Minsan hindi na mawari
Ano bang mali?
Ano pa bang hindi malinaw?
Pagtatapos ba talaga ang aking hinihintay?
O pag-asang mabalik ang minsa’y pinaniwalaang meron.
Pagod na ako.
Pagod na akong kalimutan ka.
Sa bawat pagpikit ika’y nakikita.
Ang bawat salita’y sayoy’ naiuugnay
Mundo’y tila nawala sa wisyo
Mundo’y hinayaang umikot sayo
At ngayon... pagod na ako.
Pagod na ako sa kakatanong kung meron ba talagang tayo?
Kung minsa’y minahal ba talaga ako?
O isa lang ako sa milyon milyong tangang umaasang “oo”
Oo o hindi?
Dalawang salita lamang pero bakit ang hirap bigkasin.
Dalawang salita pero iisa ang pipiliin.
Gusto ba talaga marinig? O hindi kayang lamunin?
Ano ba ang mali?
Ano ba ang hindi malinaw?
Ano bang hindi matanggap?
Na minsa’y dumating ang pag-ibig ngunit aking binalewala?
Na minsa’y binigay din naman niya ang mundo pero di ko nakita.
Na minsa’y sinabi niyang mahal niya ako pero pinili kong maging bulag at pipi
Pinili kong balewalain siya
Dahil umasa akong kung mahal ka hihintayin ka niya
Na kung totoong mahal ka niya, siya at siya
Pinili kong maniwala sa istoryang piksyon at mabulag sa realidad
Kinalimutang hindi ito istoryang pangbata na isang halik lang ay okay na
Minahal niya ako.. totoong minahal niya ako.
Ang tanong... minahal ko ba siya ng sapat?
Alin pa ba ang mali?
Alin pa ba ang hindi malinaw?
Na ang lalaking minsa’y baliw sayo’y sa piling ng iba
Na ang lalaking minsang ikaw ang mundo’y hindi na maabot.
Hindi pa rin ba malinaw?
Pagtatapos na hinahanap ay matagal ng nakita
Pag-ibig na minsa’y iyo, ikaw din ang sumayang.
Hindi siya, kundi ikaw.
Ikaw ang unang bumitaw
Tao lang din naman siya...
Ang taong labis kang minahal...
Napagod na.













