bakit ba hindi ka makuntento?
isang napaka arteng gabi ng biglang dumating ang mga barkada ko na walang ginawa kundi magyakag kumain. kasama nila yung taong crush ko. ay grabe sa totoo lang gusto ko na pauwiin ang ga barkada ko at maiwan sya. nagyakag sila na maginuman kame. wala naman akong choice at un naman tlga ang nangyayare sa tuwing nagkikita kame,. so eto na nga, pumunta sa tindahan ang mga barkada ko para bumili ng iinumin at pulutan, naiwan kame ni crush dahil kame ang maghahanda ng mesa at upuan ng bigla nyang sunduitin ang pwet ko. ahahah biro lang, walang ganun. nangamusta sya bigla:
crush: musta kana? long time no see ha. bc sa jowa?
me: jowa? e ikaw nga lang hinihintay ko! ahaha biro lang. wala bc lang sa trabaho!
crush: bakit mo ko hinihintay?
me: (blush on ng 14 patong) kasi gusto kita! ahahaha ano ka ba binibiro lang kita!
crush: e di hanggang biruan na lang pala tayo. sige pagkaayos ko nitong mga upuan uuwi na lang ako!
me: totoo ba yan? sana nagtxt ka man lang sakin, kasi hindi natin yang mapaguusapan ngayong nadito ang barkada.
----- dumating na ang barkada-------
naginuman na kame ng mga barkada ko at tlga namang napakaiingay nila! tahimik lang ako kasi naiisip ko yung sinabe ni crush. pano pag nagtxt na sya? pano pag dumating na yung mga tanong nya? handa na ba akong sagutin lahat yun? nakarami na kame ng inom at maya maya ay nalalasing na ako. ugali ko pa naman na kapag nalalasing hindi tlga ako makatayo. alam ko kasi sa sarili ko na babagsak ako. binuhat ako ni crush at hinatid nya ako sa loob ng kwarto. nagpaalam din xa kay nanay na dun na muna sa tabi ko matutulog dhil nakainom na rin sya. so ayun na nga naguwian na ang barkada ko. naligpit na lahat ginamit sa pagiinom. sa sobrang lasing ko, ayy grabe hilik ko. hindi ko sure kung nagka crack ang pader namin dahil sakin :))
kinaumagahan,nagulat ako ng pagdilat ng mata ko, aba may katabi ako. akala ko nga narape ako! hahaha ginising ko na rin sya para maka inom kame ng kape pero sabi nya mamaya na daw kame bumangon nahiga naman ako ng dahan dahan na parang sleeping beauty ang bagsak ko. kinakabahan ako kasi baka sa moment na yun bigla na syang magtanong at nangyare naman nga yun!
crush: gusto kita! ayokong mapunta ka pa sa iba!
me: lasing ka pa! wag mo kong lokohin!
crush: sige uwi na ako kung ayaw mog maniwal!
me: ikaw tlga di mabiro! ahahaha
me: o sige “OO na” tayo na!
crush: sabay dilat! yesss! oh wala ng bawian ha!
me: oo na! bumangon ka na at magkape na tayo!
simula nun madalas na ang pagtambay nya samin. sabay kame nakain, naliligo(haha charot, ano to bastusan agad) bukas na, meron ako ngyon! ahahha
masaya ako at sya ang naging kapartner ko. ngdadate kami sa sa tuwing ssweldo na sya. binibili nya ako ng simpleng bagay na gusto ko. may mga couple shirt pa nga kame e, nag start na rin kame nun na mag punta ng puerto galera,subic, boracay,baguio,laiya. basta lagi kameng nag sswimming.
isang gabi na pagpunta nya samin, malungkot sya! kasi wala na syang trabaho. pero maghahanap daw ulit sya. niyaya ko syang uminom para mawala ang lungkot! so ayun inom kame, nalasing sya at nalasing din ako. since legal naman na kame sa magulang ko. derecho na kame sa kwarto, magdamag syang nakayapos sakin. kahit init na init na ako sa pagyapos nya wala akong choice syempre sa kabila ng init na yun, libog nararamdaman ko., ahaha joke lang!
7am umpisa na sya maghanap ng trabaho sa manila, maghapon syang wala. at bandang alas tres tumawag sya sakin para sabihin na natanggap sya dun sa company na inapplyan nya.
nagsimula na syang mag rent ng kwarto sa manila. magiging mahirap kasi kung uuwi pa sya ng laguna. dati halos araw araw kame magkasama pero simula ng magtrabaho sya dun. saturday at sunday na lang kame nagkikita. kailangan kong intindihin yun dahil trabaho un e. kailangan yun! nung una kahit hindi na kame nagkikita ng madalas ay lagi pa rin kame magkatxt sa oras ng breaktime. pero habang tumatagal, pati txt nawala na!
nagiba ng nagiba yung tingin ko sknya simula nun, hindi na sya tulad dati na pag magkasama kami, wala syang ibang gustong gawin kundi ang lambingin ako. lagi na syang bc sa telepono kesyo sa trabaho daw un.
May 22 birthday ko, may konting handa at inuman sa bahay1 so syempre linggo un, nandun sya sa bahay! pagkakain namin at ng barkada derecho inuman agad. so shot shot shot shot ng buong magdamag! lasi na halos lahat bukod dun sa isa kong barkadang babae. buhat namin lahat papuntang sofa ung ilang barkada namin. naglatag na lang ako ng kutson sa sahig para dun sila makahiga. so ok na silang lahat bukod kay jowa. ako na lang magisa ang umakay sknya papuntang kwarto. nung maihiga ko na sya. biglang tumunog ang cellphone nya. may nagtxt. dahil may pagka pakialamera ako. kinuha ko sa bulsa nya at binasa ang txt.
txt - “baby,bilhan mo ko bukas ng sapatos,pudpod na kasi tong sapatos ko e”
nakakapanlambot na kaya pala iba na yung tingin ko sknya dahil may iba na pala xa.
hindi ako nagsalita tungkol dun. isang beses sinubukan kong bumyahe ng maynila 7pm na nung matunton ko ang tinitirahan nya. sa swerte naman natyempuhan ko rin sya dun.hinintay kong pumasok sya sa bahay nya at magsarado ng pinto. lumapit ako at kumatok.
(susurpresahen ko kasi sya)
kaso ako yung nasurpresa, kasama rin nya yung isa.
e di super catwalk ako palabas sakay ng jeep papuntang terminal ng bus. sinundan nya ako hanggang terminal.pero wala ako sa mood para makipagusap. sinabe ko na lang na next time na lang tayo magusap.
dumaan ang ilang araw at umuwi sya ulit samin. nagusap kame tungkol dun sa nakita ko!
pinaalis na daw nya para daw mapagbigyan ko sya ng isang chance. todo sorry sya. at ako naman tong si tanga, umiiyak lang sabay yapos sa kanya. ewan ko ba, hindi ko sya kayang iwan, ayokong mawala sya sakin. naging maayos kame at back to normal na ang lahat. pero syempre sa nangyare na yun hindi mawawala sa isip natin na baka meron na naman sya dun!
magpapasko na, pauwi na sya dito sa kasamaang palad, nahulog sa bus ang cellphone nya. pagdating nya sa bahay hiniram nya agad ang phone ko para tawagan ang phone nya, iniisip nya kasi baka natakluban lang ng gamit nya sa bag. kaso wala tlga. sabay kame naghapunan nung gabing yon. gamit nya pa rin ang phone ko para naman makipag chat sa mga kapatid nyang nasa ibang bansa., gamit ko lang ang ipad ko nu, naglalaro kasi ako ng clash of clan (anong level nyo na? ako 77) binuksan ko bigla yung fb nya sa ipad. may kachat syang iba :( eto na naman sya! :(
chat: naenjoy mo ba ako? kelan ulit tayo magkikita? paguwi ko ng maynila alam na ha!
dahil sa nabasa kong yun. unti unti ng nawala yung tiwala ko! nanatili ang katahimikan ko. panagalawang beses na yan., tumagal ang panahon ang mag 5years na kame. pero eto biglang may nagtxt sakin.
friend: yung jowa mo nakita ko, papasok ng motel may ibang kasama napicturan ko!
napapagod na ako! hindi ko alam kung ilang beses na nya ako ginago. iilan lang ang nahuli kong kagaguhan nya., pero ilan ba tlga ang ginawa nya?
hanggang nagyon kame pa rin., ewan ko ba! mahal ko kasi e., sinasabe nya sakin na hindi na nya uulitin.,ako daw pakakasalan nya. sabi ko nga kanina hindi ko sya kawang mawala., so konting lambing lang sakin parang wala ng nangyare.
alam ko ang tao nagbabago. pero sa hirap at tagal kong dinanas ang sakit na to bakit hindi ko magawang magalit? bakit tinitiis ko lahat ng ginagawa nya sakin? hindi ko magawang turuan ang utak at puso ko na sumuko sa pinagdaanan ko., masyadong kakaiba ito.
hanggang kelan ba ako gagaguhin ng taong mahal ko?