04-22-2024
Hi! It's been a year. Ang bilis ng panahon no? Yung kast post ko pa dito malungkot, pero unfortunately, wala narin kami after ilang days nung pinost ko. Saktong Feb 14. Ang malas ko talaga ng Feb 14, lahat ng naging ex ko tuwing feb 14 lagi ang hiwalayan. Hayyy.
Pero ngayon masaya na ako. Parang feel na feel ko na yung Rozuel ulit. Yung masayahin, ma-appreciate ng paligid. Ang saya ko kasi binigyan ako ni Lord ng mababait ba kaibigan. Sa office at sa galaan. Sobrang laki ng ambag nila kung ano ako ngayon, madami akong natutunan sa buhay dahil sa past relationship ko. Sooobrang dami. Be faithful lang talaga kay God no matter what. Hindi ako nag doubt sa nangyayari sakin dahil alam ko ni redirect lang to ni God.
Alam mo, ang lungkot ko. Wala ata ako kasama magcelebrate sa birthday ko.. Nakakapagod maging Strong İndependent haha. Kailan ko kaya mararanasan na may masasandalan akong tao, sa ups and downs ng buhay ko? Yung parang bff mo pero partner sa buhay. Basta ganon haha. Si Lord nalang nakakaalam ng specific checklist ko sa isang guy. Ang lungkot lang kasi gusto nila na mag attend ako sa mismong birthday ko ng ibang birthday, papaano naman ako? Gusto rin naman na ma celebrate ko yung birthday ko sa mismong araw na yun. Hayyy.. siguro gagala nalang ako magisa kasama yung aso ko. Wala naman akong ineexpect rin..
BE HAPPY ROZ!! TRUST GOD ❤️











