Noong una kitang makita, ako ay tunay na humanga hindi lang dahil sa ganda mong mala artista kundi pati narin sa kabutihan mong tunay na pinagpala. Puso ko ay kumakaba, nagsasalita ata ng kusa, kaya naman ang aking unang ginawa ay sayo ay magpakilala.
Agad mong tugon sa akin, ngiting di matatawaran, na tila ba nagsasabing OO maari tayong maging magkaibigan.MAGKAIBIGAN, salitang aking pinanghawakan, nagsilbing aking lakas at matibay na sandalan.
Sa simula ay parang wala lang, kuntento ako sa relasyong ating pinagsasaluhan. MAGKAIBIGAN, salitang hindi ko dapat kalimutan, na sa ating dalaway may harang na namamagitan, Tanda ng limitasyon o hangganan na magiging dahilan upang akoy masadlak sa kalungkutan.
Patuloy tayong nagkakasama, nagtatawanan, nag-aasaran, sa mga problema ay magkasama tayong lumalaban. Takbuhan ang isat-isa sa tuwing mabigat ang nararamdaman at sabay na nagdiriwang ng tagumpay at kasiyahan.
Isang gabi sa aking pagtulog ikaw ang nasa aking panaginip, ang babaeng nagbibigay tanglaw at tangi kong pinapangarap. Ikaw ang inaasam kong hintayin sa altar ng simbahan, pangakuan na makasama habang buhay at kalian man.
Subalit isang umaga akoy nagising at muli kong naalala na tayo nga pala ay MAGKAIBIGAN. MAGKAIBIGAN, salitang mas nais kong basahin bilang Magka-IBIGAN, di ko gustong sirain ang lahat ng ating pinagsamahan bagkus lalo itong pagtibayin at magsimula ng bagong kapalaran.
Maraming beses akong nagtangka na sabihin ang tunay kong nararamdam, ihayag ang saloobin at tuluyang isuko ang sarili sa lahat ng kahihinatnan. Ni hindi ko alintana ang iisipin ng iba, ang tangi ko lamang ikinababahala ay kung tatanggapin mo ba? Mauunawaan mo ba ? hahayaan mo ba? O iiwas ka ba?
Napakarami, sobrang dami ng lahat ng aking alinlangan, mga alinlangang sa akin ay nagsisilbing mga multo na dapat katakutan. Sapagkat alam kong hindi ko kaya na akoy iyong iwan, o ikay bigla na lamang lumisan sa oras na iyong malaman ang sa king puso ay na nanahan.
Ngunit dumating ang panahon na may nakilala kang isang lalaki, isang lalaki na may maayos na katangian at mabuting kalooban, mga katangian na kahit sino ay magugustuhan, oo alam ko, ah hindi sigurado pala ako, itoy sapagkat ang ako at ang lalaking aking tinutukoy ay matalik na MAGKAIBIGAN.
Nuong unang beses kong nalaman na kayo ay nagkakamabutihan wala akong ibang naisip kundi ang panghinaan. Sinubukan kong makuntento sa limos na atensyon bilang isang kaibigan. Nangakong mananatiling nasa likod nyo at mamamagitan sa oras na kayo ay magkaalitan.
Alam ko na alam nya na ikaw ang aking iniibig, ngunit sa kabila nito ay tinuloy nyang sayo ay umibig, hindi ko masisi kung bakit sa iyo sya ay nahumaling sapagkat maski ako ay nabikitima sa katangian mong tila nanggagapos na lubid.
Lumipas ang mga oras, araw at mga buwan, mas minabuti ko pa na kayo ay layuan, ito ay marahil iniisip ko na tayo ay hanggang sa tawagan na lamang na MAGKAIBIGAN, MAGKAIBIGAN ang salitang dati kong pinanghawakan at ginawang matibay na sandalan ay syang tuluyan na ngang nagging dahilan ng aking mabigat na kalungkutan.
Sa aking paglayo daigdig ko ay panandaliang gumuho, nabalot ng lungkot na may kasamang luha na tumutulo. Masakit, ang maiwan ng babaeng matagal mong iningatan, ngunit mas masakit ang katotothanan na ang babaing iyong iningatan ay nasa piling na ng ibang lalaki na tinatawag mo ding kaibigan.
Akoy litong lito sa kung saan ba ako nagkamali, ang mundo ba natin bilang magkaibigan at magdisisyon na duon na lang manatili? O ang hindi magtapat at sa takot ay magpagapi? Heto na naman ako nagiisip ng malalalim at naaawa sa sarili, heto na naman ako nakagapos nakatali habang nalulunod sa lungkot ng pagkasawi.
Isang gabi sa aking panaginip ay nakita kitang muli, tayong dalaway magkatabi umaawit, nagkukwentuhan, nag-kukulitan nag-aasaran ng bigla kang tumayo at nagmadali sabay hawak sa kamay ng isang lalaki sayong harapan, sya nga oo, sya nga yung aking kaibigan na iyong iniibig at pinili.
Hanggang sa panaginip wala akong nagawa, wala akong nagawa kundi ang magmukhang kawawa. Pnandalian akong yumuko, pinikit ang aking mga mata, at hindi kumibo. Nang muli kong binuksan ang aking mga mata at ulo ko ay itinaas mula sa pagkakayuko ay nakita kayong dalawa tuluyan na ngang papalayo.
Isang umaga ako ay nagising, nagising ng may luha at lungkot mula sa pagkakahimbing, aking inaasam na ang panaginip ay sanay hindi rin totoo, na sa ating realidad ay ako ang gusto mo, o kaya ay kahit sa panaginip hahawakan mo ang kamay ko.
Mula sa malayo madalas ko kayong nakikita, batid ko na kayo ay masaya na, batid ko na ang relasyon nyo ay higit sa mga nakalipas na. Sa di ko maunawaang dahilan ako ay hindi yumuko, hindi pumikit ng mata, at biglang napangiti na alam kong dulot ng saya.
Sa mga oras na iyon, walang pait, sakit at kalungkutan ang aking naramdaman, walang bakas ng pagkatalo o pagkaawa sa sarili ang sa akin ay nananahan. Tila ba ang bawat hapdi ay napalitan ng kaginhawaan.
ito ba ang tinatawag nilang kalayaan? Kalayaan sa kadiliman ng pagsisi. Kalayaan sa sakit ng pagkaiwan, kalayaan sa pighati ng kamangmangan. Sa bawat lungkot na aking binitbit inakala kong hindi ko na muli pang makikita ang sariling nakangiti.
Marahil ang iba ay huhusgahan ako kung paano ko nakayanang bumangon at palayain ang sarili sa pagkasawi, marahil ang iba ay magtatanong kung totoo nga bang ako ay dumaan sa pighati? Marahil ang iba ay magdududa sa aking pagngiti.
Hindi na iyon mahalaga sapagkat alam kong walang timbang ang kanilang sambit, ang aking paliwanag ay mas mainam na wag ng mabanggit, sapagkat maski ako ay nagtaka sa pagkakaalis ng taling gumapos sakin ng mahigpit mula sa pagasang siya ay aking makakamit.
Maraming dahilan ang maairi kong maging batayan sa aking kalayaan, ngunit isa lang duon ang maari kong matanggap at gusto kong ipangalandakan. Ito ay ang katotohanan na sa kabila ng aking mga kabiguan hindi ko mawawaglit sa aking sarili na siya, ikaw, at ako ay mananatiling MAGKAIBIGAN.
#MAGKAIBIGAN
originally written for my friend’s student as SPOKEN POETRY piece- September 13, 2017