3.. 2..1! Happy birthday! :>
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Poland
seen from Slovenia
seen from Italy

seen from Sweden
seen from United Kingdom

seen from Slovenia
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Slovenia

seen from Slovenia
seen from China

seen from Slovenia

seen from Slovenia
seen from United Kingdom

seen from Slovenia

seen from Germany
3.. 2..1! Happy birthday! :>
Dahilan ng aking pananamit.
Friend: Nakwento ko na ba sa'yo?
Me: Malamang hindi pa.
Friend: Naiinis sila sa'yo dahil sa pananamit mo
Me: Ha?
Friend: Sinasabi nila dati, bakit daw lagi kang ganyan manamit. Para daw laging may okasyon.
Me: HALA RIN.
Friend's friends overhearing said conversation: Grabe! Insecure.
Me: Well, all I can say is I believe there is an occasion everyday because everyday is a blessing. Thank You Lord. Bow.
Friend's friends: Yehey!
Friend: Baliw!
I had a freaking horrible day. I'm gonna stay in my room and watch New Girl tonight with my mom's cooking.
Good night to the rest of the world. Hoping for a beautiful weekend. I already have my Sambuhay. Will be reading God's word and practicing for my serve while tying not to cry my guts out.
Pinagkunwari kaming presidente ng aming instructor sa Retorika at pinagawa kami ng State of The Nation Address
[Disclaimer: This is no serious matter and we do not mean to offend anyone] Sa totoo lang, ayoko maging presidente ng Pilipnas, Gusto ko monarkiya e. :))) Anyway. Don't laugh. I seriously do not why I did this. State of the Nation Address of Her Excellency Mariz R. Ponti President of the Philippines To the Congress of the Philippines [Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2047] Senate President Hariet Solamo; Speaker Cedric Ilarina; Bise Presidente Alfredo Tuason; Chief Justice Monica Fabro at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kasama kong nanunungkulan sa bansang Pilipinas, At sa aking mga minamahal na kababayan: Ilang buwan mula ngayon, isang bagong presidente ang inyong ihahalal. Bababa ako mula sa pagkapangulo at muling maninirahan sa aming bahay kasama ang aking pamilya. Mamumuhay ako bilang isang normal na mamamayan ngunit iiwan ko ang isang pamana, isang daanan patungo sa mas maliwanag na bukas. Limang taon na ang lumipas mula ng tumayo ako sa inyong harapan at sinabing iaangat ko ang bansang Pilipinas. Nais kong samahan ninyo akong balikan ang kalagayan ng ating bansa limang taon na ang nakararaan. Ang bansang Pilipinas ay tunay na mayaman at sa aking pangunguna, higit pa natin itong pinagyaman. Maraming Pilipino ang naipadala sa ibang bansa. Doon sila nagtrabaho at nakipagsapalaran ngunit ngayon, ang Pilpino ay hindi na pumupunta sa ibang bansa para maging katulong o kaya taga-alaga ng mga dayuhan, higit sa lahat, hindi bilang drug mule. Sila ay mga guro, inhinyero at mga propesyonal na nagtatrabaho ayon sa tinapos nila. Karamihan sakanila, mga mananayaw, mang-aawit, manunulat. Sila ay mahuhusay na indibidwal na umaalis ng Pilipinas hindi para magpaalipin sa mga dayuhan kundi para ipagmalaki ang galing ng Pilipino. Bago pa man ako maupo sa pwesto, nakilala ang Pilipinas bilang bansa ng mga domestic helpers. Malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang na naghirap sa ibang bansa para kumita ng pera. Ako rin ay anak ng isang OFW. Bilang isang batang nalayo sa aking ama para kami ay makapag-aral at makakain sa araw araw, natutuhan kong ang Pilipino ay nararapat sa mas magandang sitwasyon. Nararapat sa mga Pilipino ang respeto at pagpapahalaga at iyan ang ninais kong makamit noong ako ay umupo sa pagkapangulo. Maraming pangulo ang sumubok na baguhin ito at ikinatutuwa kong sabihin na tuluyan na nating nabago ito. Ngayon, wala ng Pilipinong minamaltrato sa ibang bansa. Walang Pilipinong nagtatrabaho ang hindi pinapasahod ng maayos dahil pinagbuti natin ang ating pakikipag-ugnayan sa mga bansa. Agad nating sinasaklolohan ang Pilipinong ginawan ng mali at pinapanagot ang dapat managot. Bawat Pilipino ay may kakampi sa loob o labas man ng Pilipinas. Naging aktibo rin tayo sa paniniguradong bawat Pilipino ay may trabaho. Sa aking panunungkulan, naging malaki ang pagbaba ng unemployment rate. Sinikap din natin na lahat ng Pilipinong manggagawa ay tumatanggap ng sapat na benepisyo. Bawat Pilipino, kumpleto ang benefits na tinantanggap. Ang Pilipinong magkakasakit ay may PhilHealth card na maaring gamitin. Pinadali rin natin ang pagkuha ng loan ng mga Pag-ibig members, pabahay o man o para sa mga biglaang pangangailangan. Sa isang poll na ating ginawa, maraming Pilipino ang hindi na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil iyan sa patuloy na pagganda ng buhay sa ating bansa. Ngayon, ang Pilipino ay nakilala sa ibang bansa dahil sa pagsikat ng maraming Pilipino sa larangan ng pagkanta, pag-arte, pagsasayaw. Naging prayoridad ng ating administrasyon ang pondohan ang ating kultura at mga talentadong mamamayan. Ang pagkapanalo ng ilang gold medals at maraming silver medals ng Team Philippines noong nakaraang Olympic games ay bunga n gating pagpondo at pagsuporta sa ating mga manlalaro. Hindi matatawaran ang galing ng Pilipino. Dahil dito, inatasan ko ang DepEd na siguraduhing ang mga magagaling na manlalaro at mananayaw sa ating mga paaralan ay matutukan at mabigyan pansin. Ang karangalang inuwi ng mga manlalaro mula Olympics ay patunay na kahit kailang hindi sayang ang pera sa kabataan. Nagbigay importansya rin tayo sa ating mga iskolar. Sa aking pamumuno, tuluyan nating naisakatuparan ang nakasaad sa ating saligang batas. Ang pinakamalaking bahagdan ng ating pondo ay sa edukasyon ng ating bansa napupunta. Marami man ang bumatiko sa aking paninindigan, kahit kailan, hinding hindi ko panghihinayangan ang pagbibigay ng malaking pondo sa ating State Universities and Colleges. Naniniwala ako na ang dekalidad na edukasyon ang magiging sandata ng kabataan upang maiahon ang sarili sa hirap. Ang mga mag-aaral na ating nabibigyan ng pagkakataon ay ang parehas na kabataang magiging mabuting mamamayan. Ang 5.6 Billion na pondong tinatanggap ng ating SUCs ay ginamit para pagandahin ang mga paaralan at bigyan ang mag-aaral ng kanilang mga pangangailangan para matuto. We showed the world what we are capable of and the world responded with applause and most importantly, with respect. Hindi rin natin nakalimutan ang ating kalikasan. Nagtagumpay ang pagrestore natin sa isla ng Boracay. Ngayon, malinis na muli ang isla kaya naman tumaas ang turismo sa isla ng 21%. Layunin natin na bago matapos ang taon, maitaas sa 40% ang turismo ng bansa. Sa nakaraang taon, on going ang development ng mga natural beaches sa Ilocos, Palawan at Batangas kaya’t siguradong dadagsain ang mga lugar na ito ng mga turista. Huwag tayo maging dayuhan sa ating bansa. Kayraming dayuhan ang nagsasabing maganda ang Pilipina kaya bago natin ikutin ang mundo, dito muna sa ating bansa tuklasin ang magagandang lugar. Ipagkalat natin kung gaano kaganda at kayaman ang ating bansa. Sa unang buwan din ng taong ito, nahuli ang mga illegal loggers sa bulubundukin ng Sierra Madres. Ang patuloy na pagputol ng puno sa mga bundok ay maaring ikapahamak ng mga tao kung magkaroroon ng landslide. Kailangan din natin panatilihin ang mga puno para magkaroon ng malinis na hangin. Sisiguraduhin ko pong mananagot ang mga nahuling illegal loggers. Magsilbi ho sanang babala ito para sa lahat ng walang pakialam sa ating kalikasan. Sa mga walang habas na nagkakalat sa ating mga kalsada, walang habas na nagtatapon sa ating mga ilog at walang habas na nagsasayang. Hindi ko ho papayagang abusuhin natin ang kalikasan. Para rin ho sa’tin ito. Sa katunayan, ang proyektong pagyamanin ang mga bukirin ng Pilipinas ay naging matagumpay. Sa ganda ng ani ngayon sa mga agricultural areas sa bansa, hindi na tayo mag-aangkat pa ng bigas. Bunga po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi at epektibong paggastos para sa irigasyon. Isang taon na ring naghahanap ng mga inobatibong paraan ang mga pinag-aral natin ng Agriculture limang taon na ang nakararaan. Malaking tulong ito sa ating bansa na simula’t simla pa ay agricultural na. Ang 30 labing anim na taong gulang na mga bata limang taon ang nakalilipas ay mga dalawampu’t isang taong gulang na at malaki ang naitutulong sa research at implementation ng pag tatanim at pag-aani. Bilang ikatlong babaeng pangulo, natural lamang na bigyan importansya ko ang karapatan at protekson ng mga kababaihan. Gusto ko magpasalamat sa House of Representatives sa pagpasa sa House Bill # 2147 na nagpabigat ng sa kaso ng rape at Violence against women. Gayun pa man, ako ay patas. Hindi lamang babae ang prayoridad ko. Kahit sino, basta Pilipino, may karapatan sa bansang ito. Kaya naman, ikinagagalak kong naipasa na ang House Bill #5878 or Laws against Bullying due to sexual orientation. Sa matagal na panahon, naging malaking debate ang moralidad ng mga kapatid natin sa LGBT community. Maraming umaaktong tanggap nila ito ngunit sa katotohanan hindi pa rin natin matanggap na ang kasarian ng isang tao ay hindi ang magdidikta ng buhay, ugali o kapalaran niya. Ngayon, ang hindi pagtanggap sa isang aplikante sa trabaho ay matatawag na diskriminasyon. Ang pagtawag ng mga pangalang nakasasakit ay maituturing din paglabag sa batas na ito. Ang bawat tao, lalaki man o babae, bakla o tomboy, ay may karapatan respetuhin. Ang ating militar at kapulisan ay nabigyan din ng tulong. Nagkaroon ng isang malawakang audit para malaman kung may pagkukulang sa kagamitan. Pinalitan namin ang mga depektibo o hindi kaya ang kagamitan ay maasahang magagamit ng maayos sa oras ng pangangailagan. Higit riyan, isinaayos na ang mga Police Village sa halos bawat sulok ng bansa. Dito mura lang ang babayaran ng mga Pulis sa kanilang tinitirhang bahay. Malapit din ito sa mga police department para mas mapabilis ang kanilang pagresponde sa mga kaguluhan. Sa loob lamang po ng taong ito, sinabing ang ating kapulisan ay naging mas efficient sa pagsaklolo. Patunay lamang po ito na kung aalagaan natin ang ating kapwa Pilipino, tayo rin ang makikinabang. Nagpapasalamat ako sa mamamayang Pilipino na nagbabayad ng tamang buwis. Dahil sainyo, posible ang pag-unlad. Kayo ang bumili at nagbyad sa pagbabagong ating nararanasan. Ang lahat ng ito ay nararapat para sa Pilipino. Nanawagan ako sa mga tumatakas sa buwis na dapat bayaran. Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. Huwag po nating ipagkait sa ating bansa ang nararapat. Kung ipagkakait natin ang tamang buwis, wala na tayong ipinagkaiba pa sa mga opisyal ng gobyernong kinaiinisan at tinatawag nating buwaya. Sa loob ng limang taon, itinaas natin ang respeto sa Pilipinas ng mga mamamayan at ng dayuhan dahil naniniwala akong sa Pilipinas, dapat una ang Pilipino. Iyan ang mga salitang sinundan ng aking buhay. Laging una ang Pilipino. Ang huling limang taon ay ginugol ko para sa bayan kaya nais kong magpasalamat sa aking asawa at mga anak na hindi lamang ako sinuportahan kundi ay nakiisa rin sa aking layunin bilang mga tapat at marangal na mamamayan na maaring ipagmalaki ng ating bayan. Nagpapasalamat ako sa aking gabinete na kahit kailan hindi ako ipinahiya at patuloy na pinapatunayang tama ang pagpili ko sa kanila, salamat. Sa mga guro, nars, inhinyero, doktor, at iba pang mga propesyonal, salamat dahil kayong mga nagtitiis dito sa Pilipinas at handang magsilbi ang tunay na mga bayani. Ang Pilipinas ay para sa Pilipino. Salamat. Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyong mga kababayan ko dahil kayo’y nagtiwala at nakipagtulungan sa akin at sa pamahalaan sa lahat ng proyekto ngunit kahit ako ay pababa na sa pwesto, hindi ito nangangahulugang wala na akong gagawin. Patuloy pa ring nating itataas ang lahing Pilipino at ang Pilipinas. Tuloy pa rin ang proyekto para sa bayan. Sa katunayan, isinasaayos na ang ating budget para sa susunod na taon para masiguradong ang buwis na inyong binabayaran ay mapupunta sa inyo ring pangangailangan.vIpagpapatuloy natin ang proyekto para sa kalikasan, sa bayan, sa kababaihan, sa Pilipinas. Magiging aktibo rin tayo sa paniniguradong maayos at malinis ang halalan at ang mauupo ay ang inyong iniluklok sa pwesto. Ang respeto ng ibang bayan ay makakamit lamang natin kung tayo mismo ay may respeto sa bayan at sa kapwa. Pilipino, tigilan na natin ang panlalait sa mga kapwa Pilipino. Tanggalin natin sa ating mga sarili ang salitang “ako” at isipin ang salitang tayo. Isipin natin ang bayang Pilipinas. Taas noo, Pilipino. Ipagmalaki mo ang lahi mo.
It's so hard to go back from fantasy to reality when fantasy feels like reality and reality feels like a nightmare.
Good day. Hello, school work. All I want to do is lay on my bed. Blog a bit and fangirl over glee but..
Until Wednesday morning probably.
I'll be offline. We're going to a Youth Camp for 2 days. I'm gonna miss tumblr. I'll be back with lots of photos hopefully. I'll be going directly to a general assembly Tuesday night with the Ministry of Lectors straight from Caliraya Resort so.. enjoy my queued posts. God bless!
30 days before my birthday!
It's October 2 and by tomorrow, I'll be counting my last 30 days as a minor.
Good bye, childhood. Don't worry. I'll visit a LOT. :D
At the start of this year, I have set up some goals for myself. As I've always said, I've been through really rough times for the past years. I am very determined to bounce back so I pledged to myself that before I turn 18, my life would be better. I would be better.
With 30 days left, I kinda feel proud because I love my life right now. I really do. I don't spend days crying over what has been anymore because everything feels so right.
Well, not in school because everyday still sucks most of the time but the rest of my life is just oh-so-perfect. And part of that is because I just met so many wonderful people here in Tumblr. So stay beautiful and continue being a blessing. All the love.
BTW, today was my first time to serve at our Parish as a lector. Got a few compliments so I feel good about it. Hoping to do better next week. Yey.
Go buy the Candy October issue. If you look hard enough in the first few pages, you'll know why I love it.
Xo, Rizzi.
I wanted to blog
but I was too busy freaking out from the spoilers. My head is all GLEE GLEE GLEE GLEEE.
KLAINE. KLAINE KLAINE!