EWAN
Siguro kung magkakaron ng award ngayon kung sino pinakawalang kwenta at pinakawalang drive malamang sa 'kin mapupunta 'yon. Marahil iisipin mo isa nanaman tong pagdadrama at isa nanamang katangahan ito, pero hayaan mong busugin ko ang pagbabasa mo sa mga bagay na walang silbi, gaya ng blog na 'to. (blog pare hindi vlog)
Una sa lahat, hayaan mong idefine ko sa iyo ang salitang "failure". Ayon kay kumpareng Cambridge Dictionary, ang salitang "failure" ay nangangahulugang "the fact of someone or something not succeeding" "someone","something" "not succedding". Malinaw ba? Kung ayaw mong maniwala e, GMT!
Bakit ko ba binigyang kahulugan ang salitang iyan, dahil, unang-una, gusto kong malaman mo kung ano ang kapalpakan, ngayong alam mo na, isipin mo, ano yung mga bagay or pangyayari kung saan e, pumalpak ka, bigyan kita tatlong segundo, oh diba mayroon agad? Ilan? Isa? Dalawa? Wag kang magsinungaling sa sarili mo, sa tatlong segundo, ilang kapalpakan ang sumagi sa isip mo?
Ngayon 'yong kabaliktaran naman niya, "success". Ayon ulit kay kumareng Cambridge Dictionary ang salitang "success" ay nangangahulugang "the achieving of the results wanted or hoped for". Parehong senaryo, tatlong segundo, isipin mo ang mga bagay or pangyayari kung saan e nagtagumpay ka. Tatlong segundo.
Ngayon, may ideya ka na siguro kung saan papunta ito, ikumpara mo ngayon, gaano karami ang bilang nang mga palpak at tagumpay. Mas marami bilang ng palpak kesa sa tama? o mas marami ang bilang ng tagumpay kesa sa kapalpakan? Pero ang tunay ang tanong ay may punto pa kaya? May punto kayang bilangin ang dalawang bagay? May pa kayang lumingon sa nakaraan para lang sariwaan ang mga bagay-bagay na gusto mo nang talikuran o mga bagay-bagay na pinagtagumpayan mo? Marahil oo, pero hindi habambuhay ay babalik ka na lang at lilingon, may mas malaking alon kang kailangang sagwanin habang nakasakay ka bangka mo. Gusto mong sumugal gawin mo, siguraduhin mong may pamasahe ka pa pauwi. Tama ba yung analogy? Ewan, kung saan-saan na napupunta 'to. 'Di bale may disclaimer naman sa una na tungkol sa walang silbing bagay naman 'tong blog na 'to.
Magandang gabi.














