Maging Tunay Ka
“Kailangan ganto ka! Kailangan mong gamitin to! Kailangan mong bumili ng gantong uri ng produkto! Sige ka, pag di mo ginawa ang sinasabi ko sayo mapagiiwanan ka!”
Gantong-ganto ang gustong ipasalpak sa ating kaisipan ng mga Amerikano at iba pang mga nagsakop sa bansang Pilipinas. Nagiging masunurin tayo sa kanilang mga utos at kagustuhan kung kaya’t pati tayo ay di na alam kung ano ba talaga ang dapat gawin. SI Nicanor Tiongson ay gumawa ng isang susulatin ng nagpapakita ng realidad ng buhay simula noong nasakop tayo hanggang sa kasalukuyang panahon. Masasabi nating ito ay nakasilid na sa pag-iisip ng isang indibdwal na dapat tangkilikin ang interes at kagustuhan ng mga Amerikano imbis na pagtuonan ng pansin ang sariling atin.
Unang-una, sinasabi sa atin na kailangan nating maging maputi upang masabi sa atin na tayo ay tunay ngang maganda. Ang mga mestiso at mestisa ang mas binibigyang pansin rin dito sa Pilipinas dahil sila ay may lahi at mas magaganda ang balat kumpara sa mnga ordinaryong Pilipino. Sa ganyang kaalaman at tradisyon na nagagawa natin hanggang sa ngayon, ito talaga ay mali dahil mas binibigyan ng importansya ang pagpapaganda upang matugunan ang mga pamantayan na ibiniogay nila sa atin. Syempre, ang tunay na P{ilipino ay may kayumanggi na balat. Kung kaya’t dapat lang natin itong tanggapin at yakapin. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na kung saan ang mga tampok na mayroon tayo ay saktong-sakto na kung saan tayo nakalugar. May dahilan kung bakit kayumanggi ang balat ng mga Pilipino at dapat tayong hindi magkaroon ng “inferiority conplex” dahil maganda tayo bilang tayo mismo. Nagbigay kasi ng pamntayan ang mundo na kapag maputi ka, masasabi na ng iba na maganda ka. Ngunit hindi naman totoo ang ganung klaseng [pag-iisip dahil maputi nga sila, mabuti ba ang puso? Aanhin mo ang pagmamakeup o ang pagpapaputi kung mismong ugali at pag-iisipn ay wala na sa wasto? Dapat lang na hidni tayo gumaya sa pag-iisip ng kolonyal na kailangan nating maging maputi upang masabi nan maganda. Hindi kasi nasusukat sa puti ang ganda, nasa panloob na kagandahan ang mas nararapat.
Hinihikayat pa nga tayo ng iba na bumili ng mga produkto na magpapabago sa itsura natin. Dahil sa mga komersyo na lumalabas sa telebisyon ay mapapatunayan na maling pag-iisip ang binibigay sa bawat indibdwal na makakanood dito dahil inaakit pa sila na baguhin ang kanila sarili para lamang ,atanggap ng mundo. Pilipino tayo eh! Bakit ba natin kailangan ipagsiksikan ang sarili natin sa pamantayan ng ibang bansa kung may sarili tayo atin? Kaya tayo nakakagastos ng pera sa mga bagay na di naman talaga importante sa buhay natin. Nagiging statehiya na rin ito sa mga negosyante na makalimpok ng maraming pera dahil sa paghihikayat na bumili ng mga produkto na hindi naman talaga dapat pagtuonan ng pansin o interes.
Nakakaubos ito ng pera at oras kasi nakakalimutan na natin ang ibang bagay. Kagaya na lamang ng mga pelikula na meron tayo sa bansa, na kailangan natin magkaroon ng bida na maputi o mestiso at mestisa. Ang mga balat-kayumanggi ay kadalasang nagiging alipin o kaya’t mga mahihirap na naapi ng mga amo o madrasta. Sa mga pelikula, ipinapamungkahi sa atin na mas nakadepende tayo sa kung anong gusto ng iba kesa sa kung ano ba talaga ang Pilipino bilang siya. Isipin mo yun, nasa Pilipinas ka na nga pero papababain mo pa ang sarili mo o ang iba dahil sa Pilipinong katangian na taglay mo. Dapat nating hindi ikahiya kung ano tayo sa panlabas na anyo. Dapat di tayo napayag sa mga pang-aapi na nakasanayan natin mula sa iba. Totoo namang walang masama sa pag-aaliw sa sarili, ngunit kailangan mo rin malaman kung hanggang saan ang limitasyon o upang makagawa ka parin ng nararapat.
Itinatak na rin kasi sa atin na dapat tayong masanay sa pang-aapi na ibinibigay sa atin, na hindi naman talaga dapat. Sinasabi kasi sa teksto na mapagkumbaba’t mapagtiis at sunod-sunurin rin ang mga Pilipino sa bawat utos na kanyang natatanggap. Ngunit kailangan nating magising sa realidad na ginagamit lang tayo ng mga pang-kolonyal na pag-iisip at pagkilos. Hindi tayo dapat masanay sa ganyang sistema, kaya’t kailangfan na nating ipaglaban ang tunay na lkarapatan ng pagiging isang Pilipino! Huwag tayo manliit sa kung ano tayo, ang kailangan pa natin ay maging ‘Proud Pinoy.’ Tandaan na mas maganda ang sariling atin! Tayo dapat ang bida at hindi ang ibang kultura. Tayo ay maganda at pogi sa mata ng Diyos kung kaya’t ang Pilipino ay kakaiba. Tayo ay kakaiba sa kanila. Maganda tayo sa sarili natin paraan, at yun ang pagiging isang tunay na, ganap pa na Pilipino! Pilipino ka kaya’t maging Pilipino ka!














