‘LEARNING IS A TWO-WAY STREET’: UPIS, mula sa perspektibo ng isang Guro
Ni Zenith Macatangay | Nobyembre 9, 2024
Tahimik ang hallway ng unang palapag ng UPIS kapag 7:52 pa ng umaga, tila may anghel na dumaan at walang katao-tao. Isang bagong faculty ng Departamento ng Filipino sa UPIS, si Binibining Diana Coloma ay may ngiti na waring nakatago–isang Mona Lisa.
Tila alas-diyes muli ng umaga at nakaupo sa maaraw na sulok ng silid-aralan, bubuklatin dito ang kanyang kuwento, isang silip sa kanyang mundo bilang isang guro.
Paano siya natungo sa pagtuturo sa UPIS?
Nagsimulang magturo si Bb. Diana noong 2017, isa siyang dating guro sa Poveda at San Beda. Isang suntok sa buwan ang pag-apply ni Bb. Diana sa UPIS, isang paghamon sa sariling kakayahan. “Kapag tanggapin ako sa UPIS, for teaching na talaga ako,” sabi niya. Hindi na naging pangunahing prayoridad ang pagtuturo, dahil nais niyang lumawak ang kaniyang karanasan sa mga ibang larangan. Ibinahagi ang aplikasyon para sa posisyon ng guro sa UPIS ng kaniyang mga kakilala mula kolehiyo, at unang nag-apply si Bb. Diana noong Hulyo 2022, at muli noong Nobyembre ng taong iyon. “Siyempre, UP ‘yan… The name itself,” ika niya. Bilang isang nagkapagtapos sa Polytechnic University of the Philippines o PUP, isang kapwa-pambansang unibersidad, magandang oportunidad ang pagturo sa UPIS. “Kung hindi man ako nag-aral sa UP, paano kaya kung magturo ako sa UPIS?”
“Kung hindi man ako nag-aral sa UP, paano kaya kung magturo ako sa UPIS?”
Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng mga ginagamit na sanggunian at kagamitan, kung saan mas abot-kaya rin ang mga gadget sa pribadong eskuwelahan, kumpara sa UPIS. Isa sa mga idiniin ng binibini ang pagkaroon ng akademikong kalayaan sa paaralan. Kumpara sa mga pribadong eskuwelahan, na ginagamit bilang gabay ang mga study plan at MELCs (Most Essential Learning Competencies) ng DepED, kinailangan niyang matutuhan ang pagiging flexible sa pagturo ng iba’t ibang pangkat. Ang gumagana sa isang pangkat ay maaaring hindi gumana sa kabila; hindi katulad ng mga nakasanayan sa pribadong eskuwelahan kung saan may hinahanap na mga bahagi at elemento ng pagtuturo sa bawat klase.
Kaugnay ng ito, nanibago rin si Bb. Diana sa mga modyul. Sa pribadong eskuwelahan, mayroon silang mga modyul at MELCs na sinusundan upang sumangayon sa silabo ng kanilang asignatura. Kumpara sa UPIS, kung saan kinakailangang isulat ng guro mismo ang kanilang mga modyul at silabo ayon sa kurikulum ng grado na kanilang tinuturuan.
Isa pa sa mga naging karanasan matapos lumipat sa pagtuturo sa UPIS, madalas mapagkamalan ang binibini bilang isang estudyante sa jeep, aniya.
Pagturo sa Grado 4 at highschool…
Natawa nang kaunti, ikinuwento ni Binibining Diana ang kaniyang mga karanasan bilang guro ng Filipino para sa Grado 4 at Grado 10 ng UPIS. Naging hamon umano ang pagturo sa elementarya, mas lalo’t nasanay sila sa wikang Ingles. Mas kinailangan na makibagay sa kanilang pangangailangan sa pagturo, ngayon na may dagdag na balakid, ngunit nahahanapan ito ng paraan sa paggamit ng mga interes at humor ng mga bata bilang paraan ng paghahanap ng koneksyon sa kabila ng malaking laktaw ng edad. Makisama sa mga chikiting at maglaro, waring kaklase na nakaupo sa katabing upuan.
anghel na dumaan at walang katao-tao. Isang bagong faculty ng Departamento ng Filipino sa UPIS, si Binibining Diana Coloma ay may ngiti na waring nakatago–isang Mona Lisa.

Mas marami siyang karanasan sa pagturo ng estudyante ng highschool kumpara sa mga estudyante ng elementarya. Unang beses gumamit ng binibini ng lapel para sa Grado 4, mahirap daw kasing sabayan ang enerhiya nila! Napakakulit ng mga bata sa elementarya, ngunit napaka-sweet din. May isang beses na niregaluhan si Bb. Diana ng BINI at Blackpink photocards ng ilang mga estudyante, matapos nilang malaman na hilig niya ang mga girl group na ito. Andaming komosyon, tila binilog ang mga upuan habang oras ng tanghalian upang makipag-usap-usap ang mga bata.
May mga bagong bagay at interpretasyon din siyang nakukuha mula sa Grado 10, kung saan siya nagtuturo ng El Filibusterismo. Iba na raw mag-isip ang mga bata ngayon, at nakatutuwa naman na mulat ang kabataan sa mga isyung panlipunan. Dahil dito, nabibigyan ang binibini ng mga bagong pananaw at perspektibo habang nagtuturo.
Gusto niyang ipahiwatig na kahit makalimutan man ng mga estudyante ang mga diskusyon sa klase–– mga kabanatang itinalakay, o ang mga karakter at pangyayari sa mga libro at ang mga kuwentong lumipas na–– huwag pa ring kalimutan ang respeto at disiplina. Isama sa pang-araw-araw ang mga aralin at tamang asal. Patatagin ang ating tiwala sa sarili dahil magpapakita ito sa lahat ng ating gawain. “Hindi kailangan maging pinakamagaling, basta tama ‘yung ginagawa mo, at alam mo sa sarili ang mga ito.” Patuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga tao, mapamatanda or mapabata man sila. Kailanman, hindi tumitigil ang buhay sa paghain ng mga pambuhay na aralin.
Isang mensahe para sa mga guro.
Isa sa mga pinakabinigyan ng importansya ni Binibining Diana ang pagiging masusi at maingat sa mga sinasabi sa mga bata, o sa pagtrato ng mga guro sa kanila. Tumatatak ang kanilang mga sinasabi sa mga estudyante. "Ano kayang naaalala nila kapag nakita nila ako?” isip ni Binibining Diana, “...Minsan ang maaalala niya sa’yo ano, ‘yung paano mo siya itinuring, paano ‘yung naging rapport sa inyo sa isa’t isa.... Ano ‘yung naging pag-alaga mo sa kanya? ...Ano ‘yung mga sinabi mo sa kanya noong mga panahon na kinakailangan niya ng tulong.”
Make or break ang pakikitungo ng isang guro sa kanyang klase, aniya. Minsan, lubos na nakakaapekto sa mga estudyante ang mga hindi pinapansin na gawain, mas lalo na sa mga mas nakababata, tulad ng Grado 4. Ibinahagi niya ang isang pagkakataon kung saan lubos na nakatulong ang payo niya sa isang estudyanteng pabalik-balik sa isang tanong sa pagsusulit. "Maliit na bagay (sa akin), pero malaking bagay para sa kanila." Dahil dito, natutuhan ni Ma’am na maging maunawain sa mga pangangailangan ng bawat bata.
Walang katapusan ang pagkatuto, kahit mismo sa mga guro, kaya napakaimportanteng maging mapang-unawa, at intindihin mismo ang kanilang klase. Minsan, kailangang makiupo ng isang guro katabi ng mga bata at samahan silang mag-aral para matutuhan kung paano sila natututo. Isang napakaimportanteng abilidad ang pagiging ‘teachable’ kahit ikaw ang nasa harapan at nagsasalita.
"Huwag nating maliitin ‘iyong kakayanan ng mga batang ito."