“Saan man panig ng bansa, kalusugan ay ihanda: Pagtalakay sa pampublikong ospital”
Ang mga ospital sa Pilipinas sa panahon ngayon ay dumadami ang bilang. Sa panahon ng pandemya, hindi naging madali ang mga pinagdaanan dahil sa kakulangan ng health care worker sa mga ospital at pati na rin sa resources. Madami ang bilang ng mga ospital at mayroon nito sa iba't ibang lalawigan pero hindi pa din maiiwasan ang mga problema dito. Katulad na lamang ng kaso sa mga pampublikong ospital, madami ang naghahain ng kanilang hinaing tungkol dito. Bago tayo dumako doon talakayin muna natin ang health care. Ang health care ay isang mahalagang trabaho, ito ay binubuo ng mga tao, institusyon, at organisasyon na naglalayon na mailayo sa sakit ang mga tao at mapabuti ang kalagayan ng nakararanas ng sakit at karamdaman. Ang ating health care system ay nahahati sa dalawa; ang pampubliko at pribadong ospital. Ngayon ay tatalakayin natin ang pampublikong ospital. Ang populasyon ng Pilipinas ay umaabot sa 111 milyon na katao ayon sa World Meter (2021) at mayroon na 7, 641 pulo na nakalat sa iba’t ibang parte ng bansa. Mayroong mga lugar sa bansa na hindi naabot ng mga kuryente at signal dahil sa liblib na kinaroroonan, dahil dito ay nabubuo ang mga pampublikong ospital para maabot ang mga tao mula sa syudad hanggang sa mga probinsiya. Ang mga ito ay pag-aari ng gobyerno at nasa ilalim ng Philhealth sila ang nasa likod ng mga ito upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan.
Noong 2019, ang bilang ng mga pampublikong ospital ay 721. Dahil sa maliit na bilang ng mga hospital sa Pilipinas ngunit mataas na bilang ng populasyon ay nahihirapan matugunan ang bawat isa sa kanila idagdag na rin ang patuloy na pagbawas sa bilang ng mga health care worker sa bansa. Halimbawa na lamang sa ulat ng DOH, ang kapasidad ng bawat kwarto ay 27, 019 sa buong bansa ngunit ang bilang ng na-oospital ay nasa 10, 915, 480 paano matutugunan ang kailangan ng isang indibidwal kung kulang naman ang mga nagtatrabaho sa isang ospital. Sa ibaba ay pagbibigyan natin ng pansin ang mga kinakaharap na problema sa pampublikong ospital. Ang Local Government Code of 1991 para sa pamamahala ng local government units (LGU) sa pagsasaayos at pagpapaganda ng pasilidad.
Ang karamihan sa mga pasilidad ngayon ay matagal nang naipatayo kaya naman kung makikita natin ang iba ay nagkakaproblema sa daloy ng tubig o di kaya ay sa kuryente (Collado, 2019). Ang iba naman sa kanila ay nagkakaroon ng problema sa bentilasyon dahil sa masikip na lugar dulot ng siksikan na pasyente. Sa kabila naman nito, mayroon pa din tayong mga maaayos na ospital at komportableng namamahinga ang mga pasyente. Maraming mga pampublikong ospital ang nakapaligid sa isang probinsiya, lahat naman ang mga ito ay nasa ilalim ng gobyerno at PhilHealth kaya madalang na lamang ang nagkakaroon ng problema sa bayarin ngunit sa panahon ng pandemya ay nagkaroon ng problema sa pagpunta sa ospital dahil madami na ang naririto. Nagkaakroon di ng problema sa paglalakbay ng pasyente dahil sa kinaroroonang lugar, kondisyon at lalo na kung matanda na sila.
Dahil dito ang solusyon na aking naisip ay pagkakaroon ng telehealth. Dito sa telehealth ay maaring makapag-konsulta sa doctor na nais mo gamit lamang ang tawag sa celpon o telepono. Dahil sa delikado na din ang lumabas at magpunta sa ospital lalo na kung mahina ang iyong resistensiya, ito ay malaking tulong para sa kanila. Maiiwasan ang makipagusap sa ibang tao at ang posibilidad na magkaroon ng virus ay mababa (Business world, 2021).
Ngunit ano nga ba ang mga kinakaharap na problema ng mga pampublikong ospital sa panahon ngayon; una na diyan ang Technological advancement, ang pagkakaroon ng kakulangan sa advancement ng teknolohiya tulad na lamang ng mga ginagamit sa diagnosis ng mga sakit at paglalahad ng dokumento ng pasyente. Ang ibang ospital ay gumagamit ng computer-based sheet samantala ang publikog ospital ay naka-paper based pa din. Pumapangalawa ang financial resources, kahit sila ay suportado ng gobyerno hindi sapat ang mga ito dahil sa limitado din lamang ang nakalaan sa bawat ospital.Pangatlo naman dito ang insufficient knowledge o kakulangan sa kaalaman dahil sa kakulangan sa kagamitan ay hindi matutugunan ang isang indibidwal, halimbawa na lamang sa isang pasyente na nahulog sa hagdanan, dahil sa walang x-ray sa ospital hindi nila malalaman na mayroon bali o fracture ang pasyente. Kung mayroong kakulangan sa kaalam mayroon ding kakulangan sa Skills and Human Resources, dahil sa mataas na pangangailangan ng tao ang ibang medical staff ay lumilipat sa pribadong ospital o di kaya ay nag-ibang bansa. Nagiging dahilan din ang kakulangan sa mga doctor at iba pang medical staff dahil hindi sila sito tumitigil upang magtrabaho. Ang nagiging epekto nito ay ang pagtagal ng pag-iintay ng mga tao na matugunan ang kanilang sakit at nararamdaman (Dela cruz, 2019). Karagdagan pa dito dahil sa mataas ang pamantayan ng Pilipinas pagdating sa health care professionals kaya’t hanggang sa ibang bansa ay Pilipino din ang hinahanap nilang medical staff. Ang kakulangan na ito ay nagiging sanhi din kung bakit hindi matugunan ng maayos ang mga pasyente at sobra sa trabaho ang mga health care workers. Upang matugunan ang problemang ito, ako ay naglahad ng solusyon para dito at ito ay ang pagtuon ng pansin ng gobyerno sa pampublikong ospital. Kung maari man ay maglaan sila ng budget uang matugunan pa lalo ang mga tao na nangangailangan ng medical na atensyon lalo na sa paglalagay ng mga machine at pagpapasaayos ng mga ito dulot ng katandaan ng kagamitan. Maglaan din ng magagandang proyekto at pagtrato ng tama sa mga health worker upang hindi nila maisip ang pag-alis sa pinagtatrabahuhan.
Sa kabilang banda naman ng mga problemang kinakaharap dito, makikita ang kalakasan ng ating pampublikong ospital sa pagkakaroon ng libreng medical fee ay isa sa katangian ng pampublikong ospital. Tumatanggap sila ng mga tao at hindi alintana kung may pera ba o wala. Dahil nag sila ay nasa iallim ng gobyerno tumatanggap sila ng mga insurance galling sa iba’t ibang kumpanya. Pangalawa naman dito ay ang pagtanggap ng mga pasyente na dinadala sa kanila na hindi nila tinatanggihan. Malaki din ang kanilang epekto sa masa dahil sa mapagkakatiwalaan sila at tapat.
Sa kabuuan, ang mga pampublikong ospital ay mayroong ka-lamangan at kakulangan, nang dahil sa mga ito ay patuloy pa din nilang ipagpapabuti ang pagsasaayos at pagpapaganda ng kanilang serbisyo sa mga tao. Hindi dahil sa kanilang kakulangan ay dapat na din silang sisihin sa nagiging karanasan sa ospital at pag- lipat ng mga staff sa ibang lugar. Dapat natin pagtuunan ng pansin ang pampublikong ospital para sa kalagayan an at kalusugan ng mga tao. Ito ay magiging dahilan upang mai-sulong ang pagtataguyod ng kalusugan ng bawat isa.