Budoy: Isang Pagbalik tanaw pt. 3
“Ang gusto ko maging katulad niya tayong dalawa, isang batang may magandang kinabukasang hinaharap, ” sinabi ni Dr. Anton Maniego, ang ama ni Budoy.
*https://youtu.be/IHy2J5oKHGI?t=24m29s
Timestamp: 24:29
Ang linyang ito ang tumatak sa isip ko nang matapos ko muling panoorin ang episode. Oo nga naman, bihira kang makakakita ng mga taong may kapansanan na nakakahanap ng trabaho. Mas pipiliin nga ng isang kumpanya ang isang tao na mas madaling hubugin para sa mga iba’t ibang pangangailangan ng trabaho. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies noong 2013, 57.1% lamang ang mga PWD o Persons With Disabilities ang may trabaho. Karamihan daw sa kanila na walang trabaho ay hindi naniniwalang may kukuha sa kanila kapag naghanap sila ng trabaho. Ang naiisip ko lamang na rason kung bakit mas nakahihigit pa rin ang mayroong trabaho ay dahil sa isinasaad ng RA 7277 kung saan mababawasan ang buwis ng kumpanya katumbas ng 25% sa sweldong ibinigay sa mga taong may kapansanan sa kumpanya.
Employment of Persons with Disabilities (PWDs) in the Philippines: The Case of Metro Manila and Rosario, Batangas:
https://dirp3.pids.gov.ph/ris/dps/pidsdps1313.pdf
http://www.ncda.gov.ph/disability-laws/republic-acts/republic-act-7277/