ngayon araw na ito ay kukunin ko ang result ng mga test na pinag gagawa nla sa akin sa hospital, tas ipapass ko sa clinic.
6:30 am nagising ako dahil tinawagan na ako ng taga gising ko :)
7:10 ata? kumakain ako at nagtext sya na wag na muna raw ako agad pupunta kung san kami magkikita kase baka raw maghintay ako. so kumain pa ako
naligo ako tas pag katapos ko nakita ko text nya na pumunta na raw ako dun. akala ko naman malalate pa sya nang konti un pala mas maaga pa sa pinag usapan
ako naman nagmadaling mag-ayos. tas nagkita kami sa 7eleven mga 8am na ata? eh pinag usapan 7:40. XD medyo mabagal kase ako kumilos kaya ayun.
habang nag aabang kami ng sasakyan namin na jeep napapansin ko ung mga tricycle driver na nasa harap namin tas nag-uusap tas tumitingin din sa amin. kaya ginawa ko lumipat ako ng pwesto.
dahil walang sm intersection na jeep (kung meron man puno na) nag san fernando kami, ayun kwentuhan lang kami. tas nag sm kami. bawat makita nyang orange tinuturo nya, kase alam nyang ayoko ng orange (bait nya no? haha) tas sumakay kaming pang angeles magkahiwalay kami ng upuan. pag karating sa angeles di nya alam kung baba sya o hindi. ahe hindi nya kase alam ung dun tas binibiro ko sya kung baba na sya. tas isa pang sakay nsa auf na kami (naglakad din kame sa init ng konti -_-)
pagkarating dun pumunta kaming admission office. kumuha syang number. no. 22. tas dinla nya kase malayo pa naman daw inuna namin ung akin.
pumunta kaming aufmc tas clinic. dun ko nalaman na 51 kilos nlng ako. dati kasse 52 kilos. haha. dun ko rin nalaman na may u.t.i ulit ako. so bawal na talaga sa softdrinks -_-
tas pagkatapos ko nung pabalik na kami sabi nya nakita nya raw dun sa may clinic ung may hawak ng no.21. so ibig sabihin tapos na ung 22. kaya nagmadali kami at gumawa na rin kame ng excuse na nag-cr sya kaya di na abutan nung natawag no. nya.haha
naghintay kami dun. tas mali pa pala ung nakuha nyang no. dapat kase ung red pro kinuha nya ung pink.
habang naghihintay may nakita kaming bata. nakikipag apir kami pero ayaw nya. si gio naman pinipilit makipag apir.
tas nung no. na nya pinapatayo ko na kaso sabi nya di pa raw natawag ung kanya dahil dun may nakiuna sa kanya.
tas may sumingit ulit sa kanya. mabait eh kaya hinahayaan nyang may sumingit -_-.
tas nakita ko si audrey na naghihintay din ng turn nya. tas ayun usap ng konti. tas natapos na si gio.
may kelangan pa syang gawin kaya hinintay ko.
nung tapos na palabas na kami tinanong nya ako kung dun nalang daw kakain. sabi ko sige.akala ko sa marquee un pala sa sm pampanga. sinundan ko lang sya san sya sasakay tas ayun. natagalan kami makarating sa sm pampanga. gutom na gutom na ako nun.
habang nasa sa jeep kami kwento sya ng kwento ang kaso lang. ang lakas ng boses nya kaya rinig lahat ng nasa jeep. pinapatahimik ko sya ayaw naman nya. bode kase eh hahaha
tas pag karating sa sm. kumain kaming KFC. tas ung dalawang baby na pagtripan naming panuorin.
tas sumakay kaming jeep pauwi tas may binigay sya sakin. nakalimutan kong mag thank you dahil dun sa lalaki na katapat namin sa jeep na ehem ng ehem. nakakabanas un.haha
tas ayun. after 1 month namin na di pagkikita nakasama ko naman sya ng halfday. :))