Langit langit empyerno
Hay. Ano ba tong lugar na napuntahan ko? Sobrang init. Khit buksan ung aircon mainit pa rin. Paano ako napunta dito? Para saan? Pero wala nang atrasan. Andito na ako. Naplano ko na to matagal na. Pagtapos nito, magsisimula ako ng bagong chapter ng buhay ko. DAWN L MAGBANUA, CPA hanep. Board passer na raw sya.. Kso, magagamit mo ba? Yung plano ko: Pass the board. Quit sa work. Work abroad. Pakasal @ 28. Baby @ 30. 2nd baby @ 32. Kung kaya pa ng third @ 35. Yan. Plantsado. But then, early this year, me nakilala akong bago. SEAN QUINCY M JOHNSON IV, RCE 29. Saudi. Online kmi nagkakilala. As usual, napakaliit nman kse ng Palawan para makakilala ka pa ng bagong mga tao. So ayun, nagkakilala. Nag usap. Nung una okay lang. Chill nman kse sya kausap tas ewan ko ba sa knya kung anong nakuha/nakita nya sa akin. Gusto nya raw ako. Ayaw nya raw magsayang ng oras. Kung gusto ko raw ba sya.. Ganern. Pak. Dominant. Good. So feeling ko nman walang mawawala sa akin, so pumayag ako. Tara, kami na. Kso... Nights turned ingo days. days to weeks. Weeks into a month. Struggle ang relationship nmin. He demands too much. So much. Pero sbe ko sa sarili ko, um-oo na ako dito so i must stand on my decision. Isusurvive ko tong relationship na to. He needs someone. Na magpapakita sa knya na di lahat ng tao kayang iwan sya. At ako yun, isip ko. Pero mahirap. Sobrang hirap parang ayoko na. Ilang beses kming umayaw sa isat isa dhil me kanya-kanya kming expectations. At di ko kaya yung kanya. Akala ko di ko kaya. Pero alam mo, kinaya ko rin. Kse mas kaya kong i-lose ung pride and ego kesa sya. Madaling magmahal, mahirap makalimut. Ayoko nang mag move on kaya magsstay ako ke Quin hanggat kaya ko. Kahit pa nung mga unang buwan nmin naiisip ko kung ako ba tlaga mahal nya o talagang malaki lang ang pangangailangan nya and he saw me as someone he can cheat on. Pero wala na akong pakialam. Nawala na yta ang pake ko sa mundo. Ang pake ko sa sarili ko. Ang kahihiyahan ko. Ang respeto ko sa sarili ko. Basta mabigay ko lang sa knya ang demands nya. I always wanna prove him wrong pag baluktot na ang mga prinsipyo nya. Lalo na pag ina-underestimate nya ko. So...ung plano ko, umikot sa plano nya. Gusto nya ng sex. Okay. Gusto nya magbaby before marriage. Ayoko but he insists so okay. Gusto nya ng kasal within this year. Okay. Gusto nyang di ako magwork. Okay. Gusto nya ng live in. Okay. Lahat un, um-oo lang ako. Kse alam kong un ang gusto nya. Kse gusto ko maging masaya sya. Gusto kong makita ung mata nya na nagingislap pag tumatawa sya dhil sobrang saya. Namemelt ung heart ko. Okay na ko dun. Khit na wala pa un sa plans ko kse mag25 pa lang naman ko eh. Taliwas un lahat sa plans ko dba. But I promised myself na in my next relationship i'll be submissive. To that extend. Days ago we were expecting na uuwi sya. Pero nung tuesday biglang di pinayagan. Hindi pa raw okay ung papalit sa knya. Disappointed ako sobra. 💔 parang gustong sumabog nung heart ko ng mga time na un. Ilang beses ko nang ginustong mahawakan sya. Mayakap. Makatabi sa pagtulog. Ilang beses na. Sobra na akong umasa na in two weeks, finally, i can touch him. Kaya ko na syang halikan, yakapin, chansingan. Tapos biglang parang yelong ibubuhos syo parang sa ice bucket challenge na hindi na tuloy. I dont know how did he accept it. Dismayado sya nung una pero unlike me na until now sobrang apektado pa rin. 😣 Ayoko na eh. Ayoko na maghintay. Wala kming matinong means ng communication. 5G a month lang ang pocket wifi ko. Sobrang tipid nga ngaun. Di na kmi magkaabutan. Sobrang nakakalungkot. Nakakawalang gana. Di ko na sya makausap ng maayos di katulad nung nasa Palawan. Madalas naiisip ko kung hanggang saan kmi aabot. Hanggang saan ako aabot. Pero ganunpaman wala nman sa options ko ang bumitaw. Khit ano na lang ang mangyari. Nitong nakaraang araw, dhil nga pareho kming dismayado sa nangyari. Nasabe ko sa knya na akala ko pa nman di na ako magtitipid pag dito ka na. Mali. Hay. Mali ang dating sa knya. Di nman ako materialistic na tao. Sya lang ang gusto ko. Kso parang mali ang pagkasabe ko. Kse ayoko na tlaga magtipid sa data. Ilang beses nya na akong di pinansin mula nung dumating ako dito. Nakakatulog. Nagsisinungaling. Di namamansin. Hay. Ang hirap. Paano ko kakayanin ung ganun? Sobrang hirap. Sobrang lungkot na nga dito ganun pa sya. Hindi ako sanay sa kalungkutan. Tas pressured pa sa review. Me boyfriend nga ako pero out of coverage area. Hindi ko na alam. Ngaun, naiisip ko ung mga plano ko. What if i stand firm on my plans? And he shud be the one to cope with it? Me sarili rin nman kse akong desisyon. Me pangarap din ako sa sarili ko at sa pamilya ko. Pero Lahat nga lang ng un binalewala ko kse gusto kong tuparin ung iyo. Ikaw muna bago ako. 😞














