A.P IPT 1 Quarter 3
PAMAMAHALAANG MILITAR
Sa pagbagksak ng Manila sa kamay ng mga Amerikano, itinatag ang pamahalaang militar sa pamamahala ni Heneral Westley Merrit noong Agosto 14, 1948 bilang gobernador - militar at ito ay tumagal ng Hulyo 4, 1901. Layunin ng pamahalaang militar na maisulong ang kapayapaan at kaayusan ng bansa bilang paghahanda para sa pagpapatupad ng pamahalaang sibil. Sa panahong ito, naitatag ang nataas na Hukuman na binubuo ng siyam na huwes at anim sa mga ito ay Pilipino si Cayetano Arellano ang kauna-unahang mahistradong Pilipino ng Hukuman. Inakala ng pamahalaang militar na makabubuti ito sa mga lugar na tahimik at maayos na. Dahil dito naganap ang lokal na halalan sa Baliuag, Bulakan at ganoon din sa mga karatig bayan nito noong Mayo, 1899. Ang pangyayaring ito ang nakapagpahina sa tutol ng mga manghihimagsik laban sa mga Amerikano.
Ang pangulo noon ng Estados Unidos na si William Mckinley ay bumuo ng isang komisyon na magsisiyasat sa kalagayan ng Pilipinas upang maisagawa pinakamattag, mapayapa at mabisang pamamahala sa buong bansa. 1. Pag-aralan ang kasalukuyang panlipunan at pulitikang kalagayan ng mga tao sa Pilipinas at ipag-bigay alam ang nararapat ng hakbang upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kagalingan ng mga mamamayan. 2. Igalang ang simulain, kaugalian at kultura ng mga Pilipino kaalin sabay ng pagmumulat sa mga katutubo ng layunin ng Estados Unidos ng isang makatarungan at mapagkawanggawang pamamahala.
Ang pangalawang komisyon o kopisyon Taft ay nagtatagubilin ng unti-unting pagsasalin ng kapangyarihan ng pangangasiwa ng pamahalaan sa mga Pilipino at ito ay tinawag na Sistemang Pilipinasyon. Sa sistemang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na pangsiwaan ang pamamahala sa mga pamamahalang lokal o munisipal. Subalit hawak parin ng mga Amerikano ang mahahalagang posisyon sa pamahalaan katulad ng pagbabalangkas at pagsasagawa ng mga patakaran.
MALAYANG KALAKALAN
Pinairal ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Nakapasok ang mga produkto ng mga Amerikano sa Pilipinas nang hindi pinagbabayad buwis. Nagkaroon ng di mapantayang pag-unlad o kasaganaan ang Pilipinas noong panahon ng Amerikano. Subalit ang malayang kalakalan ay nag-iwan ng di magandang epekto sa sistema ng pangangalakal ng mga Pilipino. Isa rito ang pagkakabaya sa mga kalakal na hindi iniluluwas sa Estados Unidos. Tuluyang napabayaang paunlarin ang mga kalakal na ito. Napabayaan na rin ng mga Pilipino na makipagkalakalan sa ibang bansa at nanatiling nakatali sa pakikipagkalakalan sa Estados Unidos. nahilig ang mga Pilipino sa "stateside" at maging ang diwang kanluranin o labis na pagpapahalaga sa gawang-dayuhan partikular sa Amerika ay masasabi ring epekto ng free trade o malayang kalakalan. Higit na angat ang mga gawang "stateside" kaysa sa sariling produkto ng mga Pilipino. Ilang simbolo ito ng katayuan ng mga tao. Itinuturing na mayaman o nakaaangat sa buhay ang mga tananang may sasakyan, radyo at refrigerator. Kasabay nito, napabayaan ang mga produktong agrikultural. Nakalimutang paunlarin ang mga sakahan at maraming haciendero ang nakinabang na kapinsalaan naman sa mga maliliit. Dahil dito naghimagsik ang ilang grupo ng lipunan.
Source: Ang Makabayan Sa Ating Bansa
By: Luzviminda La Paz Ona
@jerelcena











