some art of sticknoumena [by @charseraph] because i Really Like Her. also here's her in the proximity of src's other faceless sticks
Actual Stick Figure noumena
and this
seen from Malaysia

seen from China
seen from France

seen from Canada
seen from United States

seen from Canada
seen from France
seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from China
seen from Singapore
seen from United States

seen from Italy
seen from Philippines
seen from Germany

seen from France
seen from Russia

seen from United Kingdom
some art of sticknoumena [by @charseraph] because i Really Like Her. also here's her in the proximity of src's other faceless sticks
Actual Stick Figure noumena
and this
Kawani is a tough grand-grand-granddauther :D
Samba and Kawani !
Samba by @moonlitcomet
I'm loathe to promote the region's best happy hour, for fear of making it too popular, but just can't hold in this secret any longer. It must be shared. Kawa Ni is an American take on a Japanese Izakaya (gastropub) with an incredible array of food choices and if course, creative drinks. 5 different varieties of Sake Bombs. Smokey bone marrow Old Fashioned. Scallop rolls and Ramens. The fried chicken wings that could even convert vegetarians.
My personal favorite dish is their scallop hand roll (maki) - when the nori is crispy, there's very little more tasty.
The scallop is married with yuzu kosho (citrus chili pepper paste), shiso (perilla leaf that has a scent reminiscent of cinnamon and cloves), and sweet soy.
At Kawa Ni, Westport.
Sí finalmente terminé (después de unas 3 o 4 horas :,D) @kawani-chan :,3 y yo todavía estoy esperando el dibujo de la chica de verde y de la VVG >:33, jeje bueno espero que te guste :3
KODAK AT DIGITAL: Pagiging parte ng UPIS ayon kay Ms. Cielo Corpuz
Ni Zenith Macatangay | Nobyembre 15, 2024
Bilang isa sa mga nakapagtapos sa UPIS noong 1992, pinagnilayan ni Ms. Cielo Corpuz ang luma at bagong pasilidad ng UPIS. Tulad na lamang ng pagbuklat sa isang koleksyon ng mga litrato–mga alaalang nakalipas na. Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan bilang isang alumna na nagtatrabaho sa UPIS, at ang pinagkaiba ng kultura, estudyante, at paaralan noon at ngayon. Sa bawat silid-aralan, tambayan, at ang mga maliliit na momento, mabubuo ang kuwentong ito tulad ng isang litrato.
Sa pagiging empleyado at alumna ng UPIS…
Bunga ng balik-serbisyo ang pagtrabaho ni Ms. Cielo sa UPIS, kanyang alma mater. Bilang UPIS employee, masaya raw ang trabaho na ito dahil “Inasam ko na dito ako magtrabaho para makabalik,” aniya habang nakangiti. Para sa kanya, madaling nakaka-relate sa mga bisita na dumadalo, at pinagninilayan ang dating pasilidad ng UPIS bilang isang dating mag-aaral. Ibang-iba na ngayon, kumpara sa naging lugar dati.
“Minahal mo’ng buong-buo yung UPIS, eh.”
Isa sa pinakatumatak para kay Ms. Cielo ang kanilang Bulwagan. Isang napakalaking parte ng eskwelahan, kung saan nagsasalusalo ang lahat tuwing mayroong okasyon at kung saan din matatagpuan ang canteen. Dito rin isinasagawa ang kanilang mga klase sa asignaturang Filipino Drama para bang nakita niya muli ang isang nakalimutang litrato noong panahong mas simple pa. Masaya niyang ibinahagi ang ilang detalye tungkol dito, tulad ng napakahabang kurtina ng tanghalan. Mula ceiling to baba.”
Ayon kay Ms. Cielo, nakalulumbay na halos wala nang makikitang bakas nito pag-apak sa UP Town Center (UPTC), ang dating kinatatayuan ng UPIS High School Building. Walang mga litrato ng lumang UPIS dito, ngunit may ilang mga nakatayong memorabilia, tulad ng mural sa pangalawang palapag, o ang UPIS bench na itinayo ng Batch ‘97 noong 2022, katabi ng isang malaking puno ng Acacia. Pahayag niya, nakaka-homesick daw kapag nasa UPTC. “Doon ka na lumaki, doon na nahubog ‘yung pagkatao mo rin sa dating school.”
Makikita sa mga mata ni Ms. Cielo ang amor na hawak niya para sa UPIS habang ibinabahagi niya ang kanyang mga kwento. Tulad ng litratong mahal mo pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas, nakatupi at nakasilong sa bulang malapit sa puso.
Ang mga bata sa UPIS….
Ibang-iba na raw ang mga estudyante ng UPIS ngayon, tuluyang nagbanyuhay sa kultura nila, wari ngang sangkot ang paglago ng teknolohiya at ang pagkakaroon ng pandemya ng COVID-19 mula 2020 hanggang 2022. Mas nakalaan na ang kanilang prayoridad sa mga grado. “Very grade conscious na sila ngayon.” Siguro naging dahilan daw ang lockdown dito, na hindi na nakalaro at nakaranas ng gaanong face-to-face na interaksyon sa mga kababata ang mga estudyante ng UPIS ngayon. Habang nakakatuwa na makitang mataas ang mga inaasam ng mga bata, nakakalungkot daw makita silang maging sobrang naaapektuhan ng kanilang mga marka sa eskwelahan kaya hindi nila lubusang masulit ang mga simpleng kasiyahan ng pagiging estudyante.
Madaling balansehin noon ang pagiging estudyante at mga ekstrakurikular na gawain, kaniyang pinagnilayan. Mas malago nga raw ang mga extramural noong panahon nila, "Nag-aaral ka pero happy ka." aniya habang tumatango. Isang miyembro ng UPIS Dance Troop si Ms. Cielo, at natutuhan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo ng mga sayaw. Kahit napaka laki ng kanilang pag-prayoridad sa pag-aaral, masaya naman raw silang magbarkada. Hindi raw pataasan ng grado para sa kanila. “Chill lang,” aniya habang bumubungisngis. Isa naman sa mga binigyang diin ni Ms. Cielo ang pagrespeto ng mga bata sa mga guro, staff, pasilidad, at mas lalo na sa kanilang mga kapwa estudyante.
Para sa mga nagtatrabaho ng UPIS ngayon…
Bilang isang dating mag-aaral ng UPIS, ang matutuhan na unawain at makiramdam sa mga bata ang panghuling mensahe ni Ms. Cielo para sa mga empleyado. Tandaan daw na minsan din silang naging bata, kaya nararapat lang na ipakita ang pag-unawa at malasakit na nais ding makita. Parang litrato ang bawat bata, mayroong kuwento sa likod ng imahe, masaya man ito o hindi. May bakas ng kahapon ang bawat larawan, na noong isang nakaraan naging kayo rin. Yakapin ang responsibilidad ng pagiging empleyado, tulad ng isang litrato na iyong lubos na pinapahalagahan. Mabigat ang trabaho na ito, ngunit ito ay bungad ng importansya ng ito.
Bidang Sekyu!
Ni Tenshi Bedico | Nobyembre 9, 2024
Araw-araw, nakikita mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon na nakapuwesto sa ilalim ng hagdanan ng Katipunan Wing ng UPIS 7-12 building ang security guard na si Kuya Dan. Laging nakaalerto at nagbabantay sa likod na parte ng gusali—buong araw na nakamasid sa mga nangyayari sa eskwelahan ng mga estudyante, guro, tauhan, at custodians. Pero sa araw na ito, matutuklasan natin ang kanyang simpleng pang-araw-araw na serye sa likod ng kanyang buhay bilang sekyu ng UPIS.
Si SG Dan Lauz, o mas kilala bilang Kuya Dan, mahigit isang dekada nang nagtatrabaho bilang isang security guard sa UPIS matapos siyang i-assign ng Northcom Security and Investigation Agency rito. Ayon sa kanya, wala na siyang iba pang establisyimentong pinagtrabahuan bilang isang sekyu—nagmula na sa UPIS ang lahat ng mga karanasan niya sa pagbabantay sa gusali at komunidad ng UPIS.
“Andito na ako mula pa noong 2014, nakita ko na mula pagkabata at ‘yung paglaki ‘yung mga estudyante—marami na rin talaga kaming napa-graduate,” nakangiti niyang sabi.
Tulad ng mga karakter sa mga kinagigiliwang teleserye na araw-araw nating napapanood sa telebisyon, bumibida si Kuya Dan sa tungkulin o gampanin niya bilang tagabantay at tagaprotekta ng mga taong nasa loob ng gusali—hindi nagmimintis pagdating sa kanyang nakatakdang iskedyul ng mga gawain bago at habang nagtatrabaho.
Nagsisimula ang kanyang araw sa pag-alis sa kanilang tirahan nang alas-kwatro ng umaga patungo sa kanilang security base. Matapos ang kanyang isang oras at mahigit na biyahe, makakarating siya sa kanilang security base para sa kanilang lingguhang guard mounting kung saan isinasagawa ang inspeksyon sa kanilang uniporme at firearms, pagtatakda ng kanilang mga gawain at responsibilidad, at ang pangkalahatang pag-oorganisa nilang mga sekyu ng kanilang mga tungkulin sa kabuuan ng araw. Matapos nito, muling bumabiyahe si Kuya Dan patungo naman sa UPIS at dadating ng alas-siyete ng umaga para makapagsimula na sa kanyang duty.
Sa loob ng kanyang tungkulin sa buong araw, umiikot ang kanyang mga gawain sa pag-iikot—partikular na sa likod ng gusali kung saan siya kadalasang nakapwesto—pagbabantay at pagraradyo ng kanyang report mula sa kanyang base, paninigurado ng seguridad ng kanyang lugar, pagbubukas at pagsasara ng mga gate sa loob ng eskwelahan, muling pag-iikot sa gusali ng UPIS pagkatapos ng mga klase para sa pag-iinspeksyon ng mga silid-aralan, at pagsasara ng mga pinto ng mga pasilyo sa bawat palapag.
“Sa araw-araw, kailangan namin kayong protektahan; sa inyo na rin umiikot ang trabaho ko—ang routine ko,” ani Kuya Dan
Kadalasang nakakausap at nakakasalamuha ni Kuya Dan ang mga taong inatasan siyang protektahan at bantayan sa pang-araw-araw. Bilang isang ‘bida’ sa teleserye ng kanyang buhay, mistulang sumusuportang mga karakter ang mga guro, estudyante, tauhan, at mga kawani na bumubuo ng araw-araw niyang serye at responsibilidad bilang isang sekyu.
Palagian siyang makikita na binabati pabalik ang mga estudyante at gurong dumadaan sa kanyang base sa araw na iyon. Kapag naman tapos na ang kanyang duty, nakakasanayan niya nang makipagkwentuhan sa mga kawani sa paaralan tungkol sa naging takbo ng kani-kanilang mga araw. Ayon sa kanya, malaking bahagi na ng kanyang buhay ang mga taong nakakasalamuha niya sa sampung taon niyang pagtatrabaho at pagbabantay sa loob ng gusali ng UPIS 7-12.
Bilang parte ng iba’t ibang komunidad sa UPIS na pinoprotektahan ng mga security guard na katulad ni Kuya Dan, alam ng lahat ang kanyang kahalagahan sa pagpapanatili ng ating kaligtasan sa loob ng gusali ng UPIS 7-12. Kaparehas ito ng kanyang sariling depinisyon ng importansya ng kanyang trabaho—ngunit sa mas malalim niyang perspektibo, nakikita niya ang pagtatrabaho bilang isang security guard sa UPIS na isang paraan upang ipakita ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang trabaho ang pangunahing pinanggagalingan ng pantustos para sa pag-aaral ng kanyang mga anak na nag-aaral na sa hayskul at elementarya.
Matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho sa UPIS, parte na ng kanilang family bonding ang panonood ng iba’t ibang mga palabas o teleserye. Partikular na sinusubaybayan ni Kuya Dan ang teleseryeng “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si “Tanggol” at kinagigiliwan na primetime show ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Si Armando “Mando” Mendoza, isang pulis sa nasabing teleserye na pinagbibidahan ni Allan Paule, ang paborito niyang karakter sa palabas na ito.
Sa pag-uugnay ng karakter na ito sa trabaho at personal na buhay ni Kuya Dan, nagustuhan niya ang pagiging isang tapat at marangal na pulis ni Mando. Nais niyang ipagpatuloy ang mabuting pag-uugali at pakikitungo ni Mando sa kabuuan ng palabas—‘di lamang sa kanyang trabaho, kundi pati na rin sa teleserye ng sarili niyang buhay; maigting na pinanghahawakan ang personal na mga prinsipyo at paniniwala na nananatiling nakaangkla sa kung ano ang marangal at tama.
Bagaman sampung taon at mahigit nang umiikot ang teleserye ng buhay ni Kuya Dan bilang isang security guard, hindi sumuray ang kanyang debosyon sa pag-usad sa kanyang buhay-trabaho sa UPIS. Mula sa teleseryeng kinagigiliwan, dala-dala ni Kuya Dan ang kabutihan at katapatan ni Mando sa tunay na buhay—sa kanyang pinagbibidahang gampanin sa UPIS bilang isang marangal na sekyu.
GURO NG BAYAN: Ang Alamat ni Ma’am Dian
Ni Justice Aguinaldo | Nobyembre 9, 2024
Kung may kaakibat na pera ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nakabili na ng isang mansyon si Ma’am Dian. Sa dinami-dami ba naman kasi ng mga nahawakan na niyang posisyon, aakalain mong hawak na rin niya ang kapangyarihang magbago ng anyo.
Noong 2006, nagsimulang magtrabaho bilang guro ng asignaturang Ingles sa UPIS si Prop. Diana G. Caluag, na kilala rin bilang “Ma’am Dian.” Sa humigit-kumulang 18 taon na niyang pagtuturo sa paaralang ito, iba’t ibang trabaho na ang kaniyang naranasan. Kabilang na rito ang pagiging Head ng CA English Department, tagapayo ng Pamunuan ng Kamag-Aral, pati Officer-in-Charge Principal sa loob ng isang semestre. Sa kasalukuyan, nanunungkulan siya bilang Pangalawang Prinsipal para sa mga Programang Pang-akademiko. Ngunit, anuman ang maging trabaho ni Ma’am Dian at saan man siya itakda, paniguradong dala-dala niya ang hiwaga ng pagiging guro ng bayan.
Kwento ng Pinagmulan
Nasa propesyon ng pagtuturo ang karamihan sa pamilya ni Ma’am Dian, kaya masasabing tila minamana nila ang pagiging guro. Kaya bago pa man maging isang ganap na guro, nalantad na siya sa larangang ito.
Kwento pa nga ni Ma’am Dian, lumaki siya sa isang bahay na hindi nalalayo ang hitsura sa mga silid-aralan ng kaniyang paaralan. Bukod kasi sa mga titser na nakatira rito, ginamit din ang kanilang bahay para sa inoorganisang ‘afternoon school’ sa kanilang lugar. Dito nagtitipon-tipon ang kanilang mga kapitbahay, na kadalasan mga bata, upang impormal na maturuan. Naaalala pa nga niya na sabay-sabay silang magkakalaro at magpipinsan na pumupunta sa kanilang bahay para mag-aral.
Isa na sa mga namumukod-tangi na tagapagturo rito ang tita ni Ma’am Dian, na siyang nagpaaral sa kaniya. Masasabi niya na ang kaniyang tiyahin ang may pinakamalaking papel sa pagiging guro niya. Saksi siya sa paraan ng pagtuturo ng kaniyang tita, na maihahalintulad sa isang guro ng bayan. Halos buong barangay ang pumupunta sa kanilang bahay upang magpaturo o magpakonsulta sa kaniyang tita – mag-aaral man o kapwa guro rin, bata man o matanda. Gayunpaman, ni isang beses humingi ng anumang kapalit ang kaniyang tita. Patuloy siyang naging bukas sa mga nangangailangan ng tulong at gabay sa lahat ng pagkakataon.
“40 years siyang nagturo, tapos parang na-dedicate talaga niya ‘yung buhay niya sa pagtuturo sa public school,” paglalarawan pa ni Ma’am Dian.
Pagiging isang Guro ng Bayan
Makikita ang pagiging huwaran ng kaniyang tita sa buhay ni Ma’am Dian. Bago pa man nagsimulang magtrabaho sa UPIS, bumalik muna siya sa kaniyang dating hayskul, ang St. Paul College sa San Rafael, Bulacan upang magturo ng ilang taon. Ayon sa kaniya, isa itong paraan ng kaniyang pagsusukli at pagbabalik sa paaralan, lalo na’t isa siya sa mga naging iskolar dito.
Pero nang makakuha ng imbitasyon na makapagturo sa UPIS, tinanggap niya ito. Para kasi kay Ma’am Dian, talagang naiiba ang sistema ng pagtuturo sa UP kumpara sa iba pang mga paaralan, partikular na iyong mga nasa probinsya.
“You really have academic freedom. You have more time and opportunities to explore. ‘Yung sistema rin na ini-implement sa UP at UPIS, parang ideal sa akin,” sabi pa niya.
Higit sa lahat, nagustuhan ni Ma’am Dian ang pagiging liberal at “little UP” ng UPIS. Nais niyang ilaan at gamitin dito ang kaniyang mga kaalaman at pagsasanay na natutuhan mula sa kaniyang mga taon bilang mag-aaral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
Mga Pagsubok ng Bida
‘Ideyal’ man ang paaralan ng UPIS, hindi pa rin ito malaya mula sa mga hamon at paghihirap. Kung may kaakibat na pera nga lang talaga kasi ang paghahakot ng karanasan sa trabaho, siguro nabawasan na ang mga problema ni Ma’am Dian.
“Maraming hamon ang pagiging guro… marami talaga. Isa na diyan, hindi naman kataasan ang sweldo,” ani niya.
Nang matanong tungkol sa mga isyung hinaharap, unang pumasok sa isip ni Ma’am Dian ang mababang sahod sa UPIS. Hindi man daw ito kasimbaba ng sweldo sa iba pang mga pampublikong paaralan, mararamdaman pa rin ang sakit sa bulsa, lalo na kung kumuha ka ng mga posisyon bagaman wala itong katumbas na sahod. Sa ating paaralan kasi, kahit na maging tagapayo ng isang club, wala itong dagdag sa iyong kikitain.
Gayunpaman, hindi ito itinuturing na hadlang ni Ma’am Dian na makapagpapapigil sa kaniyang magturo. Sabi nga niya, “Hindi mo siya ginagawa para maghanap ng pera, parang alam mo ‘yun dapat.” Para sa kaniya, sulit pa rin ang pagiging bukas sa mga oportunidad at trabahong maaaring itakda sa kaniya, kahit na pakiramdam niya na, minsan, hindi sapat ang kaniyang kaalaman at karanasan para rito.
Sabi nga niya, “Kahit hindi ko pa alam kung paano gagawin, ‘yung willingness na tanggapin siya is worth it gawin. May bagay ka laging matututunan kapag nag-engage ka sa isang bagay na hindi mo usually ginagawa.”
Noong unang taon nga niyang magturo sa UPIS, sinama agad siya sa organisasyon ng Kab Scouts sa elementarya bilang isa sa mga tagapayo nito. Bagaman hindi pa kailanman nararanasan ni Ma’am Dian ang pagiging scout—lalo na ang pagiging tagapayo nito sapagkat walang scouting sa kaniyang dating paaralan sa San Rafael—tinanggap niya pa rin ito.
“Hindi ako naglalagay ng, ‘Ito lang ang gusto kong gawin.’ Kung ano man ang dumating na opportunity, o kung saan kailangan, ok lang tanggapin kasi maaaral naman ang mga bagay,” dagdag pa niya.
Pagtutulungan ng Bayan, Para sa Bayan
Binigyang-diin din ni Ma’am Dian ang kahalagahan ng pagtutulungan. Ikinuwento niya na noong mga nakaraang taon, may problemang lubos na mahirap at mabigat na bumungad sa komunidad ng UPIS: ang pandemya. Nagulantang ang lahat—guro man o mag-aaral—sa napakalaking pagbabago sa ating mga buhay.
Noong panahon ng pandemya, tumatak sa isip ni Ma’am Dian ang pangangailangan ng bayanihan at pagkakaisa, kung saan tinitiyak na walang napag-iiwanan. Kahit naghihirap ang mga tao sa iba’t ibang paraan, mahalaga ang manatiling bukas at handang mag-abot ng tulong sa ating kapwa. Lubos din na makatutulong kung pipiliin nating matuto mula sa iba. Ang mga ito raw ang makapagraraos sa atin sa hamong ito; at gayundin ang ginawa ng UPIS.
“Sa UPIS, na-realize ko noon, magtutulungan talaga ‘yung mga tao para magawa yung goal,” sabi ni Ma’am Dian.
Napansin niya na nagsikap ang UPIS, lalo na ang kaguruan nito, na aralin ang mga online na plataporma, tulad ng Google Classroom, Zoom, at iba pa, upang epektibong makapagturo at makapag-aral sa gitna ng pandemya. Kahit pa sa mahahabang taon ng pagtuturo ng mga malapit nang magretiro, pinili nilang matuto ng mga hindi nila nakasanayan, partikular na kung paano sila makapagtuturo nang online.
“I am useful where I am”—ito raw ang kaisipan na isinaalang-alang, isinasapuso, at isinasabuhay ni Ma’am Dian. At sa panahon ngayon, kung kailan lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok na epekto ng pandemya, ang siping ito ang iiwan niyang mensahe para sa mga kapwa niya guro. Hinihikayat niya rin sila na maging isang guro ng bayan, na lumilingon sa pinanggalingan at nagseserbisyo sa iba. Kasabay nito, kinakailangan din ang pagtutulungan nang walang hinihinging kapalit.
Ayon nga kay Ma’am Dian, “Those are the types of help that sustain us.”
Pinapaalalahanan tayo ni Ma’am Dian na, kahit ano—o ilan—pa man ang posisyong hinahawakan, lagi’t lagi nating tandaan na maging isang guro ng bayan din.