Nakakatawang nagkatapo,
Ang mga matang puno ng tanong.
Bakit ako nandito, bakit sila nandito at bakit ka nariyan?
Mag uusap ba tayo o wag na lang?
Kakalimutan na lamang ba ang nakaraan o aalahanin?
Gusto mo bang lumipat pa ng lugar o gusto mo na lang dito?
Mukhang magiging mahabang usapan, handa ka ba?
Halika’t lumabas sa silid na ito,
Maglakad lakad tayo sa labas.
Gusto sana kitang makausap ng masinsinan
Sagutin mo mga tanong ko’t sasagutin ko sayo.
Kapag naka isang ikot na sa mansyong ito,
Maari mo na kong iwanan, kalimutan.
Hindi ba’t masaya naman tayo noon sa isa’t isa?
Bakit ngayon ay nagluluksa?
Siguro tama ka ngang di ko gaanong inisip ang nararamdaman mo,
Mga paborito mong pagkain, lugar at sa ayaw mo ng aso.
Ngunit sa pagkakatanda ko,
Di mo rin naman natanong kung anong nasa isip ko.
Alam mo bang dati,
Tuwing gabi ay tinatanong ko ang picture mo kung may mali.
Mali saakin? Di mo ba kayang mahalin din ang tulad ko? Hanggang sa masaya na lang ba tayo sa isa’t isa?
O baka binibigyan ko lamang ng malisya lahat ng ito?
Naisip ko na lang na gusto mong hinay hinay lang tayo.
Baka ang gusto mo kilalanin mu na natin ang isa’t isa.
Alam mo bang sa tuwing magkikita na tayo noon ay nagbabago ang hugis ng aking labi?
Galing sa simangot biglang ngiti.
Makikita na kita, mapipisil ang pisngi.
Minsan iniisip kong sabik ka ding makita ako tulad ng pagkasabik ko,
Ngunit madalas naiisip ko, wala ka lang magawa kaya ako ang napili.
Kaso pinanghahawalan ko yung mga sinabi mo.
Alam mo bang hindi ko namalayan na unti-unti ko ng nawawala yung sarili ko,
Kahihintay sayo.
Kahihintay sa walang kasiguraduhan.
Hindi ko rin naman kayang tanungin sayo yung dapat kong tinanong sayo.
Natatakot ako e, baka lalong masakit.
Kelan mo ba ko tatanungin ng tanong na dapat?
Ako na naman ba ang unang gagawa ng paraan,
Ng happy ending dapat natin?
Mukhang mali ata ang pagkakaintindi ko,
Di ka ata naghihinay sa kung anong meron tayo.
Pareho ata tayong nagaantayan.
Para tayong mga liyon na nagaantay na lumakad papunta sakanya ang pagkain nya,
Para tayong mga aguilang malaki ang pakpak ngunit ayaw lumipad,
Para tayong hangin,
Dama na nga, di pa rin kayang magpakita.
Napagod na lang,
Sa kakaatay.
Pero di pa rin tumigil,
Ang kaso ikaw sumuko na.
Hindi kita masisi,
Ang gulo kasi ng mechanics ng laro natin.
Malapit na tayong matapos sa pagikot. Nakikita ko na yung pintuan,
Alam mo ba ang gusto kong tanungin?
Bakit ako nandito, bakit sila nandito at bakit ka nariyan?
Mag uusap ba tayo o wag na lang?
Kakalimutan na lamang ba ang nakaraan o aalahanin?
This is fully just 3am thoughts Kakalimutan mo na ba ko?