Starbucks 2013
Eto pa yung profile picture mo nung magkausap tayo at nagpaplanong mag coffee sa labas, eto din yung itsura mo nung huling beses kitang after 6 years. Nakasuot ka ng black na dress at may dala kang maliit na bag. Umalis ka ng maaga para makipagkita sakin bago ka pumasok. Sa alabang ka pa nagtatrabaho nung mga time na yun. Naalala ko tong picture na to kasi one time may nakakita sakin na friend ko tinitignan yung picture mo sa phone ko. “Girlfriend mo?” tanong niya sa akin, may bumubulong sa loob ko na nagsasabing sabihin kong oo kasi mahal kita. Kasi nung mga oras na yun gusto kitang angkinin. “Hindi pre, bestfriend ko.” sagot ko sa tanong niya habang may pait ng pagsisi sa muka ko na bakit nga ba hindi na lang naging tayo nung mga oras na yun?
Fast forward, 2019 January nakita kita at sa hindi makapaniwalang pagkakataon. Hindi na bilang isang bestfriend kundi mas higit pa. Nasa sayo pa din yung magagandang mata na nakita ko sayo nung high school pa lang tayo. Yung mga lips mong sobrang tamis at dimples mong sobrang cute. Hindi ko alam kung paano kita kakausapin nung mga time na yun kasi sobrang naghahalo yung nararamdaman ko, feeling ko wala ako sa reality ng mundo. Pag land ko ng pilipinas ikaw na agad yung gusto kong makita, hindi ako makakain nung mga time na yun kasi hindi ako mapakali. Gusto kitang makita, para akong bata na gustong tumalon at magwala kasi hinahanap ko yung kulang sakin... at ikaw yun!
Hindi ka pa din nagbago, at ganun din naman yung nararamdaman ko sayo. Mula noon hanggang ngayon. Mahal pa din kita, at mamahalin kita kahit ayaw mo na.














