Bukod sa paglalaro ng mga online games, pagluluto, panonood ng mga palabas at paglalaro ng chess, isa rin ang pagguhit sa aking mga libangan o gustong gawin pag wala akong ginagawa. Paborito ko itong gawin hindi dahil nababagot ako, kundi dahil dito ko nabubuhos ang aking mga emosyon kapag wala akong masabihan ng aking mga problema. Itong larawan na ito ay napaka importante para saakin dahil ilang oras ko itong pinaghirapan at binuhusan ng atensyon dahil hindi naman ako kagalingan, pero masaya ako dahil natapos ko at maganda naman ang kinalabasan.












