May punto sa buhay ng single na gusto na niyang magkaroon pero wala pa siyang taong mamahalin. Yung masyado siyang naging masaya sa buhay niya, pero ramdam niyang may kulang pa din. Ganun ata talaga kapag mag-isa. Kahit na gaano ka kasaya, iba pa rin yung taong pagkatapos ng saya eh nandun pa rin siya para kamustahin ka.
Pwede naman kasing lumabas ka kasama ng kaibigan na sa huli pag-uwi mo may mangangamusta sayo kung naging masaya ka ba sa kanila hindi ba? Yung taong may nagtatanong sa atin kung pagod na ba tayo, kung na traffic ka ba, yung taong magsasabi satin na magpalit na tayo ng damit dahil baka napawisan at baka tayo ay magkasakit.
Ayun yung mga bagay na bihira na ma appreciate ng taong nasa relasyon, nawawala na yung appreciation nila sa bagay na yun dahil nakuha na nila ang gusto nila. Hindi nila alam o naalala na yun din ang hinahanap nila nung oras na nag-iisa sila.
Masaya maging single. Tama ka, kasi malaya ka, magiging masaya ka ng walang inaalala, solo mo ang oras mo, malaya mong malilipad ang mundo. Pero nasabi ko sa huli na iba pa rin pala kapag may taong handang umintindi at handang mag-alaga sayo.










