Letter to Marco
Dear Marco,
Mayap a abak!
Salamat sa oras mong tawagan ako. Pero pakiramdam ko na naging initiative yun ni Lui dahil sa dami ng tawag ko kagabi. Nakakagaan sa pakiramdam na narinig ko ulit boses mo kahit na malaki na ang pinagbago nito sa telepono. Pasensya kung hindi pa ako agad naniwala. HAHAHA. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong ikwento. Marami akong gustong itanong. Gusto kong tumawa. Gusto kong magbaliw-baliwan pero alam kong limitado lang ang lahat. Oras. Tawa. Kwento. Kilos. Limitado ang lahat kasi may nakabantay. Hindi ko alam kung iniingatan mo lang na hindi masaktan ang pakiramdam ni Lui o sobra ka nang nagpakain sa sistema niya. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Hindi ka ganyan. Hindi ganun si Marco. Sabi naman niya na sobrang ayos lang naman sa kanya na nagkakausap tayo kasi nga naiintindihan naman niya. Hindi rin naman daw siya nagseselos at nilinaw ko naman sa kanya na wala naman talagang kaselos-selos sa akin. Tumawag ako sa pangalawang pagkakataon dahil nakasampung minuto na tayo sa linya pero sabi niya, hindi mo na raw ako makakausap dahil kailangan niyo rin kasing mag-usap.
Anupaman, hindi pa rin ako naniniwala sa mga nangyayari. Alam kong sinasabayan mo lang ang lahat ng gusto niya. GO WITH THE FLOW, gaya nga ng sabi mo. Damang-dama ko yun nung tinanong mo ako kung ano sa tingin ko ang meron sa inyo. Napatawa ka na lang nung sinabi kong hindi ako naniniwala. HAHAHA. Pakiramdam ko, pareho pa rin tayo mag-isip. Namiss na naman tuloy kita bigla. Alam natin kung totoo ba ang sinasabi ng isat isa. Alam natin kung may nililihim ang bawat isa.
Hanggang dito na lang muna siguro pero gusto kong malaman mo na sobrang saya ko dahil alam ko na masaya ka rin ngayon. Kuya will always be here when you need me.
Love,
Kuya
07-18-2018 10:39 AM


















