Blog 4 - 100%
Masasabi pa ba natin na ang ating mga kultura at tradisyon ay purong atin?
Ang ating kultura sa Pilipinas ay matatawag na cultural hybrid dahil sa ating pag tanggap at pagkonsumo sa kultura ng iba't ibang mga bansa dahil sa globalisasyon.
Ang globalisasyon sa madaling salita ay ang integrasyon ng mga nation/bansa kung saan nagpapalitan sila ng kanilang mga pananaw, produkto, ideya at iba pa.
Ang ang ating bansang Pilipinas ay nacolonize noong 1521 at sila ay nag tagal ng mahigit 300 years, dahil sa maagang pag colonize sa atin hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na i-explore, alamin at palaganapin ang sarili nating mga kultura. Kaya mula 1521 ay hindi na purong Pinoy culture ang meron tayo.
Ngayon ba? Sa ating mga pang araw araw na gawain at mga pag konsumo na ginagawa alin ang ating maituturing na "atin".
Ngayong lockdown ay napapadalas ang ating pag papadeliver mula sa mga fast food restaurants ngunit ang konsepto ng 'fast food' ay hindi mula sa atin.
Nahilig ka na din ba sa panonood ng kdrama? Cdrama? o kaya naman ay mga series mula sa ibang bansa. Yan ay maituturing na parte ng globalisasyon.
Pati ang pagpili natin ng damit ay naiiba din ayon sa nakikita natin mula sa mga paborito nating celebrities na kanila din namang nakuha mula sa iba.
Hindi ko madedeny na katulad niyo ay naapektuhan din ng globalisasyon ang aking mga personal choices sa buhay tulad ng mga kanta na pinapakinggan ko pati na rin ang mga pagkain na gusto kong kainin in the future.
Pero meron pa din naman tayong mga katangian na hindi maaalis satin bilang mga Pilipino at ito ay ang ating pagiging magalang sa mga nakatatanda. Tayo ay nag sasabi ng 'po' at 'opo' at nagmamano.
Isa din na aking napansin sa mga Pilipino ay wala satin ang konsepto ng 'moving out' di tulad ng ibang bansa na umaalis na ng bahay pag nag 18 yrs old na, tayo ay nananatili sa bahay ng ating mga magulang hanggang sa tayo ay magkaroon ng trabaho. Kahit na magbago ang ating mga personal choices dahil sa globalisasyon mayroon pa din talaga na hinding hindi magbabago at ito ay ang pagiging Pilipino natin.
Minsan ba ay naiisip niyo na kung pano kaya ang ating mga nakasanayan, kultura at mga tradisyon kung hindi tayo naaapektuhan ng globalisayon?
Nabanggit ko kanina na tayo ay maagang nasakop at hindi nag karoon ng pagkakataon na i-explore ang ating mga kultura at tradisyon. Naisip ko pano kaya kung katulad tayo ng Thailand na hindi nabago o naapektuhan ang kanilang mga tradisyon at kultura.
Panigurado ay mas madami pa tayong malalaman tungkol sa ating mga diyos at diyosa pati na rin ang mga kwento na nasunog ay ating malalaman.
Ano kaya ang magiging relihiyon natin? Actually baka nga wala tayong magiging relihiyon kung hindi tayo maeempluwensiyahan ng globalisasyon.
Siguro ay makikita natin ang mga diverse na kasuotan na maituturing natin na may purong impluwensya ng mga Pilipino. Ano kaya ang magiging itsura ng mga buildings at bahay natin?
Ang ating lenggwahe at alphabet ay paniguradong iba sa ating ginagamit ngayon. Iba rin ang ating mga tugtog o musika.
Ngayon na iniisip ko na talaga kung anong magiging itsura ng Pilipinas kung hindi tayo naimpluwensiyahan napapasabi na lang ako ng 'sayang'kasi ngayon hanggang imagine na lang.
Ikaw ba? May naiisip ka pa ba na 100% filipino sa iyong mga personal choices?













