Lagi kang kasama Sa paglakad habang lumuluha Hindi mo kailanman iniwan Nasisikatan man ng araw Lagi mo kong tinatanaw Sa paglakad ko'y kasunod kita Sa bawat pagtigil ko ay siya ring pagtigil ng iyong yapak Dumating ang dilim, habang ang gabi ay lumalalim Biglang naglaho ka, Di na maaninag ni ano mang pagtingin ang aking gawin Napuno na ng takot ang aking isipan Ang iyong paglaho'y hindi ko inasahan Hinahanap hanap kita sa dilim, ngunit sa bawat pagsikat ng araw lang pala kita makakapiling. Anino ng buhay, nasaan ka kapag kailangan kita?












