1 AM kilig thoughts
kasi hindi ko na alam kung paano ko tatapusin mga school works ko kaya pipiliin ko nalang na kiligin ako HAHAHA chos
so it happened…char haha kasi kaninaaa (February 15) nagulat nalang ako kasi yung kaklase ni Gil pumuntang room namin.
Napansin ko na talaga na pumasok si JC dun sa building namin pero wala akong pakielam kasi ano ba ang sakit na ng ulo ko dun sa lesson namin sa Statistics kasi ang bilis mag turo ni sir tas nakakalito talaga huhu tas ayon, 3:15 na nun so 5 minutes nalang, dismissal na. So walang katok katok, biglang sumilip si JC sa room tas nag sign sya sakin tas kabang kaba yung mukha nya “Ate BM, tapos na ba kayo?” medyo nag h-hesitate pa ako mag oo kasi medyo may pinapaliwanag pa si sir pero sabi ko oo HAHA kasi gusto ko na tumakas kasi suko na ako char hahaha tas ayun sabi ni JC “Si Gil kasi ayaw bumaba kanina pa sa classroom. Kanina pa kinakausap ni Ms” edi syempre ako naman ‘tong si nag aalala. So iniwan ko nalang basta gamit ko don tas sumunod sa kanya papunta sa building nila tas tinatanong ko si JC kung anong nangyari tas sabi nya hindi niya alam tas tinanong nya ako kung anong ginawa ko, sabi ko “hala di pa nga kami nag uusap nun ngayon” tas sabi ni JC “Hala baka yun yon” edi ako naman kinabahan kasi baka dinamdam nya yung like sign kong sagot sa I love you nya. Hahahaha. Tas pag akyat ko, ang daming camera napapaisip ako “ano to like wth” tas sabi nila may shooting daw sila ganern tas ako dire-diretso nalang sa room nila. Tas etong maarteng Gillean na to nasa room nila tas naka nap lang tas alalang alala ako kasi di nya ako tinitignan tas parang naiyak sya. Siguro mga 3 minutes ko sya tinatanong kung anong problema at anong nangyari. tas eto na huhu bigla syang tumayo tas naka ngiti sakin tas pumasok sa isip ko “Ano to, baliw ba to?” HAHAHA tas biglang dumating mga kaibigan nya may dalang 10 white roses haha parang sheeeeeeeeeeeeemay huhu ang arte ni gillean may pa ganon pa hahaha pero teka kinikilig talaga ako hahahaha tas ayon huhu wala lang ang sweet ng Gillean ko. Shemay i love you baby sobraaaaa kahit na ang arte talaga hahaha best actor HAHAHA









