GLOBALISASYON
PANIMULA
Ang Blog na ito tungkol sa Globalisasyon na aking gustong ibahagi sa ating nararanasang suliranin tungkol dito. Nais ko ring ibahagi ang aking opinyon tungkol dito. Isang hamon sa ating ekonomiya ang globalisasyon dahil na rin ito sa pagbabagong dulot ng teknolohiya, mga kultura at pangkahalatang pamamaraan ng pamumuhay. Ang Globalisasyon ba ay may mabuting madudulot sa atin o ito’y sagabal lamang sa ating pagunlad?
SULIRANING PANG-EKONOMIYA
Ang Globalisasyon ay isang proseso ng interksyon at paguugnay ng mga pamahalaan, negosyo, kompanya, at mga tao sa magkakaibang bansa. Dahil sa paglaganap ng mabagong teknolohiya mas napapadali ang paguugnayan ng bawat panig ng iba’t ibang bansa. Ang salik at dahilan ng pagusbong nito ay tungkol sa ekonomiya, politikal, at kultural. Ang ekonomikang globalisasyon ay ang pagusbong ng pangkalakalan o pangkabuhayan ng isang bansa.Sa paglipas ng panahon, nagsilabasan ang malalaking korporasyon na hindi lamang sa pinanggalingang lugar may operasyon, kundi, tumatakbo rin ang kanilang mga negosyo sa labas ng kanilang bansa. Dahil dito, mas lalong lumago o mas lalong nakilala ang mga lokal na produksiyon. Ngunit maaaring maging epekto nito ay maging dahilan ng kahirapan dulot ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap, paglala ng problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito. Ang globalisayong politikal ay ang mabilis na ugnayan sa pagitan ng magka-ibang bansa. Ito rin ay nangangahulugang pagbubuo ng isang pandaigdigang samahan kung saan nagkakaroon ng sistematikong ugnayan ang mga bansa. Ngunit maaring maging epekto nito ay ang panghihimasok ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalan at ang paglaganap ng terorismo sa ating bansa. Ang globalisasyong kultural ay tumutukoy sa mabilisang pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba na may kinalaman sa interaksyon ng mga tao. Naapektuhan nito ang gawi at nakasanayan ng mga tao sa isang partikular na lugar sapagkat naiimpluwensyahan tayo ng ibang kultura nito.
PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS
Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, Ang Transnational Companies ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).
Ang Multinational Companies ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Shell, at iba pa. Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman ng nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsamasamang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig.
KONKLUSYON
Ang impluwensiya ng Globalisasyon sa buhay ng tao ay nagdala ng mga pagbabagong nagpapabuit sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit ito ay may kalakip na suliraning dapat nating tugunan bilang tao. Pagbabagong dala dulot ng Globalisayon ay mayroong masamang epekto at mabuting epekto ang globalisasyon sa ating bansa. Ang magandang epekto nito ay nagkakaroon tayo ng mura at mabilis na komunikasyon at transportasyon, at nabibigyan tayo ng serbisyo ng mga dayuhan sa kanilang kompanya. Ang masamang epekto naman nito ay unti-unti tayong binabago nito, ang ating kasanayan at kultura at napapaligiran na tayo ng mga siyudad o lungsod at mga pabrika.
SOLUSYON
Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti nang nagiging isang malaking nayon.Upang masulusyunan ito ay ating muling mahalin ang ating kultura, bawat bansa ay may iba’t ibang paniniwala at kultura kung kaya’t ating mahalin ito dahil tayo na lamang ang mabibigay halaga sa ating mga ninuno at siyang magbubuklod at gumagabay sa ating mga pilipino. Ito rin ay nagpapakita na mayroon tayong pinagmulan sa bagay at nakagawing gawain. Tangkilingin ang ating sariling produkto, dahil makatulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa para maipapakita ang pagmamahal natin sa ating bansa. at pangangalagan ang ating kalikasan dahil bilang isang mamayanan gusto kong pangalagaan ang ating kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga pangangailangan. Ang pagkakaroon ng lungsod at pabrika ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ating kalikasan kung kaya’t kahit sa simpleng pagtatanim ay makakatulong upang hindi masira ang ating kapaligiran.
“MAHALIN NATIN ANG ATING SARILING ATIN.”
















