Mahirap pala talaga no? ang hirap pala talaga pag yong taong piniling mahalin ng puso mo e hindi pa tuluyang natatapos magmahal ng iba. 'Yong tipong, oo ikaw yong laging nakakasama pero iba yong laman ng isip niya. yong tipong ikaw yong laging nakakausap magmula umaga hanggang sa gabi pero nasa ibang tao yong isip niya. yong tipong ikaw yong nasa harapan niya na pilit siyang pinasasaya at binibigyang halaga pero ibang tao parin yong hinahanap-hanap niya. ang hirap pala talaga. sobra. akala ko hindi ko maeexperience e, akala ko kasi sa dami ng mga pinagdaanan ko sa pagmamahal akala ko wais na talaga akong matuturing. akala ko matalino na ako. na alam ko na talaga kung kelan ako dapat tumigil at kung kelan ako dapat sumuko at kelan dapat ilaban pa. kaso wala. basta talaga tinamaan ka ng pagmamahal, kahit pa ga'no karaming heartbreaks ang napag-daanan mo o kahit na gaano ka pa katalinong tao, oras na magmahal ka, mawawala lahat ng wisyo na meron ka. manlalambot ang buong puso mo para sa iisang taong hindi mo sigurado kung ipaglalaban ka nga bang tuluyan o iiwan ka lang din sa gitna ng inyong mga kakaharaping laban. pero bakit nga ba? bakit nga ba kahit alam nating masakit at mahirap magmahal, bakit ang dami paring tao ang pilit na sumusugal at pilit na hinahanap ang mga sinasabi nilang "ONE GREAT LOVE" nila kahit na ang kapalit ng paghahanap nila na yon ay countless heartbreaks, disappointments, and uncertainty? bakit nga ba? bakit nga ba patuloy parin tayong sumusugal sa laro ng pag-ibig kahit wala naman tayong kasiguraduhan na by this time, with this person mananalo at tama na ako ng susugalan? bakit nga ba? bakit nga ba kahit ilang beses na tayong nasaktan ng isang taong tunay nating mahal, bakit nga ba paulit-ulit parin natin silang pinipili at pinapapasok sa buhay natin kahit na alam nating maaaring masaktan nanaman nila tayong muli? bakit nga ba? BAKIT NGA BA KAHIT NA MAHIRAP ANG MAGMAHAL, PAULIT-ULIT PARIN NATING PINIPILING MAGMAHAL KAHIT ALAM NATING MAAARING SA BANDANG HULI AY UUWI TAYONG LUHAAN AT WASAK. BAKIT NGA BA?
maedcny v.3.0













