MY FIRST INTRAMS IN A UNIVERSITY
Hindi ko talaga ineexpect na sa TIP ako mag-aaral dahil wala naman ito sa aking pinagpipilian, Pero thankful ako na, sa TIP ako nag aral. Dahil dito ko nahanap ang mga iba't ibang klase ng tao kung saan binibigyan nila ako ng lakas at saya upang malagpasan ang aking bawat araw. Nung sumapit na ang buwan ng oktubre lahat ng mga tipians ay naghahanda na para sa nalalapit na intrams, halos lahat ng tipians ay super excited kung saan kinalimutan na nila ang darating na exam. Hindi naman natin sila pwede dudahan dahil ito ang kinahihintay ng lahat ang intrams ng TIP.
Sa pag sapit ng intrams hindi ko nagustuhan ang schedule dahil umaga hanggang gabi ang intrams, Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko pumasok kahit na kulang ako sa tulog. Mabuti na lang na pinilit ko ang aking sarili na pumasok ,kung hindi nasayang lang ang aking pagkakataon na maka-bonding aking mga classmates at mga teachers. Ang saya kahit puyat kaming lahat , nag enjoy kami mag cheer sa aming mga classmate namin kahit talo sila patuloy pa rin kami sa pag suporta.
At wag na wag natin kalimutan ang mga pagkain tuwing intrams, kung saan mapapagastos ka talaga kahit sabihin mo pa sa sarili mo na hindi ka gagastos kahit piso . Magtataka ka na lang kung bakit may pagkain na sa iyong harapan at wala nang laman ang iyong pitaka. Sinong estudyante kaya ang hindi mapapagastos kung ang mga pagkain na binebenta ay masasarap. Ito ang mga naranasan ko sa una kung intrams sa Tip.
















