang taong may dugo na halong Indio, Sangley at Peninsular."
Oh, akala ko 'Mestiza de Sangley' na ang tawag sakin. Meron pa palang tinatawag na Torta-- torta ano?
"Bakit mo naman naisip na ipakakasal ako sa iba? Strikto ba ang pamilyang may dugong Torta--"
"Hindi naman dahil lamang sa ika'y isang Tornatras, Binibini. Ngunit natural lang na mas nanaisin ng magulang ang pinaka-karapat-dapat para sa kanilang anak lalo na kung kasing rilag na isang kagaya mo. Mahigpit ang mga magulang sa kapanahunan nuon at madalas ang kanilang kagustuhan ay siyang nasusunod. Naisip ko lamang na kung ako ay haharap sa kanila, maaaring mas mamili sila ng iba para sa iyo." Tornatras. Tornabante. Torna atras. Torna abante. Naglaro ako ng word play sa utak ko. At oo- alam ko rin ang sinasabi niya. Mas mahigpit nga talaga dati, kasi kung hindi, malamang nagkatuluyan na si Leonor at Pepe at hindi na rin siguro nahirapang ikasal agad si Andoy at Oryang.
"Parang ang hirap ng buhay pag-ibig noon ah."
"Si Poleng rin ay isang Tornatras."
"Si Poleng? yuong babaeng paasa? Yung ayaw ng nanay sayo?"
"Oo, si Paulita."
"Kung ganun, mas gusto nilang magkaroon ng ubod ng yaman na kasintahan si Poleng?"
"Hindi ko rin nasisigurado kung bakit hindi nila ako gusto para sa kanilang anak ngunit sa akin lamang pagkakaalam ay itinakda siyang ipakasal sa iba."
Kasi may psychic powers yung nanay ni Poleng at napag-alaman niyang magiging babaero ka- yun sana ang gusto kong sabihin, pero wag na.
"Anong nangyari sa kanya pagkatapos niyong maghiwalay?"
"Ako ay wala ng nabalitaan. Sa aking palagay ay nabaon niya rin ako agad sa limot. Baka hindi naman niya talaga ako minahal kagaya ng kanyang ipinahihiwatig dati at tunay lamang akong umasa at nabigo."
Bitter Ocampo pa rin siya? Teka teka, hindi pa ba siya nakaka-get over?
"Di bale, Heneral, marami naman nagmahal sayo! Pwede na yan no, swerte ka na rin!"
Natawa siya.
"Ngunit wala ng pinaka-importante para sa akin kung hindi ang iyong pag-ibig, Binibini."
"Ilang beses mo naman ba yan ginamit sa lahat ng babae mo?"
"Ako'y pinararatangan mo na naman." At siya'y napa-iling.
"Kabisado ko na kayo no!"
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay malapit sa kanyang dibdib.
"Nawa'y pagbigyan mo ako upang linisin ang aking nasirang pangalan na kadugtong ang mga kwentong pag-ibig ng nakaraan."
Natawa ako at napatakip ng bibig. Wow, kulang nalang ako ng pamaypay- medyo girly ako ngayon ah. Lakas maka-influence ng skirt ko.
"Nagbibiro lang ako, inaasar lang kita!" Half-meant yun pagbibiro ko.
"Pilya ka talaga, Binibini!" At ginulo niya ang buhok ko para asarin rin ako.
Napatingin ako sa lalakeng nakalingon sa may bandang harap namin. Yung itsura niya mukhang "Get a room!" yung pahiwatig at medyo nakaramdam ako ng hiya. Baka narinig niya yun salitang 'Pilya' at nag-isip ng kung anong madumi. Hindi naman ganun kalakas ang mga boses namin kaya feeling ko eavesdropper si kuya!
"Heneral, kelan ka nga pala titigil na tawagin akong 'Binibini'?"
"Kailan na nga ba rin na ako'y hindi na tatawaging 'Heneral'?"
Nagtinginan kami at nangiti na parang alam na namin ang kasagutan.
"Heneral, kung meron akong kaparehas sa mga napakadami mong babae dati, sino yun at bakit?"
"Si Paulita." Ang mabilis niyang sagot.
"Bakit? Dahil Tor-- Torna-Tornatras siya?"
"Ako'y umasa sa iyo ng mga panahon na parang itinapon mo na ang iyong damdamin para sa akin ng dahil rin sa iyong inay na nais rin tayong paglayuin."
Natahimik ako.
Sorry na sa pag-Poleng zone ko sayo, Heneral. Sorry na. Medyo nagsisi ako sa itinanong ko, na-guilty na naman tuloy ako. Napasilip ako sa bintana at nakita ang mga tindahan sa labas. Napansin ko na ang kitid ng 2-way na daan kaya rin biglang nag-traffic.
Maya-maya nasilayan na namin ang terminal.
"Uy! Narito na tayo!" Parang ako yung mag-h-homecoming sa sobrang excited at lakas ng boses ko. Nagising sa gulat ang lalakeng humihilik kanina pa at napatayo siya sa kinauupuan niya.