Laban lang Tayo para sa Wasto!
Masasabi naman natin ang makabagong edukasyon ay isang malaking aspeto para sa mga “social movements” o mga kilusang panlipunan na ating natutungahayan sa panahon ngayon. Dahil meron na tayong kaalaman, tama lang na isabuhay at kumilos sa mga nakukuha nating kamalayan. Ang mga paaralan at ang mga guro ang nagsilbi ring daan upang mamulat ang ibang mga estudyante para ipaglaban ang karapatan na dapat matamasa nila. Sabi nga dito sa akda ni Tujan jr., na itong kilusan na ito ang naging daan upang magkaroon ng realisasyon sa mga pananaw at proseso ng “tranformative education.” Dahil sa kaalaman o “social commitment” na meron ang isang indibidwal, ito na ay kanyang isinasagawa o isinasabuhay upang makagkaroon ng pagbabago sa sistema ng bansa.
Ang kilusang edukasyon ay nagbibigay linaw sa atin na kailangan natin magkaroon ng malay sa mga responsibiladad na ibinibigay sa atin. Dito rin mapapatunayan ang lakas o kapangyarihan ng masa o ang people power, na kung saan ipinaglalaban nila ang katotohanan upang hindi pumabor lagi sa mga nakaupong korupt at walang ginawa kundi magbulsa ng taban ng bayan. Halimbawa na lamang ang People Power 2 na ginanap noong January 17-21, 2001. Sa pangyayarihing iti, naging makabuluhan ang pagkilos ng mga tao dahil nagpapakita ito ng tapang at lakas ng mga Pilipino na lumalaban sa mga nakaupo sa taas. Sabi nga nga iba, ito ang simula ng epekto ng pagkamulat sa mga isyung panlipunan. Mas binigyang pansin kasi ang kilusang naganap marahil ito ay rebulosyunaryo at ito rin ang dahilan kung pinalit ni Gloria Macapagal Arroyo si Joseph estrada bilang pangulo nung termino na iyon.
Kung si Estrada ay nagpasimuno ng all-out war policy, ang binigyang pokus naman ni Arroyo ay ang peace talks. Marahil mas mahabang kapayapaan iyon kesa sa pag-aaklas at pagpapadanak ng dugo, kung saan totoo naman dahil mas naaayon na gawin ito upang di makapagbawas ng buhay. Mahalaga rin ang mga peace talks dahil ito ay nagsisilbing intrumento o kagamitan upang magkaroon ng maayos na komunikasyon sa mga institusyon o mga bansa. Ito na rin ay nakatuon sa pagkakaroon ng maayos na negosyo sa Pilipinas, pati na rin ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya. Isama na natin ang turismo bilang daan rin sa pagpapaunlad ng bansa, dahil kailangan nating magtiwala o magkaroon ng kumpiyansa sa kung anong meron ang bansa natin. Si Arroyo ay nagkaroon ng lakas ng loob na bigyang diin ang gaya ng peace talks dahil suportado siya ng mga militar dahil sa kanyang consultant na ang dating Pangulong Fidel Ramos, na retired general na. Ang binigay sa kanyang suporta ang nagsilbing lakas ng loob kay Arroyo para itulak ang peace talks dahil meron siyang kasiguraduhan na tutulungan siya.
Kagaya ng mga halimbawang naipahayag ko, ipinapakita lang rin kung gaano kahalaga o kaimportante ang mga kilusan upang maimuhlat ang mga mamamayan sa mga problemang hinaharap ng bansa. Nais lamang ng bawat isa na magkaroon ng pagkakaisa upang maatim ang kapayapaan at kaunlaran ng bansang Pilipinas. Ito na rin ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng panibagong at kritikal na pananaw ang bawat indibidwal sa mga layunin ng gobyerno. Hangarin lamang rin na mga sumasali sa mga kilusan ang karapatan at kapakanan ng mga taong mahihirap, at para narin sa kalayaan na inaasam ng bawat Pilipino. Kaya’t huwag sumuko dahil tayo nalang ang inaantay para sa pagbabago ng bansa. Laban lang! Makakayanan rin natin ang bawat pagsubok, dahil mahal natinang nasyong Pilipinas, laban lang para sa matuwid at makatarungan! Pilipinas, ating ipaglaban para sa maunlad at tunay na pagbabago!













