Confession:
Di ko alam kung kelan nagsimula, pero isang araw, same sex na yung nakaka-attract sakin. Yung tipong nababaliw na ako kakaisip kung paano ko makikita yung crush ko. Tapos kakaibang sensation yung dala nung damdamin ko kapag nakikita ko yung taong gusto ko. Para kong lumulutang, although nagkakagusto din naman talaga ko sa opposite sex, pero I think alam ko naman sa sarili ko na mas gusto ko ang kabaro ko.
Hanggang ngayon, ganun pa din nagkakagusto ako sa same and opposite sex. Mas matindi lang yung sa kapareho dahil magkakaroon ng chance na mas maging close kami at mas ma-attach pa ako.
Actually mas madalas na sa una friendly lang hanggang sa ma-attach na ako ng todo at mahulog na ang loob ko sa taong yun.
Pinili ko ba ito? For me, hindi, kasi hanggang ngayon nilalabanan ko ito. Hindi ko matanggap yung sarili ko, kaya siguro walang makatanggap sakin.
Pero actually, I once confessed, to someone whom I really trust and I've ended up attached to. I don't really know kung may pinagsabihan ba siya nun or wala.
Yung naramdaman ko sa kanya ay nawala over time, although it took me some time, it's hard. We were so close. And I risked it. That's why it's gone. And this is the reason why never na ulit ako magco-confess, kasi alam ko yung consequences. Takot na akong mag-risk.
Pero ewan ko, hanggang ganito nalang ako ngayon, palihim na umaasa, di alam kung may patutunguhan pa. Masasaktan ng palihim at mag-isa. Kasi, never kong matatanggap ang sarili ko na ganito na.
😢😢😢
















