Morning 😩
Lint Roller? I Barely Know Her

oozey mess
Xuebing Du
Sweet Seals For You, Always

⁂

#extradirty
Mike Driver
One Nice Bug Per Day
DEAR READER
Claire Keane
RMH
will byers stan first human second
occasionally subtle
hello vonnie
todays bird

ellievsbear

izzy's playlists!
taylor price
Game of Thrones Daily
KIROKAZE
seen from Malaysia

seen from Japan
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from France

seen from Spain

seen from United States

seen from Japan
seen from United States

seen from Germany

seen from Mexico

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from Brazil
seen from United Kingdom
seen from Canada
seen from United States
@stinrob
Morning 😩
AND TADAAA!! IT HAS ALREADY BEEN A YEAR
Time flies so fast to the point that I can’t still believe that it has already been a year that I’m living my own life here in Cebu. And honestly, I already missed everyone back home.
Paano nga ba magsisimula ulit?
Matagal tagal na rin pala ang last post ko. Nakakamiss tuloy yung mga sandali dati na atat na atat akong magpost para maikwento yung mga kagaguhang ginagawa ko sa isang araw. Pero marami na rin kasing nagbago e. Sa sobrang busy ko nung college sa pakikipagkaybigan wala na akong panahon upang harapin ang laptop ko at magkwento dahil mas pinipili ko na lang na lumabas na kasama sila at sa kanila ko na lang ikwkwento lahat. Tama nga siguro yung tumatakbo ngayon sa isipan ko.. nagismula kasi ako magblog nuing 4th year high school ako na kung saan palgi akong binubully ng mga classmate ko at andami dami kong frustration sa buhay ko nung mga sandaling yun. At itong tumblr na to ang naging tunay na kaybigan ko kasi dito ko napapalabas lahat ng sama ng loob ko at may mga taong nakakapagbasa at nagbbibgay ng mga advises na sa bandang huli e naging kaybigan ko. Pero pagpasok ng college marami nang nagbago dahil minahal ako ng mga taong nasa paligid ko kung kaya wala nang panahon magtumblr. Lalong lalo na ngayon na nagtatrabaho na ako. NAgususumikpa sa gabi at tuloy buong araw. Iniisip ko lang kasi pano ako magsisimula ulit dito? Anong pagbabago ang gagawin ko? Paano ako makakapagreconnect ulit sa mga taong nakilala ko dito at sa mga taong nagfafollow sakin. Ayy ewan, bahala na.
I was in the middle of my day dream when suddenly it crossed my mind that until when will I fool myself in believing that one day it will really happen. It’s just so sad when after believing into such thing you’ll just end up realizing the big difference of reality and fantasy.
TRUE LOVE? PARANG JEEPNEY LANG YAN.
Nakatayo ako sa isang sulok ng kanto, nag-aabang ng jeep na masasakyan. Nagmamadali na akong umuwi upang makatulog pa bago pumasok ng trabaho. Pero ampota lang lahat ng jeep na dumadaan punuan kung kaya di ko na pwedeng ipagsiksikan pa ang sarili ko dahil alam kong di ako magiging komportable at maiinis lamang ang ilang mga pasahero. Nang dahil dun biglang napaisip ako sa isang bagay na pinagdadaanan ko ngayon, at yun ay ang matagpuan ang right one. Yung right one na magpaparamdam sa kin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig na hindi ako aabusuhin o anuman pero sa kasamaang palad di ko yun nahahanap dahil nagtatapos ang lahat sa napakasarap na hopia - freshly baked pa.
Kaya ayon, habang pinagmamasdan ang mga dumaraang jeepney sa kalyeng yun di ko magawang di irelate sa pag-ibig. Kasi ganito yun e, nakakita na ako ng jeep na dapat kong sakyan sa malayuan.. mukhang may bakante pa kung kaya sobrang excited ako na dumaan na siya at huminto sa harap ko pero nang andyan na siya dinedma ako.. dahil kasi ayon pala siksikan na at di ko na pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko dahil wala na akong mauupuan. Parang nung dati lang akala ko may paglulugaran pa ako sa puso niya pero ayon pala wala na dahil full tanked na siya sa pagmamahal ng iba at ako naman tong tanga na umaasang pwede pa. Gustuhin ko mang kumabit pero alam kong di ko kaya, kaya nanatili na lamang akong nakatayo at naghihintay.
Sa malayuan ulit may nakita akong jeep na paparating nakikita kong mukhang yun na nga talaga at may chance na akong makauwi sa wakas.. pero nang palapit na dun ko na realize na di pala yun dahil iba ang rota niya.. pero buti na lang naiwasan ko pa kesa yung maligaw ako at di ko na alam kung papaano ako uuwi. Dahil nangyari na ito dati e na yung akala kong siya na yun, kaya pinatulan ko na pero sa sobrang dami na naming pinagdaanan narealize ko na lamang sa huli na naligaw na ako at di ko na mahanap ang sarili ko pabalik kaya ayon crayola ang ending.
Ilang jeepney na ang dumaan sa harap ko pero di ko parin magawang sumakay. Kung kaya di ko maiwasang isipin ang lahat ng mga taong dumaan sa buhay ko at inakala kong mahal ako ngunit iniwan lamang akong luhaan. Di ko maiwasang di mainis at mapamura dahil yun nga nagmamadali na ako e pero wala pa rin. Parang yung panahon lang na sobrang atat na akong sabihin niyang mahal niya ako pero hintay ako ng hintay napunta lang sa wala ang lahat kung kaya sobrang gago lang.
Di ko maiwasang di malungkot dahil nakakanostalgic ang feeling e. Tapos maririnig ko pang naka-play ang kanta ni Kim Chiu na ikaw na ba si mr right? ikaw na ba ang love of my life? ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? ikaw na ba si mr right? ikaw na ba ang love of my life? ikaw na ba ang magbabalik ngiti saking mga mata.. si mr right ka ba ba? mr right.. ampota lang!!! nakakagago ng feeling e.. pero naisip ko meron pa bang ganun? e mukhang sa panahong ito wala na! Mapapababae man o lalake.. sa mga pelikula na lang yun nangyayari e at sa mga libro ni John Green at Nicholas Sparks.
Sa kalagitnaan ng kanta ni Kim Chiu, bigla akong naexcite dahil mukhang ayan na siya, papalapit na, at hala ayon! tangena dumating rin ang jeepneyng walang dyahe! Nakasakay rin ako at komportable dahil walang siksikan.. at naging masaya ako hanggang sa nakauwi ako. At sana dumating rin yung taong walang dyahe, yung busilak ang loob sa buhay ko at magiging masaya lang kami habang pinagdadaanan namin ang mga rota sa relasyon namin.
Kaya ayon, parang love nga lang talaga. Kelangan lang nating maghintay ng tamang tyempo, ng tamang panahon dahil darating rin yung panahon na biglang andyan lang sya sa harap natin yung karapatdapat nating mahalin.. dahil minsan sa sobrang pagmamadali di natin naisip kung ano ang magiging katapusan ng lahat. Kaya mas mabuti pang matutong magtiis dahil dun dumarating si Mr or Ms Right at nang maiwasan nating mahopia.
TADHANA: AMPOTA MO LANG!
Hating gabi na yun nang pumara ako ng jeepney papuntang trabaho, isa kasi akong call boy sa kanto na naghihintay ng mabibikitima pero biro lang night shift kasi ako sa call center na pinapasukan ko tangena nga lang e zombie mode na lang ako palagi, sobrang happy ko lang kasi yung jeep na sasakyan ko e walang katao-tao kundi si manong driver lang at ang isang pasaherong nasa tabi niya.. pero laking gulat ko lang nang makasakay na ako at nakakita ako ng isang lalakeng tulog na, ewan ko ba baka nalasing lang o di kaya walang tulog kaya sa jeep na lang natulog nang sa ganun pagpasok sa trabagho masasabi niyang “may tulog ako”.
Napakalamig ng simoy ng hangin nun dahil katatapos lang ng ulan - ang sarap ngang manatili na lamang sa bahay at magmoment saking kama kapiling ang aking mga unan at kumot pero kelangan kong kumita kaya kahit sa ayaw at gusto ko kelangan kong pumasok.
Huminto na ang jeep sa isang kanto at bumaba na ang pasaherong nasa harap. Nang siya’y pababa na di ko alam kung bakit napasunod ako nbg tingin sa kanya hanggang sa nakatayo na lamang siya sa kalye at naghihintay makatawid. Nang tinititigan ko siya ng palihim bigla na lamang siyang lumingon at nagtagpo ang aming mga mata. Sa sandaling yun biglang nagkaslo-mo na di ko na lang namalayan na umaadar na pala ang jeep at siya’y napapalayo na sakin.. Nakakatuwang isipin na sa iilang segundong yun nakakakita ako ng isang nilalang gaya niya na nakapagbigay inspirasyon sa akin upang makpagtrabaho ng mabuti. Ngunit kapag nawawala na ang mga magagandang bagay na kung ano man satin dati.. hinihiling natin na makita natin silang muli o mapasatin ang mga bagay na yun. Kung kaya humiling ako sa langit ng “Lord! Thank you dahil nakita ko siya at ngayon inspired na ako. Pero sana naman Lord muli kaming magkita sa jeep man o kahit saaan.. at sana kapag magkikita kami yun na yung sign mo na meant to be kami! Please Lord!” Oo na ako na ang nagmakaawa.
Habang nasa trabaho, nawala na sa isipan ko ang mga kaganapan nung gabing yun sa jeep. E pano naman kasi naiinis lang akong isipin na sa dulo ng aming shift kelangan ko pang pumunta ng doktor upang ipakonsulta ang tenga ko. Kaya ayon pumunta nga ako ng doktor at ang tagal ko lamang naghintay ang sarap lang nilang pagsabihan na “Bilisan niyo naman! parang awa niyo na wala pa akong tulog!!!!” at habang naghihintay nakakaasara lang dahil unti unting dumami ang children of God sa loob ng klinika, ang iingay lang at ang gugulo! Pero matapos ang isang oras at kalahati tinawag na rin ako.. pagpasok sa loob ng clinic ni Doc tinignan niya ang aking magkabailang tenga at nakahanap ng copper sa kanang tenga ko kung kaya sinuot niya na ang mahiwag niyang head flashlight ba yun at ibapang aparatus at minina na ang kayamanang nasa tenga ko ko - pero ampota! ang sakit lang!- kung anong copper man yun wag na nating pag-usapan.
Ang sarap lang sa feeling dahil pauwi na ako at makakatulog na ako! Kung kaya sa jeep di ko na mahintay na makarating sa paroroonan ko dahil ang sarap na talagang matulog. Pero nang huminto na ang jeep biglang may pasaherong sumakay at umupo sa harapan ko.. tinignan ko siya ng palihim.. at biglang napangiti na lamang ako dahil siya yung pasaherong nakita ko na hiniling ko ke Lord namakita kong muli at sinsigaw ng puso ko na “potang ina!! we are really meant for each other!! naniniwala na ako sa kapangyarihan ng tadhana!” at ayon di na mawalaang mga nigiti sa mga kabi ko na para na ba akong sira.. ngunti hinihitay ko siya mapansin ako pero tangena wala talaga.
Sa mga sandaling yun parang close lang kami ni Lord na parang katropa ko lang dahil kinakausap ko sya sabi ko “gago ka talaga Lord, pakwela ka rin e.. sinagot mo ang dasal ko. pero tangena, ang sakit lang maisip dahil baka mahopia nanaman ako. pero de biro lang Lord Thank You talaga!! I really Love you to the moon and back!!!”
Kung kaya sa mga sandaling abot pa siya ng aking mga tingin at tanging distansya lamang ng aming mga upuan ang nagpapalayo sa amin inaabuso ko na ang panahong yun dahil kapag sinabi ko nang Para! tuluyan na siyang mawawala sakin.
Pero ang mas masakit pa nun, Hopia pa rin ako.
PARA SA HOPIA
Ang sabi nila maswerte raw ako kasi binigyan ako ng mukha na makakaakit ng kung sino. YUng klase ng mukha na parang di nauubusan ng partner sa buhay. Pero bakit ganun? Lagi na lang akong luhaan, nasasaktan, at hopia kapag natitipuhan ko yung tao at sinasabi nilang gusto nila ako. Akala ko siya na e, akala ko yun na yun. Pero akala ko lang pala yun. At ano ako ngayon? Edi hopia! Tangenang buhay lagi na lang akong nahohopia feeling ko sa daming beses na nahopia ako umay na umay na ako! Nagtataka lang ako kung bakit palagi na lang ako ang naghihintay, laging ako na lang ang umiintindi, laging ako na lang ang nag-aadjust, laging ako na lang! NAgiging mabait ako di ako nang-aabuso dahil iniisip ko sa paraang yun mas magugustuhan ako ng taong gusto ko. Pero hindi e, mali naman ako dahil sa palaging gusto kong maging mabait pati ang sama ng loob inaangkin ko na rin! Dahil palaging ako na lang ang luhaan, ako na lang lagi ang nasasaktan, ako na lang lagi ang nagpaparaya, ako na lang lagi ang humihingi ng patawad, ako na lang lagi ang nagpapakahirap na parang gusto ko na lang mamatay dahil di ko na kaya ang sakit! DAhil di ko na rin kaya ang sympatya ng ibang tao. Dahil sa tuwing ginagawa nila yun parang mas lalo ko lang dinaramdam na kawawa ako.
Bakit kasi kelangang ako na lang lagi ang umasa? Bakit kasi di ko mapigilan ang sarili kong maniwala agad sa mga kagaguhang sinasabi nila? Yun na nga yun e, yun ang mali. Kaya lagi na lang akong nahohopia.
Para akong ale na naglalakad sa kalye at naglalako ng hopia. At ang linya ko “Hoy!! Hopia tayo dyan!! Yan kasi isip isip rin kung may time! may pinag-aralan ka naman kaya? O bat di mo na lang i-apply ang critical thinking na tinuro sa inyo?!” Tangena!! Ang hirap, sobrang hirap.
Kaya kung ako ikaw, magisip-isip ka muna bago mo patulan ang mga nakakaakit na linya nila.. dahil sa bandang huli di mo namamalayan sinisindak ka na pala. Ito ang kwento ko, ito ang bagong ako, ako ito, isang hopia. At sinulat ko ito para sa lahat ng mga hopia dyan!
RIGHT LOVE IS WORTH THE WAIT.
Someday you’ll meet a person who will let you feel that love you've been waiting for. The waiting period might be too long but that’s the thing about love you just have to wait for that perfect timing, perfect moment in which everything around you is set and being narrated by any of those popular author. Your dress is just good enough that will make you prettier. That shaggy hair of yours will let him feel curios of how do you look if your ears are being seen. It’s fine that you’re not wearing lipstick because it will let him wonder of how sweet your lips are. He don’t care if you have freckles on your cheeks because it added art on your beautiful face. It’s okay if you have forgotten your pearl bracelet because what important is you have that watch and he will tell you that he’s not early nor late because he is just on time.. . on time on which you needed him most. He will replenish courage on your hopeless heart and will pour wisdom on your confuse mind and then there you will realize on how good and loving is He for that person has finally on that puzzled picture of yours. You might experienced a lot of heartaches in the past but every pieces of that will be vanished because the right person just came with his loving heart for you.
Minsan kapag nakakulong tayo sa isang sitwasyon na di natin alam kung paano ba makatakas, kung kaya ini-enjoy na lang natin at hinihintay na lamang kung hanggang kelan natin kayang kumapit, andyan ang kapalaran o ang tadhana na siya nang magdidesisyon na para sa atin. Oo, kadalasan nalulungkot tayo, nanghihinayang, ngunit di natin naisip na yun na pala ang sagot o ang paraan na tayo’y tuluyang makawala na sa kung saan man tayo nakulong.
FAMILY PICTURE
We haven’t had the chance to have a family picture during my graduation day so my mom insisted to have it by the next day. By the way, I know it’s already late for our graduation day was already a week ago. But here it is.
And I would like to thank Maris, my bestie, for being our photographer during that day. LOL
And as I graduated in College, I know that my parents, my whole family were very proud of me. Thank you Lord!
Just like me, it has its own story. #vscocam
Seductive Red Look
What I wore during our College of Arts and Sciences Batch2015 Graduation Ball. I woul like to thankGarvy Terrado for this seductive red suit and Pepay Dolera for styling me.
It was just so funny that the color I used to hate before gave me the best look during that night.
Bookworm mode on. #vscocam
It was like a blink of an eye and suddenly I'm 20 already!! I'm no longer a teen but fortunately twenty can be derived to twenteen. LOL. So I thank God for the past 20 years. I've learned a lot of things in life and I hope as I entered this another chapter of my life it would serve as a reminder for those were my lessons and I hope it would me to become a more better person.
20th Birthday
I was not that too excited for my birthday this year because I know that it would be a new chapter of my life as more matured person or an adult already because I can never be called teen cos I'm twenty already. But anyway I was so confused if I'll celebrate my birthday with a little party at home with some of my friends or to just celebrate it with my family by having a dinner outside. It's kinda confusing because my grams told me that if I'll throw a party at home I should just invite like only 10 friends of mine but I've got more than 10 like they were all 20. So because of that everything ended up by having no party at all.
So what I did on my birthday?
As early as 9am I went to our school to reshoot everything for my school's Damean's ETV due to I lost all of my files but was able to retrieved it and fiexd it but I wasn't compatible to premiere and vegas so I've got no choice. Right after shooting Mika for her segment I went home then at 2pm I went back to school to shoot my anchors Agnes and Jerry.
Agnes looks so weird on her get up. LOL. Well by the way I was the one who chose them to be the anchor of this very first episode of Damean's ETV for the reason that both of them won on ABS-CBN broadcasting competition in our school and made it to the finals. Agnes ended up as 2nd runner up while Jerry was just a finalist.
And here's me acting as the director, cameraman, script writer, voice recorder. LOL
Then right after the shoot, I went to Starbucks because Maris texted me that two of my crushes in SB was there so I immediately went there so that I could see them. As I arrived there I used my SB card to claim my free cake for it was my bday then the baristas greeted me a happy birthday and I was like so touched. Then as I went back to our seat and while waiting for my drink I had this lil chitchat with ate Precious with her 40 year old officemates. Then suddenly I've heard my name being called then the barista shouted Happy Birthday Justin!! and I was like noooooo!! it was kinda humiliating, I'm being so exaggerated. So I get my drink so fast to avoid eye contact with those people inside the room. Then Maris told me to instagram the bday greeting so I did but Maris made fun of me by this
She told me to pose lik those jeje poeple but I said no at first but at the end I did by making this. As you can see they were so wrong of spelling my name.
After it I went home.
At past 7pm my dad finally arrives from Tacurong, our hometown, then we went to Yellow Cab for dinner.
And it was actually the first time I celebrated my birthday with parents and brother Josh since I entered college. Suddenly, Aia with Karl and Mike passed by and they told me to make apas for KTV. So after yellow cab I went to Bonsamedi for KTVrrrrsssss..
We were all singing like a pro. I was singing the song A-team by Ed Sheeran when Sophia, Karl, Dei and Renzy went outside so I was like pangit ba boses ko? Kaya sila lumabas?´but in the middle of my song they suddenly entered the room singing happy birthday with a lil birthday cake and I was like woah!! Thank you guysshhh. I so love you!! Lol
Then right after the KTV night we went to Renzy’s place for poker.
I only last their for a short time then went home with Lady.
So, I think it was a good start as I turned 20. I thank God foi rthis another year in my life and I hope I would be able to achieve all of my dreams.
HAPPY BIRTHDAY MOM!
The Miss Universe of my life. She might not be a perfect mom but she never fail to let us feel her warm love and care for us brothers. There might be some time of every time that she's being so negastar I do still love her for that because it is what makes her as her. She's the coolest mom in the whole universe for she can jive with anyone. Even though she's super nega there are also times that she's so cheerful and used to crack jokes and sometimes making criticism of other people's taste in fashion. Also, she's full of kadramahan in life due to watching teleserye. She's like making our life patterned into those teleserye for she loves arguments and I don;t know why, maybe she's just seeking for attention. How I wish that she'llnever stop loving us and care for us. And I do hope that the smile on her face won't ever fade.
Miss Philippines might not get it to the Top 5 and crowned Miss Universe, but my mom will always be my Miss Universe. I love youu Mom!!
Gray. #vscocam