Kapag List by Makatang Prangka
1st Entry
Kapalplastikan
Kapal
Kapag tinulungan masyadong nasasanay Kapag humingi parati at walang humpay Kapag makasumbat napakakupal at tibay Kapag sa pagiging plastik napaka husay.
Utang
Kapag siningil sadyang kinakalimutan Kapag nangailangan ay sunod-sunuran Kapag hindi nabigyan magsusumbatan Kapag umasta kala mo hindi natulungan.
Hudas
Kapag kaharap mo siya napakabuting tao Kapag nakatalikod ka puro paninira sayo Kapag may kailangan sayo napaka-amo Kapag wala ng pabor akala mo kung sino.
Garapal
Kapag sa social media payaman ang puta Kapag sa personal mandaraya sa ayuda Kapag sa usapang pera siya yung nauuna Kapag sa pakikipagkapwa tao sablay ka.
Sampal
Kapag nangopya napaka-among tupa Kapag walang kailangan napaka puta Kapag nagkwento tila tumatahol na tuta Kapag sa tsismisan kating-kati ang dila.
Tigas
Kapag tinulungan mo nagiging abusado Kapag napagbigyan ang bait nila sayo Kapag tiniis ng matuto sabihin damot mo Kapag napuno ka gagawan ka ng kwento.
Kunwari
Kapag kaharap mo panay papuri nila sayo Kapag sa likod mo puro inggit at paninira ito Kapag kinumpronta mo wala daw kwinento Kapag pinalagpas mo sinisira ka sa mga tao.
Budhi
Kapag tinuring na kapamilya tapos ginago ka Kapag niloko ka kahit pinakisamahan muna Kapag nagawa ka pang gawan ng masama Kapag likas na maitim budhi tigas ng mukha.
Inggit
Kapag mas nakakaangat ka sa kanya naiirita Kapag mas mataas ang nakuha mo galit siya Kapag may bago kang gamit gusto din niya Kapag may natanggap ka naiinggit agad sila.
Peke
Kapag nasa harap mo akala mo santo Kapag wala sa paningin mo demonyo Kapag kausap ka niya panay puri sayo Kapag sa ibang tao paninirang kwento.



















