| 08202025 . WEDNESDAY . 12YEARS TO LIFETIME
I will never forget the day we started messaging, not knowing it would be the beginning of the most amazing love.
Hindi ko akalain na darating tayo sa ganito. 12years! Naalala ko ang dami nagsasabi hindi tayo magtatagal maghihiwalay din tayo. Oo may times na naghiwalay tayo pero kung iisipin naten napaka babaw lang ng dahilan non. At sa breakup na yun dun tayo natuto. Dun naten nakita na hindi pala naten kaya mawala ang isatisa.
Naalala ko din noon. Na nagpaparinig ka na kailan ba ako mag propropose. Tumatawa lang ako. Akala mo nga siguro hindi ako seryoso sayo. Hanggang sa may time na nahuli mo ko na naka like sa mga page ng mga wedding rings, na kaya pala tinanong mo ulit ako kung mag propropose naba ako, sabi ko hindi pa ah.. dami pa naten dapat ayusin sa buhay naten.
Ang totoo talaga non hindi pa ako ready. Para kase may kulang pa saken. Natatakot ako magkamali at masaktan kita. Pero kahit na ganun matagal na ako tumitingin ng wedding ring at wala naman ako makita na perfect para sayo. Yung gusto ko kase yung wedding ring na kapag nakita ko ikaw yung una ko maiisip. Gusto ko kase yung pang prinsesa, na kapag suot mo maalala mo parati na mula noon hanggang sa mga susunod na bawat araw na darating sa buhay naten na iningatan kita ng sobra at minahal ng sobra pa sa sobra na higit pa sa isang disney princess. (Tareyyyy hahaha!)
At naniniwala naman ako na balang araw sa right time ni Lord ipapakita nya at ipaparamdam nya saken na eto na yung tamang panahon.
Hanggang sa ewan ko ba! Isang araw nagulat nalang ako na nagising ako at naramdaman ko na READY na ako. Na BUO na pala ako, actually matagal na pala akong BUO nabuo nung nakilala kita. Na yung bawat kulang na parte o bawat sugat ng nakaraan nag healed na pala yon. Na hindi pala ako dapat matakot kase matagal na pala akong hilom. Basta! hirap iexplain. Tapos yung araw na din yon tumingin ako ng singsing, at BOOM! unang kita ko palang ikaw agad naisip ko. Yung CROWN RING nakita ko agad. Kaya yung araw na yun pina reserved ko na sya agad.
Sobrang tagal na ng singsing na yan saken. Sina momcy na nga nagtatago minsan kapag wala ako sa bahay dahil baka ma misplaced pa. At alam mo bang hindi ko lang alam paano ako mag propropose. As a nonchalant at introvert person hindi ko kaya mag flash mob. Hindi ko rin kaya sa harap ng marami tao. Kaya through paint nalang talaga naisip ko, dahil pareho naman kaming may artisty side. Shutaaaa!!!! ang alam ko sa buong buhay ko magaling ako mag drawing. Pero nung araw na yan naging pang GRADE 1 talaga sa sobrang lutang at kaba ko. Unang lapat palang ng paint brush mali na agad e hahahaha! Di ko alam bakit ganto naisip ko. Pero gusto ko kase another kakaibang experience satin.
Sa 12yrs ng relationship natin I learned that love is not just about perfect timing, but about the right person who will not only arrive, but will also stay.
The world can be uncertain, life can be unpredictable, but if there is one thing I am sure of, maswerte ako dahil ikaw ang kasama ko, ikaw ang pinili ng tadhana na dumating sa buhay ko. Dahil sa bawat milyong pagkakataong puwedeng hindi tayo pinagtagpo, nagtagpo pa rin tayo. Sa lahat ng puwede kong makilala, ikaw ang dumating, ikaw ang ibinigay.
Hindi ako mangangako kase alam mo naman na hindi ako mahilig mag promise pero asahan mong mamahalin kita sa panghabambuhay na paraan hindi lang ngayon, hindi lang sa mga panahong madali, kundi sa mga panahong sobrang hirap at sakit. Mamahalin kita sa mga paraang hindi mo nakikita, sa mga paraang hindi mo inaasahan, sa mga paraang hindi mo na kailangang hingin.
Dahil gaano man kadalas kong sabihin na mahal na mahal kita, tandaan mong mamahalin pa rin kita nang higit pa roon, know that my love will always be beyond words.
At yung kantang sa bawat araw will always be our song. Dahil from our first day until our last sa bawat araw mananatiling ikaw pa rin. And if one day when the death takes my hand i will hold you with the other and I assure you with all my heart to find you in every lifetime. 💚💍👩❤️👨















