01.09.2012
Un día como hoy, se abría oficialmente el fanclub oficial 'SHINee World Japon'.
📼 Ese mismo día se publicaba junto a la gran apertura, este mensaje de SHINee:
#iwtv#interview with the vampire#amc tvl#sam reid#jacob anderson



seen from South Korea
seen from Russia
seen from China
seen from Yemen

seen from United Kingdom

seen from Kuwait
seen from Yemen
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from India
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from China

seen from Italy

seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom
seen from United States
01.09.2012
Un día como hoy, se abría oficialmente el fanclub oficial 'SHINee World Japon'.
📼 Ese mismo día se publicaba junto a la gran apertura, este mensaje de SHINee:
"buntis si ate"
kagabi, nagulat ako nung ginising ako ng kapatid ko na parang akala mo ay may trahedyang naganap habang tinulog ko ang dapithapon. hindi pa ako masyadong nagkakamalay tao ay naghalo-halo na ang mga sinasabi niya pero isa lang tumatak sa isip ko, kausapin ko raw si "ate" (aka ang aming household helper) at parang di daw ata nagiisip ng maayos (eh? bakit, kadugo?).
bago pa ako makareact, biglang sumulpot si "ate" sa tabi niya at ang naaalala ko lang ay ang salitang "sodexo" (eh? gift certificate?) sabay kinaway niya ang isang preg test kit sa ere.
shetz, 2 bar. positib.
"buntis po ako hindi po ba?"
hindi ako nakagalaw sa aking pagkahiga. maliwanag masyado ung ilaw sa kwarto at 2 oras lang tulog ko. oo nga at dapat lang talaga ako tumayo at papasok ako ng 8 pero...hindi ko naman akalaing gigising ako sa ganitong eksena - may isang lalakeng panikero at babaeng nagpapanik.
"gusto daw niya pumuntang abularyo at magpalaglag! sabihin mo nga sa kanya na mali un, blah blah blah blah blah blah."
loko. akala mo concerned na concerned pero ang kinatatakutan ng kapatid ko ay ang mawalan ng kasama sa bahay na maglilinis or kapag nagpalaglag nga ang babaeng biglang umikot ang mundo mula kalandian to kananayan eh dito pa abutin ng sepsis at sagutin pa namin ang kanyang kamatayan. teka...sira ulo tong kapatid ko ah. bakit naman niya pababalikin pa ung gaga kung matuloy man siyang magpalaglag?
hindi ko mawari ung itsura ko lalo na nung medyo inuna kong naisip na sa aking kakahiga, ay malelate pa ako sa trabaho. actually, hindi ako pwedeng ma late dahil flexi time ako...ang politically correct phrase ay ang may target time ako sa pagpasok, hehehe. dali-dali kong inayos gamit ko at naligo, makakapaghintay naman ang dramang lumipat sa aming salas kung saan ay nandun rin ang 2 kapitbahay namin na kabarkada ng kapatid ko.
sodexo, abularyo, magpapalaglag, pro-life, pro-choice, morality.
san ka na, habang ako ay nag shampoo at nagsabon ng katawan eh iniisip ko kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. ung tama, ung tanggap ng konsensya ko. tengene naman kasi, bakit ba ako natatapat sa mga ganitong klaseng tao? ayan kasi, ang hilig lumabas miski hindi day off, ang hilig magtext-text, magcall-call, daig pa ako na may ari ng 2 cellphone (hindi sa inggit ako, hahaha) para sa 2 magkaibang service provider (pang BPO lang talaga ang mga terms).
siguro mga 15 minutos lang ay nakaayos na ako at hinanda ko na ang lumabas. bakit nga ba kailangan ko pang maging emo sa bagay-bagay na ang ending naman eh ung may katawan ang magdedesisyon? kahit naman magsermon ako ng 1 oras, malamang eh sisimangot lang si "ate" at atat na atat umalis at pumunta sa kung saan mang impyerno ung tinutukoy niyang abularyo na gagawan siya ng milagro.
un nga lang ang nakakatawa, paglabas ko ng kwarto ay diretsong dakdak pa rin ang kapatid kong lalake tungkol sa mga cons ng pagpapalaglag at sa pagkita sa akin, ayun, binigay sa akin ang moment. ano nga ba, eh mukhang desidido na tong si ate lumayas.
"hindi ka na namin pababalikin kapag nagpalaglag ka. una sa lahat ay maaaring kang mamatay."
siyempre, un ang main concern ng kapatid ko...basta ako, hindi ko magagawang maisip na sumangayon sa kanyang plano. oo, nirerespeto ko naman ang desisyon ng indibidwal para sa sarili niyang katawan pero dahil pro-life ako (pero hindi ako relihiyoso ah), hangga't kaya ko, hindi ko papalampasin ang pagkakataon para ikumbinsi siya na ang isang katangahan ay hindi nababawi ng isa pang katangahan. kaya sa aking huling baraha -
"...bukas, pag uwi ko, pupunta tayo sa ob-gyne para magpatingin."
lalo siyang sumimangot. hindi kaya nagsisinungaling to? hindi rin naman siya naimik, naiirita ata na hindi siya makalabas para hmm...sugurin ang lalake? samahan siya ng lalake para magpalaglag? magisip? ewan ko, d naman kami magbarkada para idaan to sa kwentuhan. di ko rin naman siya kamaganak para alukin ng kung ano-anong eklavu para guminhawa ang kanyang pakiramdam at kalimutan ang isang lalake na walang awa at nakaisip pa ng kawalanghiyaan matapos niyang makuha ang lahat-lahat sa isang simpleng katulong na ang kasalanan lang ay nagmahal at napasarp (ay).
at excuse me, may trabaho pa ako nung gabing un.
umalis ako ng bahay na walang nakuhang reaksyon sa kanya o sagot. isa lang naman ang dahilan ko para kaladkarin siya sa duktor - dahil 2 linggo na raw siyang delayed eh malamang, may 3 to 4 weeks na ang kanyang baby. malamang, tumitibok na puso neto. malamang, magbago ang isip niya kapag narinig niya ang ang pagpadyak ng puso ng nabubuong buhay sa sinapupunan niya.
lunes na lunes, ang drama.