“Ed [Sheeran] and Elton [John] are very close. He and–you know, Harry Styles. I think he’s got–I think he’s very very excited by young creative people.”
—Taron Egerton about Harry Styles and Elton John (x) 052519
seen from China

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Italy

seen from Netherlands

seen from Malaysia
seen from China

seen from Malaysia
seen from China

seen from Malaysia
seen from China
seen from Kazakhstan
seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Malaysia
seen from China
seen from Malaysia
“Ed [Sheeran] and Elton [John] are very close. He and–you know, Harry Styles. I think he’s got–I think he’s very very excited by young creative people.”
—Taron Egerton about Harry Styles and Elton John (x) 052519
052316 // Because it's Monday once again, corporate attire for today. Medyo wala pa akong natatanggap na emails kaya nakakapagchill pa ko. Iba rin talaga sa pakiramdam kapag kumportable ka sa sinusuot mong damit. Pansin ko rin na medyo pumuputi na ko. Hahahahahaha! What? Buong araw ba naman na nasa loob lang ako ng opisina na naka-aircon. Natatamaan lang ata ako ng araw paglabas ko ng bahay papuntang office tapos buong araw, nasa loob lang ako. Pag labas ko naman ng opisina, wala ng araw. What a productive life huh?
052416 // Ilang araw ng umuulan kaya yung mga labahan ko, lalo na ang mga uniform ko, basang-basa pa rin. Napilitan tuloy akong magsout ng ibang damit. Di naman strikto sa office pero naweweirduhan kasi ako pag ako lang yung iba ang kulay ng sinusuot. Para bang ako ang center of attraction.
052516 // Bakit. Ang. Bilis. Ng. Oras? Miyerkules na!?! At eto, sobrang dami kong natatanggap na aplikante pero tinatamad talaga akong kumilos. Gusto ko ng lang magbasa ng magbasa. Kaya eto, patago akong nagbabasa ng wattpad. Hays.
052616 // Natapos ko ng basahin yung binabasa ko sa Wattpad. Curious kasi ako sa mga storyang sinusulat ni Jonaxx kaya ayun. Okay naman yung stories niya. Medyo typical nang nagyayari o sinusulat yung genre niya pero kung pagbabasihan sa mga kabataan na halos/puro kilig ang inaatupag ngayon (hehe opinyon lang naman), pasok na pasok sa panlasa ng mga "teens" ang storya niya kahit medyo may mga SPG contents.
052716 // Pagkauwi ko galing trabaho, napansin kong may stage malapit sa chapel ng barangay namin. Di ako sigurado kung may activity sa gabi pero nah, di pa rin naman ako manunuod. Kinuha ng pinsan ko ang electric fan nila sa bahay namin kaya tiis-tiis na naman kami sa sobrang init. Doon kasi sila matutulog sa bagong bahay. Naninibago na naman ako na walang electric fan sa kwarto. Tiis-tiis na lang, uuwi na sina Auntie Carol next month. Magpapabili talaga ako ng electric fan.
052816 // Fiesta ng barangay namin kaya medyo busy ang mga tao pero, papasok pa rin ako ng trabaho. Nung maliligo na sana ako, pinakiusapan ako ng nanay ko na umabsent na lang dahil magpapablessing ang pinsan ko sa bagong bahay nila. I'm so torn! Ayaw kong umabsent dahil puro ako absent last, last week. Titext ko na sana ang senior namin pero nahihiya ako. Nagcompose ako ng message sa Skype pero binura ko lang din. Ang ending tuloy, di ako nakapagpaalam ng maayos.
Nagvolunteer akong maghugas ng pinagkainan ng lahat. Wala rin kasi akong ginagawa. Gusto ko lang din madistract sa mga pinag-iisip ko. Tanginang Kres yan. Hayy. Napainom tuloy ako ng wala sa oras. Nakakamiss rin pala ang alcohol huh.
052916 // Laking tuwa ko nang sinaniban ako ng kasipagan. Shet. Hahahaha! Naglaba ako ng mga uniform ko na madalas kong ginagawa tuwing Lunes ng umaga bago ako pumasok sa trabaho. Pagkatapos kong maglaba, naligo ako tapos binisita namin si tatay sa sementeryo. Ilang araw ko ng iniinda yung lungkot na nararamdaman ko, tapos nadagdagan na naman nang binisita namin si tatay. Miss na miss ko na siya. Nalungkot pa ko lalo nang mapagpasyahan ni nanay na umuwi na kami. Ang bilis! Kung pwede nga lang tumambay pa ako ng mas matagal, okay lang eh. Gustong-gusto ko ng talagang iblog dito yung tungkol kay nanay pero umaasa pa rin ako ng pagbabago.
053016 // Wala akong ganang magtrabaho pero kailangan. Gusto ko lang matulog o magmukmok sa kwarto pero kailangan kong kumayod dahil wala na akong pera. Eto na naman ako sa pag-iisip kung anong ginagawa ko sa buhay ko. Dahil di nga ako pumasok nung Sabado, medyo nasurpresa ako na wala akong masyadong natanggap na emails. Buti na rin yun. Tinatamad pa naman ako.
053116 // How I ended my last day of May? PRODUCTIVE! Oh di ba? Weather-weather lang din naman ang katamaran ko kaya sinipag ako ng bongga. Pero ang totoo, gusto ko lang madistract sa mga pumapasok sa isip ko. Pagod na akong malungkot. Kaya kesa matalo pa ako sa nararamdaman ko, binuhos ko ang oras ko sa trabaho. Sana araw-araw ganito. Pag may free time ako, nagbabasa lang ako. Sa wakas, June na kinabukasan. Malapit ng umuwi ang mga taga Amerika! Chocolates!!!!
RESTART
I want to restart my life and making a new blog is the only way i see to have a new place to settle in.
I am going to transfer some of the stuff i posted on my first blog. But only those i made since January. I am tryin to manage my blog as possible as i can like putting BGM. But it won’t be that easy because PC at home isn’t working besides i am having a hard time dealing with my own schedule.
And as much as possible, i will avoid reblogging pictures and articles. I want my blog to look like as if it is my personal journal, walking diary and secret keeper.
Hopefully, this will get any better.
Today is the wrong one
You've changed. No, now I know who you really are. I think I was right from the start. 💔
imnotmadimjustidontknow