The right time
Hello love, i am writing this message feb 7 2017. 5 months na simula noong maghiwalay tayo. Nareceive mo to dahil hindi tayo nagkabalikan na talaga in the whole 5 months. Sabi ko di na kita iistorbohin kaya nanahimik na ako. Sana hindi mo to mareceive on the date na masesend 'to. Kasi umaasa akong magkakabalikan tayo. Na marerealize mo na para tayo sa isa't isa. Na ako talaga yung taong matagal mo nang inaantay.
Love those days na hiniwalayan mo ko, sobrang sakit. Everyday im asking myself: what did i do wrong to deserve and to be treated like this? Pero sabi ko sa sarili ko ngayon araw na sinusulat ko to, siguro nga kailangan mo ng oras. Kailangan mo magfocus. Na ginawa mo yun bagay na iyon para sa future natin. Pero ang sakit mahal, kaya ko naman magantay. Pero di sa ganitong paraan, na nawala yung respeto.
Na nawala ka sa buhay ko.
Ang sakit ng sabihin mo na hindi ganun kalalim yung pagmamahal mo sakin. Na cinompare mo ko sa ex'es mo. Love, iba ako sa kanila. Alam ko nasaktan ka sa kanila, alam ko kung paano masaktan. Kaya hanggat kaya ko pinaglalaban ko yung pagmamahal ko sa iyo. Kahit na ayaw mo na. Dahil sabi mo masasaktan lang ako. Na wag ako umasang forever tayo. Na wag akong mahulog sa iyo.
Di ko pinaniwalaang di mo ko minahal ng lubos love. Sobrang thankful ko kasi nakilala kita. Kasi alam kong ikaw yung taong dapat minamahal at pinapahalagahan. Kaya kahit anong pagtaboy mo sinusubukan kong buo-in.
Love hindi ako sumuko, nagaantay pa rin ako. Kasi love, mahal na mahal kita. Tunay lahat ng ito. Alam kong balang araw pagtatagpuin tayo ng tadhana at you will be back in my life. To start anew, to be happy with each other's arms and to love and love and love.
Kung wala na talagang natitirang pagmamahal sayo para sa akin, always remember na nandito lang ako lagi. Patuloy kang mamahalin. Nagpapasalamat ako sa diyos na nagtagpo tayo. Na natutunan kitang mahalin. Na kung meron pang isang chance sa buhay ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kasi alam kong para talaga tayo sa isat isa.
Ngayon siguro sure na gagraduate ka na. Naenjoy mo na din yung oras na wala ako. Umaasa ako na maibalik lahat ng pagmamahal. Yung mga oras na pinagsamahan natin.
Mahal na mahal kita. I miss you so much mahal kong asawa.
P.S. sana totoo pa yung sinabi mo sa akin noon na mahal na mahal mo ako. Kasi ako mahal pa rin kita.















