I am not perfect. Not close to being one. I have a pair of near sighted eyes that wears contact lenses. I have a huge nose which I got from my Ilonggo Dad. I have a not so good set of teeth which I believe is because of my genes. I have a fair pair of lips which I like to pout when taking pictures. They say I am fat, but honestly I love my curves except the few extra bulges that I have. I stand 5'1 but sometimes look taller. I talk a lot. I argue. I discuss. I speak what's on my mind. I listen. I write. I read. I am a teacher and I touch lives. I fall in love. I fall out of love. I got hurt a couple of times but I still try. I was betrayed a number of times which made it hard for me to trust people easily. I am single, may be ready to mingle but not in a hurry. I am waiting. Patiently waiting. I blog to express myself. If you don't want what I write then why are you reading this? You don't like me? The feeling is mutual. I don't live to please anyone. If you like me then thanks. If not, stay away from me. :D I may be the meanest person you know, but I can be the sweetest girl you'd ever meet.
Change is inevitable; something that no one can avoid. Just like a caterpillar that experienced a metamorphosis, I have changed. I am a changed woman: physically, emotionally, mentally and spiritually.
I have been through a lot. I've been in numerous downs and couple of ups. A lot of people came, some stayed and some left but one thing is for sure, they all taught me lessons I will never forget.
Despite these changes, I am here, still here.
Fighting. Learning. Winning. Yes. definitely winning. And that, will never change.
*ang tulang ito ay orihinal na gawa ko.
**ito ay isinulat noong taong 2010 or 2011
***nahalukay ko lang pagbigyan na.
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan
Matamis na tinginang nauwi sa pag-iibigan
Sa bawat oras na magkasama'y nagkakamabutihan
Sa ating pag-iibigan mayroon palang nasasaktan.
Lahat naman ay ginawa upang ito ay iwasan,
Ngunit ating mga damdamin ay mahirap labanan.
Bawal na pagmamahalan ay ating pinagpatuloy.
Masasayang oras na magkasama'y patuloy sa pagdaloy.
Kayraming pangarap ang ating binuo,
Matatamis na pangako, ating ibinato.
Masasayang ala-ala ay ating ginawa,
Na tila sa isa’t isa ay di magsasawa.
Hanggang dumating ang araw na aking kinatatakutan.
Sa buong pagkatao ko'y nagdulog ng kalungkutan.
Di ko inaasahang ako'y iyong bibitawan,
Sa lahat ng bagyo ako ngayo'y mag isang lumalaban.
Kay hirap tanggapin na ika'y di na babalik.
Sa bawat araw hinahanap ang yakap mo’t halik.
Mga pangarap nati'y iyong tinalikuran
At mga pangako mo sa aki'y tuluyang kinalimutan.
Bawal na pag-ibig talaga yatang di nagtatagal.
Sa pagtagago ating mga puso'y biglang napagal.
Ang pagiging tama ang iyong pinili,
At sa buhay mo ako'y tuluyang iwinaksi.
Napakahirap para sa akin na tanggapin ang katotohanan
Dahilan ng paglaban ay tuluyan na akong iniwan.
Hindi alam kung saan magsisimula,
At kung paano sa puso ika'y mawawala.
Habambuhay dadalhin ang ating ala-ala.
Sa aking pusl kailaan ay di mawawala.
Masasayang araw,akin na lamang sasariwain.
Tunay kong nararamdaman ibubulong na lang sa hangin.
Napapagod ba talaga ang love? Nagsasawa? Bakit kailangang laging hiwalayan ang sagot kapag may isang napapagod? Bakit mas pinipili natin na maghiwalay kesa ang pag usapan at ayusin? Bakit ang dali dali para sa atin na sumuko? Bakit ang dali para sa atin na iwan ang taong mahal natin dahil lang sa pagod na tayo? Bakit ang daling limutin ng mga pinagdaanan nyo dahil lang sa mga problemang hindi napapagusapan? Bakit ganun na lang?
Walang perpektong relasyon. Hindi laging masaya yan. HIndi laging sweet sweet lang yan. Ang relasyon may tampuhan yan. May mga pagsubok. Pero kelan nga ba dapat sumuko sa isang relasyon? O dapat nga bang sumuko?
"Walang Forever"-yan na ang pinakagamit na linya ng ga bitter na bata sa PIlipinas. Hindi ko alam saan nila tinatanim ang gulay nilang ampalaya at matindi ang pagkabitter nila sa Forever na yan.
WALANG FOREVER. (ALL CAPS PARA INTENSE)
-Lahat ng bagay, tao, hayop at kung anu ano pa ay nagbabago. Change is inevitable, sabi nga nila at ang salitang "Change" lang ang permanente sa mundo. Siguro yun ay ang general truth na tanggap naman ng mga tao, ewan ko lang sa larangan ng pag-ibig.
Walang forever.Naniniwala ako dyan. Lalo na sa larangan ng pag ibig. Lahat ng bagay at nararamdaman nagbabago. Actually, dalawa lang naman yan- ang mawala o ang lumala. Swerte mo na siguro kung lumala ang pagmamahal sa'yo ng tao. Malas mo kung mawala. Lahat yan magbabago, ang tanong lang ay kung for better or for worst. Pero still, WALANG FOREVER.
I love listening to lies when I know the truth. Nakaka-entertain pa yung acting skills nila. Convincing. :)
(via marcelosantosiii)
Story of my life. Alam ko naman na hinding hindi aaminin. Pero alam ko kung anong nakita ko. Sa ngayon magpepretend ako na wala akong nakita at wala akong alam. Kunwari kumbinsido ako. Para hindi naman sila malugi sa kasinungalingan nila.
This is a personal view and opinion on Valentines day. I just want to express how I really feel about this day, and what I really feel today.
I am really not into Valentines Day. Bitterness aside, eversince talaga hindi sya big deal sa akin. Siguro kasi 23 years din akong nagvalentines na wala naman karelasyon. And feeling ko kasi talaga overrated sya. Everyone's cheesy tapos yung mga single nagpapakabitter. It's just annoying.
Last year, I had my very first Valentines na may bf. I wasn't that excited dahil alam ko namang walang budget pero I must admit na deep inside my woman's heart I wanted to receive something. Kahit isang pirasong bulaklak lang masaya na ako. Ganun lang naman ako. Simpleng gesture sumasaya ako. Unfortunately, wala talaga akong natanggap that day from him pero we we're together. Masaya naman, kasi andun kami sa kanila, met his mom, mga ganun. Sabi sa inyo mababaw lang ako. Kaya masaya na ako nun.
Pero this time, parang gustong mangibabaw ng woman's heart ko. To be honest I am now perfectly disappointed. Hindi ko alam kung saan ko kukunin yung pag intindi sa nangyayari ngayon.
Tao lang din naman ako, babae. Naghahanap at naiinggit din ako sa mga nakikita ko. Kung single ako siguro okay lang. E hindi. Naturingang nasa relationship ako pero ngayon e parang wala. Hindi sa I am expecting ng surprises or gifts. Kasi tulad last year lalong walang budget ngayon dahil sa nagpprepare sya sa pag alis nya. Pero what really annoys me is the fact na hindi kami magkakasama today. Umalis sila ng kapatid nya papuntang province kaninang madaling araw. Bakasyon ata or something.I don't know. I know hindi ako dapat mag reklamo kasi syempre that's family matters pero sana ninegotiate man lang nya. Wala naman na syang pasok kaya anytime pwede na sya umalis. Presence na nga lang nya ang maibibigay nya sa akin today, wala pa. It's just disappoitning. And to be honest I am expecting much efforts these days kasi tulad nga ng sabi nya babawi sya dahi sa totoo lang we're on the rocks talaga. O kaya sana man lang more efforts yesterday na magkasama kami. E kung tutuusin hindi naman kami magkakasama kung hindi ko pa kinailangang mag pacheck up. O kaya sana man lang nagmessage sya sa akin ng mahabang mahaba sa fb. E wala. Haay!
Dati akala ko kapag nagkarelasyon ako hinding hindi ko na mararamdaman yung pakiramdam na mag isa.HIndi pala. Eto ako, technically in a relationship pero feeling alone and lonely.
I wanna pour my heart out. I wanna tell everyone how hurt I am hoping that, that would make me feel better. I wanna cry all day to ease the pain of hearing the hard truth. I wanna die. I wanna vanish. I wanna escape. I don't want to feel this pain. It's killing me. I never expected that we'll come to this point. I don't know what to do. It's killing me.
I want the old me back. I wanna be that girl who everyone thinks is strong. The girl who would overcome every problem that she will encounter. I wanna be that fearless girl. The girl who would do everything that she can do-without but's and if's. I wanna be that independent girl again. The independent girl who didn't need a man. The girl who could survive on her own, without depending herself to a man. I wish I am that girl again. That girl who can be happy without any man, and who could just live alone. I wanna be that girl, who doesn't know how to cry. I wish I could be that girl again. But I can't.
That's exactly what I wanted to tell him. But I can't. How can I say those words if it will stop him from reaching his dream? How can I stop someone doing things that will help us fulfill our dreams?
Ang hirap. Ang hirap hirap. Yung pakiramdam na gustong gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na yung pagaapply sa pagnanavy kasi hindi kami magkikita ng ilang buwan. Yung feeling na para bang nagbibilang o naghihintay na lang ako na dumating yung araw na sasabihin na lang nya sa akin na aalis na sya. Yung feeling na araw araw tuwing nagkkwento sya about sa progress ng application nya, at nakikita ko sa mukha nya kung gaano sya kaexcited at pinipilit kong makinig at matuwa pero deep inside gusto ko ng maiyak. Yung feeling na hindi pa man sya umaalis araw araw na akong umiiyak ng palihim kasi alam ko hindi ko kaya. Yung ngayon pa lang nag-iisip na ako na mga pwede kong gawin para mawili ko yung sarili ko habang wala sya. Ang hirap. Masyado yata akong nasanay na nandyan sya for me at na lagi ko sya kasama. Gusto ko maging selfish pero hindi koa magawa. HIndi ko alam kung saang lupalop ako kukuha ng lakas ng loob para malampasan ko yung araw araw na naghihintay ako kung kelan sya mawawala at yung lakas ng loob na kailangan ko pag umalis na sya. Sabihin nyo ng OA, wala akong pakialam. Parang nawawalan na ako ng gana na lumipas yung mga oras. Parang nawawalan na ako ng gana na ipagpatuloy yung araw ko kasi alam ko habang lumilipas ang araw palapit na ng palapit yung araw na aalis sya. Kung pwede lang bawat oras o minuto magkasama kami, para masulit ko yung mga natitirang araw. Kung pwede lang na lagi ko syang yakap at hawak at hinding hindi ko na sya bibitawan. Ayokong malaman nya o maramdaman nya kung gaano ako nahihirapan at nalulungkot these days, Hindi pwede. Kasi ayokong mag-alala sya. Kasi ayokong ako yung maging hadlang para hindi nya marating yung pangarap nya. Kasi mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin o kung kakayanin ko nga ba. HIndi ko alam kung paano ko itatago yung totoong nararamdaman ko. HIndi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Bahala na.
I keep everything inside. Yes. Inside. I tried really hard to ignore the way they treated me, the things they said behind my back, and the way they made me feel. Yes. I kept eveything inside. I kept record of EVERYTHING. So when the time comes, I'll let them see and realize how bad they were and how I lost my respect to them. In time.
To be honest? Masakit sa akin mawalan ng kaibigan. Actually, napakasakit mawalan ng kaibigan. Pero habang tumatagal naiisip at nararamdaman ko na mas okay ata yung ganito. Yung wala sila. Walang complication. Walang hassle. Walang kailangan isipin at pakisamahan. Minsan naiisip ko, mas okay pa na ako na lang. Mas tahimik, mas payapa.
Gustong gusto ko na talaga patulan. Nakakairita na. Paulit ulit. Hindi ko na maintindihan kung anong pinaglalaban. Wag lang talagang maubos ang pasensya ko. Papatulan ko na talaga to. Kaumay na e. Pinipush maigi na magmaldita ako!