Paano na ang kasunod na henerasyon?
Sa aking dalawang napanood na dokumentaryo na “Minsan sa Isang Taon” at , “Ang Dagat at si Lolo Pedro”, nakakalungkot isipin na umuulit lamang ang pinagdaanan ng mga magulang na unemloyed sa mga kanilang anak at sa susunod na henerasyon.Â
Sa unang dokumentaryo, abaca farmer ang karamihan sa mga taga-Sitio Banli, pero dahil seasonal ang pagaani ng abaca minsan sa isang taon lang sila may pera. Dahil isang beses na lamang sila nakakapagani ng abaca dahil kakaunti na lamang ang mga puno, mas lalong mahirap makakita ng pera na ipapakain sa mga batang naroroon, at kamote lamang ang kilalang pagkain ng mga bata.Â
Nakakaawang isipin na ang karamihang sa nagaani sa Sitio Banli ay nagsimulang magtrabaho nung sila ay bata pa lamang, at sa kasukukuyan ay umulit muli ang pangyayari at nagaani si Jerson ng abaca para lamang makabili ng notebook, at kung iisipin papaano ang kinabukasan ng mga bata kung 1,000 ang kita kada taon ay mahihirapang maipasok sa eskwelahan ang mga bata.
Sa pangalawang dokumentaryo, si lolo Pedro ang isa sa mga unang maninisid ng Isla Verde, at ang naging kabuhayan niya na ang pangingisda, simple lamang ang hangad ni lolo Pedro at ito ay walang iba kundi ang maipagtapos ang kaniyang anak na si Boyten. Ngunit ang kapalarang iniwasan ni lolo Pedro, ay sasapitin din pala ng kaniyang anak ang mga pinagdaanan ni lolo Pedro. Gayun din nama’y nagsisikap din si Boyten upang magkaroon ng magandang trabaho ang kaniyang anak na hindi gaya ng sinapit niya, na kung iisipin ay ito rin ang sinabi ni lolo Pedro dati.
Nakakawang isipin na sa tatlong henerasyon na naipasa ang aquarium fishing sa pamilya ni lolo Pedro. Maagang namulat si Jimuel sa pakikipagsapalaran, siya ay nagaaral habang naghahanap-buhay rin. Ito man ang kanilang hanap-buhay ngunit delikado rin ang pakikipagsapalaran sa ilalim ng dagat dahil may peligro na maaaring mangyari habang nasisid sa ilalim.Â
Sa aking napapansin ay nagkakaron lang ng pagulit, kapag ang mga magulang ay hindi nakapaghanap ng maayos na trabaho, maaapektuhan ang pagaaral ng kanilang mga anak at gayundin ay maapektuhan ang kinabukasan ng mga bata. Kaya kung ang mga magulang ay unemployed, maari ring hindi makahanap ng trabaho ang mga susunod na henerasyon ng kanilang pamilya.









