No title available

Kiana Khansmith
d e v o n

izzy's playlists!
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Andulka
Today's Document
wallacepolsom

⁂
almost home
I'd rather be in outer space 🛸

★
noise dept.
🩵 avery cochrane 🩵
🪼
tumblr dot com
hello vonnie
No title available
EXPECTATIONS

Discoholic 🪩
seen from South Korea

seen from United Kingdom

seen from Türkiye

seen from Brazil

seen from Venezuela

seen from Malaysia

seen from Germany

seen from Russia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Germany

seen from Argentina
seen from Brazil
@savingandromeda
Stars
So, I was browsing on TikTok while waiting to be asleep, and then I saw this post saying that Lily is the former Callalily. They had their band renamed because Kean, the og vox, refused the name Callalily to be used despite of it being a collective decision. Then one of the commenters said that Lily re-recorded "Stars", which has been Callalily's most successful song. I looked it up on Spotify and saw the re-recorded version, three weeks old from its released -- and here goes the impression.
Kean's version was something like a teenager singing after a breakup, wishing for that girl to come back to him. It was some sort of a "begging to be back together" song. Apparently, I found out that Kean is only two years my senior. I guess that explains the lack of emotional depth in the interpretation of the song.
The new vocalist, I must say, has emotions while singing the song, which Kean lacked (IMO). Joshua, the new lead vox, apparently, gave the song a different image. It was so beautiful that I felt uncomfortable listening to the whole song because I suddenly started crying. His version gave me the impression of an ex-lover returning to you and asking if you are okay or happy with your life, BUT he does not want to interrupt your peace anymore because you are both happy in your parted ways. His version seemed like "he still loves you, but he will choose to love you from afar". I think the theatrical music inclusions and the vocal riffs (which I think Kean cannot do) made the song a storyteller. His version is something I do not want an ex to sing to me because I might end up reuniting with him.
I am not heartbroken, but Joshua's (Lily's) version made me reflect on the past relationships I had. I recalled the past encounters I had -- the ones I loved and ran away from because I was scared to love, and the ones I loved but gave up on because of sadness.
Honestly, I do not know how to end this entry. I am not in the mood to write a decent essay, I just felt that I have to write those words before returning to bed. I should be sleeping by now cause I need to turn over the remaining freaking cards to the department heads. I just wish that if ever I will be married, I will have a husband who understands my soul as much as I understand him, so I will not spend a lifetime explaining my soul to him every day of our lives.
Hello, pareidolia.
Chances
Me: Hello, my love. I just finished playing that toxic game that I have been playing. I hate it. I get stressed over something nonsense.
Him: My heart, why are you playing that toxic game? Yes, I think you are used to it and it's a nice waste of time of it. Well, we always return to certain things and give it a chance, hoping it would change.
Me: Yeah... *Laughs but thinks that what he said is true*
Once in a Lifetime
J: You know what? Once when I broke up with my last relationship, I thought of the same thing as you.
Me: Really?
J: Yes, since leaving can make her happy, giving her freedom. Making her happy.
Me: People thought that when they invest less in a relationship, it will not hurt them if they will leave. They may not be hurt for now, but once it was already gone and they never met someone who loved them since one did, it will leave them haunted for months or years. It is because once in their life, someone loved them with all their heart and they never took care of it.
Jack
G: I never got used to whiskey. I always drank beer. It amplifies the feelings and you feel bad.
Me: I drank red wine a few times, then I follow it with lots of water. It's true though, when you drink alcohol, you get even sadder.
G: Correct. So it makes no sense at all.
Me: But alcohol should be a sign of celebration, isn't it?
G: So they say, and most people celebrate so much they ended up on the floor or in a hospital.
Me: I was heartbroken when I drank whiskey. I was crying every midnight, drinking it. That was for a week, during an academic year. I ended up submitting grading sheet printouts twice because of that. That was horrible, but anyway, that was already history. I feel sad every time I remember it.
G: Because you lost control?
Me: No, because the pain was horrible. It was piercing, you know. That sadness and then the bitterness of what you're drinking, it makes things worse, but there's a sense of satisfaction because you get to feel the pain physically.
Panghabambuhay
Na-confine ako sa ospital noong May 31 at na-discharge ng madaling-araw ng June 1. Matapos ang limang taon na puro maling diagnosis tungkol sa aking kondisyon, isang resident doctor ang nakakuha ng tama tungkol sa aking sakit. Ang kung anu-anong sapantaha ng maraming doktor na siyang aking pinaniwalaan sa loob ng limang taon ay isa lang pala talagang kaso ng hika -- bronchial asthma. Noon lang nakumpirma ang uri ng asthma na meron ako. Sa edad na 29, saka lang nakuha ang kondisyon ko ng tama dahil hanggang ngayon di na ako inaatake ng hika, na kung iisipin ay ito ang kadalasang panahon na mababaw ang paghinga ko dahil hirap na hirap ako huminga ng malalim. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makapagturo ng maayos noon.
Naaalala ko ang araw na iyon. Nakaupo ako sa wheelchair at may cannula sa aking kaliwang kamay. Doon pinadaan ang steroid habang nilalanghap ko yung gamot na lumalabas sa nebulizer. Sa isip-isip ko noon, malamang di maganda ang kaso ko dahil dalawang gamot ang binigay sa akin ng sabay. Para akong naging bata noong nasa ospital ako. Takot ako noon sa mangyayari sa akin dahil ang pinapaniwalaan ko pa noon ay ang mga hinala ng doktor sa loob ng limang taon; balisa dahil ayokong nag-aalala ang mama ko sa akin.
Naaalala ko ang araw na iyon. Dumating ang isang lalaking nurse. Matangkad, payat at naka-green na scrub suit. Nasa pagitan ng edad na 29 - 32. Lumapit siya sa amin.
“Ma’am, magpapa-x-ray ka.” Sabi niya sa akin.
“Tara na anak,” Sabi ng nanay ko. Tumango ako, ngunit nagulat ako nung akma nang hahawakan ng nurse ang hawakan ng wheelchair para itulak ako.
Malumanay akong nagsalita. “Maglalakad ako.” Hindi ko nagustuhan yung idea na naka-wheelchair ako at may nagtutulak sa akin. Pakiramdam ko pahihirapan ko pa ang nurse. Hindi ako sanay na masyado akong inaasikaso ng kahit sino.
“Sigurado ka ma’am?” Nagulat ang nurse. “Kaya mo ba? Dito ka na lang [sa wheelchair]”
Natigilan ako. Hirap pa rin ako huminga dahil mababaw pa rin ang paghinga ko. Napatingin ako sa pasilyo at baka malayo ang x-ray room at baka ako lalong mahirapan kapag nilakad ko kaya pumayag na lang ako. Hinawakan na ng nurse ang handle ng wheelchair at nagsimula na kaming pumunta sa x-ray room.
Medyo may kalayuan ang x-ray room mula sa emergency room. Buti na lang pumayag na lang ako magpatulak.
“Palagi ka bang hinihingal?” Tanong niya.
“Oo,” sagot ko. “Anemic kasi ako.”
Natawa siya. “Hindi, pag anemic nahihilo.”
“Oo, nahihilo rin ako.” Natawa ako sa sagot ko. Kapos yung pananalita ko kasi nasa likod ko siya at kailangan niyang marinig yung sinasabi ko. “Pero hinihingal rin ako. Minsan isang flight pa lang ng stair case di ko na kaya kaya nag-eelevator ako. Dati bago ako umuwi, madalas ako sa clinic dahil dito.”
“Ah, ganun talaga. May mga late na kasi nada-diagnose.” sabi niya habang patawid kami sa kabilang building. Medyo ninerbyos ako kasi “late nada-diagnose.” Hindi ko pa alam nun na bronchial asthma pala yung nangyayari sa akin noon kaya kinabahan ako. Akala ko pangatlong beses na akong pagsususpetsahan na may lung cancer.
Matapos ang ilang palitan ng usapan, nagtanong siya ulit. Sa pagkakataong ito, napansin ko na medyo mabilis ang lakad niya hanggang sa naiwan kaming dalawa sa gitna ng pasilyo ng ospital na walang tao at ilang dipa ang layo ng mama ko na nakikipag-usap kay papa sa Messenger habang naglalakad kasunod namin.
“May asawa ka na ba?”
“Wala.” Napangiti ako kasi inaasahan na sa edad namin na dapat may asawa na.
“May boyfriend ka na ba?”
Nawala ang aking ngiti at napatingin ako sa pasilyo. “Wala.”
“Sa ganda mong yan, walang nanliligaw sa’yo?” Halos pabulong ang tono ng nurse.
Napatingin ako muli sa pasilyo, at doon nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko si E. Katatapos lang ng long distance relationship namin ni E. Mapait ang alaala kasi naalala ko si E kapag naririnig ko ang salitang “Maganda ka.” Palagi niya sa akin sinasabi yan kahit wala akong makeup. At ngayon na naroon ako sa ospital na walang makeup, maputla at mahina, may nagsasabi pa rin na maganda ako -- isang bagay na kahit kami ni E noon ay nagtatalo kasi alam niyang mahina ang kumpyansa ko sa itsura ko. Napangiti ako kasi iniisip ko siguro kung nakwento ko kay E yun baka tumawa yun at sasabihin sa akin na tama siya.
Nararamdaman kong nagsisimula na akong malungkot kaya nagkunwari na lang akong masaya. “Wala. Takot sila sa akin.” Sabay tawa.
“Kailangan mo ng mag-aalaga sa iyo katulad sa mga sitwasyong ganito,” sabi ng nurse na may tono ng pag-aalala. Nung dumating na kami sa lobby ng x-ray room, nakita niyang patay ang ilaw, kaya binitawan niya saglit ang wheel chair at binuksan ang ilaw. Naiwan ako mag-isa sa pasilyo, malungkot na nakatingin sa dulo nito.
Noong mga panahong iyon bigla kong naalala ko ang ipinangako ko sa sarili ko na itutuon ko na ang buong buhay ko sa pagtuturo dahil hindi na ako mag-aasawa -- isang malungkot na desisyon na alam kong makabubuti sa akin.
There are many truths. Count how many people there are around this table. That's how many truths there are.
(The late) Philippine Senator Miriam Defensor - Santiago during the Senate hearing on the Mamasapano Clash, 12 February 2015
Huwag kayong maniwala sa lahat ng mga natututunan ninyo. Kahit sa akin, wag kayong maniwala sa sinasabi ko. Tanungin ninyo ang lahat ng mga natututunan ninyo. Maniwala lang kayo sa sarili ninyo.
Dr. M., MAED professor (Comparative Educational System), last day of classes and my last day as MAED student. 2015
Ngayon, may kalayaan kayo kung tatanggapin ninyo o hindi ang lahat ng tinuturo sa inyo. Nandito kayo para timbangin ang lahat ng pinag-aaralan ninyo.
Dr. Edilberto Costales, MAED Professor (Statistics), First day of classes. 2012
Traffic
Ako: Napatingin sa katabing bus; nakita ko may na dalawang lalaki na nakatingin sa akin. Parang mga nasa early 20's. Nakangiti. Di ko malaman kung dahil ba sa tinitignan ko sila isa-isa sa loob ng bus.
Sila: Natatawa pag nagtatapat yung bus namin lalo na pag nagkakatinginan kami.
Me: Tumingin sa lalaking naka-blue na jacket na tumatawa tulad ng kung paano ako tumingin sa estudyanteng makulit.
Lalaking naka-blue na jacket: Tumalikod, tinakip ang jacket sa mukha; tumingin sa akin sabay kaway.
Me: (Natawa.)
Ang Pagiging Guro
(Nag-uusap kami ng isa kong kasamahan. Bago lang siya sa pagtuturo, 21 years old. Habang nagta-type sa data room.)
Kasamahan: Mami-miss ko yung mga estudyante ko. Nalulungkot ako kasi di ko na sila makikita. Baka di na nila ako maalala.
Me: Naiintindihan kita. Ako, nung una, ganyan ako. Alam mo, ganyan ang role natin sa kanila. Tayo ang pangalawang magulang nila. Bilang pangalawang magulang, kailangan nating turuan ang mga anak natin ng lahat ng bagay na kailangan nilang malaman sa loob ng panahong ibinigay sa atin. Darating ang araw, kailangan natin sila palayain at ang lahat ng tinuro natin sa kanila ang gagamitin nila upang maging mabubuting tao. Yun ang importante sa lahat.
Kasamahan: Ang lungkot naman.
Pirena
Me: Umupo ka ngang bata ka. Ang gugulo ninyo. Pashnea.
Bata: Ma'am, sabi niya (points to seatmate) Hathor ka daw!
Me: Oo, Hathor ako. Ako ang reyna ng mga Hathor!
Pinakamamahal Kong Sto. Niño
Nagising ako nung Biyernes dahil sa kakaibang katahimikan. Bukod sa aking alarm tone, wala akong naririnig na yabag ng paa mula sa hagdanan. Hindi nagpapatugtog ng radio ang aking ina. Niyakap ko ang unan ko at huminga ng malalim. Hindi kasi ako maaaring bumangon agad-agad dahil anemic at may low blood pressure ako. Alas kwatro y media na ng umaga. Ito ang oras ng aking paggising. Nag- aabang ako ng ingay, na kahit sipol ng takore sana -- ngunit hindi ko naririnig. Lumabas ako ng kuwarto at doon nakita ko ang aking kapatid na kambal. Gising na gising, nakatayo sa sala. Kakaiba ang pagkaalerto nila noong araw na iyon. Ang bungad nila sa akin, “Ate, nasusunog ang simbahan!”
Dagling nagising ang aking ulirat at tumalilis paakyat ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ng aking mga magulang ngunit ang nadatnan ko lamang ay mga unan at kumot na hindi pa nakaayos. Mukhang nagmadali silang lumabas ng bahay.
“Nasaan sina mama?” Pinipilit kong kumalma kahit na mukhang ramdam ng mga kapatid ko na anumang oras ay maaari akong mataranta.
“Naroon sila sa simbahan,” sagot ng kapatid ko. Dali-dali akong lumabas ng aming gate at tumakbo papunta sa kalsada, at doon pa lamang sa kanto ay kitang-kita ko na ang napakalaking apoy. Naglalagablab. Tumakbo ako palapit sa gilid ng simbahan kung saan nagkukumpulan ang mga tao, hinahanap ang aking mga magulang ngunit hindi ko sila makita. Tumalilis akong muli pabalik ng bahay na mistulang nakakain ng agahan. Nasabi ko na lang sa sarili ko, Punyeta, bakit naman nagkaganito ito.
Alas singko ng umaga. Pagbalik ko sa bahay, naroroon na ang aking ina, naghahanda na ng aming almusal. Pagdating ko, tumingin siya sa akin. Punong-puno siya ng pag-aalala at kalungkutan, na tila alam na namin kung ano ang pag-uusapan namin.
“Nasaan po si papa?” “Naroon siya sa simbahan.”
Tumalilis akong muli pabalik ng kalsada, dere-deretso hanggang sa gilid muli ng simbahan. Nakikita kong wala nang apoy sa simbahan, ngunit ang katabi nitong tambakan ng kahoy ay lumalagablab pa rin. Pagtingala ko, nakikita ko ang kawad ng kuryente na nagniningas. Sinusubukan ng isang mama na hagisan ng damo ang kawad, at sumigaw ako ng, “Huwag mong hahagisan ng damo yan, kakalat ang apoy niyan!” Tumingin ako sa paligid upang hanapin ang aking ama, ngunit nasa kabilang grupo siya, sa lugar kung nasaan nakapwesto ang mga bumbero. Ang aking ama ang kasalukuyang chairman ng aming Parish Pastoral Council, at marahil naroon siya dahil pinapanood niya ang mga bumbero na patayin ang apoy.
Bitbit ang aking camera, pumwesto ako sa harap ng simbahan, umaasang makikita ko pa ang mga upuan, o baka hindi pa naaabo ang buong simbahan. Ngunit nung pumwesto na ako sa harap ng simbahan, natulala ako dahil walang natira ni isa. Naging abo ang lahat ng mga gamit. Nakikita ko ang pulpito at altar na napapalibutan ng apoy. Naglalaglagan ang mga sunog na kahoy mula sa kisame. Hindi ko inasahan na huli na pala ang pagdating ko sa lugar, umaasa na tutulong sana ako na baka may maisalba pang gamit sa loob ng simbahan. Para akong nakakita ng halimbawa ng pagsasalarawan ni Dante Alighieri sa Divine Comedy, ang parusa sa impyerno sa mga taong heretiko -- ang parusa sa sixth circle of inferno. Kinilabutan ako habang unti-unti kong nakikitang bumabagsak ang mga maliliit na apoy mula sa kisame papunta sa sahig.
“Nene, umalis ka diyan. Makakagulo kayo sa operasyon!” Sigaw ng bumbero sa akin. Nene. Bente-otso anyos na dalubguro at dating officer ng PPC, tinawag na nene. Biglang nawala ang lahat ng meron ako noong mga pagkakataong iyon – hindi ako dalubguro, hindi ako dating miyembro ng PPC ExeCom – isa akong sibilyan.
Natigilan ako, pinapanood kung paano ubusin ng nagngangalit na apoy ang simbahan at ang katabing matandang puno ng Mangga. Maya-maya, lumapit ang isa sa aking mga kapwa Lingkod ng Simbahan – isang matandang babae na miyembro ng Mother Butler Guild – at sinabi sa akin nang may panghihinayang, “Sister, alam mo dali-dali akong pumunta sa bahay ni Sister Ning, hiniram ko ang susi at baka may mailigtas pa akong gamit kaso pagbalik ko, wala na.” Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko ang susi ng pintuan ng kapilya. Napatingin akong muli sa loob ng kapilya at napaisip na ganoon rin ang gagawin ko. Marahil, kung nagising ako ng mas maaga at nakita ko na hindi pa masyadong tupok ang simbahan, papasukin ko yun para maisalba ang mga maaari pang isalba.
Bumuntong – hininga ako at iniangat ang aking camera at nagsimulang kumuha ng litrato ng simbahan. Kasabay noon ay unti-unti na akong nakaramdam ng panghihina ng loob. Nangilid-ngilid na ang luha ko at napahikbi habang kinukunan ng litrato ang simbahan. Naaawa ako sa mga tao. Karamihan sa mga nakatira sa aming lugar ay mahihirap, at saksi ako sa kanilang kasiyahan sa tuwing pumapasok sila sa simbahan – na kahit mahirap lang ang lugar, maraming nagsisimba diyan tuwing Linggo. Karamihan pa mga bata. Sa simbahan kumukuha ng lakas ng loob ang mga tao sa aming komunidad, at ngayon na nasusunog ang simbahan, nakaramdam ako ng matinding awa para sa kanila.
Naglakad ako pabalik ng bahay, humihikbi. Pagdating sa bahay, napaupo ako sa sahig ng sala.
“Mama, kawawa naman po ang Simbahan.” At doon na ako umiyak. “Bakit po nagkaganun?” “May nagluto. Napabayaan ang apoy.” Sabi niya. Kita ko sa mga mata niya na nagingilid rin ang luha niya habang naghihiwa ng meat loaf.
Bumalik na sa bahay ang aking ama, at nakita akong umiiyak. Dahil akala niya na nakikipagtalo ako, nagtanong siya sa mataas na tono. “O, ano naman ang nangyayari dito?”
“Wag po ninyo ako pansinin. Naaawa lang po ako sa simbahan.” Nagpupunas ako ng luha na parang bata.
Walang naisagot ang aking ama. Nanatili siyang nakatayo sa sala, tahimik.
Biglang nagkaroon ng halos isang minuto ng katahimikan dahil alam namin kung gaano ito kabigat sa aming lahat, lalo na sa aking ama na nagsikap upang tulungang mapaganda ang nasunog na kapilya muna lang iniatang ang pangagalaga noon sa kaniyang pagpapatakbo.
Lahat kami sa bahay ay di makapaniwala sa nangyari.
Pagkain
EJAe: Kamusta na love life mo?
Me: (Malungkot) Ayun, in a relationship with food. Food does not nag, food does not blame. Food does not hurt. Food understands.
EJae: (Natawa) Pang Miss-Universe!
Magkapatid
Me: (Giving explanations before the exam) Test one, multiple choice, number 9. "Genetic predisposition", in layman's term, "namamana". Test two. Alternative response. Okay, yung nakikita ninyong "alternative response", yun yung tamang term para sa "true-or-false" type of exam. Okay, number 5... (Class agrees.) Malinaw ba? Alright, sige, simulan na ninyo ang exam.
(Maya-maya habang nag-eexam, mula sa pwesto ko, narinig ko yung estuydante na bumulong.)
Estudyante: (Pabulong) Ano yung alternative response.
Me: Alternative response, yun yung tawag sa type ng test na tinatawag ng mga Pilipino na "true or false".
(Maya-maya, nagtanong ang estudyante ko sa harap.)
Estudyante: Ma'am ano po yung genetic predisposition?
Me: (Sa loob-loob ko, napipikon na ako kasi paulit-ulit ang tanong. Sasagot na ako sana ng pataray kaso pinipigilan ko kaya nauwi ako sa pagtawa.) Kapatid ni (Biglang natawa) Alternative Response!
Estudyante: (Namumula sa tawa) Ma'am, hindi na po ako magtatanong.
Panaghoy Sa Digmaan
Hanggang kailan mo ba kayang ipaglaban ang bagay na minamahal mo mula pa sa pinakasimula? Kapag ikaw na lang ba ay wala nang sapat na kakayanan at naglalamlam na ang dating maningas na alab ng iyong lakas ng loob, kaya mo pa bang tumindig at humawak ng kampilan upang ipaglaban ang iyong mga pangarap hanggang sa huli?
Wala na sigurong mas nakakadurog pa ng puso sa pagtatanto na ikaw ay hindi na sasapat pa upang pangalagaan o pangatawanan ang iyong pangako sa iyong bagay na piniling panindigan, sa isang bagay na pinakaingat-ingatan at inalagaan mo na parang isang halaman.
Masakit ang bitiwan ang lubid na nagtatali sa iyo at sa iyong ipinaglalaban, ngunit mas masakit ang kumapit pa rito kahit na alam mo na na sinusugat na nito ang iyong mga palad. Masakit ang lumayo sa isang bagay na pinapahalagahan mo, ngunit mas masakit ang matunghayan mo ang kanilang paghihirap na dulot ng iyong kakulangan ng kakayanan. Masakit ang talikuran ang prinsipyong ipinaglalaban, ngunit mas masakit ang mapagnilayan mo na ikaw ay unti-unting nasisira dahil sa isang prinsipyong pikit-mata mong pinilit na tanggapin.
Nauunawaan kong dumarating ka na sa pagkakataong gusto mo nang mapaluhod at itarak ang kampilan sa lupa upang di ka masubasob ngunit hindi mo iyon maaaring gawin dahil nakaabang ang iyong mga kalaban sa iyong pagbagsak at ikaw ay susugurin nila na parang isang grupo ng mga gutom na lobong lalapa ng isang usa. Ngunit kahit nahihirapan ka na, pilitin mong tumindig at humawak ng kampilan kahit pagod na pagod ka na. Lumaban ka, hindi para sa iyong mga kalaban kundi para sa iyong mga pangarap. Lumaban ka para sa mga taong nagmamahal sa iyo.
Oo, ang mundo ay isang lugar ng digmaan. Ang buhay ay isang pakikidigma at tayong lahat ay mga mandirigma sa malupit na lugar na ito, ngunit hindi ibig sabihin nito na dahil lang sa ang mundo ay mabangis ay hindi ito maganda, at pipiliin mong huwag nang makipagdigma dahil masusukol ka na.
Mandirigma, huwag kang susuko. Tumayo ka at ipagpag mo ang lupa sa iyong mga tuhod. Ipaglaban mo ang bagay na minamahal mo mula pa sa pinakasimula.