Tweet retweeted by Isabella Thorpe
seen from Netherlands
seen from Yemen
seen from Yemen
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Spain
seen from China

seen from Canada
seen from Russia
seen from Yemen

seen from Germany
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Canada
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Philippines
Tweet retweeted by Isabella Thorpe
05.15.16
05.15.16
05.15.16
Life lately.
“Tamad kasi magblog”
051316 * Buong araw kong kinulit ang Globe kahit nasa opisina ako. Di kasi ako mapalagay kung naideliver na ba yung handset ko o wala pa rin. Sa Twitter, sa Chat, pati landline nila, kinukulit ko sila. Haha! Buong araw din akong di mapalagay dahil kinabukasan na ang alis ko. Hindi ako excited. Mas nangingibabaw yung takot at curiousity ko sa mga bagong taong makikilala ko sa byahe.
Kamusta naman yung maaga pa ang alis ko, dun naman ako sinipag mag-arrange ng damit ko sa cabinet. Weirdo as ever. Mga alas dos ng madaling araw na ata ako nakatulog tapos kailangan kong gumising ng alas singko ng madaling araw para maghanda ng dadalhin kong gamit. Ayos di ba?
051416 * Blogged about the Ultimate South of Cebu Tour.
051516 * Ang sakit ng buong katawan ko, grabe! Di ako napagod sa Canyoneering kundi sa pag-akyat namin sa Osmeña Peak. Di ako prepared na ganun kataas yung aakyatin namin.
Nung kahapunan, nakatanggap ako ng text galing Air21 na nasa opisina na raw nila yung handset ko. Eh, di na ko excited. Tapos na yung travel ko. Sinamahan ako ni nanay na kunin yung cellphone sa Air21. Kumain kami sa Jollibee pagkatapos. Sinama rin kasi namin si Aria. Ang kulit-kulit nga niya sa jeep!
051616 * Dahil wala nga ako nung Sabado, tinanong ako ng mga intern sa opisina kung bakit di ako nakasama sa kanila na magbowling. Nagpalusot na lang ako (evil grin). Hirap na hirap nga akong umakyat sa hagdanan dahil sorang sakit ng buong binti ko. Ugh! Nakapalda pa ko. Nice.
051716 * Sinapian na naman ata ako ng katomboyan sa katawan. Ang boyish ko kasi tingnan sa suot ko kahit suot ko pa yung polo shirt na uniform namin. Naka-sneakers ako tapos naka-pedal. Basta. Napansin nga ng ibang intern sa office. Di kasi ako nakapaglaba ng pants ko kaya tiis-tiss muna. Gala pa, girl.
051816 * Tambak sa trabaho!!!! Namamaos na ko kaka-interview at kaka-orient ng mga aplikante. Kakasweldo lang pero feeling ko wala na akong pera. Ang tagal pa ng paydayyyyyy!
051916 * Thank God at medyo kaya ko na ang sakit ng legs ko. Nakakaimbyerna lalo na pag bababa ako ng hagdan. Ako ang assigned ng activity namin during afternoon break. Medyo marami rin kasi akong kausap na mga aplikante kaya nagdouble time na lang ako. Buti na lang, nakikita ko namang nag-enjoy ang mga officemates ko. Success!
Pag-uwi ko ng bahay, nasurpresa ako na may cake at spaghetti. Birthday nga pala ng pinsan ko na nasa ibang bansa, na uuwi dito sa'min sa Cebu next month. Sobrang excited na talaga ako makita yung pamangkin ko!!!
052016 * TGIF for the first time! Home based kasi ako kinabukasan kaya di ko kailangan magising ng kaaga-aga. Last week ata, nakatanggap kami ng memo for our Weekly Report. Dagdag trabaho na naman. Okay na sana yung monthly eh, tapos ginawa pang weekly. Nairaos ko naman yung report kahit medyo rush. Hays.
052116 * HOME BASED! Ang saya lang kapag ganito kasi makakapagtrabaho ako kahit di pa ko naliligo, nakapantulog pa ang suot. Nung kahapunan, naglinis ako ng bahay since wala sa bahay ang pinsan ko. Masyado kasing makalat sa bahay kaya kahit gusto kong magpahinga, kailangan kong maglinis. Err. Halos buong araw ko siyang kausap. Tapos kagabihan, nageemote na naman ako. Buset niya talaga.
052216 * Pumunta kami kahapon sa binyag ng kapatid ng girlfriend ng pinsan ko. Nasa harap ko talaga yung lechon (huhu ang sarap!) tapos spicy flavor pa. Heaven! Hinatid kami pauwi ni Ate Apple kaya less hassle pauwi. Pumunta rin kami ng sementeryo ni nanay. *Gustong-gusto kong iblog yung pinag-usapan namin pero feeling ko, hindi pa dapat. Nalulungkot ako lalo. Tsk*
Pagkatapos ng PGT, natulog na ako. Maaga pa lang pero nakakaramdam na ako ng antok. And I'm thankful for that, kesa mag-overthink at mapuyat. Hahaha!
#135/366 #051516 #portrait #latepost