Documentary
Audio
Video
Host: Ang paninigarilyo ang isa sa pinaka-popular na bisyo lalo na ng mga Pilipino. Bakit nga ba madalas ma-enganyo ang mga Pinoy sa paninigarilyo kahit sila’y estudyante pa lamang? Ako po si *insert name of host* at samahan niyo po ako sa dokumentaryong ito sa pagtuklas kung ano nga ba ang nag-uudyok sa mga estudyante upang manigarilyo.
Host on Cam
Chargen: Name of Host
OBB
Host: Smoking, isa sa karaniwang bisyo ng mga Pilipino na madalas na makikita sa labas ng UST. Hindi lamang mga estudyante ang may bisyo nito kung hindi pati na rin ang mga propesor ng unibersidad. Ayon sa New Oxford American Dictionary, smoking is inhaling and exhaling the smoke of a tobacco or a drug. Ang tobacco ay karaniwang gawa sa nicotine. Kahit pa nagpalabas na ang gobyerno ng karagdagang patong sa presyo ng mga sigarilyo at patuloy na naglalagay ng mga warning signs sa paligid ukol sa negatibong epekto ng paninigarilyo ay patuloy na nadaragdagan pa rin ang bilang ng mga gumagamit ng yosi.
Ang Antonio St. sa may Dapitan ang karinawan at isa sa popular na pinupuntahan ng mga estudyante ng UST upang makapanigarilyo. Si "Matt", hindi niya tunay na pangalan, inamin na nagsimula ang kanyang paninigarilyo dahil sa impluwensiya ng kanyang mga kaibigan. Sinubukan niya ito ng isang beses hanggang sa ito na ay naging kanyang bisyo. Ayon sa kanya, alam niya ang masamang epekto na maidudulot ng paninigarilyo ngunit sa kanyang tingin ay ang paninigarilyo ay isang gawain ng isa nang “mature” na tao tulad niya. Alam niya sa kanyang sarili na siya ang may responsibilidad sa kanyang sariling katawan at hindi siya umaasa sa libre o hindi siya madalas humingi ng isang “stick” sa iba sapagkat alam niya na bisyo ito at hindi inaasa sa iba. Sa kabilang dako naman, si Bern, isa ring mag-aaral ng UST, ay hindi sumasang-ayon sa pagyo-yosi ng mga estudyante. Para sa kanya ang pagyo-yosi ay di lamang nakasasama sa iyong kalusugan ngunit pati nakaka-apekto rin ito ng negatibo sa iba. Maliban sa madalas na pag-iwan ng mga kalat ng mga nagamit na sticks ng mga smokers sa kalsada ay nagdudulot pa sila ng 2nd hand smoking sa mga nakakasama o dumaraan na non-smokers sa paligid. Kahit pa ito ang kanyang opinion ay alam niya sa kanyang sarili na hindi na rin maiiwasan o maaring hindi na mabawasan ang mga smokers sa paligid.
Host on Cam
GFX (on video): Definition of Smoking
Sitners: People Smoking
Shot of Antonio Street
Blurred Shot of Interviewee 1
Re-enactment Video
Sitners: Interviewee 1 smoking, hanging out with friends, etc.
Interviewee 2 on Cam
Host on Cam
Sitners: People throwing cigarettes and people smoking outside
Host on Cam
Bern Interview
Host: Nagtanung-tanong ako sa mga tao kung ano ang mga dahilan nila kung bakit sila nagsimula mag-smoke. Ang mga karinawang sagot nila ay: impluwensiya ng kaibigan, sinubukan lamang, o di naman kaya ay nakikita nila ito sa mga nakatatanda. Maari rin natin maisama rito ang impluwensiya ng media na nagpapakita na walang mali sa paninigarilyo lalo na sa mga pelikula at drama sa telebisyon.
Ang paninigarilyo ay isang bisyo na maaring sa iba ay mahirap nang iwasan ngunit ating laging pakatandaan na dapat panatilihin pa rin nating malusog an gating katawan at maari pa rin tayo maghanap ng alternatibong Gawain upang maiwasan natin ito.
Muli ako si *insert name of host* at nawa’y nakatulong ang dokumentaryong ito upang maliwanagan ang ating isip ukol sa isyo ng paninigarilyo.
Sitners: Random people walking, hanging out, etc.
Host on Cam
Sitners: Random people doing non-smoking activities
Host on Cam
Chargen: Name of Host












