Service to God: an Optional Commitment or Consecrated Life?
I was 17 years old nung magsimula akong mag-serve sa Parish namin as Legionary and Chorister. And I consider that as a big turning point of my life dahil nabago nito ng husto ang aking pamumuhay. Mula sa dating pagiging tambay na out of school youth, nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil alam kong kahit paano, may nagagawa akong maganda para sa Diyos at sa aking sarili.
31 na ako ngayon at never akong nahinto sa pagse-serve. Kung nawala man ako ay halos hindi naramdaman ng mga kasama ko dahil visible pa rin ako sa paningin nila kahit na hindi ako nakaka-attend ng ibang engagements dahil sa work ko noon. Pero hindi naging hadlang iyon para tamarin ako. Lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi ako mabubuhay kung palalagpasin ko ang isang linggo nang hindi ako nagse-serve kay God.
Kaya naging pamantayan ko na sa susunod kong trabaho, kailangan maluwag ang oras ko lalo na sa weekend dahil ayoko ng mahiwalay pa sa pagse-serve ko.
Maraming taon ang lumipas. Nakapag-aral ako dahil sa scholarship na nakuha ko sa parish na pinaglilingkuran ko. Pagka-graduate ko ay nagkaroon ng ilang work bago napunta sa kasalukuyang trabaho ko ngayon. At ito ngang trabaho na ito ay katuparan ng hiling ko na sana’y hindi ito maka-apekto sa pagse-serve ko. Nagpapasalamat ako kay God sa napakalaking biyayang iyon.
It was one of the greatest things na na-receive ko mula sa pagdarasal ko. Dahil ngayon I can never lose time for my vocation as a lay people. Masayang-masaya ako dahil doon and I dedicated myself to my duties and responsibilities now as servant of God.
But things are different now especially the people in lay community. They do whatever they like to do and they give what they like to give. Kung ano lang ang kaya nila, yun lang talaga ang gagawin nila. Kung ano lang yung latak sa panahon nila, yun lang ang ipagkakaloob nila sa simbahang pinaglilingkuran nila and most of the time, yung latak na iyon ay wala nang kaledad na taglay dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa oras ng ibang tao.
I try not to judge them. Iniisip ko na lang, siguro dala ng kabataan nila kaya ganoon. O baka may mali akong pinapakita na dapat itama dahil maaaring isa ako sa sinusundan nila. O kaya, may mabigat talagang dahilan kaya nagkakaganoon. O kaya kailangan ko pang doblehin ang effort ko para maging mas masigasig din sila sa pagse-serve nila. O may pinagdadaanan silang mabigat para magkaganoon sila.
Kahit nagkakaganoon ay pinagpatuloy ko lang kung ano yung ginagawa kong trabaho para sa mga samahang kinaaaniban ko. Pero parang lalong lumalala ang sitwasyon. Yung iba ay di na nagpakita, umalis at di na bumalik o kaya ay hayagang nagsabi na magku-quit na sila sa grupo.
It was so frustrating to see those people behave like that. Questions arise at the back of my mind. “Bakit nagka-ganoon?” “Anong nangyari?” Such questions are messing my intellectual being and it bothers me so much. Minsan nakakasakit ng ulo mag-isip at kinakailangan ko na lang idaan sa tulog ang lahat para matahimik ako.
Ang paglilingkod sa Diyos ang isa sa pinakapinahalagahan ko sa halos kalahati ng buhay ko sa mundong ito. I’m not saying na nagpapaka-perpekto ako sa ginagawa ko. Napakarami ko ding flaws. Mga pagkakamali na hindi ko na rin mabilang. Pero I still continue my service to God. Alam kong hindi ako karapat-dapat kaya bilang bayad-utang sa pagiging hindi ko karapat-dapat, ipinagkakaloob ko ang higit pa sa makakaya ko para makapaglingkod sa Kanya.
Pero may mga pagkakataong nagagawa kong magtanong. Hanggang saan nga ba talaga ang hangganan ng paglilingkod? May option bang dapat pindutin kung hanggang sa anong parte lang ng buhay mo pwede mag-exist yung paglilingkod mo sa Diyos? Pwede mo ba talagang itakda iyon? Ako lang ba talaga itong masyadong OA kung magtrabaho bilang lay person? Ano ba talaga ang pagse-serve kay God: Optional Commitment lang o Consecrated Life?
I really wanted to prove to everyone na ang paglilingkod ay pagtatalaga ng buhay sa Panginoon. Na ang pagsunod sa Kanya ay isang mabuting daan kahit sobrang hapdi at sakit na ng lahat, kahit pa halos ikamatay mo na dahil sa sobrang pasakit ng mga pagsubok. Pero pilit na sinisira ng salitang optional commitment, ang kahulugan na ito. Dahil nagagawa nitong basagin ang paninindigan ng iba pang matuwid upang maitayo at mabigyang katwiran lang ang kanilang pananaw.
Gusto kong hanapin ang sagot sa ibang lugar o sa ibang tao, Makakita ng ibang inspirasyon upang makapagpatuloy kahit pa sugatan at duguan na ako. At makahanap ng ibayong lakas mula sa Diyos sa mga taong may matatag na paninindigan sa kanilang pananampalataya.