Susubukan sagutin ang mga tanong
yung mga gawa mo, nakakahawa ang lungkot na tinatanong
"Kung malungkot ka nga ba talaga?"
Baka pwede malaman yung dahilan ng iyong lungkot?
Kapag ba tinanong ng direkta sayo sasagot ka?
Masyado kang malalim para sabihin ang mga bagay na ganyan
kapag galing sayo tila ba may ibang pinaggagalingan ang lungkot na yan
Kagaya nito! masyadong magulo ang mga gustong sabihin kasi hindi nakapunto kung anong gusto ibig kahulugan.
Handa naman makinig sa mga bagay na hindi mo maintindihan, Na kahit mismo ako hindi ko maintindihan kapag sakaling kinwento mo ang lungkot na nariyan sayo.
Hindi naman humihiling ng kahit anong kapalit, masaya na maging tagapakinig at magsilbing tagatulak sa mga nais sabihin na ayaw mailabas ng iyong bibig. Maaring ang iyong sagot sa itatanong ay wala naman halaga... Ngunit noong ito'y iyong subukan sabihin, ito na yung sagot.....














