Blog 6: Gender Roles
➳ Ano ang ibig-sabihin ng gender roles?
Ang gender roles ay ang mga pamantayan na tinanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito rin ay matatawag na mga stereotypes. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan.
Halimbawa:
Noong panahon ng mga Espanyol ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin at konserbatibo hindi tulad ngayon na may karapatan na din mag trabaho at magkaroon ng mataas na posisyon ang mga kababaihan.
➳ Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
o Media
Aking naalala ang isang commercial ng Jollibee tungkol sa pag ibig na noong una ay iisipin mong pag iibigan ng dalawang tao ngunit pinakita sa commercial na ito ang paglaban sa stereotypes sa mga kababaihan tulad ng hindi pagiging maalam sa pag kukumpuni ng sasakya at pag kukumpuni sa bahay.
Madalas nating makita na kapag commercial ito tungkol sa construction materials ay puro lalake ganun din pag dating sa commercial ng kape. Lahat ito ay nagpapakita ng malakas at maasahan na imahe para sa mga kalalakihan.
o Edukasyon
Ang mga kababaihan noong ay walang pagkakataon na makapag aral dahil noon ang mga kababaihan ay para sa bahay at simbahan lang daw ngunit buti na lang ay nagbago ito at nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na mag aral.
Sa sector ng edukasyon ngayon mayroong stereotype na ang mga guro sa mga tinuturing na madadaling mga asignatura ay mga kababaihan at kapag naman daw sa mahihirap na subject ang mga guro daw ay dapat kalalakihan. Nabigyan man ng pagkakataon mag trabaho at mag aral ang parehong kababaihan at kalalakihan mayroon pa ding hindi pagkapantay pantay.
o Trabaho
Ating masasabi sa panahon natin ngayon na mayroon ng pagkakataon ang mga kababaihan ngayon kaysa sa mga kababaihan ngayon ngunit hindi pa din nawawala ang mababa nilang pagtingin sa mga kababaihan. Ito ay isang bagay na kahit isang sikat na tao tulad ni Taylor Swift ay nakararanas nito. "There's a different vocabulary for men and women in the music industry. A man does something, it's strategic. A woman does something, it's calculated. A man is allowed to react, a woman can only react." sabi ni Taylor Swift sa isang interview sa CBS Sunday Morning, sa tingin ko ang mga salitang ito ay maia-apply din kung paano ipresenta ng media ang mga kababaihan.
Ang mga kababaihan ay mayroong gender role na dapat daw ay nasa bahay lamang upang mag alaga sa mga bata o kaya naman ay maging kasambahay kaya ang iba ay nagugulat kapag sila ay may nakikitang kababaihan na mayroong negosyo o nasa malaking kampanya.
Sa mga kalalakihan naman, sila ay may gender role na sila dapat ang nagtatrabaho at kumikita para sa pamilya at kapag ang kaniyang babaeng kabiyak ang siyang nagtatrabaho at kumikita sa pamilya ay kanilang kinukutya ang lalaki dahil lalaki daw ang dapat na gumawa ng mga bagay na iyon. Sa tingin ko din ay may pressure sa mga kalalakihan na mag karoon ng malaking sweldo na dala din naman ng impluwensiya ng gender roles.
o Pamilya
Sa pamilya ay may kaniya kaniyang gender roles ang kababaihan at kalalakihan. Ang mga kalalakihan daw ang dapat gumawa ng mabibigat na gawain tulad ng pagkukumpuni ng mga gamit sa bahay at pagbubuhat ng mga gamit. Sila din dapat ang nagtatrabaho para sa pamilya. Samantala ang mga kababaihan daw ay dapat nasa bahay lamang upang mag alaga ng mga anak, magluto at gumawa ng gawaing bahay.
o Lipunan
Kahit na madaming panahon na ang lumipas ang paniniwala ng ating lipunan sa gender roles ay hindi pa din nag iiba, para sa lipunan ang mga kababaihan ay dapat mahinhin, konserbatibo at mala-maria clara. Para sa kanila ang mga kalalakihan ay dapat makikisig, matatapang at malalaki ang pangangatawan. Nakakalungkot isipin ngunit ito ang kanilang batayan sa pagkilala kung ikaw ba ay "tunay" na lalaki o babae
➳ Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Dahil sa mga stereotypes na mayroon ang ating lipunan madalas akong pagsabihan ng mga nakatatanda sa akin kapag kanilang napapansin na wala ako dun sa gender stereotypes o ako ay naiiba dahil din dito ay naapektuhan ang aking mga paniniwala kung paano ba dapat kumilos ang isang babae at lalake.













