"Hi Kuya," Malanding bati ng isang babae. Maganda naman siya kaso mukhang malandi.
"Teka, bakit po ganyan yung labi mo? Nakipag-away ka po ba?" Chismosa lang 'te?
"May na-encounter kasi akong gangster sa labas kanina,"
"Ay nako, bago ka palang na-meet mo na and worse, napagdiskitahan ka pa nila. They're the Top 10 gangster sa academy na 'to. Magkakamag-anak ang 5 dyan, habang kaibigan ang natitirang 5, hindi sila mapatalsik sa school dahil walang my balak magsumbong sa Main Office, at mayroon lang silang kaibigan na di kasama sa grupo nila," Nakatingin lang ako sa kanya habang nagke-kwento.
"Who's that?" pagkasabi ko.
"Si Elijah Luiz Canlas, bad boy yun, walang nagbabalak lumapit sa kanya, kahit si Angeli na bestfriend niya, minsan hindi sumama sa kanya kapag kasama niya ang sampu." Nagulat ako.... Si Jelo pala.
"Can you tell more about Elijah?" Kailangan ko 'to para sa dagdag info sa kanya.
"Uhm, Bad boy din siya dati pero hindi ganun kalupit, dati. His dad hired a guy na magpapabago sa kanya." Nabigla ako, nagawa na pala ito dati ni Mr. Canlas.
"Kumalat yon sa buong campus. Them, Mr. Elijah fell in love with the guy at ganun din si Tristan, yung lalaki kaso biglang nawala si Tristan... nabalitaang nagkasakit raw pero hindi pa alam ang totoo then Elijah became a bad boy, again."
"Ahh. Thanks," I smiled at dumating naman ang teacher namin.