FRL :)
minsan gusto ko matry yung may lagi kang kausap, kachat, o katext na isang tao. pero minsan naiisip ko, nakakaumay naman yun. tapos naalala ko, natry ko na rin pala yun nung bata pa ko.
nung elementary ako, meron akong bestfriend na naging crush ko, everyday at exactly 8:00am tumatawag siya sa phone, para gisingin ako tapos maguusap kami hanggang gabi. habang nagllunch, nagaaral, nanonood ng tv, o kahit nganga lang sa bahay.
dumating yung time na tatawag siya ng 8am tapos sasagutin ko, tapos hindi na kami naguusap. wala na eh, ubos na ng mga tanong, wala nang mapagusapan. pero hindi namin binababa yung phone, pinapakinggan ko yung nangyayari sa bahay nila, kahit yung radyo lang nila.
bakit pa ba kaya kami nagattawagan kahit wala naman na kaming mapagusapan? ngayon lang rin ako nagtaka, buong araw yung telepono namin nasa tenga ko, wala naman kami pinaguusapan. pero isa lang ang natatandaan kong totoo, masaya ako.
same year, magigising ako kasi tumawag siya, tapos sasabihin niya sabay kami magregister ng unlitxt hahahaha simula pa lang yung mga unli promo ng globe nun eh. doon nagsimula yung pagfade ng telebabad days namin. kasi lagi ko na siyang katext. pero ewan ko kung may napapagusapan rin kami nun pero lagi kaming magkatext mula umaga hanggang gabi, mula goodmorning hanggang goodnight.















