Thoughts
Now I realize na ang hirap pala talaga maging babae.
Maging asawa o maging ina.
Kapag nasa bahay ka lang at di nakikitang lumalabas ng bahay, some will say na tamad ka. Sarap buhay. Kahit di nila alam kung may work ka kaya ka nasa loob lang ng bahay. After o during work gumagawa ka pa ng duties mo bilang asawa o sa mga gawaing bahay.
Pero kapag ang lalake may trabaho, di man sapat yung financial support, sa mata ng iba masipag at responsable na siyang tao.
Kahit di nila alam kung tumutulong ba yan sa gawain bahay, kung nabibigyan ba ng peace of mind yung asawa/partner, kung marunong ba dumiskarte yung lalake just to support the needs of the family.
Basta may work at nakita lang maski magtapon ng basura, masipag na.
Ngayon gets ko na kung bakit ang mga babae despite of being a housewife eh kailangan may work pa rin sila or may business sila.
Kasi dun sila nagiging masipag at responsable sa mata ng iba.
Pero syempre may masasabi pa rin ang iba, kesyo pabaya kang asawa o ina.
Bilang babae, ang hirap pala lumugar sa mundong to. Ang pait para sa mga babae. Tapos makasakto ka pa ng lalake na iresponsable, di ka pa mabigyan ng peace of mind. Di ka pa matulungan sa gawaing bahay. Di ka pa maappreciate sa mga ginagawa mo.
Nakakapagod. That's all I can say.










