Finally! A better blog for me. Mas hindi na siya “dull” gaya nung huling theme na ginamit ko. I am more excited to blog now dahil mas organize na siya ngayon. :)
Well, last Saturday was my fifth day of duty and it’s like a TGIF feeling since rest day na rin sa wakas kinabukasan. Ang hirap kaya gumising ng alas tres ng madaling araw, araw-araw para pumasok dahil sa sobrang layo ng workplace ko. I am happy na medyo nagiging close na rin kaming mga baguhan sa mga tenured agents.
Then last Sunday, I intended that day para makapaglaba ng mga labahan ko. On the same day, outing rin ng women’s organization ng barangay namin. Kasama sana ang nanay ko kaso nagbago ang isip ng organization nila na bawal daw magdala ng mga anak. Since, family friend namin yung barangay captain, pinasama kami. Haha! Impromptu outing. Buti na lang talaga at dalawang araw ang rest day ko.
It was a wave pool resort. Hidden Valley Resort yung pangalan ng place. Talagang literal na “hidden” yung lugar. Kailangan mo talaga ng sariling sasakyan para makapunta doon. Unexpectedly, naabutan din namin yung mga pinsan namin doon kaya sa kanila na lang kami sumama. Naging masaya naman yung buong outing. Sana maulit pa! :D














