mananatiling nasa hinagap na lang ba ang lahat?
Keni
Lint Roller? I Barely Know Her
tumblr dot com
The Bowery Presents
RMH

No title available
Xuebing Du

Game Changer & Make Some Noise
No title available

titsay
No title available
Fai_Ryy
★
Claire Keane

Product Placement

Andulka
Sweet Seals For You, Always
almost home
cherry valley forever
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr
seen from United States
seen from United States

seen from Thailand
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Philippines

seen from United States
@rissspaul
mananatiling nasa hinagap na lang ba ang lahat?
Malapit ko nang gawin ang hindi dapat.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dinaig ko pa ang nauupos na kandila. Paunahan na lang siguro kami kung sino ang unang maubos.
At kapag nagkataong ako, edi 𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚.
Hindi ako natatakot na masaktan... o masugatan. Mas nangangamba ako sa katotohanang unti-unti ko nang minamahal ang kalungkutan bumabalot sa buong pagkatao ko. Nasasanay na akong tahimik ang paligid, walang kausap, walang pisikal na gawain, at palaging naglalayag ang isip sa kawalan.
Nahuhumaling ako sa pag-iisip. Walang humpay na pag-iisip sa mga kung anu-anong bagay. Madalas kong kuwestyunin ang sariling pagkakakilanlan, sa kung bakit ba ako nabubuhay, kung bakit nagigising pa rin ako sa umaga, at kung bakit wala akong nakikitang dahilan para makihalobilo sa tao. Pero may mga pagkakataon ding puro pantasya ang laman ng kukote ko. Iniisip kong isa pa rin akong ordinaryong tao pero marami akong pera at libro. Nakakapunta ako sa mga parke o lugar na tahimik at may preskong hangin. Doon ako magmumuni-muni, habang sinusulat ang isang nobelang hindi romansa ang paksa kundi buhay, kamatayan, lumbay, at kalayaan. Ihahayag ko ang mga pilosopiyang ako lang ang sasang-ayon dahil ako lang ang nakakaalam. Pagkatapos, sisikat ang nobela ngunit hindi ko ilalabas ang aking pagkakakilanlan. Itatago ko ang sarili sa pangalang 𝑀𝑎𝑦𝑢𝑚𝑖. Tss.
Doon ay magigising ako sa mula sa aking kahibangan.
Babalik ako sa ulirat. Sa reyalidad na mas malabo pa sa grado ng mga mata ko na makamit ang pangarap na iyon. Isang suntok sa buwan.
May layunin ako... pangarap. Pero wala akong pera. At determinasyon. Bukod sa pluma at papel, yabang at kahibangan lang ang sandatang mayroon ako.
Tapos ngingisi ako dahil maalala kong, walang silbi ang pluma at papel. Dahil tamad ako. Mas nais kong ubusin ang oras ko sa pag-iisip. Ilang nobela na nga ng natapos ko gamit ang utak, pero lahat ng iyon ay walang pisikal na patunay dahil tamad akong magsulat.
Nagtatago ako sa ideyang mas madaling mag-isip, dahil doon, mas marami akong natatapos na gawain... pero kung titingnan sa reyalidad, isa lang akong walang kuwentang nilalang na naghihintay sa walang kasiguraduhang direksyon ng kaniyang buhay.
Pinatay ko lahat ng ilaw. Nagsindi ako ng kandila, hindi ako gumamit ng gasera o lagayan. Iyong kandila na nabibili ng tingi sa tindahan— pinili ko iyong payat at pinaka-matangkad. Bahagya kong tinunaw ng apoy ang puwentan o babang bahagi saka idinikit sa kahoy na lamesang kalahating metro lang ang taas. Naupo ako sa gilid noon at sumandal sa malamig na dingding ng kwarto.
Pinanood kong magsayaw ang apoy at napaisip. Masaya ba itong sumasayaw... o marahil ay nagwawala pala ito sa nakakapasong init ng apoy? Kalokohan. Pasensya na. Kapag kasi kandila ang natutunaw, hindi ito parang abo na mawawala na lang sa hangin—maari pang magamit ang mga natunaw na kandila. Pero ang mga taong katulad ko, kapag naupos at nakulong sa imahinasyon ay hindi na muling makakatakas kahit anong pagpupumiglas pa ang gawin ko hanggang tuluyang mawawala sa ulirat. Kagaya ng kung paano ako ngayon mahibang sa gitna ng apoy ng kandilang pinanonood ko lamang kanina.
Maging malaya ka sa pagkukwento; hayaan mong ang mga salita ang maghayag sa mga emosyong pilit mong itinatago sa mundo.
Huwag mong tuluyang ikulong ang sarili sa mga emosyong hindi mo masabi-sabi. Dahil hindi kailanman sasapat ang pananahimik.
Maging malaya ka sa pagkukwento; ang lagi‘t laging paalala sa sarili.
-
March 12, 2025
4:38 AM